“Bianca, pagod na pagod na akong maglakad,” reklamo ni Bernadette habang hila-hila niya papunta sa isang jewelry store. “Last na ito. Bibilhin ko lang ang kuwintas na gusto ko,” sabi niya. “Inikot na natin ang buong mall, dito rin pala tayo babalik. Sabi ko naman sa iyo kanina na bilhin mo na.” “Kasalanan ko ba kung gusto kong makamura?” Napakamahal ng kuwintas na natipuhan niya. Tinitipid niya ang kanyang pera dahil mahal na ang damit na nabili niya. Baka wala nang matira pa sa ipon niya. “Dear, hindi tinitipid ang pag-ibig. Kung gusto mo talagang mapansin ka ni Luke sa party, hindi ka manghihinayang sa pera.” “Heto na nga. Bibilhin na,” sabi niya. Pagkatapos ng labindalawang taon ay babalik na ang mga Lianzares galing sa Australia. Pansamantalang nanirahan ang pamilya nito doon

