Chapter 2

1805 Words
Akesia’s POV Nagising ako ng napakaaga. Pinilit ko ang aking katawan na bumangon kahit na sumasakit ang ulo ko na tila ba’y mabibiak. Kailangan kong makabenta ng isda ngayon. Nabawasan pa kasi ang pera ko dahil kahapon. Nagluto na ako ng umagahan at kumain nang kaunti. Naligo at naghanda. Tumitig ako sa kapatid kong mahimbing ang tulog sa katre. Masama pa rin ang loob ko dahil sa nangyari. Bumuntong hininga ako saka ngumiti. Kahit gano’n mahal na mahal ko pa rin siya. Hindi mawawala iyon. Umalis na ako at nagtungo sa palengke. Nadatnan ko si Aling Pasing na nag-aayos ng paninda niya. Nagsimula rin akong mag-ayos ng mga paninda kong isda. “Magandang umaga po,” bati ko. Lumingon naman siya sa ‘kin na may kaunting gulat sa mukha. “Buti naman at hindi ka na bad mood,” ngiti niya. “Magandang umaga rin sa iyo.” Ginantihan ko rin si Aling Pasing ng ngiti. Alam na alam na talaga niya ang ugali ko. Sanay na siya sa akin. “Pasensiya na po kayo kahapon, Aling Pasing,” ani ko. “ Wala po talaga ako sa mood, eh." Pagkamot ko sa aking ulo. May kuto 'ata ako. “Parang hindi naman ako sanay sa ugali mo. Kabisadong-kabisado na kita at saka bakit nga pala paga ang mata mo? Ang pangit mo ngayon Isang, ah,” sabay hampas niya sa braso ko dahilan ng muntik na kong mapasubsob sa isda ko. Sakit no’n, ah. Pilit na ngiti ang ibinigay ko sa kaniya. Napakamot naman ako sa batok ko. Kung hindi lang 'to matanda na gantihan ko na siya. “Puyat lang po ako.” Ngumiti ako sa kaniya. Bumuntong-hininga siya at inirapan ako. “Kilala na kita, Isang,” sabi niya saka naglakad sa puwesto niya. Umiling na lang ako sa aking narinig. Totoo naman ang kaniyang sinabi. Sobrang kabisado niya talaga ako. Bumalik na ako sa pagtitinda dahil nagdadatingan na ang mga mamimili. Inaalok ko sila at binobola upang makabenta. Nahuli ko naman sila sa bitag ko. “ Aling Kekay gumaganda ka ngayon, ah,” sabi ko sa babaeng maitim na nakausbod ang ngipin. Nakaspagetti itong dilaw na lalong nagpatingkad ng kulay niya. Nakashort din ito at kita ang kuyokot niya na tila binabagyo sa sobrang itim. Hindi ko siya nilalait ha! Inilalarawan ko lang ang itsura niya. Ngumiti ito sa ‘kin. Kita ko ang kulay ginto niyang ngipin. Kaya 'ata yumayaman ito, eh. “Ikaw pala 'yan Isang. Alam ko namang maganda ako eh,” bungisngis niya. “'Wag mo nang ipagsigawan.” Lumingon naman sa kaniya ang ilang taong malapit sa amin saka ngumiwi. Mukhang hindi sila agree kay Aling Kekay. “Dapat ipinagmamalaki ang kagandahan,” ngiti ko. Namula siya dahil sa sinabi ko at mahinang hinampas ang aking braso. “ Sige na nga. Dalawang kilo ng galunggong.” Lumaki naman ang aking ngiti. Dali-dali akong kumuha ng plastik at nilagay ang dalawang kilong isda. Inabot ko sa kaniya ang plastik. Kinuha niya iyon. Dumukot sa ilalim ng kaniyang bra saka binilang ang may kakapalan na pera. Napangiwi naman ako habang nandidiring nakatingin sa kaniyang hawak. Ginawa niyang wallet ang bra niya! Susko! Kahit ako hindi ko iyon ginagawa. “Keep the sukli na,” aniya saka ina-abot sa akin ang limang daang piso na lalo ikinalaki ng ngiti ko. Buti na lang may sobrang pera. Ang dali talagang mauto ni Aling Kekay. Kaya minsan gustong gusto ko siya kapag bumibili sa aking tindahan,e. Laging may sobra. “ Salamat po,” masayang sabi ko. Nagpa-alam na ito sa akin. Kumekendeng pa ang kaniyang baywang kapag naglalakad. Napapangiwi ang mga tao sa kaniya. Pagsinuswerte ka nga naman ngayong araw mukhang makakaubos ako ah. Napansin ko ang pagtitig sa’kin ni Aling Pasing mula sa puwesto niya. Nilingon ko ito at kita ko ang ngiti niya. “Wala ka pa ring kupas, Isang. Napakagaling ng iyong bibig,” natatawang sabi ni Aling Pasing. Napatawa rin naman ako sa sinabi niya. “ Siyempre, Aling Pasing, ikaw kaya ang nagturo sa akin ng istilo,” pagmamalaki ko sa kaniya na lalo niyang ikinatawa. Mula kasi no’ng nagtrabaho ako rito sa palengke, si Aling Pasing na ang nagturo sa ‘kin kung paano makakuha ng mamimili. Sabi pa nga niya sa ‘kin. ‘Walang mangyayari sayo paghindi ka kikilos’. “Dati bansot ka pa lang.” Napasimangot naman ako dahil do'n. Tumawa lalo si Aling Pasing. Pag siya namatay d’yan. Bahala siya. Pinapadami niya ang kasalanan niya. Tss. Hindi ko na lang ito pinansin at pinagpatuloy ang pangbo-bola sa mga mamimili. Habang abala ako sa pagbebenta ng mga isda. Biglang may kumuha ng kahon ko na may lamang pera. Tumakbo ito habang pinagtutulak ang mga nakaharang sa kaniya. Sira-sira ang damit at madumi ang short nito. Napasinghap naman ang mga tao dahil sa ginawa ng isang lalaking 'yon. Walang pagda-dalawang-isip naman akong tumayo at hinabol ang h*yop na lalaki. Rinig ko ang sigaw ni Aling Pasing sa ‘kin na baka raw ako mapahamak. Aking pera iyon. Hindi ako huminto sa kakahabol sa lalaki. Pera ko ang kapit nya. Ang pinaghirapan kong kitain maghapon tapos nanakawin niya lang. Hindi siya magtrabaho ng kaniya! Pinili pa talaga ang magnakaw! Uminit ang ulo ko dahil sa naisip at binilisan pa lalo ang takbo. Pinagtutulak ko ang mga tao na nakaharang sa daan. Alam na hinahabol ko, hindi tumatabi! Pinapanuod lang nila ako. Tsk. 'Di man lang nila ako tutulungan? ‘Di man lang nila pinigilan ‘yong lalaki! Binilisan ko lalo ang takbo ko upang maabutan siya. May lahing cheetah yata 'to ah! Naabutan ko ito at hinila ang buhok. Dahilan kaya siya ay nakahiga sa malansang sahig. Nagpupumiglas ito at takot na nakatingin sa akin. “ Akala mo, ha. Kilala mo ba kung sino ang ninanakawan mo?!” sigaw ko sa kaniya at hinila ng buong lakas ang buhok. Napadaing naman siya sa ginawa ko. Nanggigigil ako. Pare-pareho lang tayong tao rito! Pinagkaiba lang natin! Nagtatrabaho ako ng marangal, ikaw nagnanakaw! “Tama na,” daing niya. Wala akong pakialam kung pinapanuod kami ng mga tao na nakapalibot sa amin. Nagmamakaawa siya sa ‘kin pero hindi ako nakinig. Hindi niya alam ang pagod ko para lang kumita. Sumampa ako sa ibabaw niya at sinuntok siya nang sobrang lakas. Napasinghap naman ang mga nanunuod sa amin. 'Yong iba sinasabing ‘wag ko na raw itong patulan. “ Ano, ha! Magnanakaw ka pa?!” sigaw ko sa mukha niya. Nagtatalsikan ang aking laway sa mukha niya. Mabilis naman siyang umiling. Napangisi ako dahil do’n. “ Sa susunod na magnakaw ka ulit dito hindi lang ‘yan ang makukuha mo. Maliwanag!!” pananakot ko sa kaniya. Tumango naman siya nang tumango. Umalis ako sa ibabaw niya at pinagpag ang sarili. Kinuha ko ang aking kahon at tumingin sa kaniya. “Bumili ka ng pagkain mo,” abot ko ng isang daang piso sa kaniya. Hindi naman ako gano’ng kabrutal o kasama. Alam ko naman ang pinagdadaanan ng isang ‘to. Kahit gano’n naaawa pa rin ako sa kaniya. Bakat ang pagkasuntok ko sa mukha niya. Napalakas ‘ata. Kinuha niya ang isang daan saka tumakbo palayo. Tiningnan ko lang ito at tumingin sa mga taong tsismosa. Tinaasan ko sila ng kilay at namewang. “ Ano pang tinitingnan niyo d’yan?! Tapos na ang palabas!” pagtataray ko sa kanila. Mabilis naman sila nag-alisan. Tsk. “ Ang tapang naman.” “ Akala mo siga.” “ Sino ba yan?” Ilan lang ‘yan sa mga naririnig ko sa kanila. Hindi ko na lang sila pinansin at naglakad na papunta sa aking puwesto at nilapag ang kahon . Uminom ako ng maraming tubig dahil sa pagod. Nakapag-ehersisyo tuloy ng wala sa oras. “ Naku! Nanerbyos ako dahil sa ginawa mong bata ka! Kung ikaw ay napahamak. Paano na lang ang kapatid mo?” pagdadaldal ni Aling Pasing sa ‘kin. “ Walang nangyaring masama sa ‘kin. Kompleto pa po ako,” natatawang sabi ko. Napailing naman siya sa akin at namewang. “ Isipin mo muna ang kapatid mo bago ka tumakbo ha. Siguradong malulungkot ang kapatid mo ‘pag may nangyari sayo,” sabi niya sa ‘kin. Napatungo naman ako dahil do’n. Tsk. Bakit kasi hindi ko naisip 'yon pero kaya ko namang patulan ‘yong lalaki. “ Opo.” Sanay na kasi akong makipag-away dati. Dahil din no’n kaya ako ay napa-guidance no'ng High School. Nilalabanan ko kahit na lalaki pa ang kalaban. “ Kilala mo ba kung sino 'yong lalaking iyon ha. Iyon lang naman ang lalaking nababalitaang nagra-rugby sa kabilang Barangay. Baka balikan ka niya,” pag-alala niya sa ‘kin. Saka tumalikod sa akin na stress na stress. Hindi ko naman pinansin ang sinabi ni Aling Pasing. Hindi na bago sa ‘kin ang mga adik sa amin. Laganap sa amin ang mga adik eh. Pati nga mga nagsusugal. Wala ngang pakialam sa nasasakupan si konsehala basta at nakaupo lang siya sa mabango niyang silya. Maging ang mga taong bayan na nagrereklamo sa kaniya ay walang magawa dahil malakas ang kapit niya sa kinatataas. Tsk. Mga mayayaman talaga! Alas-singko ng hapon. Nililigpit ko na at nililinisan ang aking pwesto. Nakaubos kasi ako ng maaga ngayong araw. Kanina pa sana ako tapos, kaya lang namamaga ang kanang kamay ko. Nahampas lang naman ito kagabi ng hunger ni Tiya tapos pinansuntok ko pa sa mukha no’ng lalaki kanina. Saka ko lang naramdaman no’ng nabasa. Ganoon na ba ako kamanhid? Gusto ngang tumulong sa ‘kin ni Aling Pasing at ni Tomas ngunit nagpumilit ako na 'wag na. Ayaw ko namang makaabala. At isa pa kaya ko naman ito. Bubuhatin ko na sana ang aking dadalhin gamit ang aking kaliwang kamay nang mahulog ito. May kabigatan kasi ito lalo na at hindi ko magamit ang isa kong kamay. Kukunin ko sana ito ngunit may isang kamay ang pumulot ng aking gamit. Tiningala ko ito at isang lalaki nakangiti at nakatingin sa’kin. Moreno ito at matangkad. Nakasuot itong damit na butas-butas at napakadumi na. Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa pangit niyang ngiti. Akala niya ba makukuha niya ako sa ngiti niya. Suntukin ko kaya ito. “ Anong ginagawa mo?” inis na tanong ko sa kaniya. Lumawak ang ngiti niya na lalong kinainis ko. Walanghiya ito ah. “ Tutulungan ka,” saka tinaas ang mga gamit ko. Lalo naman akong nainis. Akala niya ba na lumpo ako? “ Hindi ko kailangan ng tulong mo! Akin na 'yan.” “Paga ang kamay mo, Miss.” “Ano naman sa’yo?” tiningnan ko ito mula ulo hanggang paa. Hindi naalis ang ngiti niya na lalong nagpainis sa akin. Saka hinablot ko sa kaniya ang gamit ko at tumalingkod dito. Diretso at mabilis akong naglakad palabas ng palengke. Tumataas ang dugo ko sa isang ‘yon. Bwisit!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD