SIMULA nang gabing iyon ay tila nagbago na ang lahat sa pagitan naming dalawa ni kamahalan. He keeps on calling me My Disaster.
Sa totoo lang? Kilig na kikig ako. I don't want to be hypocrite here. Ayokong magpanggap na hindi ko siya gusto dahil ang puso at isip ko ay nagsusumigaw na nagsasabing gusto ko siya.
Yes, I totally admit it to myself. Hindi ko na kailangan pang ideny iyon. For the first time in my life, nagkagusto ako sa isang lalake. Ganito pala ang feeling. Lagi kang masaya at tila ba hinahanap mo lagi ang presensiya nito.
Masaya akong naglalakad paakyat ng hagdan. Hindi nito alam na pupuntuhan ko siya sa kanyang apartment. I just wanna see him. Hindi naman siguro masama iyon. Dalawang araw na kasi itong hindi nagpapakita sa akin. Whenever I asked him, he's saying that he's busy. Kaya hinahayaan ko nalang. Naiintindihan ko naman siya. Gaya ko, busy ako lagi sa hospital. Minsan sa sobrang pagod ko, nakakatulog agad ako witbout texting or calling him.
At pagkagising ko, mga missed calls and sweet messages niya ang bubungad sa akin. Kaya laging kumpleto at masaya ang araw ko.
Yes, he always text and call me, pero parang kulang pa iyon para sa akin. Gusto ko siyang makita ngayon. I miss him.
Hindi na ako nag abala pang tawagan ito para ipaalam na pupunta ako. I want to surprise him.
Hindi mapawi pawi ang aking ngiti. I really miss him, that for sure. At sobrang excited akong makita ito.
Habang paakyat ako ay nagring ang aking phone.
It's Baklang Asher calling...
Ano na naman kaya ang kailangan nito sa akin? Sinagot ko ang tawag.
"Yes?"
"I'm gonna take a two day off." Bungad nito.
"And?"
"Samahan mo ko..."
"Where to?" Tumigil muna ako sa pag akyat at naupo sandali sa may gilid ng hagdanan.
"Tagaytay. Just want to unwind."
Napataas ang aking kilay.
"I have my duty. Next week pa ang day off ko, Bakla. Saka, unwind, unwind ka pang nalalaman. Eh, lagi ka na nga lang sa bar. May paTagaytay Tagaytay ka pang nalalaman diyan. What's the matter?"
Matagal bago ito sumagot kaya I know that something is not right.
" You can tell me." Narinig ko ang pagbuntong hininga nito sa kabilang linya.
"It's about my parents---" he paused.
Akala ko magsasalita pa ito kaya naghihintay lang ako. Pero, lumipas na ang ilang segundo pero nanatili itong tahimik sa kabilang linya.
"What about them?" Kahit may idea na ako kung ano ito ay mas pinili kong hintayin itong magsalita.
"As usual, Pampam. They are fixing a marriage for me. Naloloka ang beautyness ko, Pampam! I told them that I like man rather than girls. They just smiled at me and tell me that they don't care. All they want from me is to marry a woman they choose. Naloloka na talaga ako, Pampam. They won't listen. Hindi na uso ang fix fix marriage na 'yan, di ba!?"
Hindi ko alam amg isasagot ko.
" Pakalalake ka na kasi, Baklang Asher. You're handsome at konting ayos lang. Mas guwapo ka pa kay Papa Doc. Saka---"
Hindi na niya ako pinatapos pang magsalita. Umentra na kaagad ito.
" Yucks! Anong pinagsasabi mo, Pampam. Kaderder ka! I hate you na! Bye bye na nga lang. Isa ka din! Baka kung ano pang ipasok mo sa utak ko. Magaling ka pa man ding mangonsensiya. Tawagan mo ako if sasama ka. Mayang madaling araw ang alis ko. Okay?"
Napanguso nalang ako at napatango na para bang nakikita niya ang aking pagtango.
" See you, Pampam. Got to go. Tatakas muna ako kina Dad at Mom. Bye. See yah. "
Bago pa ako makasagot ay napatay na niya ang tawag. Naiiling nalang akong ibinalik ang phone ko sa aking bag. Ibig sabihin natawagan na niya ang iba at last option niya lang ako. Hmmp!
Dahan dahan akong tumayo at pinagpag ang aking puwetan bago nag umpisa na namang maglakad paakyat.
Nang makarating ako sa tapat ng kanyang pinto ay napahinga muna ako nang malalim bago kumatok. Walang nagbubukas sa akin kaya mas nilakasaan ko pa ang pagkatok sa pinto. Same nang nauna ay wala pa din.
"Aiden..." tawag ko sabay katok ulit pero wala pa ding kamahalang lumalabas. Dinamba ng kaba ang aking dibdib. Baka kung napaano na ito.
Tinawag ko ulit ang pangalan niya kasabay ng mas malakas pang katok sa pinto. Pero wala talaga.
Ibinaba ko ang hawak kong bag na naglalaman ng niluto ko at inilabas ang aking phone para tawagan siya. I'm really worried about him.
I dialled his number.
It's ringing.
Pero habang nagriring ay napaisip ako.
"Asan kaya siya? It's saturday kaya alam kong nandito lang siya sa apartment niya." Napatingin ako sa phone ko dahil namatay. Walang sumagot sa tawag ko.
I called him again pero ring lang nang ring. Tinatapik tapik ko na din ang aking hita dahil sa pag aalala. Ngayon lang ito nangyari na walang sumasagot. Kadalasan, one or two rings sinasavot na agad nito. Pero ngayon?
Napahilamos nalang ako nang aking mukha dahil sa kabang biglang bumalot sa akong dibdib.
I called him again.
Call failed na ang cp nito.
Sinubukan ko ulit na kumatok nang ilang beses habang tinatawag ulit ang pangalan nito.
Ilang sandali pa ay nakita kong gumalaw ang doorknob. I heaved a really deep sigh.
It means, hindi lang niya narinig ang katok ko. Baka natutulog siya kaya hindi niya narinig ang katok at tawag ko.
Hinanda ko na ang matamis kong ngiti bago kinuha ang bag sa tabi.
When I turn around to face the door. Napatigil ako at napatulala. Muntik ko nang mabitawan ang bag na hawak ko.
I am shock. Hindi ang taong inaasahan ko amg nagbukas sa akin ng pinto.
Isang magandang babae na nakamaiksing shorts at naka spaghetti strap na damit. g**o g**o pa ang kanyang buhok. At halatang bagong gising lang ito.
Nanlamig ang buo kong katawan sa aking nakikita. It can't be. Bakit hindi ko natanong sa kanya kung may gf na siya? And now, shock na shock ako sa babaeng nasa harapan ko. Did he lie to me?
Naalala. Ko. Palang hiningan ko. Lamg ito nang favor na magpanggap. So---everything is just a show.
"Miss are you okay?" Napakurap ako sa tanong nito. Same sila ng accent g Kamahalan ko.
Tumango ako, "yes, I'm okay."
"You dont look okay to me, Miss." Nag aalala ang boses nito. She's so beautiful, I must say.
Tumikhim muna ako para matanggal ang nakabaramg bikig sa aming lalamunan. "I'm really okay, Miss. It's just so hot. But I'm okay."
Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ko para makapagsalita ng buo sa harapan nito. Naiiyak ako na hindi ko alam. My heart is aching. Para siyang nasaksak na hindi ko maintindihan. Did he betray me?
Napaisip ako, paano niya ako ibebetray kung sa una palang ay pinagpangvap ko lang ito. Maybe, I assumed too much.
Napahinga ako nang malalim.
"You can come in. You have to rest." Niluwangan nito ang pintuan pero agad akong napailing.
"No, it's okay. I'm really okay. I need to go. Thank you for the concern." Ngumiti ako kahit nasasaktan ako sa loob loob ko. Hindi ko na nga napapansin na paulit ulit nalang ang mga sinasabi ko dito.
"You're the one who's knocking and calling Aiden's name, right?" She asked while smiling.
Hindi ko alam kung tatango ako o hindi. Pero napatango na lang ako bago nagsalita.
"I just came here to give this to him." Ipinakita ko ang dala kong bag. Gusto ko ng umalis pero nakakahiya naman kung basta talikuran ko na lang siya. "Tell him that it's from Ate Katherina."
I lied, ayoko namang mag away sila nang dahil sa akin. Atleast kapag si Ate Katherina ang binanggit ko, hindi magagalit ang babaeng nasa harapan ko.
"Oh okay---he's here and taking a shower. You can come in and tell her yourself. I don't mind. I will call him for you." Nginitian niya ako.
"No!" Agad kong tanggi nang akmang tatawagin nga nito si Aiden. "I'm in a hurry right now. I just came to give this. Just give it to him. I'm sorry if I disturb the two of you. I'll go. Thank you."
"You sure, you dont want to wait for him. Just a little more minute, I guess." Pagpipilit nito at inabot ang bag na inaabot ko.
"It's okay. I'm not that important to him. I just came here because of this. Just give it to him. Sorry but--- I really have to go." Nginitian ko muna ito bago ako pumihit patalikod.
Parang dinudurog ang puso ko. Bakit kasi nag assume ako na gusto niya rin ako? And now--- this? f**k! Bakit ang sakit!
Habang naglalakad ako pababa nang hagdan ay hindi ko na napaigilang hindi pumatak ang luha sa aking mata. Kahit pilit kong pinipigilan ay kusa na itong umalpas.
Why is it this painful? Gusto ko lang siya. Pero---bakit parang bumagsak ang mundo ko sa kaalamang may kinakasama na ito?
Ayoko siyang sisisihin dahil kasalanan ko din naman ito. I didn't ask him at mas lalong, wala naman siyang sinabi na may nararamdaman ito sa akin.
I just assumed everything at walang dapat sisihin dito kung hindi ako din lang.
Pagkadating ko sa aking sasakyan ay napatingin ako sa taas kung saan ang apartment nito. Inside that room is Aiden and that girl. Nasasaktan talaga ako.
Mas lalong tumulo ang luha sa aking mga mata sa naiisip kong nangyayari sa kanila.
Minabuti kong pumasok agad sa loob ng aking sasakyan at pinaharurot na ito paalis.
"Walang ibang sisisihin dito kung hindi ikaw, Pamela. Umasa ka at nag assume ka. Wala siyang kasalanan." Sambit ko at itinabi sa gilid ng daan ang aking sasakyan. Patuloy kasi ang pagluha ng aking mga mata.
Kailangan ko munang kalmahin ang aking sarili bago ako magdrive dahil baka mapahamak pa ako.
Yes, I'm in pain but I don't want to hurt myself. That's a sin.
Nang maitabi ko na ay napayuko ako sa manibela at duon ibinuhos ang sakit na nararamdaman ko.
Now--- i realized something.
Hindi na lang pala pagkagusto ang nararamdaman ko para dito. Hindi din infatuation. I think---I love him at sure na ako sa nararamdaman ko.
Pero anong magagawa ko? May girlfriend na siya at ayokong makasira ng relasyon nila. Mas magandang ako nalang ang masaktan kaysa mandamay pa ako.
Ako nalang ang lalayo kahit masakit.