Mikey’s POV
"1 THING 2 DO 3 WORDS 4 YOU,
I LOVE YOU."
Tanda ko pa ang mga salitang sinambit niya noong magkasama kami sa tree house. Sa araw na ‘yon ay sinabi ko sa kaniya na mahal ko siya, kahit mga bata pa kami noon. Kahit pa mali ang nararamdaman kong ‘yon, pero alam kong mahal namin ang isa’t isa at doon kami masaya.
Naramdaman ko ‘yon sa kaniya dahil lagi siyang nasa tabi ko, nang mga panahon nag-iisa lang ako sa bahay ampunan. Ginawa niya akong kaibigan kahit pa mas mas matanda ako sa kaniya ng dalawang taon. Lagi niya akong pinapasaya sa kabila ng pinagdadaanan ko dahil sa pagpanaw ng aking mga magulang. Hanggang sa unit-unti ko ng nahanap ang pagmamahal na ‘yon sa piling niya. Sa piling ni Rae, ang taong nagpahilom sa sugat at bumihag ng aking puso.
I was holding his hands while it’s in my cheeks here inside the hospital room, dinadama ko ang bawat paghaplos nang kaniyang mga kamay dati. Ito ang nagpapatahan sa akin kapag umiiyak ako dahil ramdam ko ang pag-aalaga at pagpapahalaga sa kaniyang mga paghawak. Ang banayad nitong pakiramdam ay nagbibigay sa akin ng kakaibang damdamin na lagi kong hahanap-hanapin.
While remembering memories, tears suddenly fall down from my eyes. Seeing him suffer right now sucks me, dahil kahit na noong mfa bata pa kami ay hindi ko siya sinaktan. Nakikita ko man siya noong umiyak pero hindi ako ang may gawa. Ang alam ko lang ay ayaw niyang malayo sa akin, which was my strength before. Ngunit dumating rin ang kinakatakutan ko, ang makalimutan niya ako, isang araw. But then, ito na siya, nasa harapan ko and I’m hoping this time, maalala na niya kung sino at ano ako sa buhay niya.
After what happened a while ago, we direct him inside the hospital upang mabigyan siya nang first aids pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya gumigising. Nandito na naman ‘yung takot at pag-aalala sa puso ko, para sa kaniya. The doctor said, na kapag hindi daw siya nagising within 48 hours idedeklara na siyang under comatose. Pagkasabi niya ‘yon ay nanginig ang katawan ko dahil baka mas lumala ang kondisyon nang kaniyang pag-iisip at tuluyan na niya akong kalimutan habang buhay.
Frome thi case, I looked at his feminine face and gently touched his cheeks. Ganito ako lagi sa kaniya dati kapag magkatabi kaming matulog sa tree house nang tanghali. Lagi ko itong gawain at hinding hindi ako magsasawang titigan ang maganda at maamo niyang mukha. Ang mukhang minahal at hinahanap-hanap ko sa bawat araw. Ang mukhang ito ang nagsilbing ilaw sa madilim kong mundo at nagbigay pag-asa upang muli akong lumaban sa buhay.
"Your still the one I love, even you’ve lost memories with me,” bulong ko sa kaniyang at pinilit na ngumiti upang pigilin ang mga nagbabadyang luha sa aking mga mata, sa pagtulo. Pero sadyang traydor ang mga ito dahil sa pag-uunahan nilang paglandas sa aking pisngi.
Kasabay naman nang pagtulo ng aking mga luha ang pababalik tanaw ko sa nakaraan. Tandang tanda ko pa kung paano ako napunta sa bahay ampunan, noong walong taong gulang pa lamang ako. Akala ko noon ay mabubulok na ako sa loob nang ampunang ‘yon pero nagkamali ako dahil naging masaya ang aking buhay doon.
Maagang nawala ang ina ko dahil nagkasunog sa aming lugar at isa siya sa mga nadamay. Kagagaling ko pa noon sa eskwelan at ‘yon ang bumungad sa akin. Ang ama ko naman ay isang Amerikano, ‘yon ang sabi ni Mama dahil nakilala niya daw ito noong nagtatrabaho pa siya sa isang sikat na bar. Hindi ko na rin siya inaasahan dahil may sarili rin daw itong pamilya. Gumuho ang mundo ko noon dahil sa murang edad ay mag-isa na lamang ako sa buhay. Sinubukan ko ring lumapit sa mga kapatid ni Mama ngunit ayaw naman nila sa akin kaya nagpalaboy-laboy ako sa daan.
Sa pagtira ko sa bangketa ay naranasan kong kumain ng mga itinapon nang pagkain, nasubukan ko ring magnakaw at makipagbugbugan sa mga batang nakakaaway ko sa daan. Labag man sa kalooban ko ngunit kailangan ko ‘yong gawin upang mabuhay. Walang ring gabi noon na hindi ko makikita ang sarili kong lumuluha habang gutay-gutay ang suot na damit at madungis ang itsura. Hanggang sa isang araw ay nahuli ako ng mga pulis at dalhin sa bahay ampunan.
Sa pamamalagi ko naman doon ay naging pasaway ako sa lugar na ‘yon. Lagi akong nakikipag-away kaya nila ako nilalayuan, sinusubukang tumakas pero nahuhuli rin naman, sa madaling salita ay sakit lang ako sa ulo.
Isang umaga, nakipagsuntukan ako noon at pinagalitan nila sister kaya mag-isa ko lang sa harapan nang tree house at pinapanood ang mga kapwa ko btang masayang naglalaro. Habang pinagmamasadan ko sila ay naiinggit ako, nang biglang may lumapit at tumabi sa akin.
Isang batang maamo ang mukha, maputi at mukhang mayaman. Hindi lang ako umimik at hinayaan ko lang siyang magsalita. Hindi ko lubos akala ng mga panahong ‘yon na may lalapita at kakausap sa akin kaya napaiyak ako. Mas lalo naman akong nalungkot nang maramdaman ko wala na siya sa aking tabi. Awang awa ako noon sa sarili ko, wala na nga akong mga magulang ay wala pa akong kalaro dahil inaaway ko sila. Pakiramdam ko noon ay ipinagkakaitan ako ng kasiyahan nang mundo dahil kinukuha niya ag lahat sa akin.
Ilang saglit lang rin naman ay bumalik siya, piatahan niya ako sa pag-iyak at doon ko nalaman ang pangalan niya, Rae. Anak, pala siya nang may-ari nitong ampunan. Akala ko noon ay isa rin siya sa mga bata dito pero nagkamali ako.
Lumpias naman ang mga araw ay lagi na kami noong magkasama at masaya ako kapag nasa tabi ko siya. Nahihiya pa nga ako noon dahil inaaya niya akong makipaglaro sa mga batang inaaway ko dati, pero nagawa niya pa rin akong pasalihin dahil hindi ko siya matanggihan. Nagtatampo kasi siya kapag umaayaw ako sa mga gusto niyang bagay. Doon ko rin naramdamang masaya pala talaga kapag marami kayong naglalaro, kahit nakakapagod ay enjoy na enjoy naman.
Naging mas close pa kami ni Rae habang lumilipas ang panahon. ‘Yung mga paborito niyang pagkain ay naging paborito ko na rin. Lagi rin niya akong dinadala sa bahay nila at doon ko nakilala ang kaniyang mga magulang at kapatid. Sobrang bait nila sa akin to the pint na maramdaman ko na rin sa kanila ang pagmamahal nang isang pamilya. Gusto man niya akong patirahin sa bahay nila dati ay ayaw ko rin dahil nakakahiya, kinausap pa ako noon nang ama niya pero tumanngi pa rin ako. Ang sabi ko na lang ay masaya na akong nakikita ko siya bahay ampunan, pero kabaliktaran ‘yon ng gusto ko.
Taon rin ang lumpas, nang may pamansin akong pagbabago sa itsura niya. Namumutla na siya at mabilis na siyang mapagod. Hanggang sa naghahabulan kami noon, isang hapon nang bigla na lang siyang nadapa, pero bago ‘yon ay nakita kong dumudugo muna ang ilong niya. Mabilis ko siyang nilapitan at pinatayo pero hindi niya kaya dahil wala na siyang malay.
Umiiyak na ako nang mga oras na ‘yon. Humingi ako ng tulong sa Mommy niya dahil sa nangyari at kagay ko ay naging emosyonal rin niya nang makita ang kalagayan ng anak. Hindi ko alam noon ang gagawin kaya pianood ko na lang silang ipasok si Rae sa maingay na ambulansya. Namalayan ko na lang na wala na sila sa harap ko at naiwan akong luhaan.
Ang mga araw ay inabot nang linggo at buwan, hanggang sa umabot na rin nang taon at hindi pa rin bumalik si Rae upang makipaglaro sa akin sa bahay ampunan. Dahil doon ay bumalik ako sa pagiging palaaway at sakit sa ulong bata. Naninira na rin ako nang gamit at laging napaparusahan upang magtanda pero hindi ‘yon nangyari.
Umiiyak ako gabi-gabi dahil sobrang tagal ko na siyang hinihintay. Ang sabi naman nang mga madre dito ay nasa ospital pa rin daw siya at nagpapagaling kaya lagi ko rin naman ‘yong ipinapanalangin sa diyos. Lagi kong sinasabi na, sana ay gumaling na ang batang kalaro ko upang maging masaya na akong muli pero wala pa rin siya kapag hinihintay ko sa umaga.
‘Yung tree house na itinuring naming tahanan ay hindi na namin napupuntahan. Iniiwasan ko rin naman kasing pumunta doon dahil mas lalo ko lang siyang nami-miss. Nagkukulong na lang ako sa loob ng kwarto habang umiiyak, umaasang muli niya akong patatahanin at kakalaruin nang masaya.
Dumating ang araw na nakaupo ako sa swing habang nag-iisa, nang may tumawag sa aking pangalan at pamilyar ang boses nito sa akin. Kaagad ko namang nilingon ang pinanggalingan nito at hindi nga ako nagkamaling si Rae ‘yon. Masaya siyang tumatakbo palapit sa akin habang marami namang dalang pagkain at laruan ang mga magulang niya.
Sinalubong ko rin siya at mahigpit na niyakap. Kita ko naman ang mga magulang niya na masayang nakatingin saaming dalawa. Gano’n rin ako, walang makakapantay sa sayang nararamdaman ko noon dahil muli kaming nagkita ni Rae. Doon ko na-realize na dininig pala nang diyos ang sinabi ko sa kaniya at ang espesyal na nararamdaman ko dahil mahal ko na siya, hindi lang bilang kaibigan at kalaro.
Hinila ko siya patungo sa treehouse namin at masaya kaming nagkwentuhan habang kumakain ng gummy bears at yung favorite niyang chocolate drink na chukie. Doon ko rin sinabi sa kaniya na papakasalan ko siya kapag lumaki na kami. Pagkasabi ko doon ay walang akong pagsisising naramdaman, kung hindi ay labis na pagmamahal. Napuno ang puso ko sa araw na ‘yon ng pagmamahal at kasiyahan.
Lumipas ang mga araw at naging masaya kami ni Rae ngunit sadyang malupit ang tadhana nang maaksidente sila nang Mommy niya at bawian ito ng buhay. Doon na rin-nag umpisang mapabayaan ang bahay ampunan.Kahit naman gano’n ang mga nangyari ay nakilala ko ang mga bago kong magulang ampunin ako nila Dad. George Chivaree, ang kinikilala ko ngayong ama.
Nang ampunin ako nila Dad ay doon ko nakilala si Kim, ang nag-iisa nilang anak na magiging kapatid ko. Naging maayos rin naman ang lahat simula nang kunin nila ako. Naging close naman kami ni Kim dahil mabait siya at makulit kagaya ni Rae kaya naikwento ko rin ito sa kaniya. Ang sabi naman nito ay kilala niya daw ang pamilya nito, ‘yon lang at wala nang iba.
Mula noong maging kapatid ko si Kim ay hidi ko pa rin kinalimutan si Rae, lagi siyang nasa isp ko, hindi siya mawawal sa isip ko. Umasa ulit ako noon na sana ay magkita pa rin kami at ituloy ang aming naumpisahan. Umaasa akong gano’n pa rin ang turingan namin sa isa’t isa o mas higit pa.
Nagawa ko na ring pumasok sa sikat na unibersidad, na ngayon ay masasabi ko ng pagmamay-ari namin. Ngunit bago ‘yon ay kinausap ko muna si Dad na kung pwede ay lihim lang ang existence ko sa loob nang eskwelahan na siya namang pinaunlakan niya. Marami kasi siyang business at baka gawing rason ang pag-ampon niya sa akin upang bumagsak ang mga ito.
Tatlong taon rin ang lumipas at gano’n pa rin ang set up ko sa unibersidad, na tangin ang ama ko lang, si Kim at iba apang staff ang nakakaalam sa akin doon. Hanggang sa dumating ang weekend at nag-aya si Kim na mag-shopping sa mall. Nagpunta kami sa Arcade upang maglaro nang biglaang mahagip ng mga mata ko ang matagal na nitong hinahanap-hanap.
Halos maiyak ako noon nang makita ko siya, kaya minabuti ko siyang lapitan. Doon ko naman nakumpirmang siya nga ito at kasama pa niya ang kaniyang nakakantandang kapatid na si Kuya Raven. Masaya kong tinawag ang pangalan niya ngunit lahat ng saya sa aking mukha ay biglang nalaho na parang bula, nang tinagnan niya ako ng malamig at hindi parang isa lang akong ordinaryong tao. Nalaman ko naman doon na hindi niya ako naaalala dahil meron siyang amnesia, mula sa pagkakabagok sa aksidente.
Labis na lungkot ang naradaman nang mga panahong ‘yon kaya inalam ko ang lahat sa pamamagitan ni Tito Nic, ang ama ni Rae. Napag-alaman ko rin na kaibigan rin pala siya ni Dad. Sa pag-uusap naman namin ay nalaman ko ang lahat nang sinabi nang kaniyang kapatid ay totoo.
Nalungkot man ako ay pinilit kong magpakatatag dahil alam kong isang araw maaalala niya rin ako, na siya ring pinapanalangin ko. Ang sabi naman ni Tito ay tuluyan rin daw siyang makakaalala basta’t bigyan ko lang daw siya nang panahon. Sinabi rin nila na kung pwede ay lumayo muna ako at ‘wag magpakita, na siya namng sinunpd ko.
Mula noon, lagi na akong nakasubaybay kay Rae hanggang sa lumipat ito sa school na pagmamay-ari namin. Hindi ko na noon mapigilan na lumapit sa kaniya pero hindi ako nagpapakita. Meron ring time na nakikita niya ako nganit mabilis akong kumikulis at umaalis. Until now, umaasa pa rin ako na maalala a niya ako dahil sabik na sabik na akong makipagkwenuhan sa kaniya. Pagid na rin naman akong tumingin mula sa malayo.