Chapter 12

2707 Words

"URGHH!" Napabalikwas si Angelo na napadaing sa pagkakahulog nito sa sahig. Napakurap-kurap pa ito na makitang madilim na sa labas ng bintana at wala naman siyang katabi sa kama. Napakamot ito sa ulo na tumayong napapapilig ang ulo. Buong akala niya kasi ay sumunod din si Dawson sa kanya kanina pero mukhang. . . napanaginipan niya lang ang binata. "Panaginip lang ba 'yon? Kainis naman." Ingos nito na nagtungo ng banyo at naglinis ng katawan. Matapos nitong mag-quick shower at bihis ng pambahay ay bumaba na siya ng sala. Tiyak niyang nakauwi na rin ang mga Kuya at ama nila mula sa construction na pinagtatrabahuan. Bagsak ang balikat nito na bumaba ng hagdanan. Lalo naman itong nanlumo na makitang wala ngang bakas na nandidito si Dawson. Sa kakaisip niya dito ay napanaginipan niya t

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD