Chapter 1

2350 Words
Akesia’ POV Alas-dies na ng gabi ng makauwi ako sa bahay. Pagod na pagod ako ngunit masaya pa rin dahil nabenta ko lahat ang aking mga isda. Inamoy ko ang aking sarili at katulad na rin ang aking amoy sa isda. Kahapon pa nga pala ako hindi naliligo. Hayst. Pagkarating ko sa bahay natanaw ko agad ang aking kapatid na nakaupo sa may pinto. Parati niya iyong ginagawa tuwing ginagabi ako. Ngumiti siya sa ‘kin at kumaway. Ngumiti rin ako sa kaniya at dahil do’n nawala ng panandalian ang aking pagod. “ Kumusta Ate?” bungad niya sa ‘kin saka tumayo. Mukhang masigla siya ngayon. “ Bakit ‘di ka pa natutulog? Wala ka bang pasok bukas?” pataray na sabi ko at saka namewang. Bigla naman siyang ngumuso. Pinigilan ko ang aking pagtawa dahil do’n. “Hinintay kasi kita dahil may maganda akong balita sayo,” sabi niya. Namewang ako at tinaas ang isa kong kilay. Hindi ako sumagot sa kaniya. At hinintay ang kaniyang sasabihin. Bumuntong- hininga siya at sinabing… “MAY SCHOLARSHIP NA AKOOOOOOO!!” sigaw niya. Nanlaki ang aking mata dahil sa narinig. Titigil kasi siya ng pag-aaral sa kolehiyo dahil sa kahirapan. Ako lang kasi ang nagpapa-aral sa kaniya. Sabi niya sa ‘kin noon gagawa raw siya ng paraan para makapag-aral. “ Talaga?! As in?!” Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Tumango-tango naman siya sa’kin. “Congrats!” sigaw ko at niyakap siya. Hindi naman sa wala akong tiwala sa talino niya pero parang gano’n na nga. Joke lang. May taglay rin namang talino ang kapatid ko pero dahil sa minsang katamaran. Napapabayaan niya ito kaya laking gulat ko dahil may scholarship na siya. Bumitaw na kami sa isa’t isa mula sa pagkakayap. Kita ko sa mga mata ng aking kapatid ang labis na saya. Malawak ang ngiti nito na nakatingin sa ‘kin pero unti-unti itong naglaho at umiyak. Niyakap ko ulit siya at hinimas ang likod. “Proud si Ate sa’yo,” pagpapakalma ko sa kaniya. Humagulgol ito at niyakap ako. “Salamat sa lahat-lahat.” “Ikaw pa ba?” ani ko. Mahina itong tumawa sa’kin. “ Ate may sasabihin ako sayo,” sabi niya. Tumingala siya sa‘kin. “ Ano 'yon?” “ Ang baho mo!” sigaw niya sa mukha ko at saka tumakbo papuntang loob. “ Aba!” maktol ko sa kaniya at saka siya hinabol. Alam ko naman mabaho ako. Inamoy ko nga kanina. Pagtapos ng habulan namin. Naligo na ako at naglaba ng mga damit. Alas-dose ako natapos at pagod na humiga. Tinitigan ko naman ang aking kapatid na ngayon ay mahimbing sa pagkakatulog. Ngayon lang kasi kami nakapag-bonding ng kapatid ko mula no’ng namatay sina Inang at Itang. Napangiti ako sa aking naalala. “Mahal ko kain na tayo,” sigaw ni Inang mula sa kusina. Kasalukuyan naming nilalaro si Yesia ni Itang. Apat na taon siya ngayon at siyam na taon naman ako. Napakataba ng pisngi nya. Masayang masaya ako ngayon at wala ng mahihiling pa. Kahit na mahirap lang kami. Walang araw na hindi kami nagbo-bonding ni Inang at Itang. Talagang pinaparamdam nila sa amin na mahal na mahal nila kami. “ Nandyan na mahal!” sigaw ni Itang. Binuhat niya si Yesia. Pinagmamasdan ko si Itang. Sobrang saya niya dahil kanina pa siya tumatawa. Tumingin siya sa ‘kin na may ngiti. “ Halika na,” sabi niya sa akin at ginulo nito ang aking buhok na lagi niyang ginagawa. Ngumiti ako sa kaniya at hinawakan ang kamay. Sabay kaming naglakad patungong kusina. Nadatnan namin si Inang na inaayos sa lamesa ang mga pinggan. Bumitaw sa ‘kin si Itang at tumungo kay Inang upang halikan. Sanay na akong makita silang gan’yan. Hinding hindi talaga mawawala ang eksenang gan’yan sa bahay. Umupo na ako at tiningnan ang mga pagkain. May tinolang manok. Piniritong talong at tuyo. Tapos may sawsawan pang toyo na may kalamansi. Mga paborito kong ulam. Laway na laway na ako. Akmang kukuha ako nang pinalo ni Inang ang aking kamay. “ Kesia di ba sabi ko maghugas muna ng kamay bago kumain?” sabi ni Inang sa ‘kin. “ Opo Inang,” magalang kong sabi. Agad akong pumunta sa lababo upang maghugas ng kamay. Eksayted akong umupo sa harap ng pagkain. Sinimulan na ni Inang ang pagdarasal. Nakapikit silang tatlo habang pinagmamasdan ko si Inang, Itang at Yesia. Wala na talaga akong mahihiling pa kay Papa God dahil kahit mahirap kami kumpleto naman ang pamilya namin. Masayang masaya pa. Hindi ko namalayan ang pagpatak ng aking luha. Pinunasan ko ito at saka pumikit. Miss na miss ko na si Inang at Itang. Hinayaan ko na lang ang aking sariling kainin ng antok. “ Tiktilaok!” ang aga-aga ang ingay ng tandang na ‘yon. Teka! Napabalikwas ako ng bangon at gulat na gulat nang makitang maliwanag na sa labas. Dali-dali akong tumayo at tumungo sa labas. Bakit hindi ako ginising ni Yesia? Naku naman tanghali na ako! “ Yesia!” sigaw ko rito. Paulit-ulit kong tawag sa kaniya. Mukhang nakapasok na sa School ang isang 'yon. Mukhang ako na lang ang tao rito sa bahay. Napailing na lang ako habang patungo sa kwarto. Ang babaeng talagang ‘yon. Hindi man lang ako ginising. Paano na ‘to? Kailangan kong magbenta ngayon ng marami para sa gastusin sa bahay. Siguradong hindi nagbayad si Tiya sa kuryente. Kukuha sana ako ng damit upang maghanda sa aking trabaho nang mapansin ko ang isang pirasong papel sa gilid ng katre namin. Kinuha ko ito at napangiti ng mabasa ang pangalan ni Yesia. Magandang umaga sa maganda kong Ate. Pasensiya na dahil hindi kita ginising alam ko kasing pagod ka kagabi. Kailangan mo ring magpahinga. Puro ako na lang kasi ang iniisip mo pero salamat talaga. Pinagluto kita ng paborito mong ulam. Punasan mo na rin 'yong panis mong laway sa may bibig mo. Hayst. Loko-loko talaga ang isang 'yon. Mahilig talaga siyang mag-iwan ng sulat bago siya umalis sa bahay. Halos araw-araw niya itong ginagawa. Nilagay ko ang ang sulat sa kahon. Ang sweet talaga ng kapatid ko. Pinunasan ko ang panis na laway sa pisngi. Inamoy ko ito at sh*t ang baho! Yak! Ipinagpatuloy ko ang aking pagbibihis. Hindi siguro ako maliligo sanay naman na ang katawan ko. Kumain na ako saka naghilamos lang at saka umalis. Panibagong araw na naman ang aking tatahakin. Bumuntong hininga ako ng malalim at tumingala sa mapayapang langit. Nakaupo ako sa malaki at mataas na upuan dito sa palengke. Kanina pa ako nagtatawag ng mamimili pero wala. Kailangan ko itong mapaubos ngayon araw. Hayst. Tahimik lamang ako dito habang tinataboy ang mga pesteng langaw sa tinda ko. Kanina pa rin nagtsi-tsismisan sina Aling Pasing malapit sa pwesto ko pero hindi ko ito pinansin dahil nga wala ako sa mood. Bakit ba wala ako sa mood e! Damay lahat! Bumuntong hininga ako dahil sa stress. Malas 'ata ang araw ko ngayon. Kita sa gilid ng mata ko si Aling Pasing na papalapit sa kinaroroonan ko. Tumigil ito sa gilid ko. Tumingin naman ako sa kaniya na bagot na bagot. “Bakit gan’yan ang mukha mo? Parang sinampal ka ng langit at lupa ng sampong beses,” birong sabi nya. Dahil nga wala ako sa mood, hindi ko siya pinansin at binaling muli ang tingin sa aking binebenta. “ Kaya walang benta eh,” sabi ng isang kasamahan ko na kamukha ng mga isda. Pakialam ba nito. Wala ako sa mood eh! Nagtawanan naman ang dalawang asungot. Akala mo wala ng bukas kung makatawa. Matapos ang pagkalat nila ng lagim lumingon muli sa ‘kin si Aling Pasing. Balita na naman ang dala nito. “ Alam mo ba Isang?” tanong niya. “May kumakalat na tsismis.” Sabi ko na nga ba eh! Basta lumapit ng isang dangkal ito may balita ito. Hindi ko naman ipagkakaila na amoy bulok na isda siya. Hindi ako nagreklamo dahil sa amoy niya. Wala nga ako sa mood. Walang gana akong tumingin sa kaniya. Wala naman kasi akong pakialam sa balita na 'yan eh. Gusto ko makabenta. Kawawa ako. “ Alam mo ba may dumating na magarang kotse kanina sa bahay ni Mayor Valdo at hindi lang isa kun’di tatlong kotse,” pagku-kwento niya habang minumwestra pa ang kamay. Pakialam ko ba?! “Nandito raw sila para magtayo ng negosyo aba! Mga tiba tiba 'ata ang mga iyon. May nagsabi pa nga samin na ubod ng guwapo at mayaya…” Pagtigil ko kay Aling Pasing sa pagkukwento gamit ang pagtaklob ng pangit niyang mukha. Lalo akong nawawalan nang gana sa mga kwento niya. Tumingin ako sa kaniya na gano’n pa rin ang mukha. “ May tatlo akong sasabihin sayo. Makinig ka,” sabi ko sa kaniya saka pinapakita ang tatlong daliri. Tumango naman siya at nanahimik. “ Una,” Sabi ko, “Wala akong pakialam.” Nakikinig lamang siya sa sinasabi ko. “ Pangalawa. Wala ulit akong pakialam,” dugtong ko.“Pangatlo. Wala talaga akong pakialam Aling Pasing,” saka pinakita ang aking kamao. Napalunok naman siya saglit at umirap sa kamao ko. Binaba ko na ang kamay ko at bumaling muli sa aking paninda. Kita ko naman siyang namewang sa gilid ko. “ Sabi mo eh,” saka tumalikod ito sa’kin. Naramdaman niya 'ata na wala ako sa mood. Alam ko rin naman na sanay na si Aling Pasing sa ugali ko. Simula pagkabata kasi, halos araw-araw na kaming magkakasama rito sa palengke. Siya rin ang nagturo ng stratehiya sa 'kin. Kaya malaki ang utang na loob ko sa kaniya. Naglalakad ako patungong bahay ng patak alas-sais ng gabi. Matamlay ako ngayon dahil kaunti lang ang bumili sa akin. Minamalas talaga ako ngayon. Lalo na at dumagdag pa si Tomas na nakakawalang gana ang mukha. Nagdadaldal kasi siya kahit na hindi ako nagsasalita. Kung ano-ano ang sinasabi at nagtatanong na siya rin naman ang sumasagot. Tapos dumagdag pa 'yong babaeng kung makampanlait ito sa akin parang ang ganda-ganda niya. Mukha na mang tubol! Kung nasa tamang mood lang talaga ako nasumbatan ko na ang isang 'yon. Pasalamat siya! Malapit na ako ng bahay ng may marinig akong pamilyar na iyak mula sa bahay. Nanlaki ang mata ko ng malaman ko kung kanino galing iyon. Dali-dali akong tumakbo papuntang loob. “Ikaw na bata ka! Kailan ka ba magtitino ha?! Ha! Bwisit ka!” sigaw ni Tiya sa kapatid ko habang pinapalo niya ang kapatid ko gamit ang hunger. Nanlaki naman ang mata sa nakita ko. Nakatayo si Yesia habang nakaharap sa pader. Tumatangis ito at mukha kanina pa umiiyak. Mabilis akong pumunta sa kinaroroonan nila. Papaluin sana ni Tiya ang aking kapatid ngunit sinalag ko ito gamit ang aking kamay. Napadaing ako sa sakit. “ Tiya tama na po. Ano po ba ang ginawa ni Yesia?” pagmamakaawa ko kay Tiya habang hinihimas ang aking namumulang kamay. “Nandito na pala ang magaling mong Ate! Buti umuwi ka ng malaman mo ang ginawa ng magaling mong kapatid!” sigaw niya sa akin habang dinuduro ang kapatid ko. “Ano po ba ang ginawa niya Tiya?” tanong ko dito. “Sobra naman po ang parusa mo,” bumuntong hininga ako upang pakalmahin ang aking sarili. Hindi ko kayang makita na sinasaktan ang kapatid ko. Lalaban ako kahit pa ako ang masaktan para lang sa kaniya. “ Aba! Matapang ka na aber! Sa bagay sa’n pa ba kayo nag-mana ng katarantaduhan kun’di sa magaling niyong mga magulang!” sigaw niya sa mukha ko. Naikuyom ko ang aking kamay sa labis na pagpipigil ng galit. Nakayuko naman ang aking kapatid na tumatangis pa rin. Hindi ako sumagot kay Tiya na nakangisi pa rin sa ‘kin. “’Yan tarantadong mong kapatid nagnakaw ng pera mula sa ‘kin!!” turo niya kay Yesia. Nanlaki naman ang mata ko sa aking narinig. Hindi magagawa ni Yesia 'yon. Turo ni Inang sa amin na masama ang magnakaw. Tumingin ako kay Yesia at hinintay ang paliwanag niya. “ S-sorry Ate,” kinakabahang sabi niya. Nanigas ako sa aking kinatatayuan. Biglang nanikip ang aking dibdib sa aking narinig. “ Kita mo na! Kita mo na! Mga magnanakaw talaga kayo!” sigaw ni Tiya. Yumuko ako at pinigilan ang galit, sakit at pagkamuhi sa sarili. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ginawa ang bagay na 'yon. Gano’n na ba ako kawalang kwentang kapatid? Wala ba siyang tiwala sa ‘kin? Nagsasawa na ba siya sa’kin? Kung ano-anong pumapasok sa isip ko habang nilalait kami ni Tiya sa harapan namin. Labis ang pigil ko sa nagbabadyang luha sa ‘king mga mata. “ B-bayaran ko na lang po ang k-kinuha niya sa inyo,” sabi ko. Kaya ko ito malalampasan ko rin ito. Hinawakan ni Yesia ang aking braso. Tinabig ko lang ito at tumingin kay Tiya na ngayon ay labis ang ngiti dahil sa sinabi ko. “ Buti… isang daang piso,” sabi ni Tiya na siyang kinabigla ko. Isang daang piso ngunit labis ang pagmamalupit niya sa kapatid ko. Nagtaas ang dugo ko dahil sa narinig saka bumuntong hininga. Dumukot ako sa bulsa ng isang daang piso saka inabot kay Tiya ang pera. “ Sa susunod kasi magtino kayong dalawa ha!” pagtulak ni Tiya sa aking noo gamit ang hintuturo at tumalikod. Kita ko naman ang pagngisi ni Mia na kanina pa pala nanunuod sa amin. Nakapatong lang ang kaniyang dalawang braso sa kanyang dibdib at diretsong nakatingin sa ‘min. “ 'Yan kasi ang napapala ng pakialamera,” ngising sabi nito at umirap saka umalis. Naiwan naman kaming tahimik sa may sala. “ Ate!” tawag sa ‘kin ni Yesia. Hindi ko ito pinansin at naglakad patungong kwarto. Hindi ko pa rin kasi matanggap na ginawa niya ang isang bagay na bilin sa amin ni Inang. Ang magnakaw. Pinilit ko namang palakihin siya ng tama, nang maayos pero bakit gano'n. Hirap na hirap na ako. Hinayaan kong tumulo ang aking mga luha sa unan. Hindi na rin ako naligo. Masama ang loob ko ngayon. Maya-maya pa ay hindi ko namalayan na nakatulog ako sa labis na pagod.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD