Mikey’s POV
After kong makausap si Tito, si Dad I should say ay lumabas na ako nang ospital. Mabilis ko namang narating ang isang supermarket dito sa malapit na mall. Balak ko muna kasing bumili ng makakain at ibang toiletries kagaya nang toothbrush at toothpaste para naman hindi nakakahiya kay Rae kung bigla-bigla ko siyang tukain. Nakakahiya kasi talaga ‘yung ginawa ko kanina, lalo pa at nakita ni Dad ‘yung ginawa ko pero kinokonsidera ko naman ‘yon bilang first move. Tsk! Ibang galawan ‘yan!
Hindi ko na rin naman pinatagal pa dahil walang kasama ang mahal kong prinsipe doon. Binilisan ko na ang pagkilos upang mabilis akong matapos sa pamimili, nagawa ko naman ang mga ‘yon nang kinse minutes lamang. Bago umupo ay dumaan pa ako sa food and drinks section upang bumili nang chuckie at gummy bears, sure kasi akong hahanapi ‘to ni Rae pagkagising niya.
Pasipol-sipol pa akong dumampot nang dalawang karton at inilagay ‘yon sa tulak-tulak kong cart. Bale disi-sais na piraso ‘to dahil walo ang bawat karton. Iniisip ko pa lang ang magiging reaksyon ni Rae ay kinikilig na ako. I never thought na ma-enjoy pala ang paggo-grocery, na hindi ko naman tinangkang gawin noon kapag inuutasan kami dalawa ni Kim nang aming ina. But this time, parang nagsasaya pa ako dahil pangiti-ngiti akong namimili dito. Nagmumukha tuloy akong ewan sa mga ikinikilos ko.
Matapos ‘yon ay dumiretso na rin ako sa may counter at binayaran ang mga pinamili ko. Pagkatapos ko itong mabayaran ay sinubukan ko na silang buhatin dahil nakasupot lang naman sila, may konting kabigatan pero kaya ko para sa mahal ko. At saka, kasali na rin ito sa pag-e-ehersisyo ko sa umaga upang lumaki ang mga namumutok ko ng biceps.
Habang naglalakad ako pabalik ay napatingin ako sa suot kong relo, alas nwebe na pala nang umaga at siguro ay gising na Rae, bala gutom na rin ‘yon dahil magtatanghali na. Binilisan ko na rin ang aking paglakad pero nakakadalawang hakbang pa lang ako nang luminga ako sa pagilid at mahagip ng aking mata ang isang kilalang fast food chain, ang Jollibee. Alam ko namang paborito ito ni Rae at kulang na lang noong mga bata kami ay tumira na kami dito dahil hindi siya makaalis- alis kapag isinasama nila ako at kumakain kami dito.
Dahil naman sa mga pinag-iisip ko ay pumasok ako dito. Wala rin naman kasi akong biniling pagkain bukod sa mga crackers, chukie at gummy bears. Kung tutuosin ay hindi rin ito healthy food pero kilala ko naman si Rae, lahat nang bawal sa kaniya ay tama. Ewan ko ba doon, may mga traits siya na nakakatawa pero nakakakilig sa akin. Yie… Ganito nga siya kaadik sa pagkain dito pero parang droga naman siya sa akin.
Wala naman masyadong customer dahil medyo maaga pa, kaya tinungo ko na ang counter. Um-order naman ako ng paborito naming meal, ‘yung “B3 Go large”. Kumuha ko ng dalawa at isang bucket nang chicken joy, pati na rin ang isang coke float at isa ring cream sunday. Alam ko rin namang mabuubos niya itong lahat, depende na lang kung may itira siya sa akin.
Umalis na rin ako kaagad at nagmamadaling pumasok sa loob nang ospitatal. Gumamit na rin ako nang elevator dahil mas maghihirap lang ako, mapapagod at matatagalan. Pagkarating ko naman sa palapag nang silid ni Rae ay malawak ang ngiti kong dumaan sa may hallway. Syempre, kailangan nating maging hot, fresh and handsome para naman dagdag points tayo sa kaniya, este ako lang pala. Oh, babakura ko na ah? Wala nang pwede pang umagaw at sumingit, kung hindi ay bugbog kayo sa akin, lalo na ‘yung Azi na ‘yon. Mukha naman asong ulol!
Marahan ko namang pinihit pabukas ang pinto at sumilip, kita ko naman siyang tulala lang habang nakasandal sa headboard nang hospital bed. Bigla tuloy nanlambot ako puso ko dahil sa kaniya. Naawa naman akong makita siyang ganyan, wala kasi akong mautusan sa labas dahil naiwan ko rin ‘yung selpon ko sa sasakyan. Balak ko nga pa lang kunin ‘yon kanina pero bakit naman kaya nakalimutan ko? Sabi nila signs of aging daw ang pagiging ulyanin pero bata pa naman ako, hehehe…
“Good morning. Rae ko!” Malugod kong bati sa kaniya dahil hindi ko siya nabati kaninang umaga, though mern naman na ‘yung unhygienic naming halik pero mas sweet pa rin talaga kapag may greetings sa isa’t isa. ‘Yung ngiti ko rin ay ‘yong tipong mawawala na ang aking mata dahil may pagkasingkit rin ito.
Bahagya naman siya ngumiti sa akin sa parehong intensidad ng pagngiti ko bago bumati pabalik.
“Good morning too, Mikey ko!”
Ibinaba ko muna ang mga dala ko sa bedside table bago tumabi sa kaniya at yumakap. Hindi ko rin mapigilan sumiksik sa leeg niya dahil ito ang paborito kong lungga sa katawan niya at may karapatan ako para ipagdamot ‘to. Nakakabaliw kasi ang amoy niya, parang pinaghalong strawberry at gatas, nakakaadik, ang sarap amoy-amoyin nang paulit-ulit.
“Saglit lang, haha!” Tawa niya nang suminghot-singhot ako sa kaniyang leeg. “Nakikiliti ako, Mikey!” Tumatawang dagdag pa niya habang itinutulak ang mukha ko, kaya natawa na lang rin ako.
Naalala ko tuloy noong mga bata pa kami, kapag kasi nagpapahinga kami mula sa paglalari ay sumasandal ako leeg niya at saka ko iro aamoyin.Magtatawanan na naman kami dahil nakikiliti daw siya, pagkatapos ay maghahabulan na naman kami ulit para kilitiiin ko siya. Ang saya lang talaga balikan ang mga alaalang ‘yon, mas lalo tuloy lumalalim ang nararamdaman ko sa kaniya. Mas lalong sumasaya ang puso ko kapag kasama ko siya at naaalala ang samahan namin dating dalawa.
Dahil sa pagbabalik tanaw ko ay napatulala na pala ako. Napabalik lang ako sa realidad nang tapikin niya nang mahirap ang aking pisngi. Binigyan ko na lamang siya ng nagtatanong na tingin at saka marahang ngumiti.
“Anong nangyari sayo? Bakit bigla ka na lang natulala d’yan?” Takang tanong niya sa akin bago hawakan ang dalawang pisngi ko. Napapikit naman ako dahil sa kaniyang ginawa at bahagyang dinama ang init ng mga palad niya.
Umiling-iling naman ako saka ko siya kilitiin sa tiyan. Napatawa na lang ako nang bigla siya mapaigtad at nagmamakaawang ihinto ko ang aking ginagawa. Hindi nga rin talaga siya aware na ang cute niya kapag tumatawa, pati na ‘yung boses niyang medyo paos ay parang musika sa tenga ko.
“Tumigil ka na, Mikey! HAHA! Ang sakit na ng tiyan ko…” Pagpigil sa sa akin at hinuhuli ang mga kamay kong dumadapa ko kaniyang katawan.
Na-miss ko ang mga pinaggagagawa naming ito, mas maganda pa sana kung magtatakbuhan kaming dalawa at maghuhulian. Ang kaso lang ay masyadong masikip ang silid na ‘to para makatakbo siya at nakaswero rin ang isa niyang kamay. Hindi lang ako tumigil at nakipagkulitan pa sa kaniya hanggang sa pagpawisan kaming dalawa. Nahinto lang ako nang may biglang magsalita sa may pinto.
“Yie…tama na ang landian, lovebirds!” Ngising saad ni Kim habang malawak ang ngiti at kinikilig na lumapit sa amin. Sa hindi ko rin naman inaasahan ay nakaramdam na lang ng pagkirot sa ulo ko, nang bigla niya akong batukan. “At ikaw namang haliparot ka, nagmamakaawa na nga ‘yang kaawa-awang taong hindi ka pa rin tumitigil! Ibang klase rin talaga ang kalandian mong unggoy ka, hindi nga talaga tayo magkadugo!” Dagdag niyang sermon sa akin. Napahawak na lang ako sa masakit kong ulo habang iniirapan siya. Palibhasa kasi walang love life kaya ‘yan naiinggit sa mga pinaggagawa ko dito ngayon!
Kita ko naman ang lihim na pagtawa ni Rae habang nagyayakapan sila nitong si Kim. Nakakasabi ko pa lang kanina na walang sisisngit pero nandito na siya ay sinira na nang tuluyan ang sweet moment ko. Bugbog talaga sa akin mamaya itong babaeng ‘to. Isusumbong ko siya kay Dad dahil tumakas na naman siya bahay. Akala ko ba ay grounded siya dahil nasira niya ‘yung latest na macbook ni Dad dahil sa kakanood niya nang k-drama. Adik na adik kasi at halos hindi na matulog sa gabi. Ayun tuloy, kung anu-anong flash drive ang ipinagsusuksok kaya na-virus niya ‘yung bagong macbook!
Nakakainis na siya ah? Ang lakas nang loob niyang magpunta dito nang hindi nagsasabi sa akin, samantalang hindi pa dapat siya pwedeng lumabas sa bahay. Lagot ka sa aking tuta ka!
“At sino rin naman kasing nagsabi na pwede kang pumunta dito? Si Dad ba? Akala ko kasi ay grounded kang impakta ka dahil kanonood mo nang lintek na koreanong ‘yan.” Ganti ko rin sa kaniya sabay turo sa postcard na nakasabit sa bag niya. Lee Min Ho pa talaga ah?
Tumaas naman bigla ang kaliwa niyang kilay dahil sa sinabi ko. Ito talagang bruhang ‘to! Akala naman niya ay bagay niyang maggaganyan sa harap naming dalawa ng mahal kong Rae.
“Hoy, malanding kulugo! For your information, may consent po ako ng mahal na hari sa ating palasyon upang bisitahin si Rae, at saka ‘wag ka ngang piling dahil una sa lahat ay hindi ikaw ang ipinunta ko dito!” Mataray niya sagot bago ako tukusan sa noo. Kahit kailan talaga may pagkasadista rin ang babaeing ito, konti na lang magsasampa na ako sa kaniya nang kaso.
Nagkatinginan na lang kami ni Kim nang makarinig kami nang malakas na pagtawa mula kay Rae. Nakahawak pa ito sa kaniyang tiyan at pilit na pinipigilan ang kaniyang sarili.
“Whahaha! Mga walang hiya kayong dalawa, mas lalo ‘ata akong mai-stress sainyo, haha!”