NANGINGITI si Angelo na pinagmamasdan si Dawson na nahihimbing. Nasa children's park kasi ang mga ito tumambay at sumilong sa isang puno ng acacia kung saan may bench wood na nakalagay dito. Nakahiga si Dawson ng upuan habang nakaunan pa ito sa hita ni Angelo na pinag-intertwined ang isang kamay nilang nakalapat sa dibdib nito. Kung titignan lang sila ay para talaga silang couple sa itsura nila. Marahil iniisip din ng iba na bakla ang isa sa kanila dahil lalake nga naman silang tignan. Hindi rin maintindihan ni Angelo ang sarili. Parang kusa siyang napapasunod kay Dawson sa mga naisin nitong gawin. Katulad na lamang sa naganap na halikan nila kanina sa restaurant. Kung saan tinuruan pa siya ng binata kung paano tumugon sa halik nito. Mula pagkabata ay alam ni Angelo sa sariling sa ba

