Chapter 11

2323 Words
Akesia's POV Kumuha ako ng bulaklak sa aming garden upang ibigay sa puntod nina inang at itang. Araw ngayon ng kanilang kamatayan kaya dadalawin ko sila. Mamayang hapon naman dadalawin ni Yesia sila dahil may pasok siya ngayon. Napangiti ako habang nakatingin sa hawak kong iba't ibang bulaklak ngunit nawala agad iyon nang mapabaling ako sa lalaking titig na titig sa akin. Mabilis akong lumapit kay Edwin. "Bakit ka nandito?" Ngumiti ito sa akin habang ang mata ay nasa akin pa rin. "Sinusundo ka," aniya. Ngumuwi ako at inirapan siya na kan'yang ikinatawa nang mahina. "Kung makasabi ka ng sundo. May kotse ka ba?" Malakas itong tumawa sa tanong ko. Muli akong umirap sa kaniya, naiiling. "Bakit hindi mo ako hintayin na lang sa palengke? Nagsayang ka pa ng pamasahe," masungit na sabi ko. Sumulyap ito sa aking hawak at muling tumingin sa akin. "Medyo tanghali ka na kasi." Hindi ako nagsalita. Hindi ako makatulog kagabidahil sa ngiti niyang nakakainis! Lagi na lang pumapasok sa isip ko! Sa iba ka naman pumasok! Ay, pasmado! "Anong gagawin mo sa mga bulaklak?" tanong nito. "Itatapon sa kabaong mo," pilosopo kong sagot dahilan ng malakas niyang pagtawa. Hindi ako nagbibiro! Ako pa mismo ang maghuhukay para sa kabaong niya. Umirap ako dito at inayos ang mga bulaklak. Kinuha niya ang mga gamit na hawak ko. Hinayaan ko lang siya. "Ibibigay ko ito sa mga magulang ko. Araw ng kamatayan nila ngayon, e." Tumango-tango ito. "Sasama ako." Muli akong umirap sa kaniya. "Syempre sasama ka sa akin. Alangan namang iwan kita dito." Muli siyang tumawa sa sinabi ko. Kulang ba sa tulog ang isang 'to? Para siyang baliw. Tumawa nang tumawa. "Anong nakain mo? Mukhang masaya ka ngayon, ah?" saka kinawayan ang paparating na tricycle. "Nakita kasi kita…" "Mukha ba akong joker?" habang nakaturo ang hintuturong daliri sa mukha. Hinawakan nito ang kaniyang tiyan sa labis na pagtawa. Sumimangot ako. "Gandang ganda kong babae. Mukhang joker?" pagpapatuloy ko. "Pang beauty pageant 'to, 'no!" Padabog akong pumasok sa loob ng tricycle. Umusod ako nang kaunti dahil pumasok rin siya. Malaki siya at matangkad kaya sobrang sikip dito sa loob. Kulang na lang daganan niya ako. Anong daganan, Isang?! Baliw ka na! Iba ang iniisip mo! "Sa may angkasan ka kasi. Bakit ka ba sumisiksik sa masikip?" Inirapan ko siya. Nilingon niya ako. Umandar na ang aming sasakyan kaya nagtama ang aming tuhod na nagbigay sa akin ng kuryente. Mabilis kong iniwas iyon at tumikhim nang makita ang titig niya. "Gusto ko sa tabi mo, e." aniya. "Maghapon na tayong magkatabi sa palengke pati ba naman dito?" naiiling kong sabi. "Bakit ba?" Inamoy nito ang kaniyang sarili habang ang makapal na kilay ay magkasalubong. "Hindi naman ako mabaho, ah. Bagong ligo 'to." Bahagya niyang inilapit sa akin ang kan’yang damit at pinaamoy. Nandidiri ko iyong inilayo sa akin saka tinakpan ang ilong. "Kadiri ka! Hindi ka 'ata naligo kagabi." Kung ako lang si Pinocchio baka kanina pa mahaba ang ilong ko sa pagsisinungaling. Ang bango niya! Amoy bagong ligo! Kanina ko pa naaamoy iyon buhat nang dumating siya. Ngumuso ito at muling inamoy ang damit. "Ang bango ko kaya," aniya. Hindi ko na siya tiningnan. Bagay sa kaniya ang nakanguso. Hindi! Hindi bagay pala! Mukha siyang isda! Ayoko! Nauna siyang lumabas sa tricycle dahil siya naman talaga ang nasa pinto. Inayos ko ang aking suot na bestida na hanggang sakong. Hindi ako nagpapaganda dahil sa kaniya, 'no! Maganda na talaga ako! Tse! Iaabot ko sana ang aking bayad nang naunang magbigay si Edwin. Nagtataka ko itong tiningnan ngunit ngiti lang ang ginanti niya sa akin. Namaywang ako nang umalis na sa harapan namin ang tricycle. "May pera ako." Kinuha ko ang aking pitaka saka ipinakita sa kaniya iyon. "Oo nga," habang tumatango, nakatingin sa dalawang-daan kong pera. "Alam mo naman pala! Bakit mo ako binayaran?!" inis na sabi ko. "Gusto ko lang…" Nagkibit ito ng balikat saka tumalikod sa akin. Aba! Bastos 'to, ah! Nagmamadali akong naglakad lumapit sa kaniya at tumabi dito. Papasok na kami sa sementeryo na patong-patong ang mga semento na nasa loob nito ay mga kabaong. "Hindi na kita isasama kapag nilibre mo pa ulit ako," inis na sabi ko, hindi pa rin matanggap na nilibre niya ako. Nakangiti niya akong nilingon. "Isasama mo ako kapag hindi kita nilibre? Sige." Nanlaki ang aking mata saka malakas na sinuntok ang matigas niyang braso. Malakas itong tumawa na parang balewala lang sa kaniya ang ginawa ko. Pinakamalakas na suntok ko na iyon, ah. Kung sa ibang tambay iyon baka kanina pa sila nakabulagta sa sahig at dumadaing. "Hindi kita isasama sa mga lakad ko," wika ko. Tumaas ang kilay nito saka ngumisi. "Saan ba ang lakad mo?" Umirap ako. "Bakit ko naman sasabihin sa iyo? Espesyal ka ba?" Tiningnan ko ito mula ulo hanggang paa saka nilampasan siya. Taas noo akong nagpatuloy sa paglalakad. Nang hindi ko mapakinggan ang hakbang niya sa aking likod, tumigil ako at nilingon siya na medyo malayo sa akin. Matikas ang tindig at matangkad. Hindi nababagay talaga ang angkin niyang kag'wapuhan sa palengke at sa sementeryo. Madilim ang kaniyang mukha habang hawak ang aking gamit na parang laruan lamang sa kaniyang malaking kamay. "Anong ginagawa mo dyan?!" sigaw ko. Naglakad siya papunta sa akin nang marinig ang sigaw ko. Titig na titig ang malalim na mga mata niya sa akin. Napalunok ako dahil doon. "I'm special to you. I'm your boyfriend," malamig na sabi nito. Napakurap ako. Nalaglag ang aking panga hanggang lupa! Ano raw?! Nabingi ba ako?! Kahit nagsisimula nang tumatambol ang aking puso, nakuha ko pa ring patapangin ang aking mukha. "Boyfriend? Hilo ka ba ngayon?" Ngumisi siya sa akin. "Boy na friend, Kesia." Mabilis akong umirap sa kaniya. Ramdam ang pagkapahiya. Tumalikod ako saka nagsimulang maglakad nang mabilis habang ang mukha ay nag-iinit. s**t! Nahiya ako rooon, ah! Walanghiyang lalaking 'yon! Linawin niyaagad! Ba't ba nag-e-english ang isang 'to kapag galit?! Espesyal talent ganern lang?! Tumigil ako sa magkatabing puntod ni Inang at Itang. Ramdam ko ang pagtabi niya sa aking gilid. Hindi siya nagsalita, naramdaman yatang wala ako sa mood ngayon. Nagtataka kong tiningnan ang sariwang bulaklak sa puntod nina Inang at Itang nang akma kong ilalagay ang bulaklak ko. Maganda ang pagkakaayos nito at nasa plastik pa. Umupo ako at inabot iyon. "Bakit mayroong bulaklak na naman dito?" tanong ko sa sarili. Hindi naman p'wedeng si Yesia ang naglagay dito dahil nasa school siya at isa pa hindi niya kayang bumili nito. Mahal kaya ito! Hindi din naman p'wede si Tiya at Mia dahil wala silang pakialam sa magulang ko. "Taon-taon na lamang may naliligaw na bulaklak dito." Inis ko itong inalis sa ibabaw ng kanilang puntod. Inilagay ko ang aking bulaklak saka ngumiti sa kanila. "Inang…Itang. Kumusta na?" Mahina akong tumawa habang kinakausap sila. "Kumakain ba kayo diyan? Maligo kayo araw-araw diyan, ha? Baka palayasin kayo ni Papa G." Ngumiti ako nang malawak. "Labing dalawang taon na mula nang mamatay kayo. Ang tagal na pala, 'noh? Hindi ko namalayan dahil sa sobrang busy ng anak niyo." Inalis ko ang mga tuyong dahon sa kanilang puntod at marahang hinaplos ang nakaukit nilang pangalan doon. "Nag-aaral ngayon si Yesia baka mamayang hapon siya dadalaw sa inyo," at tumingin sa bulaklak na itinabi ko. "Huwag naman kayong tumanggap ng bulaklak Inang at Itang. Multuhin niyo paglumapit sa inyo. Naliligaw 'ata ng landas ang taong iyon." Malakas akong tumawa habang pumapatak ang luha sa pisngi. "Miss na miss ko na kayo. Miss ko na ang luto mong talong sa akin at panggugulo niyo ng buhok ko." Sobrang hirap nang walang magulang. Hindi puwedeng maging malungkot palagi dahil kailangang kumayod. Hindi puwedeng umiyak palagi dahil may umaasa sa iyo. Ilang taon lang na naranasan ko na kasama sila. At sa ilang taong iyon, masasabi kong kulang pa. Gusto ko pang maranasan ang yakap at halik niya sa aking noo. Ngunit alam kong imposible ang hinihiling ko. Pinunasan ko ang aking luha saka tumayo ngunit nagulat ako sa aking katabi na nakatitig sa akin. "Ay, kabayong hilaw!" Napahawak ako sa aking dibdib habang gulat na nakatingin sa kaniya. Nakalimutan ko na may kasama nga pala ako ngayon. Nawala na siya sa isip ko. Hindi naman kasi ako sanay na may kasama kapag pumupunta rito. Nahihiya akong ngumiti sa kaniya saka napakamot sa ulo. "Nakalimutan ko may kasama nga pala ako. Nasanay na akong walang kasama dito, e." Bahagya itong lumapit sa akin. Seryoso ang mukha. Nagulat ako nang punasan niya ang aking pisngi gamit ang kaniyang hinlalaking daliri. Napatitig ako sa kaniyang mga mata. Bakas ang pag-alala roon habang nanonood sa pagpatak ng isa kong luha. Sobrang g'wapo niya lalo na sa malapitan. Matangos na ilong, maninipis na labi, at hubog na hubog ang panga niya na lalong nagbigay ng kag'wapuhan dito. Bumaba ang aking mata sa kaniyang mapulang labi at napalunok nang unting-unting lumalapit sa akin ang kaniyang mukha. Napapikit ako nang maramdaman ang malambot niyang labi. Nawala sa aking pandinig ang ihip ng hangin kanina. At ang tanging napapakinggan ko na lamang ay ang pintig ng aking puso. "Meow." "Ay, palakang mukhang paa!" Malakas ko siyang naitulak sa sobrang gulat. Maputla ang mukha kong tumingin sa inggit na pusa. Papansin 'to, ah! Sumulyap ako kay Edwin. Nakatulala siya sa akin parang nawala sa huwisyo. Mabilis kong iniwas ang aking tingin dito at tumingin sa puntod nina Itang at Inang. Nakita tuloy nila ang paglalandi ko. Teka! First kiss ko iyon! Teka! Hindi ako makahinga! Joke! "Bakit mo kinuha ang first kiss ko?!" inis na sabi ko pero ang totoo nagustuhan naman ng puso ko iyon. Isang beses itong napakurap saka inangat ang mata sa akin. "I'm your first kiss?" hindi makapaniwala niyang saad. Napaayos ako nang tayo sa pag-e-english niya. Gusto yatang subukan nito ang pag-e-english ko ngayon, ah. "Yes. You are thief," nahihirapan kong sabi habang may pagmamayabang ang mukha. Nakatitig ito sa akin kaya nainis na talaga ako. Aba! Pinagsisihan niya bang hinalikan ako?! Loko 'to ah! "What?" Kumulo ang dugo ko nang hindi pa rin siya nagsalita. "Kalimutan na lang natin iyon." "What?" malamig niyang sabi. Nilingon ko siya. "I'm your first kiss tapos kakalimutan mo lang?" aniya saka lumapit sa akin. Bahagya akong umatras dahil ramdam ang bigat sa bawat hakbang niya. "I must be your boyfriend by now." Nanlaki ang mata ko habang nakatingin sa kaniyang seryosong mukha. "Hindi naghahalikan ang magkaibigan, Kesia." Napatakip ako ng bibig sa kan'yang sinabi. "Hindi naman kita hinalikan, ah. Ikaw ang humalik!" Tinuro ko siya. Ngumuso siya at muling tumingin sa aking labi. Mabilis ko ulit itong tinakpan dahilan ng pag-angat ng paningin niya sa akin. "Because your seducing me…" Namaywang ako. Ako pa pala ang may kasalanan! Sorry naman! "Hindi kita sinesedu—ano ba 'yan?! Bakit mo ba ako ini-english diyan?! Ikaw ang humalik sa akin. Hindi ako ang humalik sa iyo." Tinaas nito ang kaniyang kilay at tumingin sa puntod ni Inang at ni Itang. "Magandang araw po. Pasensya na sa kaingayan ng aking nobya." Natataranta akong napatingin sa kaniya. Kinakausap niya si Inang at Itang. At anong nobya?! Kapal nito! "Hindi mo ako girlfriend! Feeling ka!" Hindi niya ako nilingon. "Pasensya na po kung hinalikan ko ang anak ninyo sa inyong harapan." Mahina itong tumawa at sumulyap sa akin saka muling ibinalik ang tingin sa kanila. "Gusto ko lang pong ipaalam sa inyo na liligawan ko si Kesia…" Napatakip muli ako ng bibig sa gulat. "Kahit na girlfriend ko na siya ngayon." Ngumiti ito sa akin. "Gusto ko po kasi siya. Sana ayos lang sa inyo." Hindi ako nakapagsalita sa kan'yang binunyag! Tangina! May gusto pala ang isang 'to sa isang Akesia?! Ganoon na ba kalupit ang kagandahan ko?! Humarap sa akin si Edwin at hinawakan ang aking dalawang kamay. Nakanganga ako ngayon dahil gulat pa rin. Mahina siyang tumawa habang tigtig na titig sa akin. "I like you, Kesia. I'll court you even you like it or not." Ay, bawal palang tumanggi?! No choice pala ako! Sige na nga! Tinikom ko ang aking bibig at umiwas nang tingin sa kaniya. "A-Akala ko girlfriend mo na ako." Uminit ang aking pisngi sa aking sinabi. Napakagat ako ng labi nang marinig ang mahina niyang pagtawa. Ano ba ang sinabi ko?! Akala ko ba ayaw ko sa kaniya?! Ang gulo ko naman ng puso ko! Sabi ko hindi pa ako handang magka-boyfriend! Tapos ngayon nagmamadali ako?! Hala! Sige! Gusto ko rin naman siya, e! Magpapakipot pa ba ako?! "I can be your boyfriend and suitor at the same time." Tumango-tango ito. Tumingin ako sa kaniya saka ngumuso. Bumagsak ang kan'yang mata roon, nagtagal saka tumingin muli sa akin. "Liligawan kita habang tayo." Malamyos niyang hinaplos ang aking pisngi. "I love you, Kesia." Biglang uminit muli ang aking pisngi. Like lang kanina, ah! Bakit love na ngayon?! Bilis ng lalaking 'to, ah! Kinagat ko ang aking labi saka tumingin sa kaniya. "I love you too, Edwin," pabulong kong sabi. Lumaki ang ngiti nito at unti-unting inilapit muli ang mukha sa akin. Hahayaan ko muna ang puso ko ang masusunod. Itataya ko muna ang puso ko ngayon pero hindi ibig sabihin noon na kakalimutan ko ang aking responsibilidad. Mamahalin kita habang ginagawa ko ang aking tungkulin bilang ate. Nanlaki ang aking mata nang maramdaman ang kaniyang dila sa loob ng aking bibig. Hinigit niya ako palapit nang husto sa kaniya gamit ang kamay niya na nasa baywang ko. Napahawak ako sa kaniyang balikat nang maramdaman muli ang dila niya na parang may hinahanap sa loob. Hindi ko namalayan na gumaganti na pala ako ng halik na ikinaungol nito. Nagtayuan ang aking balahibo at ramdam ang malakas na kuryente nang marinig iyon. Naglakbay ang aking kamay sa batok niya at diniinan pa lalo ang kaniyang halik. Hinihingal kaming naghiwalay ni Edwin habang nakatingin sa isa't isa. Kinagat niya ang kaniyang labi na sobrang pula na. Namumungay ang matang nakatingin sa akin saka binigkas muli ang tatlong salita. "I love you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD