Ilang beses tiningnan ni Bianca ang sarili sa side mirror ng kotse bago bumaba. Ihinimpil niya iyon ilan daang metro mula sa villa ng mga Lianzares. Matapos matiyak na maganda siya ay saka siya bumaba ng sasakyan bitbit ang kahon ng cake. Dahan-dahan siyang lumapit kay Nana Bertha na abala sa pagbubungkal ng lupa sa mga halamang rosas. “Good morning, Nana Bertha!” bati niya. “Bianca, mabuti at napadalaw ka.” “Kasi po naisip kong dalhan kayo ng cake. Ako po ang nag-bake.” Nagkandahaba ang leeg niya sa pagsipat sa villa. “Nariyan po ba si Luke?” Umiling ito. “Wala si Luke. May inasikaso sa bayan. Pero nariyan sa may pool si Brant. Kung gusto mo ay puntahan mo siya at papasok na ako sa loob para ipaghanda ka ng miryenda. Ako na ang magdadala niyan,” tukoy nito sa cake. “Ako na lang p

