Chapter 12

2115 Words
Akesia's POV Hindi ako kumikibo sa aking upuan habang siya ay nakikipagdaldalan sa mga bumibili sa amin. Hindi ako makapaniwala na sinagot ko na ang isang 'to kanina lang! Boyfriend ko na siya?! My God! Tumitig ako sa kaniyang mukha. Sobrang tangos ng ilong niya at ang ganda ng kan'yang ngiti. Bagay kaya kami? Bigla akong nanliit sa aking sarili na dati naman ay hindi ko man lang naramdaman kahit kaharap ko pa ay mga mayayaman na aking pinagsisilbihan noon. Hindi ko alam kung magtatagal kami. Basta ang alam ko mahal ko rin siya. Bahala na kung saan kami dadalhin ng pag-ibig. Bahala na basta sa unang pagkakataong ito…sinunod ko ang aking puso na ibigin siya. At kung dumating man ang panahong kami ay magkalabuan. Hinding hindi ako magsisisi na minahal ko siya. Napakurap ako nang magtama ang aming paningin. Umalis na pala ang babaeng nagpapaganda sa kaniya pero hindi naman maganda. Syempre. Ako ang maganda! Tse! Bahagyang lumapit sa akin si Edwin. Ikinulong niya ako sa pagitan ng kaniyang braso, nakahawak siya sa magkabilang gilid ng aking upuan. Napasinghap ako nang bumaba ang kaniyang mata sa aking bibig. Kanina ko pa napapansin ang malawak niyang ngiti at halatang masayang masaya siya ngayong araw. "Bakit tahimik yata ang girlfriend ko ngayon?" Ngumuso ako at umirap dahilan ng mahina niyang pagtawa. Ang landi pala ng lalaking 'to! "Bawal bang maging tahimik?" pilosopo kong sagot sa kaniya. Agad namang tumalim ang aking mata sa mga tsismosang nakikiusyoso sa amin. Maging si Aling Pasing ay humahaba ang leeg at lumalaki ang tainga sa kaniyang kinauupuan. "Hindi lang ako sanay na tahimik ka." Malakas itong tumawa. Napatingin ako sa kaniyang adam's apple na gumagalaw sa kaniyang lalamunan. Napalunok ako at umiwas ng tingin ng mag-init ang aking pakiramdam. Bakit ba lalong gumag'wapo sa paningin ko ang isang 'to?! "P'wes ngayon masanay ka na." Tumigil ito sa pagtawa, nangingiting tumitig sa akin. "Hindi mo pa rin ba nalilimutan ang halik ko sa ito," namamaos at malambing na sabi niya saka tumingin sa aking mga labi. Bahagya akong lumayo sa kan'ya dahil nakatingin na sa amin ang lahat ng tinderang amoy isda na may pagtataka ang mukha. "Nakalimutan ko na 'yon," mabilis kong wika. Lalong lumaki ang ngiti niya na ikinairap ko. "Hahalikan ulit kita para hindi mo na makalimutan." Nanlaki ang aking mata. Kinakabahang naitulak siya. Malakas itong tumawa habang ang dalawang kamay ay nasa baywang. Umaalog-alog ang kaniyang balikat. Abot yata ang kaniyang tawa sa unahan ng palengkeng ito. "Susuntukin kita kapag ginawa mo iyon," ani ko ngunit nakaramdam nang kaunting pag-asa na gagawin niya ulit iyon. Medyo malandi ako pero boyfriend ko naman siya kaya ayos lang! "Susuntukin mo ang boyfriend mo?" Tumaas ang isang kilay nito habang nakangisi na. Umirap ako sa kaniya saka ngumuso. Syempre hindi! Heler! Baka mawala ang g'wapo niyang mukha! Ayokong magka-boyfriend na pangit, 'no! "H-Hindi. Duh." Muling tumabi ito sa akin. Napaliyad ako nang bahagya nang maramdaman ang kamay niya na pumupulot sa maliit kong baywang. Napatakip ng bibig naman si Aling Pasing nang makita iyon ngunit pag-irap lang ang ipinakita ko sa kaniya. Ang touchy pala ni Edwin! Hindi man lang niya naiisip na maraming nanonood na sa amin. "'Yong kamay mo naman." Muli akong umirap ngunit sa loob-loob ay kinikilig na! "Anong mayroon sa kamay ko?" "Nasa baywang ko." Mahina kong hinampas ang kamay niyang parang ahas na nakapulupot sa aking baywang. Ngumuso ito at mabagal na tinaas-baba ang kamay. Bahagya akong nagulat nang maramdaman ang kuryente mula roon. Ngumusi ito habang nakatitig sa akin. Iniwas ko ang aking mata nang maramdaman ang pag-init ng pisngi. "Ang landi mo naman!" Hindi ko alam kung sa kaniya ko ba talaga sinasabi iyon o sa aking sarili. Lumayo ito nang kaunti sa akin saka yumuko dahilan ng magtapat ang aming mukha. "Sa iyo lang naman ako malandi." "Bakit dati hindi mo ako nilalandi?" pagtaray ko. Kita ang pagkinang ng mga mata ni Edwin, parang natutuwa pa sa aming pagbabatuhan ng mga salita. "Paano kita lalandiin? E, magkaibigan palang tayo no'n." Umiirap ako at hindi na umimik pa. Tama naman siya! Nakakahiya! Parang gusto ko pa na landiin niya ako dati! Kalma self! "Girlfriend na kita ngayon kaya p'wede na kitang landiin. Ikaw lang ang babaeng lalandiin ko, Kesia," bulong nito sa aking tainga. Muli ko na namang naramdaman ang kuryente sa buo kong katawan. Nagsitayuan ang aking balahibo at randam ang pagtibok ng aking p********e. Hindi ko namalayan na pinipigilan ko na pala ang aking hininga na mahina nitong ikinatawa. "Breath, Kesia," muli niyang bulong. Paano ako makakahinga?! Eh, ang lapit-lapit niya. Isa pa! Ramdam ko ang labi niya sa tainga ko. Paano ako kakalma?! Nanghihina agad ako sa mainit niyang hininga! Bakit ganito?! Ikinuyom ko ang aking kamay nang muling maalala ang kaniyang halik sa akin kanina. "Ang lapit mo kasi. Pagtsitsismisan tayo," pabulong kong ani. Nilingon niya ang mga nanonood sa amin. "I don't mind. Mapapabilis nila ang pagkalat sa buong baryo na girlfriend na kita. Para malaman ng may mga gusto sa iyo na hindi ka na p'wede." Pagkibit niya ng balikat at muling tumingin sa akin. Tumitig ako sa nakangisi nitong labi ngunit agad nawala ang paningin ko roon nang lalong lumaki ang ngisi niya. "Sabi sa akin ng nakakakilala sa iyo na marami ka raw manliligaw. Tss," dugtong niya saka hinalikan ang aking balikat na ikinasinghap ko. Muntik pang mahulog ang ilang mga tindera sa kani-kanilang upuan ng gawin ni Edwin iyon. Tumingala siya sa akin mula sa kaniyang pagkakayuko, seryoso ang mukha. "I sealed you. You're mine forever." Nakagat ko ang aking labi. Naintindihan ko naman iyon, 'no! Bakit ba lagi siyang nag-e-english?! Best in english ba siya dati?! "Wala ka nang kawala sa akin, Kesia." Lalo kong kinagat ang aking labi dahil sa sobrang kilig. Unti-unti akong tumango habang nakatingin sa kaniya. Sino ba naman ang ayaw sa sinabi niya, ano?! Magpapakipot pa ba ako?! Forever na raw, e! "Sa iyo lang ako, Edwin." Matagal itong tumitig sa akin. Hindi siya gumalaw sa kaniyang puwesto. Ngumuso ako dahil sa hiya. Ngayon ko lang iyon sinabi sa tanang buhay ko tapos wala siyang sasabihin?! "Damn," nanghihina niyang bulong habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin. "I'm speechless. Ikaw lang ang nakakagawa sa akin nito." Malalim na huminga saka umayos ng tayo. Pinaglandas niya ang kaniyang mga kamay sa itim niyang buhok. Lalo ko tuloy nakita ang malaki niyang katawan. Hindi ko alam kung anong mayroon sa akin ngunit hindi man lang ako na-turn sa butas-butas niyang suot. "Sobrang saya ko ngayon." Ngumiti ito sa akin dahilan ng makita ko ang pantay at mapuputi niyang ngipin. Nahiya ako sa ngipin niya! Ano ba ang gamit niyang toothpaste?! "Eh, 'di tumawa ka." Humalakhak si Edwin nang marinig ang sinabi. Bakit? Ano bang masama roon? Sinabi niyang masaya siya ngayon, pinapatawa ko na nga. Nagbubulong-bulungan ang mga mukhang isdang tsismosa. Mataray ko silang tiningnan nang tingnan ng mga ito ang aking nobyo. Akin 'yan! "Kayo na ba?" biglang tanong ng isa kong suki. Inirapan ko siya at humalukipkip. Kanina pa tahimik si Edwin sa tabi ko. Pinapanood ang bawat galaw ko rito. Kahit maghapon siyang nakatayo sa aking tabi ay hindi ko man lang siya narinig na nagreklamo. Lagi itong nakangiti habang kausap ang mga bumibili at lalo pang lumalaki ang kan'yang ngiti sa tuwing nagtatama ang aming mata. "Ano sa tingin mo?" mataray kong sabi. Halata naman na kami na ni Edwin. Sa sobrang lapit niya sa akin ay halata na agad. Tsismosa lang talaga itong babaeng nasa harapan ko. Tumingin ito kay Edwin dahilan ng pag-init ng dugo ko. Ngayon ko lang naramdaman ito kahit tumingin lang naman siya sa boyfriend ko. Ganito pala ako magselos? "She's my girlfriend," sagot ni Edwin. Nasa likod ng aking bangko ang kamay niya habang pasimple akong hinahaplos. Ang malanding lalaking ito hindi yata mabubuhay ng hindi ako nahahawakan. Kanina pa 'to! Jusko! Pero okay lang naman sa akin. Mahal ko naman siya! Lumaki ang mata ng babae na lalo kong ikinainis. Aba! Gulat ka, Te?! Nakabingwit ako ng g'wapo! Sa ganda kong 'to? Nagulat pa siya niyan! Malakas kaya ang karisma ko! Duh! "May boyfriend ka na, Isang?!" hindi makapaniwala niyang tanong. Pinakita ko talaga ngayon na inirapan ko siya. Pabalik-balik lang? Tiningnan ako ni Edwin na nakataas na ang isang kilay. Inirapan ko rin siya at tumingin sa babae. "Kasasabi niya pa lang." Napatakip siya ng bibig at para bang imposible iyon. Aba! Ginagago yata ako ng babaeng ito! Nagpabalik-balik ang tingin niya sa aming dalawa. "Bibili ka ba o hindi? Kung titingnan mo lang naman ang boyfriend ko umalis ka na," diretso kong sabi. Ayokong makipag plastikan ngayon. Mainit ang ulo ko! Hinawakan muli ni Edwin ang aking baywang at hinahaplos iyon gamit ang kaniyang hinlalaki. Ngumuso ako nang mawala agad ang aking inis. Ganoon na lang? Ang bilis namang mawala ng inis ko! Marupok pala ako! "Arte naman. Hindi ko naman 'yan aagawin sa iyo, 'no. Nangsusuntok ka kaya." Umirap ito sa akin at umalis. "Ang selosa naman ng girlfriend ko." Ipinatong ni Edwin ang kaniyang baba sa aking balikat. Hinayaan ko lang siya dahil gusto ko naman iyon. Bakit ba! Kinikilig ako, e! "Hindi ako nagseselos, 'no," pagtanggi ko. "Bakit parang susugurin mo na 'yong babae kanina noong tingnan niya ako?" "Tsismosa, e. Parang hindi pa makapaniwala na nagka-boyfriend ako. Hello! Maganda kaya ako. Pang-beauty pageant ang girlfriend mo, 'no!" Hinalikan muli niya ako sa balikat. Umirap ako sa kaniya. Sasanayin ko na lang ang sarili ko sa hawak at halik niya. Ang touchy niya! "Yeah. You're so beautiful…" ani nito habang titig na titig sa akin, "and amazing." "Ako pa," taas noo kong sabi. Mahina siyang tumawa at biglang ngumuso. Para siyang batang nanghihingi sa akin ng candy habang nasa balikat ko. "Ano nga palang callsign natin?" Nakita ko ang pagsulyap niya sa aking labi ngunit hindi ko na iyon pinansin. "Kailangan ba iyon?" Napangiwi ako. Hindi ko naisip iyon, ah. Pangalan lang naman kasi ang sinasabi ko sa kaniya. Ayos na iyon! Tumango-tango ito sa aking balikat. "Ang tawag mo lang sa akin ay Edwin." Lalo itong ngumuso. Wala na akong pakialam sa mga nanonood sa aming dalawa. Bahala sila! Basta ako may boyfriend na! "I want a callsign, Kesia," malambing niyang sabi. Umirap ako at kunwari ay nag-isip ngunit ang totoo ay kinikilig na ako nang sobra. "Ano ba ang gusto mong tawagan natin?" Nagkibit siya ng balikat. "Babe? Baby?" suwetsyon niya. Napangiwi ako at medyo ginalaw ang balikat ngunit hindi siya umalis doon. "Ayoko no'n! Ang baduy pakinggan!" Nilagay niya ang kaniyang kanang kamay sa aking tuhod at ang isang kamay naman ay sa aking baywang. Nasa tagiliran ko siya at nakapatong ang baba sa aking balikat habang ako ay tuwid na nakaupo sa mataas na upuan. "What do you want then? Hmm?" Malalim akong nag-isip. Agad na pumasok sa isip ko ang aking Inang at Itang. Lumaki ang aking ngiti at tumingin sa kaniya. Nagniningning ang mata nito habang nakatingin sa akin. Parang batang naghihintay ng atensyon. "Mahal na lang." Nawala ang aking ngiti ko nang wala akong nakuhang reaksiyon o sagot man lang sa kaniya. "Ayaw mo ba?" Malakas akong napasinghap nang ibinaon niya ang kaniyang mukha sa aking leeg saka niyakap ako nang sobrang higpit sa tagiliran. "Bakit?" pagtataka ko. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso sa aking braso. Mahina akong tumawa nang makuha kung bakit siya nagtago sa aking leeg. Lalong humigpit ang kaniyang pagyakap sa akin. "Kinikilig ka ba?" Tinusok-tusok ko ang kaniyang tiyan siya gamit ang aking hintuturo. Umungol lang ito at lalong ibinaon ang kaniyang mukha sa aking leeg. Malakas akong tumawa, hinayaan lang siya. Matapos ang ilang segundo tumingin siya sa akin habang yakap pa rin ako. Kagat niya ang labi ngunit may namumuong ngiti roon. Namumula ang kaniyang tainga kaya alam ko na kinilig talaga ang isang 'to. "I love you, Mahal." Ako naman ngayon ang napatigil sa pagtukso sa kaniya nang binigkas niya ang tatlong katagang alam kong makakapagpabaliw sa akin. Hindi ako nakapaghanda! Bakit bigla na lang niya iyong binigkas?! Ramdam ko ang sobrang bilis ng pagtibok ng aking puso na parang gustong kumawala sa aking dibdib. Titig na titig ako sa kaniya, ganoon rin siya sa akin. Pinagmamasdan nito ang aking mukha saka mahinang natawa. "Kinikilig ka ba?" Mabilis akong sumimangot at umiwas ng tingin dito. "Namumula ang mahal ko." Lalong uminit ang aking mukha. Mahina niyang pinisil ang aking ilong ngunit mabilis kong tinabig ito. "Tumahimik ka nga diyan," kunwari ay naiinis kong sabi. Kung wala lang siya baka tumili na ako sa kinauupuan ko at ipamigay ang mga tinda ko sa sobrang saya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD