Chapter 10

2182 Words
Akesia's POV "Aling Pekwang! Bili na kayo!" tawag ko sa payat na babae na may maikling buhok. Lumingon ito sa akin at lumapit. Tumingin siya sa mga isda ko at ngumuwi. "Sariwa ba 'yan?" Muntik nang umirap ang aking mga mata nang makita ang mukha niyang payat. Kulang na lang lagyan siya ng bulak sa butas ng ilong para magmukhang patay! "Oo naman po," saka lumaki ang ngiti. Nandidiri niyang hinawakan ang isang bangus at sinuri ito. "Mukhang hindi naman." Binagsak ang hawak niyang isda. Muntik na iyong malaglag sa sahig! Naku! "Sariwa po 'yan, Aling Pekwang. Mas sariwa pa sa inyo," bulong ko sa huling sinabi. Tinaas niya ang kan'yang isang kilay. Mas mataas pa ito sa ulap at nas makapal pa sa mukha niya. "May sinasabi ka?" "Sabi ko po sariwa po iyan. Kaninang umaga lang po 'yan dinala dito galing laot." Totoo naman ang sinabi ko. Sobrang sariwa naman talaga ng mga paninda ko. "Kapag pula ang mata at puti ang hasang sariwa po ang isda," seryosong sabat ni Edwin na nasa tabi ko. Nauna pa siyang pumunta dito sa palengke kaysa sa akin. Kanina pa rin siya nakatayo sa tabi ko. Wala naman akong magagawa dahil isa lang ang upuan dito. Heler! Hindi ko ibibigay ang upuan ko para sa kaniya, 'no?! Napalingon si Aling Pekwang kay Edwin nang marinig ang malagong at malaking boses niya. Nanlaki ang malalim niyang mata at nakanganga ang tuyo nitong labi. "Hi," malanding sabi ni Aling Pekwang. Tiningnan ko ito mula ulo hanggang paa. Bilis magbago ng personality, ha. "Megkene be te?" Umusok ang aking ilong nang sabihin niya iyon. Masyado siyang halata na nilalandi si Edwin! Tandang tanda na, pumapatol pa rin! Bakit ba ako nagagalit?! Ano naman ngayon kung nilalandi niya ang isang 'to! Gusto rin naman niya 'ata na landiin siya! Tumingin ako sa aking katabi ng hindi ito sumagot kay Aling Pekwang. Nakatingin pala ito sa akin na may ngisi sa labi. Mabilis kong inayos ang aking mukha na halata ang inis kay Aling Pekwang. "220 Walang tawad!" sagot ko. "Mahirap ang buhay ngayon!" Sumulyap ito kay Edwin at kumurap-kurap na parang nagpapaganda. Hindi naman nagreklamo si Edwin kaya ayos lang 'ata sa kaniya! "Ano ka ba, Isang?" Malanding hinampas ang aking braso saka hinawi ang buhok at tumingin kay Edwin. "Hindi naman talaga ako tumatawad sa 'yo." Napairap na lang ako dahil sa kaniyang sinabi. Kada bili niya kaya sa akin lagi siyang tumatawad pero hindi ko siya pinagbibigyan. Ano ako? Hilo! Siya kaya ang magbenta dito! Kasama ng mga patay na isda! Tse! "Ilang kilo po ba, Aling Pekwang?" saad ko. "Para makaalis ka na dito," bulong ko habang nagkukunwaring umuubo. Napalingon muli sa akin si Edwin ng may ngiti sa labi. Parang kinikilig naman si Aling Pekwang nang makita ang kaniyang ngiti. "Tatlo na," sagot niya sa akin. Agad akong kumuha ng bangus at inabala ang sarili sa pagtimbang nito. "Sino ba ang kasama mo, Isang? Amo mo?" Padabog kong binagsak ang kaniyang isda at kinuha ang isa pang bangus dahil kulang ang timbang nito. Saglit kong sinamaan ng tingin si Aling Pekwang. Hindi niya iyon nakita dahil abala siya sa pagsilip sa malaking braso ni Edwin. "Nagbubuhat po iyan ng gulay at prutas, Aling Pekwang." Nilagay ko ang kanan kong kamay sa baywang at tinarayan siya. "Mukha ba akong katulong ng isang 'to?" Sabay na tumingin ang dalawa sa akin. "Tindera ako dito, hindi alila." Malakas na tumawa si Aling Pekwang ngunit hindi ako nakisama sa kaniya. Hindi ako marunong magpeke minsan. 'Tsaka parehas lang namang medyo madungis ang kasuotan namin ni Edwin. Bakit napagkamalan pa akong alila?! "Ikaw naman hindi mabiro, Isang." Inirapan ko ulit ito saka inabot ang plastik katapat ng kaniyang mga mata na titig na titig kay Edwin. Kulang na lang tumalon siya sa ibabaw ng paninda ko para halikan ang isang 'to. "660 lahat, Aling Pekwang." Dumukot ito ng kaniyang pera at nilabas ang lilibuhing papel. Nilawayan niya ang kaniyang hinlalaki na ikinangiwi ko. Yak! Siguradong lasang abo iyon! "Oh, 'yan 1000 na keep the change," ani nito matapos bilangin sa aming harapan ang 10,000 pesos. 1000 lang naman ang ibibigay bakit binilang at nilabas lahat?! Buti na lang may sobra siyang binigay sa akin. Kun'di! Naku! Talaga! "Napakabait niyo naman, Aling Pekwang," pamemeke ko. Biglang sumaya ang aking pakiramdam at mukha ng iabot niya sa akin ang isang libo. Hulog pala minsan ito ng langit. Hindi lang 'ata pinakain sa itaas. "Naku! Lagi naman akong mabait sa iyo." Napangiwi ako ngunit agad na ngumiti. Lumingon ito kay Edwin na kanina pa tahimik. "Ano bang pangalan ng katabi mo? Parang ayaw mo sa aking sabihin, ah." "Edwin po," mabilis kong sagot. "Ikaw Aling Pekwang, ha. May gusto yata kayo sa kaibigan ko." Nilingon kong muli si Edwin na madilim na ang mukhang nakatingin sa akin. Ngumisi ako kahit medyo naiinis na! "Single ito!" "Ano ka ba, Isang!" nahihiyang humagikgik si aling Pekwang. "Nakakahiya!" Maarteng tinakpan nito ang kan'yang bibig at umiwas ng tingin kay Edwin. "Mahihiya pa kayo eh ang dami niyo na nga pong naging lalaki. Kayo ha! Ang galing galing niyo pong manghatak ng lalaki." Bumungisngis ulit ito sa aking sinabi. Bahagya kong nilapit abg aking mukha sa kaniya upang bumulong. "Ano pong sekreto natin diyan baka magkalalaki rin ako, Aling Pekwang." Kinindatan ko siya. Mahina nitong akong hinampas sa balikat. Naramdaman ko ang buto ng kaniyang kamay! "Naku! wala akong sekreto tungkol diyan, Isang!" Ngumuwi ulit ako at umayos ng upo. "Pinanganak na talaga akong habulin ng lalaki." Muntik na akong masuka sa kinauupuan ko. Pilit na ngiting tumingin ako sa kaniya. "Araw-araw ka ba dito, Edwin?" tanong niya sa katabi ko. "Hin—" "Ay opo, Aling Pekwang! Araw-araw siya rito! Lagi siyang nagbubuhat doon." Turo ko sa mga lalaking may buhat ng gulay. Tiningnan din ito ni Aling Pekwang. Malaki ang tip sa akin ni Aling Pekwang sayang naman! Kung araw-araw si Edwin dito, araw-araw niya rin akong bibigyan ng tip! Sino ba namang hindi matutuwa sa pera?! "Ganoon ba?! Baka bumalik ako bukas dito, ha." Tumango lang ako dito. Kumindat ito kay Edwin bago umalis sa aming tapat. Malakas akong tumawa nang makalayo ito sa amin ngunit agad na tumigil nang makita ang madilim na mukha at nagtatagis na panga ni Edwin. "What did you do that?" Napakurap-kurap ako, hindi nakapaghanda ng mag-english ito sa akin. Madrama kong tinakip ang aking bibig at napahawak sa aking bangko. "Edwin…" kunwari ay naiiyak kong sabi. "Ikaw pa ba 'yan?" Pinunasan ko ang aking pisngi kahit wala namang luha roon. Nakatitig lang ito sa akin, halata ang galit sa mukha. "Bakit mo ako binubugaw?" Napahalakhak ako sa narinig. Napapatingin sa amin ang mga tindera rito ngunit hindi ko talaga mapigilan. Hinampas-hampas ko ang aking upuan habang pinupunasan ang gilid ng mata. "Bakit ka nag-eenglish?" sabi ko saka namaywang habang natatawa pa rin. "Bakit mo ako binubugaw?" Nawala ang ngiti sa labi ko nang marinig ang diin sa tanong niya. "Hindi kita binubugaw." Tumaas ang kaniyang kilay. "Ano sa tingin mo ang sinabi mo kanina sa babae?" "Alin?" maang kong tanong. "Wala naman akong sinasabing binubugaw kita." "Sinabi mong single ako, Isang." "Totoo naman, ah." "Parang binibigay mo ako sa kaniya or i would say…sinabi mo iyon para makabenta ka." Nanlaki ang aking mata sa kaniyang sinabi. Bakit ba ako nagulat? E, totoo naman ang kaniyang sinabi. "Pero totoo namang single ka," sagot ko saka siya inirapan. "I'm not single," malamig nitong sabi na ikinalingon ko. Sumikip bigla ang aking dibdib sa hindi malamang kadahilanan ngunit agad ko itong winaksi. "Ano?! Akala ko ba may nagugustuhan ka lang?! Bakit? Naging kayo na ba?!" Tinitigan niya ako nang matagal. Tinago ko ang kirot upang hindi niya mahalata. "Hindi pa." Umiwas siya ng tingin sa akin. Patago akong huminga nang malalim. Bakit guminhawa ang aking pakiramdam ng sabihin niya iyon?! Ano bang nangyayari sa akin?! Kaibigan ko lang siya! H-Hindi ba? "'Yon naman pala..." Umayos ako nang upo saka humalukipkip habang diretso ang tingin sa kaniya. "single ka." "Tss." Umiling lang ito saka humarap sa mga mamimili. "Bakit mo tinanong kanina sa babae kung paano magkaroon ng lalaki?" aniya pagkatapos niyang ibigay ang isda sa babaeng bumili. Kita sa gilid ng aking mata ang paglingon niya sa akin. Hindi ako nag-abalang tumingin din sa kaniya. "I'm talking to you." "Kanina ka pa nag-eenglish diyan, ha. Naiintindihan kita. Baka akala mo hindi ko gets 'yang sinasabi mo!" Mabilis akong humarap dito saka siya tiningnan mula ulo hanggang paa. "Stop talking to me in English," laban ko. "You're making me nosebleed. " Tumingala ako habang nakatakip ang ilong gamit ang hintuturo. "Bakit mo iyon tinanong?" Umirap ako sa kaniya. Ang kulit niya! "Masama bang magtanong?" "Akala ko ba ayaw mo pang mag-boyfriend." Tinaas ko ang aking isang kilay. "Gusto ko na," sabi ko. Kahit hindi ko naman gusto na magkanobyo pa. Sinabi ko lang iyon para hindi na siya magtanong pa. At saka hindi p'wedeng siya lang ang magkaka-girlfriend, no! Bakit naman ako nakikipagkompetensiya sa tukmol na ito?! Ano naman kung magkaka-boyfriend siya! "Paano iyong sinabi mo sa aking ayaw mo pang magka-boyfriend?" Nakangisi na ito ngunit halata pa rin ang paggalaw ng panga. May dalaw yata siya ngayong araw. Ang gulo ng mood. Mas magulo pa sa buhok kong tatlong taon nang hindi sinusuklayan. "Binabawi ko na," taas noo kong sabi. "Sino naman ang gagawin mong nobyo kung ganoon?" aniya sabay tuon ng kaniyang kanang kamay sa may harapan ko at bahagyang lumapit sa akin. Napalunok ako nang kusang bumaba ang aking mata sa kaniyang labi saka mabilis na umiwas ng tingin. Ngumuso ako at nag-isip. Sino nga ba? Wala naman akong gusto dito sa baryo namin. Lalo akong ngumuso nang sumagi ang ngiti ni Edwin sa aking isip. "Kahit sino." Nagkibit ako ng balikat. Lumaki ang ngiti nito sa akin at tumango. Napatingin ako sa kaniyang likod at nakita si Tomas na papalapit sa amin. Pawisan ang noo nito, mukhang katatapos lang magbuhat. "Si Tomas," hindi ko namalayan na lumabas iyon sa aking bibig. Napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko nang marinig ang pagngitngit ng ngipin nito. Madilim ang mukha na halatang halatang galit. "You said you don't like him?" malamig ang boses na sabi nito. Kinakabahan akong tumingin sa kaniya at iniwas ang mata dahil hindi ko maibuka ang aking bibig sa kaba. Hindi ko inaasahan namang sasabihin ko iyon. Gusto ko lang iparating sa kaniya na kailangan niyang lumayo sa akin dahil paparating na si Tomas. Baka kung ano ang isipin noon sa aming dalawa! "Kesia. You. don't. like. him," may diin at galit ang bawat salita niyang binibitawan dahilan kung bakit nagtatayuan ang mga balahibo ko sa batok. Hindi ko namalayan na tumatango na pala ang aking ulo sa kaniyang sinabi. Bahagyang nanlaki ang aking mata dahil parang asong sumusunod ang aking katawan sa kaniyang amo. Ang puso at buo kong katawan ay hindi sumusunod sa sinasabi ng utak ko. Hindi ko alam kung bakit ako tumango! Hindi ko alam kung bakit ko iyon ginawa! Kinuyom ko ang aking kamay dahil nararamdaman na naman ang mabilis na pagtibok ng aking puso. Gusto ko siya. Ramdam kong nagugustuhan ko na siya pero imposible! Kakakilala ko pa lang sa kaniya. Ngayon ko lang nakita at nakilala! "Good, Kesia." Napatingala ako sa kaniya nang marinig ang mababa at malambing niya boses na para bang nanghehele ng bata. Bahagyang nakangisi ang kaniyang manipis at mapulang labi. Na parang nang-aakit sa akin na ilapit doon ang labi ko. Napalunok ako habang nakatitig sa labi nito ngunit agad na napabaling sa kaniyang mata nang mahina siyang tumawa. Agad na umangat ang init sa aking mukha. "Isang ko!" Mahina akong napatalon ako sa aking kinauupuan dahilan kung bakit muntik na akong mahulog. Agad na hinuli ni Edwin ang baywang ko saka inayos sa pagkakaupo. Taranta kong inalis ang aking kamay sa kaniyang balikat nang mapagtanto ang aming puwesto. Isang beses akong lumunok nang maramdaman ko ang kuryenteng gumagapang sa aking katawan. Umiwas ako ng tingin dito saka tumikhim. Hindi ako ganito! Walang nang-uutos sa aking lalaki! Hindi dapat ako sumusunod sa kaniya! Bakit ganito? Hindi lang ang puso ko ang tumitibok kundi pati ang p********e ko?! "Marami ba kayong nabenta?" Napalingon ako kay Tomas na nagpabalik-balik ang tingin sa aming dalawa. Mabilis akong ngumiti sa kaniya at mahinang tumikhim. Umayos ako ng upo saka humarap sa kaniya. "O-Oo. Ang daming bumibili ngayon, e." Tahimik na tinalikuran kaming dalawa ni Edwin. Nagtataka namang nakatingin si Tomas sa likod nito. Binaling ang atensiyon sa akin saka ngumiti. "Buti naman para maaga kang makauwi at makapagpahinga." Tumango ako at kinuha ang patpat na may plastik sa dulo upang habugin ang mga langaw. "Ang dami naming binuhat kanina. Nadagdagan ng dalawang track ang dumating ngayon." Umiling siya at tinaas ang sandong puti saka pinunasan ang noo. Napatingin ako doon saglit at napabaling kay Edwin na nakatitig na ngayon sa akin. Muli na namang sumagi sa isip ko ang kaniyang nang-aakit na labi. Hindi ko na dapat iyon inaalala pa! Bakit ka ba pumapasok sa isip ko?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD