Chapter 17

2610 Words
Akesia's POV Malaki ang aking ngiti habang naglalakad sa altar suot ang maputi at mahabang gown. Nakatingin ako kay Edwin na naghihintay sa akin sa unahan. Ang lahat ng tao rito sa loob ng simbahan ay mga nakatingin sa akin. Ganda ko ba? Alam ko naman 'yon! Mabagal ang aking paglalakad habang nakatitig sa aking mapapangasawa. Sobrang g'wapo ni Edwin sa suot niyang itim na tuxedo. Parang hindi siya kargador sa kaniyang itsura ngayon! Mahina akong tumawa nang maalala ang suot ko sa ilalim. Ay, wala pala akong suot na panty at bra! Siguradong magugulat siya mamaya. Nang makalapit ako sa kaniya, inabot niya ang kaniyang kamay sa akin. Hindi ko mapigilan ang aking ngiti nang humawak sa kaniya. Excitement at kaba ang tanging nararamdaman ko sa mga oras na ito. Nagpalakpakan ang lahat ng tao saka nagtawanan. N-Nagtawanan?! Bakit nagtatawanan?! May nakatatawa ba?! Biglang nanlaki ang aking mata nang mag-iba ang mukha ni Edwin. Naging kamukha siya ni Mia. Napaatras ako sa takot dahil lalong pumangit si Mia! "Anong nangyayari sa'yo, Edwin?!" "Tiktilaok!" "Ano?!" Napabalikwas ako nang bangon sa aking higaan at mabilis ang hiningang tumingin sa mga manok na nasa bintana namin. Galit kong tinulak sila sa labas dahilan ng kanilang paghulog. Kontrabida talaga kayong mga manok sa panaginip ko! Ikakasal na kami, e! Inis akong tumayo sa aking katre. Pangit na ng umaga ko! Bwisit! Bakas sa aking mukha ang inis, sinuklay ko ang buhaghag kong buhok gamit ang mga daliri. Napatigil ako nang marinig ang tawanan sa labas. At lalo pang nanigas ang aking katawan nang mabosesan ang tawa ni Edwin at ni Mia. Nagkukumahog akong lumabas ng kuwarto. Wala akong pakialam kung wala pa akong ayos ngayon! Sa panis kong laway at sa magulo kong buhok! Hindi ko nga alam kung may muta ako, e! Sabay na tumingin sa akin ang dalawang taong nakaupo sa sala. Mabilis na tumaas ang aking dugo nang makita ang malanding paghampas ni Mia sa aking boyfriend! Nawala ang ngiti ni Edwin saka tumayo nang makita ako. Galit ko siyang tiningnan. Lumalandi ba ang lalaking ito habang wala ako?! "Andiyan na pala si Isang," maarteng sabi ni Mia. "Ay, wala ako dito. Bulag ka ba?!" Tumingin siya mula ulo hanggang paa ko saka inirapan ako. "Kami na ni Edwin," sabay turo sa boyfriend ko. "What the f**k!" Halata ang gulat. "No, mahal. Magkausap lang kaming dalawa kanina. The f**k!" Taas-noo kong tiningnan si Mia. "Rinig mo iyon! Akin ang boyfriend ko." "Sabi ni Mommy hihiwalayan mo iyan!" Tinaas ko ang aking kilay at maarte ding tumingin sa kaniya. Akala niya ba hindi ako magaling umarte! Tse! "What she's talking about, mahal?!" galit na sabi ni Edwin. "Sorry ka na lang hindi ko hihiwalayan ang boyfriend ko." Nakakuyom ang kamao ni Mia. Halatang may sasabihin pa ngunit mas piniling magmartsa papasok sa kaniyang kuwarto. Halatang napahiya sa boyfriend ko. Hindi lahat ng gusto niya ay mapapasakaniya, 'no! Masyado na siyang sunod sa layaw! Galit kong binalingan ng tingin si Edwin. May inis at nalilito ang mukha nitong nakatingin sa akin. "What is she saying?" Inirapan ko ito at pumunta sa k'warto. Sumunod siya sa akin. "Mahal?" Galit akong lumingon sa kaniya. "Hindi mo sinabing type mo pala si Mia! Eh, 'di sana hindi mo na ako niligawan pa! Eh, 'di sana kayo na ngayon, hindi ba?!" Nalilito ang kaniyang mukha. Humalukipkip ako, nabubuhay ang selos sa katawan. "May patawa-tawa pa kayong nalalaman kanina. Magaling ba siya sa kwentuhan?! Magaling din naman ako, ah! Pinapatawa rin naman kita, ah!" "Kinausap niya lang ako kanina, mahal. Tapos nagsabi siya ng joke. At...hindi ko alam ang sinasabi niya. Anong ibig sabihin ng sinabi niya kanina? Hihiwalayan mo ako?!" Akmang lalapit siya sa akin ngunit umatras ako. Kita ang pagtaas-baba ng adam's apple niya. Naiiling na umatras, may pagmamakaawa sa mga mata. "Come on, mahal. I don't like her. Please…" Umirap ako sa kaniya, hindi pa rin lumapit. "Gusto ni Tiya na makipaghiwalay ako sa iyo," patiuna ko. "Gusto niyang ibigay kita kay Mia. Kasi nga gusto ka ni Mia. Tapos lumapit ka pa sa kaniya kanina! Lalong magiging feel-engera 'yong babaeng iyon. Akala niya 'ata may gusto ka rin sa kaniya!" "Hindi tayo maghihiway. Hindi ako papayag na makipaghiwalay ka sa akin. Hindi rin ako magpapa-agaw kay Mia. Ikaw lang ang mahal ko. Alam mo 'yon." Isang iglap siyang lumapit sa akin. Hinapit ang aking baywang at inilapit ang katawan ko sa kaniya. Akmang hahalikan niya ako sa labi nang iniwas ko ang aking mukha sa kaniya dahilan ng paghalik niya sa aking pisngi. "Hindi pa ako nagt-toothbrush." Mabilis na ngumiti ito. Walang sabi-sabing hinalikan niya ako sa labi na aking ikinagulat. "Mabaho ang hininga ko! Bigla-bigla ka na lang diyang nanghahalik!" "Kailan ka ba naging mabaho para sa akin? Ang bango-bango kaya ng mahal ko." Ngumuso ako. Bahagyang nakatingala sa kaniya. Kitang kita ang pagningning ng kaniyang mga mata habang ang labi ay nakangiti. Naniniwala ako sa aking nararamdaman ngayon na totoo lahat ang sinasabi at pinapakita niya sa akin. "Ganoon mo ba ako kamahal?" seryoso kong saad. "Kahit maraming tutol sa ating dalawa, ipaglalaban mo pa rin ako?" Inangat ni Edwin ang kaniyang kamay saka inilagay sa likod ng aking tainga ang takas na buhok. Marahan ang kaniyang paghaplos sa aking pisngi. Ilang segundong tinititigan ang aking mukha. "Katulad ng ipinangako ko sa iyo, Kesia. Walang makakahadlang ng pag-ibig ko sa 'yo." Nag-init ang gilid ng aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang ang naramdaman ko nang mapakinggan ang binitawan niyang mga kataga. Animo'y may kung anong naalis sa aking dibdib. Hindi ko maipaliwanag. "Isang!" Napasinghap ako nang mapakinggan ang sigaw ni Tiya. Sabay pa kaming napalingon ni Edwin sa pinto. Nauna akong lumapit dito at lumabas. Sumunod naman si Edwin. "Anong ginawa niyo sa k'warto?!" Tumikhim si Edwin na ikinatingin ni Tiya. Nagtagal pa roon ang kaniyang titig saka binaling ito sa akin nang marinig ang boses ko. "Nag-usap lang po kami, Tiya." "Nag-uusap? Huwag ako! Mag-uusap lang kayo sa k'warto pa!" Nakangisi si Mia na nasa likod ni Tiya. Ang pokpok talaga nito! Gusto lahat ng lalaki kaniya. Kahit pa may asawa inaagaw niya, e. "Wala po kaming ginagawang masama Tiya," mahinahon kong sabi. "Aba! Hindi ako pinanganak kahapon!" Para siyang dragon na kalalabas lang sa lungga niya pagkatapos ng mahabang panahon. "Nag-usap lang po talaga kami sa k'warto. Hindi po namin ni-lock ang pinto," seryosong sabi ni Edwin. Muling tumahimik si Tiya at nakangangang nakatingin sa boyfriend ko. Like mother like daughter nga talaga! Tumikhim si Tiya pagtapos ng ilang segundong paglalaway sa boyfriend ko! "Hindi ako payag sa inyong dalawa." Kinuyom ko ang aking kamay. May paki ba ako kung hindi siya payag?! "Hiwalayan mo siya, Isang." Ibubuka ko na sana ang aking bibig upang tumutol kay Tiya ngunit hinapit ako ni Edwin palapit sa kaniya. "Hindi niya po ako hihiwalayan." Madilim ang kaniyang mukha at may diin ang bawat salitang binibitawan niya. Umigting ang kaniyang panga. May kahigpitan ang paghawak niya sa aking baywang. Para bang wala rin akong choice kun'di hindi pumayag sa gusto ni Tiya. "Mahal ko po ang pamangkin ninyo at mahal niya rin ako." "Ha?! Hindi ka na ba nagsasawa kay Isang?! Ano?! Ilang araw ka magsasawa?! Makakapaghintay naman ang anak ko." "Mommy, ayaw kong maghintay." Parang batang padyak ni Mia. Malandi ka! "Hinding hindi po ako magsasawa kay Kesia. Kahit sino pang babae ang lumuhod sa harapan ko." "Magsasawa ka rin sa kaniya! Dadating ang araw na lolokohin mo rin iyan! Kapag nagsawa ka na, hihiwalayin mo rin si Isang! Ganoon ang mga lalaki! Kapag wala na kayo pumunta ka sa anak ko!" Hindi umimik si Edwin. Mariin ang tikom ng kaniyang bibig. Halatang pinipigilan ang sariling huwag sumabat kay Tiya. Isang beses na pinasadahan ng tingin ni Tiya ako saka tumalikod. Naiiling na pumasok sa kaniyang kuwarto. "Mommy! Paghiwalayin mo sila!" Sunod nito sa kaniyang Ina. Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Nag-iisip ako ng sasabihin ngunit walang pumapasok sa aking utak kun'di ang sinabi niya kay Tiya kanina! Malaking ngiti ang binigay ko sa kaniya nang lumingon ito sa akin. Ibinaon niya ang kaniyang mukha sa aking leeg saka mahigpit akong niyakap. Mahina akong natawa 'tsaka siya ginantihan ng yakap. Rinig ang malakas niyang buntong-hininga. Hinagod ko ang kaniyang likod saka pinaglaruan ang buhok. "Ayos ka lang?" malambing kong tanong. Tumango siya saka tumingin sa akin ng hindi pa rin inaalis ang dalawang kamay sa baywang ko. "Hindi ka makikipaghiwalay sa akin, 'di ba?" Namumula ang mata niya na parang iiyak. "Hindi mangyayari iyon." Muli niya akong niyakap. Mahigpit na mahigpit. "Kahit pa tumanda tayo ikaw lang ang mahal ko." Tumayo ang aking balahibo nang maramdamn ang mainit niyang hininga sa aking balat. Ramdam ang paglapat ng kaniyang labi sa aking leeg. "Ikaw lang din ang mahal ko, Edwin," bulong ko. Walang makakapantay ng pagmamahal ko sa kaniya. Hinding hindi ako magsasawa na mahalin siya. "Bili na po kayo, Ate Vice!" Mahaba ang damit nito at mahaba ang takong ng kaniyang suot. Kulay pink ang kaniyang wig at makapal ang make-up. Talagang kapansin-pansin siya sa gitna ng palengke dahil sa makulay niyang damit at mga alahas. Pinagtitingnan siya ng mga tao rito. Tumingin siya sa akin at sumulyap sa aking tabi. Tumatalsik ang baywang nito sa bawat lakad niya. Nakangusong nakatayo sa aking tabi si Edwin. Sabi niya kasi siya na lang ang magtitinda. Hindi naman ako pumayag. Araw-araw na siyang nagtitinda rito.. Nakaupo lang ako rito. Pinapanood ko siya sa ginagawa niya. "Ang ganda ganda niyo talaga, Ate Vice," ngiti ko at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Umikot naman siya at nag-pose na parang model. "Alam ko naman iyon, Isang" aniya at tumingin muli sa aking tabi. "Ngayon ko lang po ulit ikaw nakita dito sa palengke. Mukhang busy-ing busy kayo, ah," ani ko. Tahimik lang na nakatingin sa akin si Edwin. Ni paglingon sa kausap ko ay hindi niya ginawa. "Naku! Sobrang busy ko, Isang. Nakaka-hustle ang mga trabaho ko. Pahinga ko ngayong araw. Alam mo na baka mawala ang ganda ko." Tumango ako at ngumiti sa kaniya. Napangiwi ako nang dalawang beses niyang sulyapan si Edwin. "Sino ba 'tong kasama mo? Ngayon ko lang siya nakita rito." Napalingon si Edwin kay Ate Vice. Hindi ito umimik. Nakanganga na ngayon si Ate Vice na titig na titig kay Edwin. "Boyfriend ko." Nanlalaki ang kaniyang mata nang lumingon sa akin. "May boyfriend ka na?! Akala ko hindi ka na mag-aasawa. Puro trabaho na lang kasi ang inaatupag mo. Mabuti naman." Malakas kaming nagtawanan. "Kayo po ba? May katabi na rin po ba kayo sa pagtulog, Ate Vice?" Maarte niyang hinampas ang hangin at kinikilig na nilagay ang kaniyang wig hair sa likod ng tainga. "Mayroon na." Nanlaki ang aking mata. "Swerte naman po ng boyfriend niyo. Ang ganda!ganda niyo at ang sipag sipag pa!" "Maliit na bagay. At anong boyfriend ka diyan?" sabay pakita sa akin ng singsing niya sa kaniyang kamay. Nanlaki ang aking mata nang makita ang malaking diamond sa kaniyang daliri. "Wow. Ang laki naman pong singsing 'yan, Ate Vice! Naks! Ikakasal na po pala kayo! Congrats po!" "Malapit na," aniya at may dinukot sa kaniyang bag. Kinuha nito ang card at inabot sa akin. "Eto. Dumalo ka naman minsan sa mga party, Isang." "Alam niyo naman pong wala akong hilig diyan," ani ko. Uminit ang pisngi sa hiya. "Pero congrats po talaga. Salamat dito." Tumango siya at tumingin kay Edwin. Lumingon din ako sa boyfriend ko. Nakahalukipkip na ito habang nakatingin sa mga isda. Nakausli ang nguso na parang nagtatampo. "Modelo ba itong boyfriend mo?" Aniya. Umiling ako. "Hindi po. Kargador dito siya, Ate Vice. Galing sa kabilang barangay." Tumango siya at may kinuha ulit na card sa kaniyang magandang bag. "Naghahanap ako ng modelo. Baka p'wede ang boyfie mo. Malaki ang pasahod. Lalo na at g'wapo ang boyfriend mo. " "Naku! Talaga po!" ani ko. "Sa kabilang barangay?" "Oo. Sa kabilang barangay lang. Malapit lang. Magp-pose lang siya at pi-picturan. Boom! May pera ka na!" ani ko. "Kung interesado ka rin, Isang. Puwede kayong dalawa." "Sige po. Pag-iisipan po namin." Malaki ang ngiting tumingin ako kay Edwin. Nakataas ang kilay nito halatang 'di payag sa alok ni ate Vice. Pera na 'to, oh! "Isang kilong bangus nga, Isang" sabi ni Ate Vice habang nagtitipa sa maganda niyang cellphone. Mabilis akong kumuha ng isda at kinilo iyon. "Naku! ang fiance ko talaga. Gusto agad akong umuwi." "Ang bilis naman pong ma-miss, ka Ate Vice." "Sinabi mo pa. Gusto lagi akong nasa tabi niya. Ayaw nga akong palabasin ng nakagan'to. Pinilipit ko lang. Sayang ang ganda ko, 'no." "Oo nga po. Mukhang mahal na mahal kayo ng fiance niyo, ah," saka inabot ko sa kaniya ang isda. "Mahal na mahal ako no'n talaga! Keep the change na! Uuwi na ako. Miss na ako ng hubby ko, e." "Congrats po ulit!" Masaya akong tumingin sa hawak kong limang daan nang makalayo ito. "Ang laking tips niya. Bigtime!" Pinakita ko sa kaniya ang hawak kong card. "Ang ganda ng invitation card niya, oh. Mukhang bongga!" Sabi ko saka pinakita ang isa pang card. Tahimik lang itong nakamasid sa akin. "Gusto mong magmodelo dito? Magkakapera ka." Umirap siya sa akin habang nakahalukipkip. Nawala ang ngiti ko sa kaniyang ginawa. May toyo ba ngayon ang lalaking ito?! "Bakit? Ayaw mo ba?" ani ko. "Magp-pose ka lang naman doon tapos magkakapera ka na." Nakataas ang isang kilay itong lumingon sa akin. "Ayos lang ba sa 'yong nakahubad ako sa harap nila?" Nanigas ang aking katawan sa kaniyang sinabi saka tumingin sa damit niya. Mabilis akong umiling. Ako lang dapat ang nakakakita ng katawan, 'no! Pero sayang talaga ang pera! "And besides…" Inangat ko ang aking paningin sa kaniya. "Hindi natin alam kung anong klaseng pagmomodelo ang trabaho ng kakilala mong 'yon." Kumunot ang aking noo. "May iba't ibang klase ba ang pagmomodelo? Ang alam ko lang magp-pose ka lang naman doon." Ngumuso ako. Nakatitig ito sa akin saka bumuntonghininga at hinila ako palapit sa kaniya. "Don't trust so easily, Kesia. Hindi lahat ng nasa paligid mo ay magaganda ang intensyon." Tumango ako. "Huwag na lang pala," wika ko saka nilingon ang mga isda. "May trabaho ka pa naman." Ngumiti ito sa akin saka hinalikan ang aking balikat. "Grabe, 'no? Ang laki ng singsing niya. Sobrang mahal yata noon. Baka kulang pa ang sinasahod ko sa isang taon sa singsing niya," pag-iiba ko sa usapan. "Peke 'yon." "Huh?" Umayos siya nang tayo at ngumuso. "Bakit mo alam?" tanong mo. Umiwas siya nang tingin sa akin at nagkibit ng balikat. "Alam ko lang at halata naman, 'no." Ipinatong niya ang kaniyang baba sa aking balikat. Nakapulupot ang dalawang braso sa aking baywang habang nasa pagitan ako ng kaniyang mga hita. "Bibilhan kita ng tunay na singsing," bulong niya. Lumundag ang puso ko sa narinig. Mahina ko siyang hinampas sa braso. "Hindi na kailangan! Kahit nga laruang singsing lang ayos na sa akin. Basta ikaw ang papakasalan ko." "You deserve luxury things. Dapat lahat ay original sa mahal ko. Ikaw ang reyna ko." "Reyna naman talaga ako rito." Pagkumpas ko sa buong paligid. "Ako kaya ang pinakamaganda rito sa palengke. Hindi ko kailangan ng mamahaling gamit, 'no. Hindi naman ako mahilig doon. At isa pa saan ka kukuha noon?" Inirapan ko siya dahilan ng mahina niyang pagtawa. Bumalik na ito sa kaniyang pagtitinda. Naroroon pa rin ang ngiti sa labi. Tiningnan ko ang hawak kong card saka naiiling na isinilid ito sa bulsa. Okay lang naman sa akin kahit hindi kami pumunta. Hindi naman ako mahilig sa ganitong party. Hindi rin naman ako magaling mag-pose. Maganda lang talaga ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD