Nicholo’s POV
Mula nang araw na ‘yon ay naging pusong bato na ako. Hindi na ako nakakaramdam ng awa kanino man. Pati na rin ang pamilya ko ay hindi ko na napagtutuonan ng pansin at puro trabaho na lang ang inaatupag ko, kung saan ako nakilala nang lahat. Naging sikat ako sa loob at labas nang bansa. Marami nang kumukuha sa aking ospital, gano’n rin ang mga pasyenteng humihingi nang tulong.
Sa wakas ay naabot ko na rin ang isa sa mga pangarap ko, ang maging kilala at matulong sa ibang tao na may karamdaman sa puso. Mahirap pero masaya dahil nagagawa ko ang passion ko sa panggagamot. Ngunit totoo ngang hindi araw-araw ay pasko dahil may nangtraydor sa akin dahil sa inggit. Masakalanan nga talaga tayong mga tao at hindi tayo perpekto.
Nagawa nila akong ilaglag upang madungisan ang pangalan ko sa pamamagitan nang pagkalat sa lihim naming operasyon kay Rae. Doon rin nagsimulang magkaroon nang problema sa kompanya namin. Nawalan kami nang ilang daang milyon at ang karamihan sa board ay pinaghihinalaan si Ahiro Alvarez, isa sa mga business partner at kumpare ko. Malapit kami sa isa’t isa ngunit hindi ako makapaniwalang magagawa niya ito sa kabila nang kaniyang kabaitan. Ayokong maniwala noong una pero maraming patunay na ipinakita nang kung sinong nagpapadala ng sulat sa akin sa bahay. That time, bumitiw na rin ako sa ugnayan naming dalawa.
Day’s turned to weeks and months at hindi pa rin nagigising si Rae, hanggang sa inabot na siya nang taon sa pagkakatulog. Dahil ako na lang mag-isa ang tumitingin sa anak ko ay naging mas mahirap sa akin ito. Araw-araw naming ipinapanalangin na sana ay magising na siya pero hindi. Dahil sa tagal na siya natutulog ay nanubig na rin ang kaniyang utak kaya nagsagawa ako ulit nang surgery, together with thw neurosurgeon to do the operation. Ang hindi lang maganda ay baka maapektuhan daw nito ang kaniyang pag-iisip. Memory lost can also be possible and other psychological disorder.
He was now on a private room at dito namin siya inaalagaan. Halos dito na rin kami tumira dahil sa kalagayan niya. After all, worth it naman ‘yung pagod namin dahil para rin naman ito sa kaniya. Umaasa pa rin kami na isang araw ay muling didilat ang kaniyang mga mata at tatawagin kami isa’t isa nang may ngiti sa labi.
"Baby Rae, I miss you. Please, wake up…" Lumuluhang sambit ni Nica sa bunso niyang kapatid, while holding his hands na sa mga pisngi niya ito. My kids really loves each other at masaya na ako sa simpleng bagay na ‘yon.
Tila dininig nang langit ang sinabi ng anak ko, nang biglang gumalaw ang kamay ng kapatid niya. Walang kapantay ang naramdaman naming saya na halos mapaluha na rin kami. Sa wakas ay dumating na rin ang pinakahihintay namin.
I was so happy pati na ang ina at mga kapatid niya. But when he opened his eyes, lalapitan ko na sana siya upang halikan at yakapin but he cried as loud as he can. Bilgang nawala ang saya sa puso namin sa labis na pagtataka. Lahat ng saya sa bawat sulok ng aming mga labi ay nawala nang hindi niya kami makilala. He just all know Mikey, ‘yung batang lalaki na lagi niyang nakakalaro sa bahay ampunan. Masakit tanggapin na gano’n ang nangyari pero wala naman kaming magagawa at saka expected na rin itong kondisyon niya.
Dahil doon, we needed up a decision to brought him states para mabilis na gumaling. Mas advance kasi ang technology doon at tutok rin sila sa kanilang mga pasyente. Mas maaalagaan siya nang maayos sa kaniyang adjustment sa bago niyang puso. On his medication inabot rin siya nang apat na buwan buwan upang tuluyang maka-recover. At first, umiiyak pa siya dahil naninikip at namamansid ang kaniyang dibdib. Pati na rin sa mga aparating ikinakabit sa kaniya ay natatakot. Nagpapasalamat naman kami sa diyos at isang buwan mula nang madala namin siya doon ay bumalik na ang alaala niya. Marami siyang naging katanungan at ang lahat lang nang ‘yon ay tungkol kay Mikey.
Matapos niyang gumaling ay nag-stay pa kami nang isang linggo doon bago umuwi pabalik nang bansa. Mas naging doble rin ang pag-iingat namin pagdating sa kaniya at hindi namin siya pinapayagang lumabas nang walang kasama kahit isa sa amin. Piling pagkain lang rin ang dapat niyang kainin at iniiwasan namin siyang ma-stress. Lagi lang siyang nakakulong sa loob nang bahay kasama ang mga aso at mga stuffed bears.
Month’s past at gusto niya daw puntahan si Mikey sa bahay ampunan dahil miss na miss na niya ito. Pinagbigyan rin namin siya sa kaniyang kagustuhan dahil gusto rin ni Reichel na bumisita sa itinayo niyang organization. At saka, gusto rin naming mapaunlad ang social skills ng anak namin kahit papaano. Gusto naming ibalik ‘yung dating siya na bibong bata.
Were on our way papunta sa bahay ampunan, nang mapansin kong parang may sumusunod sa amin. Hindi ko naman makita ang mukha niya sa loob nang itim na kotse pero naaninag kong lalaki ito. Nakaramdam na ako nang kaba dahil nakakahila ang mga ikinikilos niya. Kapag kasi sinusubukan kong huminto ay tumitigil rin siya sa malayo at muling susunod kapag pinatakbo ko na ang sasakyan namin.
After visiting the orphanage, kita kong sumaya ang anak ko dahil may kislap sa kaniyang mga mata, na nagpagaan sa puso ko. The same also as her mother pero hindi nawala sa isip ko ang mga hinalang kakaiba. I personally hire a guard dito sa bahay namin para sa seguridad nila. Paulit-ulit ko namang napapansin na may sumusunod sa lahat ng lakad namin. I also asked my private investigator upang tukuyin kung sino ‘yon at napag-alaman kong siya ang ama nang batang pinilit kong bawian nang buhay.
Mabilis na lumipas ang taon at kahit papaano ay naging maayos naman ang lahat. Mas naging on hand na rin ako sa trabaho at pagte-train kay Raven na hawakan ang kompanya. I’m so glad naman na kinakaya niya at alam ko may potential siya sa manage ng aming negosyo. Nica is on high school na rin at Rae was still on the elementary.
Obe night pagkauwi ko ng bahay ay bumungad sa akin ang asawa ko sa sala, holding a folder na sobrang pamilyar sa akin. I still manage to smile grraefully on her kahit na may pagtataka na akong nararamdaman. Hindi ko naman inaasahan ang mabilis niyang paggalawa at malakas akong sinampal.
"Hindi ko lubos inakalang ginawa mo ito, Nic!" Galit na sigaw niya sa akin habang namumuo ang luha sa kaniyang mga mata. Ibinato niya sa mukha ko ‘yung hawak niyang mga test results pero hindi ako kumibi.
Ilang ulit pa niya akong pinagsasampal at pinagsusunto sa dibdib pero hinayaan ko lang siya. I tried to explain pero hindi siya nakinig, mas ginusto niya umiwas sa akin. Pati ang mga anak namin ay inilalayo niya sa akin. Hindi na rin sila madalas na umuuwi sa bahay at doon na lang sila natutulog sa bahay nang kaniyang mga magulang. Wala naman akong magawa kasi ayokong maapektuhan ang mga bata, iniiyak ko na lang sa gabi upang mabawasan ang bigat ng aking nararamdaman.
Pagkasapit nang umaga, maaga akong umalis kahit na alam kong kaarawan ngayon ng asawa ko at dumiretso na lang sa trabaho dahil sa mga nangyayari sa amin. I just wrote him a birthday letter sa may kwarto namin and I hope mabasa niya ‘yon. For sure, busy rin si Raven sa kompanya at hindi naman sila close ni Nica. She just have Rae in this special day of her life. Gusto ko sana siyang puntahan pero baka awayin lang niya ako. Kilala ko siya at hindi lang ‘yon basta-basta makakalimot nang isang bagay.
Pagkarating ko sa trabaho ay marami akong naging pasyente kaya hindi ko na namalayan pa ang oras. Lunch came at palabas na ako sa ospital nang biglang tumunog ang selpon ko. Kinilabutan namn ako sa text message na aking natanggap sa kung sino but I needed up thingking na si Zach ito.
"Say goodbye to your son and wife, Dr. Welck!"
Mabilis akong napatakbo papunta sa aking sasakyan na nasa parking lot at kaagad na tinungo ang daan pauwi sa bahay pagkabasa ko nang mensahe. Gusto kong magwala pero hindi ko nagawa. Dahil naman sa pagmamadali ay marami na akong nalabag sa batas nang trapiko pero wala akong pakialam. Mas importante ang buhay ng mag-ina ko sa puntong ito. Ilang saglit lang ay nakarating rin ako sa bahay pero nahalughog at natanon ko na rin ang lahat ng mga kasambahay namin pero ang sinabi lang nila ay magkasama daw silang lumabas.
Hanggang sa makabalik ako nang ospital dahil sa nabalitaan ko sa mga kasamahan ko ang nangyari. Pagkapasok ko sa emergency room,- I see my wife na nirerevive na ng mga doktor kita ko rin kung paano siya humugot nang kaniyang huling hininga sa bawian bago bawian nang buhay. Natuod ako sa kinatatayuan ko at halos hindi ko na ma-contain pa ang lahat nang nangyayari sa paligid ko. Natagpuan ko na lang ang sarili kong niyayakap at hinahalikan ang bali-bali at puno nang dugo niyang katawan habang malungkot ko siyang binabati sa kaniyang espesyal na araw.
Para na akong mababaliw sa mga oras na ‘yon nang malaman ko ring under comatose si Rae dahil nabagok daw ang ulo niya sa semento. Bumalik naman sa isip ko ‘yung nangyari sa ina ko at parang maitutulad na rin ako sa kaniya. Hindi ko na kakayanin pa ang mga nangyayari sa buhay ko. Humagulhol ako sa sahig, wala na akong pakialam pa kung pagtinginan ako nang mga tao sa loob nang ospital dahil sa ginagawa ko
This time ay pparang galit ako sa buong paligid, parang gusto kong pumatay pero may bigla akong napagtanto sa sarili ko. Ganito pala kasakita ang mawalan ng minamahal sa buhay. Ngayon ay nararamdaman ko na kung anong sinapit niya noong maaksidente ko ang asawa niya at kitilin ko ang buhay ng kaniyang anak. Natulala lang ako habang nakahawak sa aking ulo, parang may bumubulong doon na kasalanan ko ang lahat nang ito.
Mahirap tingnan na umiiyak ang mga anak mo sa pagkawala nang kanilang ina, hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko. Parang ipinagkait ko sa kanila ang karapatang makasama ito hanggang sa paglaki, lalo na kay Rae. Hindi man lang niya nakita ang kaniyang ina sa huling hantungan dahil nandoon pa rin siya ospital. Napakahirap nang buhay sa anak ko labas-masok na lang siya sa ospital at bilang doktor ay masakit pa rin iyong tingnan kanit ito ay aming pinagkakakitaan. Sobrang sakit tingnan kapag ang anak mo ay mahimbing lang na natutulog at hindi sumasagot kapag kinakausap mo siya sa loob nang ospital.
Dumating ang gabi at nag-iinom ako ng alak sa bahay nang muli akong makatanggap ng mensahe. Naibato ko pa ito nang mabasa ko ang nilalaman nito.
"Kulang pa ‘yan para sa mag-ina ko! Sisiguraduhin kong pagsisihan mo ang lahat!"
Nagbabasag ako ng mga bote sa labas ng bahay, sobrang sakit sa dibdib ko ang lahat. Hindi ko na kakayanin pa kung may mawala pa sa aking isa at ‘wag na sana ang mga anak ko, ako na lang dahil kasalanan ko rin naman ang lahat. Wala silang kasalanan, lalo na ang bunso ko. Ginawa ko lang naman ‘yon upang isalba ang buhay niya pero nandoon pa rin ang pagkakamali ko. Alam kong hindi tama pero isa akong magulang at pipiliin kong gawin ang hindi tama kaysa hayaan ko siyang bawian nang buhay.
Mahigit limang buwan akong namalagi sa ospital hanggang sa magising si Rae at pinagpapasalamat ko dahil naalaa niya kami, pero sa pagkakataon ito ay bumaliktad ang lahat. He doesn’t remember anything from Mikey, na siyang unang naalala niya noon. Dahil sa nangyari ay gumawa kami nang pag-aaral sa council namin at bago alang ang nangyayari sa kaniya. Natuklas rin namin mula sa mga ikinikilos niya na meron siyang psychological problem mula sa pagkakabagok.
Lumipat kami ng bahay hanggang sa tanungin niya kung nasaan ang mommy niya. Gano’n na lamang siya nagbago nng malaman niyang wala na ang kaniyang ina. Naging tahimik siya at nagtanim nang sama ng loob sa aming lahat. Naging tahimik at mahiyaing tao. He even attempted to kill himself habang nagkukulong sa kwarto at madalas rin siya sa pag-iyak. Kapag naman kinakausap ko siya ay sinasaraduhan niya ako nang pinto at lahat nang kawalan ng respeto sa akin.