Chapter 24

1733 Words
HINIHINTAY ko siya dito sa labas ng aming bahay. Nagmessage na kasi siyang malapit na daw ito. So, i'd rather pick him up, para mabilinan ko muna ito bago kami makapasok. Base kasi sa mga ngiti at tinginan ng tatlo? I'm sure--- they are planning something. At bago pa mangyari 'yon ay maagapan ko na. Nagmana ata ako kay Inang nang katalinuhan. Napabaling ako sa may gate nang bumukas ito. Here we go again. The hot and dazzling kamahalan on his motorcycle. Nagpupuso na naman ang aking mga eyes habang nakatitig sa papalapit na kamahalan. Hindi ko na naalis pa ang titig ko sa kanya hanggang sa huminto ito medyo malapit sa kinaroroonan ko. When he removed his helmet. God! Mas lalo lang akong natulala at hindi na nakakilos pa sa kinatatayuan ko. Nang umulan ata ng kaguwapuhan, eh, nasalo na ata niya lahat. Jusko! He's perfect! The eyes, his nose, his body at lalo na ang kanyang mga labi. Ang sarap papakin. Napapilig nalang ako ng aking ulo dahil nag uumpisa na namang magnasa ang katawang lupa ko. Iba talaga ang impluwensiya ng kaguwapuhan niya sa akin. Naiintindihan ko na ngayon kung bakit natulo ang laway ni Asher kapag nakatingin ito kay Papa Doc. Hindi ko na namamalayang nakalapit na pala ito sa akin at nakangiti nang nakatayo sa aking harapan. Ang sumunod nitong ginawa ay hindi ko napaghandaan. Hinawakan niya ako sa aking bewang at hinalikan ako sa aking pisngi na nakapagpalaki ng aking mga mata. How could he kiss me like that! "Stop drooling, My Disaster. Get yourself together. Pinapanood ka ng mga tao sa loob. Baka gusto mong kumilos diyan." Bulong nito sa aking tenga. Hindi ko alam pero may kakaibang kiliti ang hatid nito sa aking sistema. Shocks! Aatakihin na ata ako sa lakas ng t***k ng aking puso. He has that effect on me. Nakatulala pa din akong nakatingin dito. We are just pretending to be a couple pero bakit ganito ang nararamdaman ko? "Hey," tawag nito pero lumilipad pa rin ang utak ko sa kung saan. It's my first kiss kahit sabihin nating sa pisngi lang niya ako hinalikan. Pero, halik pa ding matatawag iyon. "If you're not going to move. Then, i'll just go back home. Nakakahiya na ako. Kumakaway na sila." Natauhan ako sa sinabi nito. Gusto ko siyang samaan nang tingin pero hindi pupwede. "Why did you kiss me?" bulong ko dito at pinisil nang medyo malakas ang pisngi nito. "You ask me to be your boyfriend, right?" He whispered too. Ano naman ang connect nun? "Yes, pero hindi kasama ang HALIKAN ako. That's out of the line." Pinagdiinan ko talaga ang salitang halikan para maiparating dito na hindi ako natutuwa sa ginawa niya. Kahit na naghuhurumentado na ang aking puso. "That's just a show. Alangan naman kamayan kita sa harap nila. Think, my Disaster. " He said sarcastically pero nakangiti pa rin habang nakatingin sa bandang likuran ko.  Nang tignan ko ang tinitignan nito ay napangiwi na lang ako nang makita ko ang tatlo na kumakaway nga sa may gawi namin. "Umayos ka, my Kamahalan. Sinasabi ko sa'yo. May mga hidden agenda ang mga 'yan. Mag iingat ka." Mas ako ata ang kinakabahan sa plinaplano ng tatlo sa kanya. "Lalo na sa nakapulang babae." Napatingin ito sa akin papunta kay Ate Katherina tapos pabalik ulit sa akin. Worried consumed his handsome face. Tinanguan ko siya. "Uuwi na lang ata ako. Parang may iba sa mga ngiti nila." Para kaming tangang nagbubulungan. "Don't worry, I got your back." Kapagkuwan ay saad ko.  "Basta sa tabi lang kita. Let's go?" Inihanda ko na ang matamis kong ngiti bago bumaling sa mga kapatid ko at hinawakan ang kamay niya para hilahin ito. I felt something, gusto ko mang bitawan ang kamay nito dahil sa kakaibang naramdaman ko ay hindi pupwede. Ayokong makakita ng butas ang mga lukaret kong kapatid. Dahil kapag nangyari iyon. Walang katapusang push na naman ako sa mga date date na yan. At mas matinding bully ang matatanggap ko. Ilang hakbang lang nang makaharap na namin ang mga kapatid ko. They are all smiling widely. Kung hindi ko sila kilala, baka pagkamalan ko silang mga baliw. Kasandra look at Aiden from head to foot then smiled sweetly. "So, this is my sister's boyfriend." Tumango tango pa ito sabay lakad nito palapit kay Aiden papunta sa likod nito. "He's handsome but not as much as my husband."  bumalik ulit ito sa harap namin then she suddenly look at me with teasing smile. "Pero--- I must say Ate Pamela. You got a taste." Napabuga nalang ako ng hangin sa sinabi ni Kasandra. Here we go---- nag uumpisa na sila. "But of course. He is worth a boyfriend.  Di ba, my Kamahalan?" I smiled very sweetly to Aiden at kinindatan ito para sabihing "ride with me", hindi naman ako nabigo. "Kinilig naman ako sa 'yo, My disaster. You---" Hindi pa natatapos magsalita ni Aiden nang biglang sumingit si Isabela sa usapan. "Wait, wait, wait. Just hold it there. " Pagpapatigul nito at nakataas ang kamay na palipat lipat nang tingin sa aming dalawa. "My Disaster? Tapos My Kamahalan? Ano' yan? Pang fairytale romance 'yang pag iibigan niyo? Interesting." Nakahawak ito sa kanyang baba at palipat lipat ng tingin sa amin at tila may iniisip. "You can say that. But, it's a long story." Nakangiting pagpapaliwanag ni Aiden sa kanila. "If you know our story---i' m sure, you will agree with our endearment. It's kinda unique and sweet for me. Everytime I call her My Disaster? I always think of the day we first met. And how he got me from the very start, even if, it's always tragical." Nawala ang pagtaas ng kilay ni Isabela at parang namamanghang nakatitig na silang tatlo kay Aiden. Jusko! Don't tell me na ipapakuwento nila ang nangyari. My gulay! "Mga sisters--- baka naman gusto muna niyong papasukin ang boyfriend ko?" I asked and pouted my lips. Gusto kong putulin ang  iniisip ni Isabela. She would want to hear it for sure. "Ay oo nga pala. Our bad, we're very sorry. Please come in." Iminuwestra ni Ate Katherina ang daan saka niluwangan naman ni Isabela ang pagkakabukas ng pinto. Naiiling na lang ako sa inaasta ng tatlo. Sana malagpasan namin to. Nauna kaming pumasok kasunod ang tatlo. Hawak hawak ko pa din ang kamay nito hanggang sa makaupo kami sa sofa. Humarap ako dito, "what do you want? Coffee? juice? tea? Or me?" I joked. Tila bigla itong nabilaukan sa sinabi ko kaya natawa ako. "Sa reaction mo. Parang mas prefer mo 'yong Me kaysa sa tatlo, ah." tawang tawa talaga ako sa hitsura nito na halos ubo nalang nang ubo. "Oh? Anong nangyari sa boyfriend mo, Pamela?" Napalitan ng pag aalala ang mukha ni Ate Katherina nang makita nitong panay ang ubo ni Aiden. "Nothing ate Katherina. May nakaalala lang sa kanya. Di ba, my Kamahalan?" Marahan kong hinagod ang likod nito bago kumuha ng tubig sa mesa at iniabot dito. "Thank you. " Aniya bago uminom ng tubig. "Okay ka na?" Tanong ko na tinanguan niya lang pagkababa niya ng baso sa mesa. Tumikhim muna ito bago tumingin sa mga kaharap namin. They are all looking at us. "Baka naman may balak kang ipakilala ang boyfriend mo, Pamela?" Nakataas ang kilay na tanong ni Ate Katherina sa akin habang nilalaro nito ang anak niya. Shook! I forgot! Sorry naman daw. Hindi naman kasi ako sanay na may kasama and it's my first time tp introduce someone in our family. Bago pa ako makapagsalita ay nagsalita na si Aiden. He introduce himself to them na nakapagpahanga sa akin. "By the way, I'm Aiden. Her boyfriend and her kamahalan." Napangiti ako sa pagpapakilala nito. He can just say his name pero hindi nito ginawa. Actually, kinikig ako sa paraan ng pagpapakilala nito ng sarili sa harap ng pamilya ko. Habang isa isa nitong kinakamayan ay nagpapakilala din sina ate. Nang matapos ay napatingin ito sa akin. Wala na akong nagawa kung hindi ang manahimik at matulala. Bago lang ito sa akin kaya hindi ko alam ang aking gagawin. Samantalang ito naman ay parang sanay na sanay itong makihalubilo. I wonder what kind of family and job he have. Lumipas ang oras na kausap niya ang mga kapatid ko. They are all enjoying the company of Aiden. Hindi ko alam kung paano nito nakuha ang loob nilang lahat. Kahit nga ang mga pahaging at mga tanong ng mga kapatid ko ay nasasagot nito ng maayos. I admire him more because of that. Nakikipagtawanan na rin ito sa kanila. Ang dami kong napansin dito. Sanay na sanay itong makipag usap at alam nito kung saan papasok at kung ano ang gagawin niya. Katulad ngayon, Kasandra ask him about me. Ano daw ang nagustuhan niya sa akin. Hinintay ko kung ano ang isasagot nito. He smiled, "I don't know why I love her. Loving someone doesn't have a reason. Dahil kung mahal mo ang isang tao. Hindi ka maghahanap ng rason para mahalin siya. It comes naturally." Napatitig ako sa sinabi nito. Then he look at me, "meeting her is the greatest thing that ever happened to my life. He change everything in me." I don't know kung bakit biglang kumabog nang pagkalakas lakas ang puso ko. Is he saying that para sa akin? I blinked twice. Nakatingin pa din ito nang seryoso sa aking mga mata. Huwag kang ganyan sa akin kamahalan. Nalulunod ako. Nagprepretend ka lang. Please stop what you're doing. Baka tuluyang mahulog ako sa 'yo--- nang real hard. Nang kindatan niya ako ay para akong mahihimatay dahil sa kinikimkim kong kilig. Jusko! Is this my karma for lying to my family? Sorry na po agad. Gusto ko lang naman pong maging panatag na sila at tigilan na nila ang panunukso sa akin. "My disaster...." he whisper before leaning on my shoulder. Pigil pigil ko ang aking hininga sa ginagawa nito. Samantalang, panay hiyawan naman ang mga kapatid ko sa ginawa ni Aiden. I was totally shock. Hindi ko alam ang ikikilos ko. My heart beats erratically. Para siyang lalabas sa aking dibdib. Mas nagwala pa ang puso at sistema ko nang hawakan nito ang aking kamay at ipatong nito sa kanyang tiyan. Wala nang naiintindihan ang utak ko. Nagsasalita pa sila pero wala na ako sa sarili kong katinuan. Pagpapanggap lang ito pero bakit ganito nalang ako ka apektado.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD