CHAPTER 14

1270 Words
Chapter 14: Shorts “TARA na lang po,” pag-aaya ko kay Inang Yanel. Natutuwa naman ako na makita ko ulit si Leon pero parang nakararamdam ako nang pagtatampo. Kasi halatang matagal na siyang nasa isla at wala man lang pasabi. Iyong hindi man lang siya pumunta sa bahay ni Inang. Siguro nga ay hindi naman ako ang pinuntahan niya rito. Kasama niya ang pinsan niya. “Ay hindi mo ba lalapitan si Leon, hija?” umiling ako at nauna na akong naglakad papasok sa resort. Nagpalit ako ng damit, may sarili kasing uniporme ang trabahante sa resort na ito. Puting damit lang naman at puting pantalon at saka puti rin ang sumbrero namin. Pero nagtaka ako nang makita ko na puro maiikli na lamang ang nandito sa drawer. Ayokong magsuot ng maiikling pantalon. “May problema ba, Dainara?” tanong sa akin ni Lilian nang bigla na lamang siyang sumulpot. Isa rin siya sa trabahante rito. Mabait siya at madaling pakisamahan. Ako lang talaga ang umiiwas na mapalapit sa taga-rito. “Nasaan na ang mga pantalon dito, Lillian?” tanong ko sa kaniya. Kasi wala na talaga akong makita na pantalon dito. “Ah, aksidenteng natapunan kanina ng anak ko. Isuot mo na lang ang shorts diyan, Dainara. Ayos lang iyan.” Tama, may asawa’t anak na rin siya. Dalawang taon lang ang agawat ng edad namin. “Hindi ako komportable,” saad ko at napatitig pa ako roon. Halos kita na kasi ang kalahating hita ko kapag isusuot ko ito. “Sige na. Isuot mo na ’yan. Baka hanapin ka mamaya ni Inang Yanel,” giit niya. Ano pa nga ba ang magagawa ko kundi isuot ko ito? Dahil may katangkaran din ako ay maliit lang sa akin ang damit ko at tama nga ako na kitang-kita ang hita ko dahil sa ikli nito. Inayos ko na lang ang pagkakatali ng buhok. Nadatnan ko pa rin sa loob si Lilian. “Pakisuyo naman ako, Dainara,” utos niya nang makita niya ako. “Ano ’yon?” tanong ko at inayos ko ang pagkakabunotes ng aking damit. May suot din naman ako na sando sa loob pero gusto ko na sarado lahat ito. “Doon sa cottage number seven, nanghihingi sila ng bimpo. Puwede mo bang dalhin ito para sa akin? May mga kuwarto pa kasi ako na dapat linisin. Okay lang ba, Dainara?” Tumango ako. Maghahatid lang naman ako ng bimpo. Madali lang iyon. Madalas ay naglilinis din kasi ako lalo na kapag umuuwi na ang mga bisita sa resort. “Oo naman. Madali lang ito,” sagot ko at kinuha ko na sa kaniya ang nakatuping bimpo. “Sige, salamat.” Tinanguan ko lang siya at saka ako lumabas. Bawat cottage ay may numerong nakalagay at ibang-iba ang araw na ito dahil maraming bisita. Nagtungo na ako sa pupuntahan ko at mula sa sulok ng mga mata ko ay nakita ko ang pagpasok ni Leon sa isang cottage kasama pa rin niya ang pinsan niya. Mabilis man ang t***k ng puso ko dahil nakaramdam na ako ng dalawang pares ng matang nagmamasid sa akin. Isinawalang bahala ko na lamang iyon at nagpatuloy ako sa paglalakad. Tiningnan ko na rin ang mga taong nagpakuha ng bimpo at parang gusto ko na lang umatras dahil puro lalaki silang lahat. Mabibilang sa sampu. “Oy, nandiyan na ang pinapakuha mong bimpo, Justine,” narinig kong sabi ng lalaki at itinuro pa niya ako. Humarap sa akin ang tinatawag niyang Justine at napatingala pa ako sa tangkad niya. May hitsura naman na silang lahat pero hindi ako komportable sa presensiya nila. Lalo na hindi ko naman sila kilala. “Staff ka ba rito sa resort, Miss?” tanong nito at tumango lang ako saka ko ibinigay ang bimpo. Yumuko na ako para hindi na nila tingnan pa ang mukha ko. Nakuha ko na kasi ang lahat ng atensyon nila at isa iyon sa pinakaayaw ko. “Opo,” tipid kong sagot at higit kong itinaas ang bimpo na hawak ko para makuha na rin nila. “Lapit ka. Pakiabot—” Hindi nito natapos ang sasabihin niya nang may kumuha na ng bimpo kasabay nang paghila sa braso ko. “Tama ba namang paghintayin niyo siya? Aabutin niyo lang ang bimpo sa kaniya ay kailangan pa niyang lumapit?” Binundol nang kaba ang dibdib ko nang marinig ko ang boses ni Leon at nang mag-angat ako ng ulo ay nakita kong nasa hawak na nga ng lalaki ang bimpo. Masama ang tingin niya sa katabi ko at ang kamay nito ay nasa kaliwang balikat ko na. “And who are you?” malamig nitong tanong kay Leon. Nang balingan ko si Leon ay umigting lang ang panga niya. Hinila ko ang damit niya kaya napalingon siya. “Ano’ng ginagawa mo?” kunot-noong tanong ko. “Wala,” mariin na sagot niya at nang tumingin ulit siya sa mga lalaki ay hinila ko ulit ang damit niya. “Umalis na lang tayo, Leon,” pag-aaya ko sa kaniya at hindi naman siya nagmatigas. Agad na niya akong hinila palayo roon at kahit malayo na nga kami ay hindi pa rin niya ako pinakawalan. Dumiretso kami sa boardwalk at doon niya lang ako pinakawalan. Kaming dalawa lang ang nandito. Umupo siya sa dulo niyon. Bakit yata ang tahimik niya ngayon? “Babalik na lang ako sa resort,” paalam ko at hindi pa siya nakasagot ay tinalikuran ko na siya. “No, come here.” Napataas ang kilay ko sa sinabi niya kaya pumihit ako para tingnan siya. Nakatutok na rin ang atensyon niya. “May trabaho pa ako, Leon,” sabi ko at muli akong tumalikod. Naglalakad na ako nang bigla siyang humarang sa harapan ko. Nakasuksok ang isa niyang kamay sa bulsa ng pantalon niya at nakaputing t-shirt din siya. Dadaan sana ako sa kanang bahagi niya nang humarang din siya roon. “Iniiwasan mo ba ako, Dainara?” nakataas ang kilay na tanong niya. Napailing ako at lulusot sana ako sa kabila ng mga braso na niya ang gumapos sa baywang ko. “Leon.” Hinila niya lang ulit ako at isinakay sa speedboat. Hindi ako makatanggi dahil mapilit siya. Pinaandar niya ito sa malayo bago niya inihinto at hinarap na niya ako. Matagal pa niyang tinitigan ang mukha ko at napataas na ang kilay ko. “Bakit hindi mo ako pinapansin kanina?” ang tanong niya. Nagkibit-balikat ako at tumingin lang ako sa dagat. “Dainara.” “Ano?” masungit na tanong ko sa kaniya. “Hindi ka ba masaya na makita ako?” Tiningnan ko ulit siya at matiim na tinitigan sa mukha niya. “Masaya,” tipid kong sagot at nag-iwas ulit nang tingin. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. “Parang hindi, ah.” “Nagtatrabaho kasi ako kaya ayokong maisturbo ako,” pagdadahilan ko. “Eh, bakit ayaw mo akong tingnan?” Napahawak ako sa dulo ng speedboat nang gumalaw ito dahil sa biglaan niyang pagtayo at mas lumapit siya sa akin. “Dainara,” muling tawag niya. “Ano na naman ba?” Napaigtad ako nang hilahin niya ang kuwelyo ng damit ko at halos maduling na ako sa lapit ng mukha niya. Amoy na amoy ko na naman ang matapang niyang pabango. “Isara mo lahat ang butones mo, Dainara at saka bakit ba naka-shorts ka?” salubong ang kilay na tanong niya. “Ano naman? Ano naman ang mali sa suot ko?” nakataas ang kilay na tanong niya. “Tsk. Ang daming mga tao roon, oh. Next time, huwag na huwag kang magsusuot niyan,” paalala pa niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD