Chapter 23

2207 Words
Mikey’s POV Mula sa mga nakapikit kong mga mata ay ramdam ko ang mumunting pagtulo nang butil sa aking mukha at ang marahang paghaplos. Banayad ang bawat paghagod nito, puno ng pag-aalaga at pagmamahal. Ito na ‘yung lagi kong hinahanap-hanap. ‘Yung laging nagbibigay saya sa mga ngiti ko, na iisang tao lang ang pinagmulan nito. Dahil sa pag-iyak ko kagabi ay hindi ko na namalayang nakatulog pala ako dito sa silid niya. Siguro ay sa pagod na rin at emosyong aking nararamdaman, kaya hindi ko na napigilan pang maantok at madala sa mahimbing na pagtulog. Mabuti rin naman ‘yon dahil naging maayos naman na ang pakiramdam ko and I know that I can do things better from now, para kasing may bulaklak na sumisibol sa loob ng aking puso. Marahan kong binuksan ang mga mata ko, kasabay naman ‘yon ng pakarinig ko sa mahihinang paghikbi. Biglang namang tumibok ng malakas ang puso ko, pagkakita ko sa kaniya. Agad ring kumawala sa mga mata ko ang mga luha. Luhang dala nang labis na kagalakan. “R-Rae?” Pagkuha ko sa kaniyang atensyon. Kita ko kung paano niya punasin ang basa niyang pisngi at mababakas sa mukha niya ang labis na saya ngunit may konting bahid nang kalungkutan. The way that he lend his eyes on me, sunod-sunod ang naging pagtulo ng mga maiinit kong luha. Nandoon na muli ang dati niyang paraan nang pagtingin sa akin dahil tila nangungusap ang mga mata niya kapag tinitigan ako. Ang bawat pagkurap nito ay nakapaespesyal sa akin at hinding hindi ko pagsasawaang panoorin. “Mi… Mikey ko,” nauutal niyang saad at mabilis ang biglaan niyang pagyakap sa akin. Isiniksik niya ang kaniyang mukha sa dibdib ko at doon niya ibinuhas ang kaniyang pag-iyak. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari pero ang alam ko lang ay labis na saya ang nararamdaman ko sa mga oras na ‘to. Walang makakapantay sa kasiyahan dito sa puso ko dahil ‘yung kaninang simisibol na bulaklak ay tuluyan nang bumuka at lubha nga itong maganda, nagniningning sa sobrang kagandahan. Pakiramdam ko ay muli na namang nagkaroon ng liwanag ang madilim kong mundo, na tanging si Rae lang ang makakapag bigay nito. Mahigpit ko siyang niyakap, ‘yung tipong parang ayaw ko na siyang pakawalan, na ayaw ko na siyang malayo pang muli sa akin at kalimutan dahil takot na akong mangyari pa ulit ang mga ‘yon. Ayoko ng maghintay nang napakatagal upang maalala niya lang ako, kasi ang hirap at ang sakit kapag tinitingnan mo lang siya mula sa malayo. ‘Yung para akong may malubha at nakakahawang sakit na kapag lumapit ako sa kaniya ay mahahawaan kaagad siya. Pagod na ako sa gano’n kaya’t sana ay hindi na kami muli pang malayo sa isa’t isa. “Rae… Rae ko,” mahina kong tawag sa kaniyang pangalan bago ako sumiksik sa kaniyang leeg. Doon ko ibinuhos lahat ng luha ko dahil miss na miss ko siya, miss na miss ko ang lahat-lahat sa kaniya. ‘Yung dati niyang amoy na nalalanhap ko na ngayon, katawan niyang lumaki nang kaunti at ang puso niyang ako lang nilalaman. Pinapangarap ko lang kagabi na sana ay magbalik na ang alaala niya at ngayon nga ay nakamtam ko na sa tulong ng diyos na ating tagapagligtas. Salamat dahil hindi niya pa rin ako binibigo. Pinaghintay niya man ako ngunit tinupad niya ang mga kahilingan ko sa lahat ng pagkakataon. Iniisip ko kung paano ako makakabawi sa kaniyang kabaitan sa akin. Iniharap ko siya sa akin at masuri kong tinitigan ang bawat sulok at anggulo nang kaniyang mukha. Ang maliit at matangos niya ilong na lagi kong pinipisil sa tuwing nagkukulitan kaming dalawa, ang manipis at perpektong arko nang kaniyang kilay, ang mga mata niyang nangungusap, ang mamula-mula niyang pisngin at ang pinakapaborito ko sa lahat, ang manipis at hugis pusong mapupulang labi. All in all, kamukha niya nga si Tita dahil kuhang kha nito ang lahat sa kaniya and I love how it made on him. Adik kaming pareho sa gummy bears pero may adik ako sa kaniya, mula sa dulo nang hibla nang kaniyang buhok hanggang sa daliri nang kaniyang mga paa. I treasure all things in him. Pinunas ko ang kaniyang pisngi nang marahan, may pag-aalaga sa bawat pagpahid ko sa mga ito upang maiparamdam ko sa kaniya, kung gaano ko siya pahalagahan. Kung gaano siya kahalaga sa buhay at mundo ko. Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa kaniya. Gusto ko siyang halikan dahil matagal kaming hindi nagkalapit kagay ng ganito at gusto ko ring maramdaman niya na espesyal pa rin siya sa akin, sa puso ko. Kasabay ng pagpikit ng aking mga mata ay siya namang paglapat ng mga labi niya namin. Matamis at malambot ang labi niya. Kagaya noon at pinapangarap ko lang rin itong mahagkan at ngayon nga ay ginawa ko kahit na wala akong pahintulot mula sa kaniya. I feel sorry about this pero hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko. Ipinapangako ko rin na siya ang una at huli kong halik. Mabilis lang ang halik na ‘yon at muli ko siyang iniharap sa akin. I can see the fears in his expression at talagang madadala ka doon. For the second time, I hugged him para maramdaman niyang safe siya sa bisig ko at sa mainit kong yakap. Maharan ko ring hinahaplos ang kaniyang buhok at hinahagod ang likod. “I really, really miss you, Rae ko.” Saad ko sa gitna ng aming yakapan. “I…I miss you too, Mikey. I’m sorry,” nababasag ang kaniyang boses sa pagsagot at muling sumubsob sa dibdib ko. “Ssshhh… It’s nothing, my love. Ang mahalaga ay ngayon dahil naaalala mo na ako.” Ngiting pag-aalo ko sa kaniya habang hinihigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kaniya. Ilang sandali pa ay huminto rin siya sa pag-iyak pero naroon pa rin ang takot sa kaniyang mukha. Hindi ko naman maiwasang mag-alala dahil nanginginig at nanlalamig ang mga kamay niya. Mabilis ko namang hininaan ang aircon ay kaagad siyang kinumutan. Tumabi na rin ako sa kaniya sa paghiga bago ko siyang muling yakapin. “Don’t be scared, Rae ko. He’s still your Dad and I know na hindi ka naman niya ipapahamak.” Saad ko at sinusubukan ko siyang pakalmahin. Hinahalik-halikan ko rin siya sa noo at kung saan pa sa parte nang kaniyang mukha. Mahigpit rin akong nakahawak sa kaniyang upang iparamdam na nandito lang ako sa kaniyang tabi at hinding hindi ako bibitaw, Bahagya siyang lumingon sa akin, nakanguso siya at muling sumiksik. Pinaglalaruan naman niya ang tenga ko habang yakap-yakap ko siya. Wala ngang duda na nagbalik na siya dahil lagi niyang ginagawa sa akin ‘yan noong mga bata pa kami. Lagi niya rin akong pinipingot kapag hindi ko siya dinidinig, pero ang pagkasadista niya sa akin ay pinakikiramdaman kong sweet. Ewan ko rin kung bakit? Ganito lang ‘ata kapag in love na on love ka na. “Mikey, hindi ito tungkol kay Dad.” Umiiling siyang sambit. “Natatakot ako dahil si Sir Zach ang nakita kong bumunggo sa akin,” biglang ulit lumandas sa mga pisngi niya ang likidong nagmulasa kaniyang mga mata. Hindi ko naman inaasahan ang sinabi niya, kaya nanlaki ang mga mata ko. Ngayon ay napagtagpi-tagpi ko na ang lahat. Ang Sir Zach na ‘yon ang may kagagawan nang lahat nang nangyari kila Rae. Hindi ako lubos makapaniwala na siya pala ang kriminal sa kabila nang napakaamo niya mukha ay may itinatago rin pala siya buntot at sungay. Isa siyang kampon nang demonyo at alagad ni satanas. Sa mga magandang organisasyon sa unibersidad na ginawa niya ay nasa likod pala nito ang kasamaan. “Calm yourself, Rae ko, nandito lang ako lagi sa tabi mo. I will protect you from any harm.” Pagpapakalma ko sa kaniya. I’m willing to do everything just to protect him dahil ayoko ng mawala siya muli sa akin o masaktan nino man. Aalagaan ko na siya mula ngayon at hindi na ako aalis pa sa tabi niya. Kukunin ko na rin ang pagkakataong ito upang hingin ang kaniyang pahintulot na pormal siyang ligawan dahil gusto kong bumuo ng mga masasayang alaala muli kasama siya. Dahil sa mga iniisip at ninanais ko ay ipinikit ko ang aking mga mata. Humimig ako ng isang kanta na konektado sa aming sitwasyon. Maya-maya pa ay sinimulan ko ng ibuka ang aking bibig upang kumanta. Hindi naman sa pagmamayabang pero maganda rin ang boses ko at alam kong gustong gusto itong makirinig ni Rae dati sa bahay ampunan. Close your eyes Dry your tear ‘Cause when nothing seems clear You’ll be safe here Sa bawat lirikong ‘yon ay ipinaramdam ko sa kaniyang ligtas siya sa piling ko dahil mahal at iingatan ko siya. I may not be perfect pero kayang kaya kong patunayan kay Rae na mahal ko siya dahil sa pagtibok ng puso ko. Gusto ko ng patunayan ‘yung feelings ko sa kaniya na matagal nang nasa dibdib ko. From the sheer weight Of your doubts and fears Weary heart You’ll be safe here Kahit gaano man kasakit ang nakaraan niya ay paghihilumin namain itong dalawa sa pamamagitan ng masasayang kasalukuyan na aming bubuoin. Aayusin namin ang lahat ng mali sa paningin nang iba upang kami ay maging karapat-dapat sa isa’t isa. Pero sabi nila, hangga’t wala ka daw ginagawang mali ay ayos lang. Mali nga ba kung parehas lang naman naming mahal ang bawat isa? Kasalanan nga bang mahalin ko siya? Satingin ko ay hindi dahil nagpapakatotoo lang ako sa nararamdaman ko para sa kaniya. Ang mali ay ang magsinungaling ako sa sarili ko at ‘yon ang hinding hindi ko gagawin. After I sang the song, kita ko na ang mahimbing na natutulog na Rae habang nakasandal ang ulo niya sa dibdib ko. Hinaplos ko naman muna ang mukha niya bago ko siya iwan saglit sa kaniyang silid upang puntahan si Tito Nic, kailangan ko kasi sabihin sa kaniya na gising na ang kaniyang anak, na siyang usapan namin kahapon. Baka kasi kapag nagpakita siya kay Rae ay sumama ulit ang pakiramdam nito but I guess hindi gagawin ‘yon ng mahal ko dahil nandito na muli ako sa tabi niya. Kilala ko siya sa pagiging maunawain, ‘yon ang turo sa kaniya ni Tita dati at alam kong siya pa rin ‘yon hanggang ngayon. Bago ko naman naman isara ang pinto ay muli kong tiningnan ang maamo at mahimbing na natutulong niya mukha. I’ve been longing for him in a long period of time at ngayon ay makakasama ko na siya ulit, naaalala na niya ako at higit sa lahat ay mahal pa rin niya ako. Matapos ‘yon ay dumiretso na ako sa office ni Tito. Pagkarating ko naman doon ay nagmadali na akong pumasok. As I entered his room, I smile greatly dahil sa maganda kong balita. Bumati naman ako sa kaniya bago umupo sa harap nang kaniyang mesa. The way I opened my mouth, doon ko naman naamoy ang hininga ko. Damn it! Hindi pa pala ako nakapagmumog at hilamos, nakakahiya dahil puro mga professional ang mga kaharap ko. Ang malala pa ay nakipaghalikan pa ako kay Rae kanina. Jusko! Ano na lang kaya ang sasabihin niya? Habang nakaupo ay matagal akong hindi nakapagsalita dahil sa mga iniisip ko ang mga bagay na ‘yon. Maya-maya pa ay siya ri ang tumibag sa nag-uumpisa naming katahimikan. Bigla kasi akong nahiya sa sarili ko. Ganito na ‘ata kapag may minamahal, masyado ng nakakalimot sa mga daily routines at hygienes. “Good morning too, hijo! How’s my son? Did he already wake up?” Sunod-sunod ang kaniyang naging tanon na pinangunahan nang kaniyang pagbati pabalik sa akin. Dahil naman doon ay napangiti ako ng malaki. Excited pa naman akong ibalita sa kaniya pero mukhang alam naman niya. Wala ngang duda na ama siya ni Rae. “At mukhang nakaiskor ka na rin ‘ata?” Ngising dagdag niya sa akin. Bigla naman akong kinilabutan at natigilan sa sinabi niya at palihim na tumingin sa kaniya pero nahuli niya ako. Paano naman kaya niya nalaman ang tungkol doon? Kung sabagay ay pwedeng pwede siyang maglagay ng camera sa loob nang hindi namin nakikita. High tech na pala ang teknolohiya sa panahon ngayon. Ngumiti lang ako ng nahihiya sa kaniya, ‘yung parang itaas lang na ngipin ko ang kita. Parang nawala tuloy ‘yung self confidence ko at nagtago sa aking kaibuturan. Nandon rin ‘yung pagkakapahiya ko sa aking ginawa. Ito nga naman talaga ang nasasapit ng mga taong padalos-dalos kagaya ko. “I-I’m sorry po, Tito.” Nauutal at kinakabahang paumanhin ko habang nakayuko. Nakaramdam naman ako ng paggulo sa aking buhok at ang mahinang pagtapik sa aking balikat. “It’s okay, anak. I know the feeling na malayo sa taong mahal mo at tanggap ko ang kung anong meron kayong dalawa.” Tila nabuhayan ang puso ko sa sinabi niya, dahilan upang bigla ko siyang mayakap. “Thank you po, Tito. I promise to take care of Rae at hindi kop o siya sasaktan.” Saad ko sa gitna ng pagkakayakap ko sa kaniya. “That’s a great man promise, Mikey. At kung pwede sana ay tawagin mo na rin akong Dad dahil sure naman akong doon rin mapupunta ang lahat.” Paniniguro niya sa akin, nagulat naman ako at mas lalong napangiti sa huli niyang sinabi. “Yes, D-Dad!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD