Chapter 20

1549 Words
rae’s pov My eyes widened when I see all the test results. Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko. Kahit sarili ko pala ay hindi ko kilala, parang naubos na ang lahat sa akin, sa mga oras na ‘to. Ang sakit sa dibdib. Sobrang sakit dahil parang pinapatay ako nang katotohanan. Hindi ko maiwasan ang pagliyab ng galit ko dahil sa katotohanang naglilihim sila sa akin. Kinamumuhian ko silang lahat! Sa kabila nang kabaitan nila ay meron pa lang natatagong kasamaan, and I never taught na may parte pala nang iba na nabubuhay sa aking katawan. Napakamalas ko dahil nandito pa ako sa mundo ito. Sama nga ay natuluyan na ako noon, kaysa naman maging produkto ako nang ilegal at masamang gawa. Kung makapagsasalita lang ako that time ay mas pipiliin ko na lang na mamatay. With all that, napahagulhol ako. Hindi ko na alam ang gagawin, ang mararamdaman, ang paniniwalaan dahil nasa punto na ako ng buhay ko, kung saan ay hindi ko na kilala pa ang aking sarili. Napakabigat sa dibdib, kahit anong gawin kong ikalma ang sarili ko ay hindi ko magawa. Hindi ko ‘yon magawa dahil sobrang lala nang mga nangyari noon at hidi ko inaasahan ‘yon. Gusto kong paniwalain ang sarili ko na panaginip lang sana ang lahat pero patuloy na bumibigat ang dibdib ko, sa tuwing iniisip ko ang mga ‘yon. Ang hirap pa lang mabuhay! Ang hirap pa lang maging ako, maging ang sarili ko. Habang walang tigil na bumubuhos ang mga luha ko ay biglang sumagi sa isip ko ang pangalang Mikey, ang narinig kong kababata ko. Ngunit kahit anong pilit kong alalahanin siya ay hindi ko magawa. Isa pa ito sa mga nagpapadagdag nang sama ng aking loob. Nandoon ‘yung galit na sumasakop sa aking katauhan dahil sa ppanlilinlang nilang ginawa, at ngayon ay pinakawalan na nila ang lihim na matagal nang hinahawakan. Kung kailan huli na ang lahat para tuluyang sabihin ang mga ito. Kung kailan may banta na sa buhay naming lahat at parang gusto ko ng sumuko dahil natatakot na ako. Ngayon ay naiintindihan ko na ang lahat. Kung bakit sobrang higpit ni Dad pagdating sa akin. Kung bakit maraming kakaibang nangyayari sa akin. Kung bakit may mga nararamdaman at naaalala akong kakaiba at higit sa lahat ay kung bakit ako inaapi ni Zein at ang mga kakaibang kilos ni Sir Zach. Dahil sila ang pamilya nang batang nagmamay-ari nang tumitibok na pusang nsa katawan ko. Ang dumudugtong sa buhay ko at ang nagmulan nang lahat ng ito. Sinubukan akong yakapin ng aking ama ngunit umiwas ako at malakas ko siyang itinulak, na siyang dahilan upang mapaupo siya iya sa sahig. Wala na akong pakialam pa sa kaniyang ngayon sapagkat kasalanan niya rin naman ang ito. Kahit anong gawin niyang itakas, protektahan at dugtungan ang buhay ko ay hindi niya mababago ang katotohanang nagsala siya sa mga ginawa niya. Nararapat lang na maningil ang mga taong ginawa’n nang masama. "T-This is all your fault!" Pagsisi ko sa kaniya. I can see the guilt and sadness on his teary eyes ngunit hindi nito natibag ang samang nararamdaman ko. Punong puno ako ng galit sa mga oras na ito. Galit ako sa aking ama na nirespeto ko ngunit siya pala ang dahilan kung kaya ako nagkaganito. Siya ang dahilan kung bakit maaga akong nawalan ng ina. Kung bakit wala kaming maayos na relasyong pamilya. Sinira niya ang lahat nang ‘yon, nang lahat ng meron kami. "S-Sana hinayaan m-mo na lang a-akong m-mamatay..." Nanghihinang sambit ko habang patuloy pa rin sa pagtulo ang aking mga luha. Pagod na pagod na ako sa buhay ko. Hindi ko na kayang damdamin pa, kasi ang sakit isipin na ang pamilyang gusto mo ng maayos ulit ay tuluyan nang masisira. Masisira dahil sa mga masasalimuot na pangyayaring matagal na ibinaon at ngayon ay hinukay pero masangsang na ang amoy nang mga ito. Masyado na silang nabulok pero lakas loob pa rin nilang ipadinig sa akin, sa kabila ng aking kondisyon. Kondisyon kung saan, niloloko lang nila ako. Nagawa pa rin naman niyang sumagot kahit na nakayuko siya at umiiyak sa sahig. Pilit niya akong hinahawakan pero patuloy lang rin naman ako sa pag-iwas. Ayokong mabahiran nang kasama nang kamay niya ang inosenteng katawan ko dahil isa siyang kriminal! "I-I'm so s-sorry s-son,” mas lalo akong napaiyak nang marinig kong sinabi niya ‘yon. Marunong rin pala siyang humingi nang tawad sa kabila nang kaniyang mga ginawa pero hindi na ‘yan tatalab pa sa akin. Hindi na ako maaawa sa kaniya mula ngayon. All I taught magkakaayos na kami pero tama nga, na lahat ng akala mo ay hindi kailan man magiging totoo. Dahil wala rin katotohanan ang mga haka-haka. Isa lamang ang mga ‘yon sa dahilan upang tayo ay umasa sa buhay at sa huli ay dobleng sakit lang rin ang ating mararamdaman. Ang sakit ring ‘yon ang papatay sa atin kagaya ko. Parang patay na rin ako kahit na patuloy pang tumitibok ang puso at himihinga ang aking katawan. "Ayoko ng maging anak mo… at lalong nang, ayaw na kitang ituring pang ama!" Nangagalaiti ako sa galit kaya’t nagawa ko ‘yong isigaw sa harap niya. Naubos na ang respetong itinira ko para sa kaniya. Naubos na ang pasyensyang meron ako para magtimpi sa lahat nang ginawa niya. Wala na akong amang ituturing pa dahil sinusunog na sa impyerno ang kaluluwa niya. Matapos kong bitawan ang mga salitang iyon ay dali-dali kong bunuksan ang pinto at mabilis na tumakbo palabas. Sa ngayon ay gusto kong makalayo sa lugar na ‘to. Gusto kong umalis at magpakalayo upang mahanap ko ang nawal kong sarili at baka sakaling maayos ko pa ito. Gusto kong lumayo upang iwasan ang mga taong sumira ng buhay ko at kung magtagumpay ako sa mga nais ko, hindi na ako mulin pang magtitiwala sa kanila dahil minsan na nila akong niloko at gawin tanga. Aayusin ko ang sarili ko para sa mga taong karapat-dapat sa akin. Kung sino? Ang mga taong ‘yon ay nasa mga kalye at lansangan na walang mauwian, sila ang dapat kong pagtuonan. Ibibigay ko sa kanila ang pagmamahal at pag-aalaga na hindi nila naramdaman sa kanilang sariling pamilya. Ipaparamdam ko sa kanila kung paano maging mabuti at hindi kagaya ng ama kong walang kasing sama. Ibabalik ko kung ano ang ginagawa ng ina ko noon dahil gusto kong ituloy ang magandang programa na kaniyang sinimulan. While I’m in the speed, nakita ko naman siya hinahabol ako pero masyado nang malayo pa ang agwat namin para maabutan niya ako. Dahil naman doon ay mabilis binilisan ko pa ang pagtakbo at nakipagsiksikan sa mga tao. Sisiguraduhin kong madadapa siya sa sarili niyang mga paa upang maramdaman niya rin kung gaano kasakit ang sumusob sa lupa. Sa ginawa niya ay para lang akong plastic na tinapon at ang masaklap ay sa putik pa dahil binalot nang masasamang alaala ang matahimik na buhay ko. "Rae! Come back here, anak!" Malakas na sigaw niya habang patuloy pa rin ako sa nagtatatakbo. Wala na akong ibang maisip kung hindi ang lumayo sa lugar na ito, lalong lalo na sa kaniya. Ayoko na siyang makita pa at ayoko ng marinig ang lahat nang bagay na may koneksyon sa katauhan niya. Simula sa oras na ‘o ay ituturing ko na muli siyang mortal na kaaway. Hindi siya worth it para irespeto dahil sa mga ginawa niya. Wala siyang puso dahil nagawa niyang pumatay nang tao. Mahirap at masakit lang rin talagang tanggapin na bunga ako nang kagagawan niyang iyon. This time, parang nawala lahat nang sinabi ko kanina at tila nawalan na ako ng gana upang mabuhay pa. Tutuldukan ko na ang buhay ko sa sarili kong pamamaraan. Gagawin ko ito hindi dahil tatakas ako, kung hindi ay isang solusyon upang matigil na ang lahat. 'There's no reason for me to live!' Muli namang nag-unahan sa karera ang mga luha ko dahilan upang manlabo ang aking paningin. Agad akong tumawid nang daan dahil doon kahit na napansin ko isang rumaragasang sasakyan. Kahit nanlalabo ang aking mga mata ay ipinikit ko na lang ang mga ito bago ihakbang ang aking mga paa. Ngunit bago iyon ay naaninag ko pa ang mukha ni Sir Zach, na siyang nagdala ng matinding kilabot sa buo kong katawan. Sinunukan ko ring umiwas pero huli na at konti na lang ay bibigay na ang aking katawan. Nagawa niya akong bunggoin nang gano’n kadali. Tumilapon at nauntog sa semento ang ulo ko, dahilan upang dumugo ito. Nag-umpisa na ring lumabo ang aking paningin nang bigla akong makarinig ng isang malakas na sigaw at pamilyar ang boses. Nakaramdam naman ako ng p*******t sa aking ulo pagkarinig ko niyon. "Rae…!" Rinig kong sigaw niya mula sa kung saan. Mula sa puntong iyon ay lumiwanag ang mga malalabong alaala sa aking isipan, na matagal ko nang gustong malaman. Bago ko pa man maipikit ang aking mga mata ay tumulo ang mumunting luha doon. I feel sorry to him dahil kinalimutan ko siya at ang mas malala pa ay kung saan ako’y mawawal na. Sobraf sayang dahil hindi man lang kami nakapag- catch up sa isa’t isa. "Mikey…" Bulong kong tawag sa pangalan ng taong mahal ko bago ako sakupin nang dilim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD