Chapter 16

2187 Words
Akesia's POV Nakangiti ako habang nakatitig sa kaniya. Lalo siyang gumwapo ngayon. Lalo ko siyang minahal. Ang lalaking ni minsan ay hindi ko akalain na magiging kami. Dati ayoko sa kaniya. Tinataboy ko siya at sinusungitan ngunit ngayon, mahal ko na siya. Mahal na mahal. Tumingin ito sa akin saka lumapit nang makita ang titig ko. "I love you, mahal." Mahina akong natawa. Hindi niya kinaliligtaan na sabihin sa akin iyon. Maging ako ay hindi nagsasawang mapakinggan ang salitang iyon mula sa kaniya. Araw-araw pinaparamdam niya sa akin na mahal niya ako. Hinahalikan, pinapatawa, tinutulungan at pinaparamdam sa akin araw-araw na ako lang ang babaeng iibigin niya. "I love you too, Edwin…" Pumunta siya sa likod ko at doon ako niyakap nang mahigpit. Ipinatong niya ang kan'yang baba sa aking balikat. Pareho kaming nanonood sa paglubog ng araw. Sariwa ang hangin at sobra ang ganda ng tanawin dito. Hindi muna ako nagtinda dahil first monthsary namin ni Edwin ngayon. Plano niya ang pagpi-picnic namin ngayon. Gusto niya raw akong makasama buong araw. Muli akong natawa nang sabihin niya iyon kanina. Halos hindi nga kami naghihiwalay araw-araw. Tatapusin niya lang ang trabaho niya sa pagbubuhat ng gulay at prutas tapos agad siyang pupunta sa akin. Maaga naming napapaubos ang aking paninda kaya maaga kaming umuuwi ng bahay. Halos araw-araw naming ginagawa iyon. Sa kwarto, sala, kusina, o sa cr man. "Happy monthsary, mahal," bulong niya at hinalikan ang aking leeg. "Thank you for coming to my life, sa pagmamahal, sa lahat lahat, Kesia. Gusto kong habangbuhay tayong gan'to. Sana hindi na matapos ito." Ibinaon niya ang kan'yang mukha sa aking leeg. Hinawakan ko ang kan'yang buhok saka hinalikan iyon. "Salamat din, Edwin. Ngayon ko lang naramdaman ang uri ng pagmamahal na ito. P'wede namang habangbuhay na ganito tayo kaso nakakangawit sa p'wet!" saka inayos ko ang pag-upo ko. Malakas siyang tumawa sa aking sinabi. Hinalikan niya ako sa aking labi. Nagtagal iyon saka bahagyang lumayo sa akin. Tumitig ito sa aking mga mata. Ngumiti ako sa kaniya. "I have something to say." "Ano 'yon?" Lumunok ito habang nakatitig sa akin. Tila kinakabahan sa sasabihin niya. Bumakas ang pagtataka sa aking mukha nang humigpit ang paghawak niya sa aking baywang. "Wala pala." Agad akong napanguso at inirapan siya. "Akala ko kung ano na. Nangti-trip ka na naman." Binaling kong muli ang aking paningin sa papalubig na araw. "Huwag mo akong iiwan, Mahal ha." Ngumiti ako saka tumango sa kaniya. Inihilig ko ang aking ulo sa kaniyang balikat habang nakapatong ang aking kamay sa kamay niya. "Kung aalis man ako isasama kita," wika ko. "Lagi naman kitang kasama kahit saan ako magpunta. Kahit sa cr nga nandoon ka." Napailing ako nang maramdaman siya sa likod ko. "Nakatayo na naman 'yan." Mahina ko siyang hinampas sa braso. "Ang bilis namang tumayo niyan." "Hmm." Hinalikan ako nito sa balikat dahilan ng pagtayo ng aking balahibo. Paakyat nang paakyat ang kanyang mga halik hanggang mapunta iyon sa aking tainga. Ramdam ang pagtibok ng aking p********e nang hawakan niya ang aking panty. Hindi ko namalayan na nasa loob na pala ang kamay niya. May magic yata ang lalaking ito! Napaungol ako nang pinasok niya ang isa niyang daliri sa akin. Kinagat ko ang aking labi habang nakatingin kami sa isa't isa. Ngumisi siya habang medyo ginagalaw iyon sa loob ko. "You're already wet," namamaos niyang bulong saka binaon ng buo ang daliri niya. Namumungay na ang aking mata sa kan'yang ginagawa. Hinahayaan siya sa gusto niyang gawin. Hinahayaan ko rin ang aking sarili kung ano ang gusto nito. Inangat ko ang aking pwet saka ginalaw-galaw iyon. Kinuha ko ang kaniyang braso at giniya ang kamay niya sa pagtaas at pagbaba. "You want my finger?" Tumango ako. Nawawala ang aking pasensya. Gumagalaw siya saglit tapos tumitigil! "Edwin!" Nakagat ko ang aking labi at napapikit nang dinagdagan niya ito ng isa pang daliri. "Ohh…" Isinandal ko ang aking likod sa kaniyang dibdib habang mabilis niya ginagalaw ang dalawang daliri na nasa loob ko. Papalubog na ang araw. At ang sinag nito ay tumatama sa kaniyang mukha dahilan kung bakit kitang kita ko ang angkin niyang kaguwapuhan. "Ahhh…" Tumirik ang aking mata at sinabayan pa ang galaw ng kaniyang daliri. Humigpit ang pagkakapit ko sa kaniyang braso. Bahagyang nakaawang ang aking bibig. Lalo pang nagbigay ng sensasyon sa aking nang sinipsip niya ang dulo ng aking tainga. "Lalo kang gumaganda kapag sarap na sarap ka," bulong niya saka diniinan ang bawat pasok sa akin. Kami lang ang tao dito kaya walang makakakita sa aming dalawa. Malayo ito sa kabahayanan. Tumirik ang aking mata at bahagyang napaliyad nang may sumabog sa loob ko. "Ohh…" Mabilis ang aking paghinga. Nanghihina ang katawan. Hawak niya pa rin ang aking dibdib. Inalis niya ang kaniyang kamay sa ilalim ng aking bestida. Tiningnan ko ang kaniyang daliri na basang basa. Dinala niya iyon sa kaniyang bibig saka dinilaan. Nang-aakit ang kaniyang tingin. Bahagyang nakataas ang gilid ng labi. "Hmm…" Pinatunog niya pa ang bawat pagpasok ng kaniyang daliri sa kaniyang bibig. "Hindi ako magsasawang tikman ka." Hinawakan niya muli ako sa aking baywang saka binuhat upang iharap sa kaniya. Nasa pagitan siya ng aking dalawang hita. Nakapulupot na ang kaniyang mga braso sa baywang ko habang ang aking kamay ay pinaglalaruan ang kaniyang malambot na buhok. "Let's make love here, mahal. Masasaksihan ng buong mundo kung paano tayo nagiging isa." Nakagat ko ang aking labi. "Ride me, mahal." Namamaos at madilim ang kanyang mukha nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kaniya saka tinaas-baba ang pw*tan. Tumingala ako habang pabilis nang pabilis sa ibabaw niya. Hinawakan niya ako sa baywang at iginiya sa pag-angat. Ang bawat bagbaba ko sa kanya ay binabagsak ko upang mas masarap pa. Nakasuot pa rin ako ng bestida maging ang aking panty. Nasa gilid lang ito ng pagkababa* ko upang makapasok siya. "Ahh...ohh...ahh…" "f**k… ahh...mahal." Tumitig ako sa kaniyang mukha. Bahagya nakabuka ang kaniyang bibig. Kitang kita ang ugat sa kaniyang noo. Umiigting ang kaniyang panga. Halatang halata ang pagpipigil. Mas lalo ko pang binilisan ang paggalaw sa ibabaw niya. "s**t!" Hinalikan ko siya habang gumagalaw pa rin sa kaniyang ibabaw. Ngayon lang namin ginawa ito sa labas ng bahay. Ni katiting wala akong pakialam kung may tao ba sa paligid namin. Ang tanging iniisip ko lang ngayon ay ang aming ginagawa. Siya, ako, at ang mundo. "f**k!" Mas lalo niya pa akong diniinan sa loob niya. Pawisan kong binaon ang aking mukha sa kaniyang leeg. Hindi ako gumalaw sa ibabaw niya habang nasa loob ko pa rin siya. Ramdam ang init naming dalawa. Naghahabol hininga na tila'y galing sa pagtakbo. "Ang galing mong mangabayo." Umalis ako sa ibabaw niya at inayos ang panty saka umupo sa tabi niya. Nakahawak pa rin siya sa aking baywang ko habang nangingiting nakatingin sa akin. Inirapan ko ito habang inaayos ang aking bestida. "Galit ang mahal ko?" Niyakap ako. "Ang takaw mo talagang makipag-s*x, 'no?" "Adik na ako sa iyo. Anong magagawa ko? Lagi kang hinahanap ng katawan ko e," saka inamoy ang aking buhok. "Mababaliw ako kapag hindi kita nakikita kahit isang minuto lang." "Katawan ko lang yata ang habol mo sa akin e," pabiro kong ani ngunit itinago ang pagngiti nang makita ang seryoso niyang mukha. "Ikaw ang habol ko." "Katawan ko nga!" "Ikaw, Kesia. Bonus lang ang katawan mo." "Ganoon na rin iyon." Huminga ito nang malalim at hinalikan ako sa labi. Napangiti ako nang hindi ko na makayanan ang pagpigil. "Mahal, hindi ko habol ang katawan mo. Kung gusto ko rin pala ng babae. Marami diyan." Tinaas ko ang aking kilay na ikinanguso niya. "Pinili kita dahil mahal kita." "Oo na!" nakangiting sabi ko, kinikilig. "Nagbibiro lang ako. Alam ko namang mahal na mahal mo rin ako." Ngumiti siya at tumango. "Mahal na mahal na mahal, Kesia." Hindi naalis ang nakapaskil na ngiti sa aking labi habang tinatanaw namin ang haring araw na nawawala sa aming harapan. Siya, ako, at ang mundo. Iyon ang gusto ko hanggang huli. Ito ang gusto kong maramdaman habang humihinga ako. Ang init niya. Ang boses niya. At ang pagmamahal niya. Sana hindi magbago iyon. Kasi alam ko sa sarili ko na hindi ko makakaya kung darating man ang araw na makalimutan niya ako. Malakas akong tumawa nang makababa na kami sa tricycle . May sinabi kasi siyang joke. Akala ko ako lang joker sa aming dalawa. Hinawakan niya ako sa baywang at hinigit palapit sa kaniya saka mabilis na hinalikan. Namula ako sa kaniyang ginawa at napatingin sa tricycle driver na nakangiwi sa aming dalawa. Bitter! "Good night, mahal ko." "Good night." "I love you." "I love you too," sagot ko. Kinindatan niya ako saka sumakay sa loob ng tricycle habang kumakaway sa akin. Napangiti ako nang maalala ang nangyari sa aming dalawa. Kahit araw-araw naming gawin iyon. Hindi nag-iiba ang sarap! Lagi niya akong dinadala sa heaven! "Lumalandi ka na!" Napatigil ako sa pagpasok sa aking k'warto nang marinig ang boses ni Tiya. Nawala ang aking ngiti nang makita siyang nakatayo sa tabi ng bintana. Hindi ko siya napansin pagpasok ko sa bahay kanina. "T-Tiya." Nahagip ko ang aking hininga. Kinakabahang yumuko nang lumapit siya sa akin. "Ang akala ko nagtatrabaho ka para sa gastusin sa bahay! Ano 'to?! May lalaki ka, Isang!" pagsigaw niya sa aking mukha. Amoy sigarilyo siya at alak. Halata rin na may tama siya ngayon. "Gagaya ka na rin sa mga babae diyang pokpok!" "B-Boyfriend ko po siya, Ti—" "Nobyo?! 'Wag mo nga akong pinagloloko! Ang lalaking iyon ay mukhang hindi seryoso sa iyo! " Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Hindi magseseryoso sa'yo iyon!" Nahagip ng aking paningin si Yesia na nakadungaw mula sa kusina. Si Mia namn ay nangingiting nakaupo sa sala habang nanonood sa amin. "Matagal ko nang narinig sa mga kumare ko na may nobyo ka! Aba! Akala ko namamalikmata lang ang mga tsismosang iyon! Totoo pala! Lumalandi ka raw sa palengke, Isang. Kahit sa palengke?! Ganyan na ba kakati ang belat mo, ha?! Hindi ka ba nahihiya?! " "Wala naman po kaming ginagawa masa-" "Ako pa ang niloloko mo! Imposibleng walang nangyayari sa inyo! Ilang araw na kayo, ha?!" Hindi ako umimik. Nangingilid ang luha ko. Nakakuyom ang aking nga kamay, pinipigilang huwag sumagot sa kaniya. "Ganiyan ang ginagawa nila para magtagal ang relasiyon. Binibigay nila lahat! Hindi ako pabata, Isang! Dumaan na rin ako sa ganiyan," saka galit na sinuklay ang buhok gamit ang kamay. "Intindihin mo naman ang trabaho mo! 'Yan na nga lang ang maitutulong mo hindi mo pa magawa!" "Hindi ko naman po pinapabayaan ang trabaho ko sa palengke, Tiya. Nagbabayad din naman po ako sa tamang petsa sa ating kuryente. Ginagawa ko din po ang trabahong bahay. Naglalaba ako ng iny—"" "Andiyan na naman tayo! Pinagmamalaki mo na naman ang mga ginawa mo!" Tinikom ko ang aking bibig. Iniwas ang mata sa kaniya. "Ako ang nagpakain sa inyo. Ako ang bumubuhay sa inyo noon, Isang." Patago akong umirap sa sinabi niya. Kahit menor de edad pa lang ako ay nagbebenta na ako sa palengke habang siya ay nagsusugal! "Magbigay ka naman ng utang na loob! 'Wag kang lumandi nang lumandi! Hiwalayan mo iyon!" Nanlaki ang aking mata sa kaniyang sinabi. "Pero Tiya. Nagtatrabaho naman po ako at—" "Gusto siya ng pinsan mo, Isang!" Napatingin ako kay Mia na nakangisi sa akin. Kinuyom ko ang aking kamay. Nagngingitngit ang aking ngipin. Unti-unting bumubuo ang galit sa aking puso. "Huwag kang madamot sa lalaki! Maghanap ka na lang ng iba!" Tinalikuran ako ni Tiya saka naglakad sa kanilang k'warto habang sinisindihan ang kaniyang sigarilyo. Mahinang natawa si Mia saka tumayo at lumapit sa akin. Pinapaikot niya ang kaniyang buhok sa kaniyang daliri habang ngumunguya ng bubble gum. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Akin na si Edwin. Siguradong titirik ang mata niya sa akin." Galit ko siyang tiningnan, pinipigilan ang kamay na huwag hilahin ang patay niyang buhok! "Titig niya pa lang nakakalaglag panty na." Malakas siyang tumawa at tumalikod sa akin. Nagngingitngit ang aking ngipin habang nakatingin sa likod nito. Pokpok ng barangay namin si Mia. Wala lang nagsasabi dahil takot sila kay Tiya. Halos lahat na yata ng lalaki sa amin ay natikman niya. Hindi naman naniniwala si Tiya sa mga tsismosa dahil si Mia lamang ang pinaniniwalaan niya. "Ate." Napatingin ako kay Yesia na naiiyak. Ngumiti ako sa kaniya. "Pinilit ako ni Tiya na sabihin kung totoo ang tsismis na may nobyo ka. Sorry." Tumulo ang kaniyang luha. Umiling ako, nakangiti. "Ano ka ba! Hindi naman sikreto ang relasyon namin. Nahuli lang talaga sila sa balita." "Hihiwalayan mo ba si Kuya Edwin?" nag-aalalang tanong niya. "Hindi syempre…" bulong ko. Sinulyapan ko ang kuwarto nina Tiya at inirapan iyon. "Akin lang si Edwin, 'no. Ako lang ang bagay sa kaniya." "Hindi naman papayag si Kuya Edwin. Mahal na mahal ka kaya noon." Aba! Hindi ako papayag na mapunta si Edwin kay Mia. Mas maganda at sexy naman ako sa babaeng iyon, 'no. Tutulakin lang siya ni Edwin kapag lumapit pa ulit siya rito. Subukan niya lang na hawakin ang aking nobyo. Sasabunutan ko siya. Akin lang siya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD