Chapter 23

1733 Words
Paulit ulit kong tinitignan ang phone ko. Wala na ata akong naririnig sa kabilang linya. Pero gumagalaw pa naman ang timer. "Kamahalan..." tawag ko pero wala pa ring sumasagot. "Kamahalan!" Nilakasan ko ang boses ko baka hindi niya lang ako naririnig. Narinig kong napamura ito. "f**k! Babasagin mo ba ang eardrum ko, Disaster?" "Hindi, ah. Kanina pa kasi kita tinatawag tapos walang umiimik kaya nilakasan ko. Ay--- hindi pala---sinigawan pala kita. Sorry for that." Malay ko ba naman kasi kung nahihinaan lang siya sa boses ko. Tapos ngayon nagagalit siya at nagmumura. "It's okay. Nabigla lang ako kaya napamura ako. Sorry, hindi ko sinasadya." Napataas ang kilay ko. "Kamahalan is that you?" Tumawa ako at hindi makapaniwalang nakamata sa kawalan. It's his first time na magsorry agad agad nang walang halong pagsusungit at pagdedepensa. "Bakit? May iba ka pa bang kausap, Disaster?" Napahagikgik ako, "wala naman. Ikaw lang, kamahalan. Siyempre dapat 'yong boyfriend ko lang kausap ko." Natahumik na naman ito sa kabilang linya. "Hey, praktice lang, ah. Wag kang mafafall." Biro ko. "Pero---pwede din namang totohaning mafall ka sa akin, kamahalan." I murmured and bit my lower lip. Tumikhin ito sa kabilang linya bago muling nagsalita. "Well---I should go there later. Ill just fix myself. I will remember about the condition. At maniningil ako in time." Hindi ko muna iisipin ang bagay na 'yon. Hindi naman siguro siya maniningil agad agad. All I want right now is matapos ang pangbubully nila sa akin. Akala nila ah, hmmmp! "Shoot! I'll be waiting. See you later, my kamahalan." Nagflying kiss pa ako sa ere at hindi na hinintay pang sumagot ito. Basta narinig ko na lang ang mahina nitong pagtawa sa kabilang linya. Hindi ko alam kung bakit may oras na nahihiya ako sa kanya pero mas maraming oras na komportable ako sa presensiya nito. Nang maibulsa ko ang aking phone ay napabuga muna ako nang hangin bago ngumiti. "Let's start the show. Galingan mong umarte kamahalan. Goodluck self." Nakangiting bulong ko habang nakatingin sa gawi ng aking pamilya. Tignan ko lang kung hindi mapanganga ang mga kapatid ko sa kaguwapuhan ng aking kamahalan. Hmmp! Who you talaga silang tatlo sa akin mamaya. Masaya akong naglalakad palapit sa gawi nila. I am really happy to be with them. Hindi pwedeng hindi kami  nagkikita kita tuwing Saturday. Ang araw na 'yan ay family bonding namin. Kahit gaano man kabusy ang isa't isa ay nakalaan talaga ang araw na 'yan para sa pamilya. I am lucky to have them as my family. I know---kung nasaan man si Tatang at Inang ngayon---masaya sila para sa amin. Habang papalapit ako sa kanila ay napangiti ulit ako. They are so sweet. Kung magkakaroon man ako ng lalakeng mamahalin. I want it to be just like the three of them. I can see how much they love my sisters. Sana makahanap din ako in time. "Kahit si kamahalan nalang---sapat na." Kinilig ako sa aking naiisip. Hindi naman siguro masamang mangarap, di ba? "His eyes...." bulong ko. Mata palang nakakahumaling na. Paano pa kaya kung naging akin na siya? Para akong nakasavage sa ml kpaag nagkataon. Natatawa ako sa naiisip ko. Nang maalala ko ang nangyari sa akin nung naglaro ako ng ML ay napailing na lang ako. It won't happen again. Mas pinagtuunan ko nalang nang pansin ang nakikita kong paglalambingan nila sa aking harapan. Nakayakap si Kuya Marco kay Ate Katherina while they were cuddling with my niece. Then Kasandra with Luxxe habang nagkukulitan ang mga ito sa game board na nilalaro nila kasama si Isabela at Caine. Dati, wala akong nakakapang inggit sa aking katawan kahit na maglampungan pa sila sa harapan ko. But now, I felt like I was left alone. Parang gusto ko na ding may maglambing sa akin. The way Kuya Marco did it to Ate Katherina . The way Luxxe look at Kasandra very lovingly and lastly, the way Caine treat Isabela just like his queen. Hindi ko alam kung bakit ganito na ngayon ang nararamdaman ko. Nagtataka na rin ako sa aking sarili. Hindi naman ako ganito dati. Kahit nga ako lang ang walang partner at taga alaga lang ng aking  pamangkin ay solve na ako. Pero, bakit bigla na lang nag iba ang pananaw ko. Bakit gusto kong may gumagawa na din ng mga 'yan sa akin? Gusto ko na din na may tumitingin sa akin ng buong pagmamahal na parang ako lang ang babaeng nakikita niya sa buong buhay niya. "Why?" mahinang usal ko sa aking sarili. Napailing ako, "Maybe, it's time for me to get a life with love." "Oh, ayan na pala si zero lovelife, eh. Oh, ano? Nakausap mo na ba si imaginary boyfriend mo?" Tumatawang tanong ni Ate Katherina sa akin kaya napanguso ako. "Dont you believe in me? I have one. Sa ganda kong ito, Ate Katherina. Nabingwit din ako sa wakas." Tumawa ang mga alaskador kong mga kapatid. "Bakit? Isda ka ba?" Tumatawang sambit ni Ate sa akin na mas ikinanguso. Here we go again with Ate Katherina's linyahan. Jusko! Nakapag asawa na't lahat lahat. Hindi pa din nagbago. Napapailing na lang ako. "Ate naman, eh." maktol ko na tinawanan niya lang. "Hindi ka isda, Pamela. Tandaan mo 'yan---" she paused a bit. Ang sumunod nitong sinabi ay nakapagpalaglag ng aking panga. "Dahil bitter ka. As in ampalaya." The hell! Grabe talaga mambully ang Ate Katherina ko. Jusko! Napaface palm nalang ako at hindi na umimik. Wala akong panaman kapag nag umpisa na ito. Napatingin ako kay Kasandra nang magsalita ito. "Knowing you? Baka---biglang magunaw ang mundo kapag nangyari 'yon. Ate is right." At nagkampihan na po ang panganay at ang bunso. Ang sasama nila, noh? "Mayroon talaga akong boyfriend, Ate Katherina. I swear." Itinaas ko pa ang kamay ko para mangako pero tinawanan niya lang ako. "Weeh? Di nga? Maniwala. Ang nagsisinungaling---hindi na magkakajowa kahit kailan?" Natahimik ako at napanguso. Paano kung magkatotoo ang sinabi ni Ate? May sa dilang anghel pa naman siya lagi. Eh di? Hindi na ako magkakajowa? Parang ayokong mangyari 'yon. Sayang ang ganda ko. Bago paan ako.makaimik ay nagsalita na si Kasandra. "Maniniwala kami kapag naiharap mo na siya sa amin, Ate. And, I will give you a one week vacation in Palawan. Sa bahay bakasyunan ng baby loves ko. Di ba baby love?" malambing na tanong nito sa katabi niya na agad tumango. "Of course, Baby. Basta sinabi ng Baby ko. Yon ang masusunod. I love you." Naging bulate na naman ang bunso kong kapatid. Jusko! "I love you more, baby loves." Niyakap nito ang kanyang asawa at hinalikan naman siya ni Luxxe sa tuktok ng kanyang ulo. Ay ang haharot! I wish I could find someone like them. Na kayang ipakita at iparamdam ang pagmamahal nila sa babaeng mahal nila. Mapapasana all na lang talaga ako. Nang humiwalay si Kasandra sa yakap nito ay bumaling ito sa akin bago ngumisi. "No reaction, Ate Pamela? That's a grand vacation kung sakasakali." nahihimigan ko ang tukso sa boses nito. Ano ba dapat ang magiging reaksiyon ko sa sinabi nito? Dapat bang magdiwang ako? Malungkot o ano? Ang hirap naman ng ganito, hindi ko alam kung anong irereact ko. Kung sakaling may boyfriwnd nga ako tapos magbabakasyon kami with the treat of my sister. Will I jumped in excitement? Maghihyaterical ba ako or what. Napakamot ako aa aking ulo. Nakakafrustrate naman nito. Napabalik ako bigla sa huwisyo ko ng biglang may tumapik sa aking balikat  habang tumatawa. "Natulala ka na diyan, Ate Pamela. Bakit? Wala bang boyfie na sasama?" Kassandra is teasing me again. "Naging real man na ba ang imaginary boyfie mo,  Ate?" Mas lumakas pa ang tawa nito na ikinasimangot ko. Why would they even believe their own sister? Nakakatampo tuloy. "You'll see hin when he gets here." Nakabawi na ako sa pagkatulala at panunukso nila. Napangiti ako nang maalala kong pumayag na pala siyang magpanggap na boyfriend ko. Pero bigla kong naisip. Did he said yes? Parang wala akong maalala. "Oh, okay. Let's all see and judge mga Ate's." Itinaas ni Kasandra ang kamay at nagkibit balikat sabay ngiti sa gawi ng aking mga kapatid. Their smiles are teasing me. Hindi man nagsasalita ang dalawa ay alam kong may binabalak ang mga ito. And 'yan ang dapat kong paghandaan. I need to see him first bago ito makapasok dito sa loob para mabilinan ko. Nanahimik na ang mga ito dahil busy na sila sa kani kanilang partner. Umupo na din ako sa katapat na upuan ni Kasandra. Sumali ako sa nilalaro nilang board game. Pampalipas oras. Kinakabahan kasi ako kung dadating ba siya o hindi. Para makasiguro ako ay inilabas ko ang aking phone para itext ito. I compose a message, "Hey, my kamahalan. Don't be late, ha. Text me if you're on your way para masundo kita sa labas ng pinto namin. Naibilin na kita kay manong kaya papapasukin ka niya agad. Basta, my kamahalan, ah. You'll be here. Promise me, please..." Then I click the send button. Ibinalik ko ang phone sa bulsa and continue playing games with them. Wala pang ilang minuto when my phone buzzed. Napangiti ako at mabilis na inilabas ang phone ko para tignan kung sino ang nagmessage. Nang makita kong nagreply siya ay mas lumuwang ang pagkakangiti ko. I open and read his reply. "Opo, Disaster. I'll be there. I promise." Parang kiniliti lahat ng buto ko sa katawan sa nabasa ko. He promised me. Yun palang ay kinikilig na ako. I never thought that if someone promise something to you. This is some kind of unexpected feelings na hindi ko maintindihan. Nagtipa ako nang irereply ko dito habang hindi mawala wala ang ngiti sa aking mga labi. "Thank you. I will hold onto that. Ingat sa pagmamaneho, my kamahalan." Then press the send button. Ibabalik ko na sana ang phone ko nang magvibrate uli ito. He replied. "Thank you and see you, Disaster." Hindi na nawala ang ngiti sa aking mga labi hanggang sa maibulsa ko ang phone ko. Ito ang unang beses na may nangako sa akin. Nangako pa lang siya pero ganito na ang pakiramdam ko. Paano pa kaya kung tinupad na niya ito. Sa buong durasyon ng paglalaro namin ay nakangiti lang ako at masaya. They notice it at puro sila tukso but I just smiled at them and stayed quite. I dont want to spoil this kind of feelings na bago lang sa aking pakiramdam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD