Chapter 15 Alora’s Pov PALABAS NA ako ng resort at tinungo ang kotse ni Hellion kung saan nakaparada. Kung bakit ba naman kasi tinoyo ang pamangkin ko eh. Kasalanan ‘to ng Fin eh, tapos ako din pala ang sasama sa kanya pauwi ng Maynila. Kainis! Nang makarating ko sa kotse ng pamangkin ko ay agad kong binuksan ang pintuan ng backseat para ipasok ang dala kong bag. Ngunit napansin kong bumukas ang pintuan ng driverseat at lumabas ang pamangkin kong may toyo. Umikot pa siya papunta sa akin at talagang tinulungan pa niya akong magpasok ng bag sa backseat kahit kaya ko naman talaga. “Kainis ka! May patoyo-toyo ka pa kasi,” sabi ko sa kanya ngunit hindi naman siya sumagot. Napairap na lang ako sa kanya at agad na lumapit sa passenger seat para buksan sana ang pinto. Ngunit naunahan na na

