Chapter 9

2125 Words
Akesia's POV Tatlong araw mula noong makilala ko si Edwin. Lagi niya akong tinutulungan sa palengke ngunit tinatanggihan ko ito. Hindi ko alam kung anong mayroon sa lalaking ito na kinaiinis ko. Hindi ko ipagkakaila na dahil sa kaniya mabilis na nauubos ang mga paninda ko kaya maaga akong nakakauwi lagi. Magaling siyang manghikayat ng mga mamimili. Isang ngiti niya pa lang tiyak na mapapabili ka. Nandito siya ngayon sa tabi ko at kinakausap ang matandang babae. Binobola niya ito para bumili. Kanina pa sila nag-uusap. Ito naman ako…kanina pa rin nakikinig sa mga bulahan nila. Napabumuntong-hininga na lamang ako dahil sa pagkainip. Napatingin ako sa lalaking katabi ko at pinakatitigan ang kan'yang mukha. Ngayon ko lang napansin na g'wapo pala talaga siya. Matangos ang ilong. Mapula, at manipis ang labi at napakaganda ng panga nya. Bakit ngayon ko lang ito nakita? Napatingin naman ako sa kaniyang braso. Malaki ito at kitang kita ang hubog kapag gumagalaw siya. "Salamat po, Manang," rinig kong sabi niya. Mukhang natuluyan niyang mauto ang matanda. Humarap siya sakin kaya agad akong umiwas ng tingin, nagkunwaring may ginagawa. "Oh," sabay abot niya ng pera sa akin. Tumingin ako sa kan'yang mga mata saka binagsak iyon sa kaniyang kamay. "Bakit hindi mo ba ako tinitigilan?" wika ko habang nilalagay sa lalagyan ang pera. Araw-araw ko na siyang tinatanggihan, sinusungitan, at binabara sa mga salitang kaniyang binibitawan ngunit ito pa rin siya. Nakakunot ang noo kong nilingon siya nang marinig ang kaniyang mahinang pagbungisngis. "Sabi ko naman sa'yo, 'di ba? Gusto kong makipagkaibigan sa 'yo. Mahirap ba 'yon?" "Bakita nga?" "Basta gusto kong maging kaibigan ka." Huminga ako nang malalim dahil naiinis na naman ako sa kaniya. Ngunit agad nawala ang lahat ng iyon nang mapatingin ako sa mga nagdadaanang mamimili na halatang halatang nagpapapansin sa kaniya. Wala naman siyang ginagawa sa akin kaya bakit ako naiinis? Tsaka gumaganda ang kita ko kapag siya ang nagbebenta. Napaayos ako ng tayo at agad na tumikhim. Hinalukipkip ko ang aking braso at diretso na tumingin kay Edwin. "Sige na nga. Magkaibigan na tayo." Lumiwanag naman ang mukha niya nang marinig iyon. Akmang yayakapin ako pero pinigilan ko siya gamit ng aking kamao. "'Wag kang lalapit." "Talaga? Pumapayag ka na?" aniya, tumigil nang makita ang nakataas kong kamay. "Mukha ba akong nagbibiro?" Ilang segundo pa siyang tumitig sa akin, tila ay binabasa ang nasa utak ko. Nilahad niya ang kaniyang kamay dahilan ng pagtaas ng aking kilay. "Anong pakulo 'yan?" "Deal." Lumawak ang kaniyang ngiti na para bang tumama siya sa lotto. "Ibig sabihin tunay na magkaibigan na tayo." Inirapan ko siya saka tinanggap ang kaniyang kamay. Bumalik kami sa pagbebenta ng mga isda. Nakangiti pa rin siya hanggang ngayon. Ganoon ba siya sobrang sayang magkaroon ng kaibigan? Tss. Kawawa naman ang isang 'to mukhang lonely person. "Hatid na kita, Kesia," ani niya. Nagliligpit kami ngayon ng gamit. Maaga kaming nakaubos kaya maaga din akong makakauwi. Medyo pagod ako ngayon. Kaunti lang naman ang aking ginawa dahil kay Edwin. Kung mayaman lang ako, nagmukha na siyang katulong ko dahil palagi niya na lang kinukuha ang dapat sana ay gawain ko. "Hindi na. Kaya ko na," sabi ko. Aakmang tatalikod nang pumasok sa isip ko ang tinawag niya sa akin. "Teka nga! Anong tawag mo sa akin?!" "Kesia…" Nagkibit ito ng balikat. Mabilis akong umiwas ng tingin, nangingilid ang luha nang may naalala. Matagal na rin simula nang may tumawag sa aking Kesia. "Ayoko ng pangalang iyon!" sabay talikod sa kaniya at naglakad. "Bakit?" tanong niya habang sumusunod na parang aso sa akin. "'Yon na lang ang itatawag ko sa iyo." Umiling ako. "Ayoko nga no'n. Isang na lang." "Gusto ko ng Kesia, e. Tawag ko 'yon sa iyo bilang magkaibigan." "Wow!" sarkastiko kong sabi saka tumigil at hinarap siya. "Ilang araw lang tayong naging magkaibigan. May tawagan agad!" Ngumiti lang ito sa akin saka parang batang tumango-tango. Hindi siya nasindak sa makapatay kong tingin! Ang kapal talaga ng mukha ng isang 'to. Porque pinayagan ko lang siya, naging paladesisiyon na sa buhay ko! "Kayo rin naman ng Tomas na iyon, e. " Alam niya nang hindi ako pumayag na ligawan ako ni Tomas. Ewan ko ba at nakita ko sa mukha nito ang ginhawa noong sinabi ko iyon. Uto-uto 'ata ang isang 'to eh! "May tawagan kayo, 'di ba?" Ngumuso ito. "'Isang ko' ang tawag sa iyo. Hindi naman bagay sa kaniyang tawagin kang ganoon!" Inirapan ko ito. Ang kulit niya! "Sige na nga! Tawagin mo ako kung anong gusto mong itawag! Ang gugulo niyong mga lalaki kayo!" Mabilis nagbago ang reaksiyon nito. Umirap ako sa kaniya. "Sabi mo 'yan, Kesia ha." Pagbibigyan ko ang isang 'to at kaibigan ko naman na. Para wala na ring nangungulit like hello! Katatapos ko pa lang magtrabaho, pagod ako. Ang lalaki yatang 'to walang kapaguran kasi hanggang ngayon guwapo pa rin! "Hatid na kita, Kesia," sabay ngiti niya. Habang naglalakad tumitingin sa min ang mga tsismosa at nagbubulungan. Napairap na lang ako ere dahil sobrang halata nila. Tumingala ako sa kasama ko na nakangiti pa rin. Hindi niya ba napapansin na kami ang pinagbubulungan ng mga tao dito. Isa rin yan sa dahilan kung bakit ko siya pinagtatabuyan. Sumakay na kami sa sasakyan. Halata na ang pagod sa kaniyang mga mata. Hindi niya alintana ang dumi ng damit niya at ang lansa namin. May ganito pa palang lalaki, 'no? Nagtatrabago nang marangal, walang bisyo, at hindi nanloloko ng kapwa. Napangiti naman ako sa naisip. Ngunit agad na napasimangot dahil sa aking ginawa. Bakit ako ngumiti? Anong nangyayari sa akin? Oh my! Pinilig ko ang aking ulo at tumingin na lang sa labas. "Salamat…" maikling sabi ko nang nasa tapat na kami ng bahay. Mabilis kong kinuha ang aking mga gamit sa kamay niya habang nakatingin siya sa aking bahay. "Hindi mo ba ako papapasukin?" May pagratampong himig niya kaya hinarap ko siya. Tatakbo na sana ako papasok ng bahay kahit magmukha akong tanga! "Papapasukin." Inilagay ko ang aking mga gamit sa mesa at lumingon sa kaniya. Nakatayo ito sa tabi ng mabaha at gawa sa kahoy na upuan. Nakangiti siya habang pinagmamasdan ang mga larawan namin na nakasabit sa dingding. "Pamilya ko 'yan. Ako 'yong nakapula," sabi ko habang inaayos ang gamit. "Mukhang masaya kayo dito, ah." Nilingon ko siya. Kumikislap ang kaniyang mga mata habang nakangiti pa rin sa litrato namin ng pamilya ko. Tumango ako kahit hindi naman niya ako nakikita. "Oo. 'Yan rin ang huling kuha namin kasama si inang at itang." Lumingon siya sa akin. Hindi ko alam kung guni-guni ko lamang ang nakitang lungkot sa kaniyang mga mata kanina. Ngumiti ito sa akin at dahan-dahang tumango. "Pasensiya na." "Ayos lang naka-move on na naman kami sa pagkamatay nila," sabi ko "Upo ka. Kukuha lang ako ng maiinom mo." Hindi ko hinintay pa ang pagsagot niya. Mabilis akong pumasok sa kusina at naghanap ng inumin niya sa refrigerator. Pero naalala ko wala nga pala kaming refrigerator kaya kumuha na lang ako ng tubig na hindi malamig. Naghanap din ako ng makakain ngunit ubos na pala ang biscuit namin. Gumalaw ang aking tainga nang marinig ang boses ng aking pinsan kasunod nito ay ang mahinang boses ni Edwin. Sinilip ko ang labas at agad na nabungaran ang nagkukwentuhang nilalang! Tuluyan akong lumabas ng kusina saka agaw-atensiyon na binagsak ang tubig sa ibabaw ng lamesa dahilan ng pagtigil nila. Sabay na tumingin sa akin ang dalawa. Bumagsak pa ang aking paningin sa kamay ni Mia na nakahawak sa braso ni Edwin habang ang isa namang lalaking ito ay tuwid na tuwid na nakaupo! Hindi jiya ba nahahalata na nilalandi na siya?! "Oh, pinsan. Andyan ka na pala? Ipakilala mo naman ako sa kaibigan mo," malambing na ani ni Mia, may malagkit na tingin kay Edwin. Umayos ako ng tayo saka pekeng ngumiti sa kanipa. "Edwin si Mia. Mia si Edwin." Mabilis na lumawak naman ang ngiti ni Mia saka pinulupot ang braso niya sa braso ni Edwin. Lihim akong napangisi nang makita ang hindi pagkakomportable ni Edwin sa aking pinsan. 'Di ba siya marunong magpaalis ng babae? Ang hina namang nitong nilalang. "Hi, Edwin. May girlfriend ka na?" diretsong tanong ni Mia. Tumango si Edwin dahilan ng pag-ayos ng aking tayo. Hindi ko inaasahan na may girlfriend na pala siya! Gago! "Siya..." Tumigil ang t***k ng puso ko sa hindi malamang kadahilanan habang nakatitig sa mga mata niya. Gusto kong bulyawan siya ngunit tila'y naging pipi ang aking bibig. "Girl na friend ko siya." Kinurap ko ang aking mata nang marinig ang pagdugtong niya sa kan'yang sinabi. Huminga ako nang malalim. Hindi ko alam kung ginhawa ba ang nararamdaman ko o iba na. Tumango ako bilang pagsang-ayos sa sinabi niya nang makita ang titig sa akin ni Mia. "Ahh…ano ka ba." Malakas na pagtawa ni Mia. "Ang ibig kong sabihin kasintahan. Mayroon ka ba noon?" "Wala pa…" "Talaga! Parehas pala tayo," makahulugang ani ni Mia. Sobra namang halata niya. Hindi pa nga niya kilala ang lalaking iyan nagpaparinig agad siya. "Ahh…" tanging sagot ni Edwin. Siguro hindi niya nakuha ang ibig sabihin ni Mia. Palihim kong tinakpan ang aking bibig dahil sa pagpipigil ng tawa nang makita ang nakabusangot na mukha ni Mia. Para siyang nalugi at 'di na naibalik pa. "Hi, Ate. Nakauwe ka na pala ang aga mo, ah. " Pagbungad sa akin ng kapatid ko. Kapapasok pa lang nito sa bahay at nakauniform pa. Ngumiti ako sa kaniya saka siya nilapitan. "Maagang nakaubos, eh." Tumango siya. Akmang ibubuka ang bibig upang sana'y magsalita nang lumampas ang kaniyang paningin sa aking kausap kanina. "Sino siya? Manliligaw mo?" sabay tingin sa akin. Malakas na tumawa si Mia. Kita na ang gums niya sa sobrang lakas. 'Di ba siya nahihiya sa kaniyang mukha? "Hi, ako si Edwin. Kaibigan lang ako ng Ate mo," natatawang ani ni Edwin. "Sayang naman ang g'wapo mo pa naman," ani ni Yesia. Lihim ko siyang hinampas siya sa braso. Kung ano-ano kasi ang pinagsasabi. "Aray naman, Ate. Nagsasabi lang ako ng totoo." Nakangusong wika niya ngunit mabilis na ngumiti nang tumingin kay Edwin. "Magpalit ka na nga," pangtataray ko sa kanya. "Aalis na ako, Kesia. Salamat sa pag-imbita," sabi niya. Hindi ko naman siya inimbitahan, ah! Pinapasok ko lang siya kasi tinanong niya ako! Asungot talaga 'to! "Ihahatid na kita sa la—" "Bye, Edwin. Ingat ka." Lumingon lang si Edwin sa kan'ya at tumango. "May gusto sa akin ang pinsan mo?" Naka ngiwing wika nito nang tumigil kaming dalawa sa tabi ng kalsada. Lumingon siya pabalik sa aming bahay dahilan ng agaran niyang pagtingin sa akin nang makita ang pinsan ko na kumakaway sa kaniya. "Akala ko hindi mo napansin?" natatawa kong sabi. "Sinong hindi makakapansin doon? Dinidikit niya sa akin ang dibdib niya." Malakas akong tumawa nang maalala iyon. "Ayaw mo ba ng dibdib? Lahat ng lalaki gusto ng dibdib." Umiwas ito ng tingin sa akin. "Ganito ka laki ang gusto nila," sabay nagmuwestra ng malaking bilog sa ere. "'Di ba?" "Hindi ko gusto ang pinsan mo," seryoso niyang sabi. Nakatitig ito sa kawalan. Madilim ang kalahati ng kaniyang mukha dahil sa dilim na lalong nagpatingkad ng kan'yang kagwapuhan. Ano! Anong sinabi ko?! Teka! Hindi siya guwapo! Medyo lang. Humalukipkip ako saka ngumisi. Kunwari pa siya! Ganiyan lahat ng mga lalaki! Ibinalik niya ang kaniyang mga mata sa akin. "Iba ang gusto ko." Unti-unting nawala ang ngiti ko sa labi. Bumilis ang pagtibok ng aking puso habang kami ay nakatitig sa isa't isa. Wala siyang sinabing pangalan ngunit bakit ganito na mag-react ng puso ko. Hindi. mali? Hindi ako ang gusto niya! Baka tagakanila din. Oo. Tama. Hindi niya ako gusto at hindi ko rin siya gusto. Kakilala pa lang namin tapos ganoon na agad. Mahina akong tumawa saka pabiro siyang sinuntok siya nang mahina sa braso. "Nagbibinata ka na Edwin huh," sabi ko upang maputol ang mabigat na nararamdaman. Natatawang nakatingin ako sa kaniya. "Imbitahan mo ako sa kasal mo. Magdadala ako ng bag para makarami ng bitbit." Malakas akong tumawa. Parang baliw akong tumatawa dito habang siya ay titig na titig sa akin. Hindi siya nagsalita o kumibo man lang. Muli akong tumingin sa kaniya. Kinakabahan na ang aking pakiramdam dahil sa kaniyang tingin na hindi ko mawari o dahil hindi lang ako sanay na nandiyan siya. "Bakit?" tanong ko sa kaniya. Umiwas siya ng tingin at mariing ipinikit ang mata saka tumingala dahilan ng makita ko ang pagtaas ng adam's apple niya. "Inaantok na ako." Mahina itong tumawa. Umiling saka sinuway ang sarili. Ano bang iniisip ko kanina?! Muntik na akong mag-assume! "May tricycle na." "Alis na ako." Isang beses akong tumango saka siya inirapan. Nakahalukipkip ko siyang tinalikuran at naglakad palapit sa bahay. "Bukas ulit!" rinig kong sigaw niya bago ko isinirado ang pintuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD