Chapter 16 Alora’s Pov TUWANG tuwa ako habang lumalangoy langoy sa dagat. Tapos na kaming kumain ng pamangkin ko kaya hinayaan niya akong lumangoy langoy. May ginagawa pa siya sa loob ng nipa kaya ako lang muna mag isa. Ayos lang naman sa akin dahil guguluhin lang naman ako no’n o di kaya ay lalandiin. Ipinikit ko ang mata ko habang nag flo-floating sa dagat. Ang ganda ng panahon, natutuwa ako dahil dito ako dinala ng pamangkin kong nagkukunwari na galit para makatakas kung nasa’n ang pamilya namin. Masasabi ko din naman na mas maganda naman din talaga dito. Hindi talaga ako magsisisi na sumama sa kanya. Habang nag flo-floating ako ay bigla kong naramdaman na may nakatitig sa akin. Kaagad akong tumingin kung saan galing yun at nakita si Hellion na lumabas na ng nipa house. Wala si

