Chapter 21

1930 Words
Rae’s POV As I close my eyes, naramadaman ko ang paghawak niya sa akin. Bulta-butalheng kuryente naman ang dumaloy sa aking katawan dahil doon at nagawa ako nitong dalhin sa nakaraan. Rinig ko pa ang mga sigawan, pag-iyak at tunog nang ambulansya kahit nakapikit na ako. “Bata, anong pangalan mo?” Tanong ko sa batang may kalakihan sa akin. Mukha siyang malungkot at may problema, kaya ko siya nilapitan. Wala rin siya kalaro habang nakaupo sa harapan nang tree house. Mukha rin siyang bago dito dahil ngayon ko lang rin siya nakita. Saglit lamang siyang tumingin sa akin at hindi sumagot, kita ko pa sa kaniyang mata ang matinding lungkot at pangungulila. Sa tingin ko ay kailangan niya nga talaga nang makakaramay, ‘yan ang turo sa akin ng Mommy ko. Dahil naman sa kaniyang ginawa ay umupo rin ako sa tabi niya. “Ang problema mo?” Muli kong tanog sa malambing na tono at hinarap ko siya. Sa pangalawang pagkakataon ay hindi siya sumagot, bagkus ay bigla na lang siyang umiyak. Hindi ko naman alam ang gagawin ko bigla na lang akong napatakbo pabalik sa kung saan naroroon ang aking ina. At last, na-realize ko na mali pala ang ginawa ko. Dapat ay pinakalma ko na lang siya upang tumahan sa pag-iyak. Lumapit ako sa aking ina at pumulupot sa kaniyang mga bewang. “’My, may bata doon oh.” Pagkuha ko sa kaniyang atensyon bago ituro ang batang tinabihan ko kanina. “Umiiyak siya,” dagdag ko pa at malungkot na tumingin sa kaniya. Bahagya namang lumingon sa akin at yumuko bago guluhin ang buhok ko. Ngumiti pa siya sa akin nang napakatamis bago magsalita. “Can you with him for me, baby? He’s new here and has no more parents because of an accident. He badly needed someone to talk with, anak. Go…” Saad ng aking ina bago ako itulak pabalik sa batan ‘yon. Dahil sa wala naman akong magawa ay nilapitan ko nga muli siya at hinawakan sa kaniyang balikat. Marahan kong hinagod ‘yon upang ipadama sa kaniya na may makakasama siya sa dinadala niyang problema. Bahagya rin akong ngumiti nang tumingin siya sa akin. Nalulungkot rin naman akong makita siya umiiyak kata niyakap ko siya. Hindi ko alam pero ‘yon lang ang tangin alam ko upang pakalmahin siya. Mahigpit ang yakap na ‘yon upang iparamdam na nandito lang ako at hindi ko siya iiwan, na handa akong maging kaibigan niya. Ilang saglit pa ay marahas niya pinunas ang mga luha sa kaniyang mata, pinigilan ko naman ang kaniyang mga kamay. Kinuha ko ang panyon mula sa aking bulsa at idinampi ko ‘ton sa kaniyang mga basing pisngi. Hindi ko rin alam kung bakit kusang gumagalaw ang sarili ko upang patahanin siya. “’Wag ka nang umiyak, papangit ka niyan.” Ngising sambit ko bago tuluyan ibigay ang panyo sa kaniya. Tipid naman siyang ngumiti dahil sa sinabi ko. Maya-maya pa ay binalot kami ng nakakabinging katahimikan. Walang naglakas ng loob sa amin upang tibgin ang namumuong katahimikan, nakaupo lang kami at magkatabi habagng pinapakiramdaman ang isa’t isa. Hindi ko naman maipaliwanag pero ang gaan ng loob ko sa kaniya, parang may kung anong meron siya at ‘yon ang hinahanap-hanap ko. Ilang sandali pa ay siya rin ang nagsalita. “M-Mikey,” nanginginig ang kamay niyang iniabot sa akin. Habang iniaabot naman niya ‘yon ay hindi siya nakatingin sa akin, nakatuon lang ang kaniyang paningin sa ibaba. Kahit wala sa akin mata niya ay nagpakilala rin ako sa kaniya. “Rae,” pakilala ko bago abutin ang medyo may kalakikihan niyang kamay. Pero nang maglapat ang aming mga palad ay may malakas na kuryente akong naramdaman at sabay kaming napabitaw. Doon ko naman nakita nang buo ang habang gulat kaming nakatitig sa isa’t isa. Bumalik sa isip ko ang pangyayaring ‘yon, kung kailan kami unang nagkita at nagkakilala. My chest enlightened sa mga oras na ito at kung ngayon man ako bawian nang bukas ay masaya na ako. Masaya na ako dahil naalala ko na ang batang nasa mga panaginip ko, na siyang malapit pala sa puso ko. I will always treasure those times here in my borrowed heart at kahit na hiram ko lang ito ay maaari ko naman ‘iyong itatak sa aking isipan. At kahit na makalimot man ako, konektado pa rin ang puso ko sa aking katawan upang damhin at hanapin ang nawawala sa akin. Days and weeks past, naging close kami ni Mikey. Lagi niya akong inaayang maglaro sa may tree house at lagi rin akong nalulungkot kapag pauwi na kami sa hapon. Always kasi kaming nandito ni Mommy para bumisita, which I requested after going to school. Minsan pa nga ay halos ayaw ko ng umuwi dahil gustong gusto ko talagang kasama si Mikey. I also tried tto bring him home pero minsan lang ‘yon dahil naglaro at nanood lang rin naman kami, one Saturday. Meron rin kasi siyang pinapasukang school pero ang malungkot lang ay sa iba ‘yon at malayo sa pinag-aaralan ko. Gusto ko na rin sana siyang patirahin sa bahay pero hindi pumayag si Dad. I don’t know why but I feel sad that time, pero wala naman akong magagawa kaya tinanggap ko na lang. They just explained to me na pwede ko pa rin naman daw makita si Mikey sa ampunan. One day, nagkukulitan kami sa loob nang tree house dahil ayaw niyang ibigay sa akin ‘yung laruan kong bear. Iniiwasan niya ako at pilit na inilalayo ‘yon sa akin habang tumatawa. Porket mas matangkad siya ay lagi niya akong niloloko nang ganyan. Nagulat na lang ako at napairap nang bigla naman niyang ibato sa mukha ko ‘yung hawak niya stuffed bear. "Hahahaha! Rae, habulin mo ako." Masaya niyang sigaw at nagtatakbo palabas nang tree house patungo sa may damuhan at saka ako binebelatan. Nakakainis rin talaga siya minsan, mas matanda siya sa akin pero isip bata siya. Tumingin ako sa kaniya nang nakapamewang bago ko siya umpisahang habulin. Gaganti ako sa kaniya, sa ginawa niya sa akin. Kikilitiin ko siya hanggang sa maihi. "Humanda ka sa akin kapag nahuli kita," inis kong saad. Ibinigay ko ang lahat ng makakaya ko upang mahabol siya pero hindi ko magawa dahil mas malaki pa rin ang kaniyang mga hakbang kaysa sa akin. Patuloy lag kami sa paghahabulan hanggang sa mapagod kami at mahawakan ko ang laylayan nang kaniyang damit. Mabilis at masaya ko siyang hinila. Tawa lang naman kami nang habang pawis ang hingal na hingal. "Huli ka!” Masaya kong sigaw pagkahawak ko sa kaniyang damit at agad siyang kiniliti sa tiyan. Alam kong malakas ang kiliti niya doon dahil lagi siyang umiiwas at tumatawa kapag nagbabanta ako ng kiliti sa kaniya. Walang makakapantay sa sayang nararamdaman ko dahit kahit sa ilang linggong pagkakakilala namin sa isa’t isa ay marami na akong alam sa kaniya. Marami na rin akong natutunang bagay sa kaniya lalo na ang kapupulutang aral sa kaniyang buhay. Maaga kasing nawala ang kaniyang mga magulang pero kinailangan niyang tatagan dahil alam niyang masaya na sila ngayon. Alam niyang hindi na maghihirap at patuloy siyang gagabayan nang mga ito. Natutunan ko rin sa kaniya kung paano uminom ng maayos sa chukie na paborito kong chocolate drink. Naging paborito na rin niya ‘yon dahil lagi ko siyang dinadalhan araw-araw. Ang kalat ko kasi uminom ng gano’n kaya lagin namamantsahan ang mga damit ko. Lagi niya rin naman akong piupunasan sa tuwing nababasa ang aking dibdib at likod ng pawis. He’s so caring at hindi na lang kaibigan ang turing ko sa kaniya. There’s a reason in my heart pero hindi ko ma-explain. Ramdam ko ang pagdaan ng aking mainit na luha sa gilid ng mata ko. I’m more than happier, I want to hug him tight and say sorry for everything. Hindo ko alam na nag-exist pala siya sa buhay ko dahil nakalimot ako. Hindi ko ginustong malayo sa kaniya, sa napakahabang panahon and there, he still wait for me. Just his hope, ‘yon lang ang pinanghahawakan niya. I adore him for being at my side kahit na parang stranger lang siya sa akin. At a young age, natagpuan ko ang aking sarili na nagmamahal. Nahanap ko ang pagmamahal na ‘yon kay Mikey. Alam kong mali pero lakas loob ko itong sinabi kay Mommy and she said na naiintindihan niya ako pero hindi daw pwede kasi bata pa kami. I need to focus on my studies pa daw at mas mainam kung ituturing ko muna siyang friend. But still, I can’t help myself lalo na at palagi ko siyang kasama. I also know that he feels the same way dahil palagi niya akong niyayakap at hinahalikan sa pisngin bago kami umuwi. One arternoon, naisipan naming dalawa na magpahangin sa tree house, which we consider as our home dito sa bahay ampunan. Huminga kami sa sahig habang pinagmamasdan ang paglaglag nang mga dahon mula sa mga nagtataasang puno, na inililipad naman nang katamtamang bugso nang hangin. Napakagandang pagmasdan dahil dahan-dahan silang nahuhulog paibaba sa lupa at maihahalintulad ko ang mga iyon sa aking sarili. Sapagkat kagaya ko ay unti-unti na ko na rin namang binubuo masayang mundo ko kasama ang taong nasa aking tabi, si Mikey. Habang nasa gano’n kaming pwesto ay ipinatong niya ang ulo ko sa kaniyang kaliwang braso bago magsalita. "Rae, ipinapangako ko sayo na papakasalan kita kapag lumaki na tayo." Sobrang seryoso nang tono niya, hindi ko naman mapigilan ang sarili kong magulat sa kaniyang sinabi. Hindi ko inaasahan ang ‘yon at ang kaniyang sunod na ginawa. Niyakap niya ako nang mahigpit at isiniksik ang kaniyang mukha sa aking leeg. Kahit sa mura naming edad ay alam na naming iparamdam na mahal namin ang isa’t isa. Na mahalaga at masaya kami kapag magkasama. Gumanti rin naman ako sa kaniyang mainit na yakap, na puno ng pagmamahal at humalik sa kaniyang noo. Mahal ko ang kahit anong meron sa taong ito at kahit na mali man ang pakiramdam na ‘yon ay gagawin kong gumawa ng kasalanan upang makasama ko siya. I can feel my body, gusto kong imulat ang mga mata at katawan ko ngunit hindi ko kaya dahil nanghihina ako Gusto kong lumaban upang makasama ko pa siya. Ayokong sumuko this time at hihingi ako ng tawad mula sa kaniya. I feel sad beyond my happiness dahil sa mga alaalang ‘yon. Kahit na bali-baliktarin ko man ang mundo ay hindi ko magawang baguhin ang lahat dahil sa mga nangyari sa amin, but I hope kaya niya pa rin akong patawari ang mahalin kagaya noong mga bata pa kami. Tatapalan namin ang mga ala-alang iyon nag saya, purong saya at walang bahid nang kalungkutan. Sana ay gano’n pa rin ang nararamdaman niya dahil ako ay gaya pa nang dati, nang kinalimutan kong pagmamahal. Marami akong sana na gusto mapatunayan pero ang kailangan ko muna ngayon ay magpagaling at magpalakas upang matibay handa na ako kapag kaharap ko na siya. I want him to see na ito pa rin ako, ang batang Rae na nakilala niya noon kahit na nakalimot nang mahabang panahon. I want to prove na kahit wala siya sa buhay ko ay hinahanap-hanap ko ang katulad niya, ang pagmamahal niyang pinapakalma ang pag-aalala sa aking hiram na puso. Marami kaming masasayang memories ni Mikey noong mga bata pa kami, mga alaalang puo nang pagpapahalaga ang saya. At ang lahat man nang ‘yon ay nakalimutan ko pero na sa puso ko siya at doon ko siya hahanapin at makikiramdamn upang makilala ulit. And the rest are history from the past, more importantly is the present that I’m with him again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD