Chapter 8

2466 Words
Akesia's POV Hapon na at nagliligpit na kami ng mga gamit ko. Maaga kasing naubos ang mga isda ko dahil sa asungot na 'to. Kaya ko naman ipaubos ang lahat ng ito, eh. Kahit mag-isa lang. Kanina ko pa rin siya pinagtataboy pero parang wala siyang naririnig o talagang bingi lang ang isang 'to? Gustong gusto ko nang umuwi at magpahinga. Lalong bumigat kasi ang pakiramdam ko. Tahimik lang akong nagliligpit ganoon rin siya nang may sumigaw sa likod ko. "Isang k!" sigaw ng isa pang asungot na nilalang. Nilingon ko siya at namaywang. Malaki ang ngiti nto. Akmang yayakapin ako pero pinigilan ko siya gamit ang kamay ko. "Ano na naman, Tomas?" sabay irap ko sa kaniya. Siguradong magpepresenta na naman itong tulungan ako. Bakit ba patay na patay sa akin ang lalaking 'to? Sinabi ko nang hindi ko siya gusto at wala akong panahon sa mga gan'yang bagay. "Ako na ang maghahatid sa 'yo," masiglang sabi niya. Napairap ulit ako dahil sa kaniya. Kulang na lang matagtag ang eyeball ko, eh. Biglang may pumasok na ideya sa isipan ko na aking ikinangiti. Tumingin ako sa lalaking katabi ko. Nakatitig siya kay Tomas, sinusuri ang buong katawan. Ngumiti ako. "Sige. Tomas, pakidala no'n," sabi ko at tinuro ang mga gamit na dapat si Edwin ang magdadala. Agad namang sumunod naman si Tomas sa akin. Buti na lang dumating siya kung hindi, makakasama ko hanggang mamaya ang asungot na 'to. Lumingon siya sa akin, seryoso ang mukha niya. "Sino ba ang lalaking 'yan? Bakit pumayag ka?" Nakaturo na ngayon siya kay Tomas. Nilapitan siya ni Tomas at inakbayan. Muntik na akong mapahalakhak dahil sa hindi maipintang mukha ni Edwin. "Manliligaw niya. Bakit?" mayabang na sagot ni Tomas saka inalis ang pagkakakbay sa kaniya. Lumapit siya sa akin at kinindatan ako. Napangiwi naman ako dahil doon. "Tara na, Isang ko." Kung hindi ko lang talaga kailangan si Tomas ngayon, kanina ko pa siya nasupladahan. Sumunod ako sa kaniya ngunit bago 'yon nahagip ng aking paningin ang pagdilim ng mukha ni Edwin at pagtagis ng panga. Hindi ko na lang iyon pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Hinampas ko agad nang napakalakas sa braso si Tomas nang makababa na kami sa tricycle. Napadaing naman siya sa ginawa ko na siyang ikinairap ko. Nasa tapat na kaming ng bahay, hawak-hawak pa rin niya ang aking mga gamit. Bakit mo sinabi 'yon, ha?!" sigaw ko sa kaniya at namaywang. Ngumiti siya. Pinasadahan niya ang kaniyang buhok gamit ang mga daliri. Parang ang g'wapo naman niya sa lagay na 'yon! "Totoo naman, Isang ko ah. Nanliligaw naman ako sa iyo, 'di ba?" pangangatwiran niya. Hindi ba siya nadadala? Ilang beses niya sa aking sinasabi 'yon at ilang beses ko ring sinasabi sa kaniya na wala akong panahon sa mga gan'yang bagay at hindi ko siya gusto. Napakakulet talaga niya. "Tomas, ilang beses ko na bang sinasabi sa iyo na hindi kita gusto," inis na sabi ko. Hindi ko naman kasi talaga siya gusto. Mabait siya sa akin at tinutulungan niya ako minsan pero hanggang doon na lang iyon. Kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kan'ya. "Alam ko iyon, Isang ko. Hindi naman kita pinipilit na gustuhin ako," malungkot na tonong sabi niya. Mula pa noon 'Isang ko' na talaga ang tawag niya sa akin. Naiinis ako noon dahil sa tawag niya pero nasanay na ako. Hindi naman kasi siya nakikinig sa akin kahit ilang beses ko na siyang binalaan tungkol doon. Akala nga ng mga tsismosa sa amin noon ay sinagot ko na siya. Bumuntong-hininga na lang ako dahil nasaktan ko siya. Kaibigan ko, eh. Alam naman niya na kaibigan lang ang turing ko sa kan'ya. "Sige na. Salamat sa pagtulong…" pagpapaalam ko. Tumango siya saka ngumiti. Kinuha ko ang mga gamit ko sa kamay niya at diretsong pumasok sa bahay. Pagod kong nilapag ang aking gamit sa sahig at sumalampak sa higaan. Mamaya na lang siguro ako magpapalit ng damit. "Ate, kumain ka na muna," sabi ni Yesia sa akin. Nasa tabi ko siya ngayon. Hawak-hawak niya ang kaniyang notebook. May exam kasi daw sila bukas. "Mamaya na. Iidlip lang ako." Ipinikit ko ang aking mata at agad na nakatulog dahil sa pagod. "Tiktilaok!" Inis na nagtakip ako ng kumot. Ang ingay-ingay ng manok na 'yon. Gusto ko pang matulog. Rinig ko muli ang sigaw ng manok dahilan ng lalong pagkainis ko. Bumalikwas ako ng bangon kaya na hulog ang manok sa labas dahil siguro sa gulat. Nakapatong kasi ito sa bintana na lagi niyang ginagawa tuwing umaga. Inis na tumayo ako at nagmartsa patungong kusina. Antok na antok pa ako. Hindi naman ako makakatulog kapag bumalik ako sa higaan dahil sa inis. Kumalam bigla ang aking tiyan. Hindi pa nga pala ako kumakain mula kagabi. Hindi pa rin ako naliligo. Inamoy ko ang aking sarili na amoy isda na. Hindi ko alam kung tao pa ako sa lagay na 'to. Nagsaing ako at nagluto ng ulam saka kumain. Pagkatapos naglinis ako ng bahay at naglaba na rin ng ilang tirang maruruming damit. Sinama ko na rin ang damit ni Mia at Tiya dahil siguradong sisigawan nila ako kapag naabutan pa ito. Pagkatapos maligo nag-asikaso ako ng dadalhin ko. Binigyan ko na rin ng baon ang kapatid ko na lagi kong ginagawa. "Ate, may project nga pala kami. Kailangan ko ng pandagdag na pera para makabili," sabi niya. Ngumiti ako sa kaniya at agad na dumukot sa bulsa ko. Buti hindi niya nakalimutan iyong sinabi ko dati na 'wag mahiyang humingi sa akin ng pera kapag kailangan. Nagpaalam na ako sa kaniya at kay Tiyang na inismiran lang ako. Maganda ang sikat ng araw ngayon at mukhang may magandang mangyayari. Masaya akong bumaba sa tricycle at diretsong naglakad sa aking p'westo. Mabilis na nawala agad ang ngiti sa aking labi nang mapagtanto kung sino ang nakatayo sa p'westo ko. Mukhang nagkamali ako na may mangyayaring maganda ngayong araw. Seryoso siya nakatingin sa akin habang nakahalukipkip ang dalawang braso at nakapatong sa kan'yang dibdib. Ganoon pa rin ang damit niya mula kahapon, marumi. Tinaasan ko siya ng kilay at namaywang sa harap niya. S'yempre hindi ako magpapatalo sa kaniya. Sino ba siya sa tingin niya? "Anong ginagawa mo rito?" Inis na tanong ko. Ganoon pa din ang ekpresyon ng mukha niya. Kita ko sa gilid ng mata ko si Aling Pasing na palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa. "Hinihintay ka. Tutulungan ulit kita," seryosong sabi niya sabay talikod sa akin. Aba! Suplado din pala ang asungot na 'to. Inis kong tinitigan ang likod niya habang patungo siya sa harap ng mga paninda ko. Narinig ko naman ang hagikgik ni Aling Pasing mula sa likuran ko kaya hinarap ko siya na nakataas ang kilay. Bigla naman siyang humalakhak nang makita ang mukha ko. Maganda naman ako, ah. "Naku, Isang! Kanina pa naghihintay sa iyo ang lalaking iyan. Napakag'wapo niya ano?" Nilingon ko naman ang asungot at tinititigan siya mula ulo hanggang paa. Huh? Nasa'n iyong gwapo dyan? Wala naman, eh. Malabo na talaga ang mata ni Aling Pasing dahil matanda na. Humarap muli ako kay Aling Pasing na namumula na ang mukha habang nakatingin kay Edwin. "Naku, Aling Pasing. Hindi ko kilala ang lalaking iyon at isa pa. Hindi siya g'wapo," pagkaklaro ko sa kaniya. Inirapan lang ako ni Aling Pasing at naglakad papunta sa p'westo niya. Umiling lang ako sa ginawa niya. Attitude niya ah! Lumapit ako sa asungot na ngayon ay nakangiti at inuuto ang mga mamimili. Kilig na kilig naman ang mga babaeng kinakausap niya. "Hoy, umalis ka na dyan! Hindi ko kailangan ang tulong mo!" Tumingin siya sa akin na seryoso na ang mukha. Nakatitig ito, tila sinusuri ang kagandahan ko. Wews. Hindi ko pa siya lubos na kilala. Kaya ayokong magtiwala agad baka mamaya atakihin niya ako at kunin ang kayamanan ko. "Hindi kita niloloko. Gusto ko lang makipagkaibigan sa iyo." Nanlaki ang aking mukha at napatakip ng bibig. Naririnig niya ba ang nasa isip ko?! May kapangyarihan yata siya! Kumunot ang kaniyang noo saka umiling. "Hindi ko naririnig ang isip mo kung iyon ang inaakala mo. Madali ka lang talagang basahin." Aba! Sinasabi niya bang mukha akong libro?! Minsan lang naman makapal ang mukha ko. 'Tsaka...sa ganda kong ito sa libro niya pa ako kinokompara?! "Gano'n? Eh, ba't sa akin ka pa nakikipagkaibigan?" habang nakataas ang isang kilay. Nakatitig lang ito sa akin dahil sa maganda nga ako. Gandang gabda ba siya sa akin? Alam ko naman iyon since birth, e. "Wala. Gusto ko lang." Muli kong tinaasan ang isang kilay ko. Inobserbahan ko ang mukha niya kung seryoso siya. "Sige." Kahit na naiinis sa kaniya ay pumayag pa rin ako dahil may naghihintay na sa aking namimili. Dumiretso na ako sa harap ng bibili. Kita ko ang kaunting ngiti nito sa labi. Ang dami ko ng kaibigan, dumagdag pa siya! Wait. Ilan ba ang kaibigan ko? Hayst. Nakangiti ako nang malawak habang nakaharap kay Kuya Pepe. Isa siyang may katandaan pero kita ang hubog ng katawan niya. Isa siya sa pinakababaero sa lugar namin. Iba't ibang babae na rin ang nakikita ko na kasabay niya sa daan. "Oh, Manong Pepe, ano ang bibilhin niyo?" Pinipilit kong hindi ipahalata ang inis dahil kanina pa siya nakatitig sa dibdib ko. Nabanggit ko bang manyak din ang isang 'to? Kung hindi ko lang siyan suli dito, eh. "Kuya Pepe hindi Manong Pepe, Isang. Magkalayo lang ang agwat natin, " pagtatama niya. Napangiwi na lang ako sa sinabi nya. Ang laki na kaya ng agwat namin. Ngumiti na lang ako at hindi na nagmatigas pa. Nakamasid lang sa amin ang isang asungot sa tabi ko habang nakikinig sa usapan. "Ano po ba ang bibilhin mo?" tanong ko dahil nakatitig siya sa mukha ko. Kinagat niya ang ibabang labi at ngumiti nang nakakaakit. Kung hindi niya lang alam na kanina pa ako nasusuka sa ginagawa niya. "Napakaganda mo talaga, Isang. Bakit ba hanggang ngayon wala ka pa ring nobyo?" Tumawa na lang ako nang malakas na parang biro ang sinabi niya. Napatingin sa akin ang ilang katabi ko sa pagtitinda pero hindi ko sila nilingon. "Napakag'wapo niyo po, Kuya Pepe pero bakit wala pa rin kayong asawa?" pagbabalik-tanong sa kaniya na siyang kinangisi niya. Hanggang ngayon kasi wala pa rin siyang asawa kahit sobrang dami nang babae ang nagkandarapa sa kaniya kahit matanda na siya. Mapera kasi ang isang 'to kaya hinahabol. "Hinihintay kasi kita," ngising sabi niya. Tumigil ako sa pagtawa. Hindi ko pa rin inaalis ang ngiti sa aking labi kahit napipikon na. Dati niya pa ito sinasabi sa akin ngunit hindi ako nasasanay dahil ang laswang pakinggan. Tumingin ako sa katabi ko dahil sumulyap dito si Manong Pepe. Madilim ang mukha ni Edwin habang nakakuyom ang kamao. Ano'ng problema ng isang 'to? Parang kakain ng tao kung makatingin. Hindi ko siya pinansin at ibinaling muli kay Manong Pepe ang patingin. "Kayo naman, Manong Pepe. Lagi niyo na lang akong binibiro. Ano ba ang bibilhin mo?" "Isang kilong tilapia nga. At siguradong sariwa at masarap 'yan," makahulugang ani niya sa huling pangungusap habang may malagkit na tingin sa akin. Pilit na ngiti lang ang ginanti ko at kumuha na ng tilapia. Inabot ko ito sa kaniya. Sinandiya niya pang dumukit ang aming mga daliri. Biglang tumaas ang aking balahibo, nandidiri sa kaniya. Nakatitig pa rin ito sa akin. Hindi ako natutuwa sa ginagawa niya! "Ito. Sa iyo na lang ang sukli." Pag-abot niya sa akin ng kaniyang bayad. Kukunin ko sana ito ngunit may isang kamay ang umabot doon. Tiningala ko ang katabi ko, gano'n pa rin ang ekspresiyon ng mukha. Tumingin lang si Manong Pepe rito at ngumisi. Nagpaalam lang siya 'tsaka umalis. Tumingin naman ako kay Edwin na kanina pa tahimik habang inilalagay ang pera ko sa kahon. "Bakit gan'yan ang mukha mo?" saka tumawa nang malakas dahilan para tumingin ang mga tsismosang tao sa paligid. Umiwas siya ng tingin sa akin at bumuntong-hininga. "Alam mo ba ang ibig niyang sabihin?" may inis sa tonong aniya. Tumigil ako sa pagtawa at tumingin sa kaniya. Tinaasan ko siya ng kilay "Alin doon?" inosente kong sagot. Nagpipigil pa rin ako ng tawa dahil nagulat siya sa sinabi ko. Hindi naman ako bobo dahil sa sinabi ni Manong Pepe alam ko ang pinupunto niya. Sadyang wala lang akong pakialam dahil kailangan ko ng pera. "Hindi mo alam kung anong ibig sabi—" Tumawa ako nang malakas dahilan para maputol ang sinasabi niya. Hindi ko na kasi mapigilan ang aking sarili. Akala niya ba wala akong alam sa mundo? Ang aga ko yatang namulat sa mundo. Seryoso ang mukha niyang nakatitig sa akin. Bakit ba lagi siyang gan'yan siya? Huminga ako nang malalim upang matigil ang aking kabaliwan. Pinunasan ko ang luha sa 'king mga mata dahil sa pagtawa at humarap sa kaniya. "Malaki na ako. S'yempre alam ko iyon," sabi ko,natatawa pa rin. Pinagmasdan niya lang ang mukha ko, hindi nagsalita. Nagtaka naman ako sa ginawa niya. "May dumi ba ako sa mukha?" tanong ko habang pinupunasan ang mukha. Bumuntong-hininga ulit siya. "Binabastos ka niya..." Teka! Nakahahalata na ako sa isang 'to, ah. Feeling close! "Tsk. Kailangan mong makisama sa mga suki mo. Ganoon talaga," sabi ko na nangingiti at umiling. Kung hindi mo kasi kayang pakisamahan o sabayan ang mga suki, wala kang maiibenta. Turo sa akin iyon ni Aling Pasing. Dami ko talagang natutunan sa kan'ya. "Kahit na binabastos ka na? Hindi yata tama iyon." Tiningnan ko siya nang masama dahil ang kulit niya. Bakit ba pumayag akong makipagkaibigan sa asungot na 'to. "Dito sa amin dapat malakas ang loob mo kung hindi wala kang maiibenta. Ganoon lang ang buhay. Teka nga, taga saan ka ba? Ngayon lang kita nakita dito, ah," pang-iiba ko ng usapan. Halos lahat kasi ng mga tao dito samin kilala ko na. Dayo yata ang isang 'to. "Taga ibang baryo ako. Lumipat lang ako dito dahil nakahanap ako ng trabaho," pagpapaliwanag niya. Nakatingin lang siya sa mga isda na parang iyon ang kausap niya. Napatango-tango naman ako. "Ano ba ang trabaho mo dito?" Tumingin siya sa malayo. Sinundan ko din ito ng tingin. Tinuro niya ang mga hubad na lalaking nagbubuhat ng mga kahon at gulay. "Mga kasamahan ko sila. Taga buhat ako ng mga gulay at prutas." Pinagmasdan ko naman ang mga lalaking nagbubuhat. Buti pa sila kaya nilang magbuhat. "Maayos ka bang nakauwi kagabi?" Napatingin ako sa kaniyang mukha nang bigla niyang itanong iyon. "Oo..." maikli kong sagot. Tumango lang siya matapos niyang titigan ang aking mukha Hindi na ako nagsalita pa, ganoon rin siya. Umupo ako sa mataas kong upuan habang siya ay nakatayo lang. Napapalingon sa kaniya ang ilang dumadaan sa aming harapan. Tinataasan ko naman sila ng kilay kapag napapadapo ang tingin nila sa akin. Anong mayroon ba sa lalaking ito? 'Di naman siya g'wapo, eh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD