Hindi mapigilan ni Alejandra ang mapangiti, isang manipis at malamig na ngiti, habang nakaupo sa kama. Sa harap niya, bukas ang laptop, nakatutok sa live feed mula sa opisina ni Papa Rocky. Makikita sa screen ang magulong pagtatalo ng pamilya, si Leticia, si Rocky, si Raquel, at si Hugo habang pinapanood nila ang video na lihim niyang ipinadala. Kitang-kita niya kung paano nagagalit si Leticia, halatang galit na galit sa asawa at sa dalawa pang kasama. Parang nag-aalab ang bawat galaw, bawat sigaw. Walang kaalam-alam ang lahat na may hidden camera na siya mismo ang nag-install sa opisina ni Rocky. Hindi isang ordinaryong camera, isang mini, wireless device na nakakonekta sa internet at may live streaming feature, na kayang ipadala ang feed sa kanyang personal na server. Sa bawat galaw ng

