Parehong nagulat sina Brant at Bianca sa paglapit ng babae. Nakaawang pa ang labi ni Brant habang nakatitig dito. Sino ba naman ang hindi matutulala? Ang suot ng babae ay red blouse na plunging ang neckline. At walang kahihiyan nitong ipinaparada ang mayaman nitong dibdib. Lumabi ang babae nang hindi agad na-recognize ni Brant. “I’m Elise, remember? O nakalimutan mo na sa dami ng naging girlfriend mo?” may pagtatampong sabi nito. “Yeah, of course,” sabi ni Brant nang makaalala. “How can I forget such a lovely lady. Nanggaling ka sa Italy, right?” Naningkit ang mga mata niya habang pinapanood ang dalawa. Kasasabi lang kanina na walang ibang babaeng kumuha ng atensiyon nito kundi siya. Pagkatapos ay pakitaan lang ng cleavage, nakalimutan na siya. “Yeah, nauna pa akong dumating sa i

