Nicholo’s POV
Ilang minute rin akong nakasandal sa manibela ng aking sasakyang habang sapu-sapo ko ang noo kong may malaking sugat. Nahihilo ako ngunit tila nawala ang aking kalasingan. Maya-maya pa ay pinilit kong buksa ang pinto dahil nawawalan na ako ng hangin dito sa loob. Siguradong mamamatay ako kapag hindi ako nakalabas agad
Kahit nanghihina ay buong pwersa kong pinagsisipa ang bintana dahil hindi ko mabuksa ang pinto nito. Napapikit naman nako nang bigla itong mabasag dahil baka mailagay sa mata ko ang mga bubog. Ilang saglit lang ay dahan-dahan akong lumabas doon. Napadaing pa ako nang maisabi ang tiyan ko sa isang matulis na bubug at nasugat pero tinibayan ko ang aking loob.
Pagkalabas ko ay humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga dahil parang sinasakal ako sa loob kanina. Napakainit rin at talagang mawawalan ka ng lakas. Inilibot ko naman ang aking paningin at mula sa aking pwesto ay kita ko ang isang kotseng umuusok sa ilalim nang puno.
Dahil sa maliit lang ang kotse na ‘yon ay grabe ang pagkakayupi nang harapan nito at umuusok. Kinabahan ako bigla at naninindig ang mga balahibo ko habang nakatuon ang mata ko doon. Takot akong mawalan ng anak pero takot rin akong makapatay. Bilang doctor ay obligasyon naming magsalba nang uhay nang isang tao at ang kabaliktaran ay kahihiyan. I don’t know pero bigla rin akong nakaramdam ng takot.
Habang nasa gano’n akong pwesto ay hindi ko rin maiwasang mapa-aray dahil nababasa nang ulan ang mga sugat ko. Kasabay naman nang mga pagpatak nito sa aking katawan ay ang mabigat na emosyong nararamdam sa aking dibdib. I can’t explain pero parang tama ang hinala ko. Gusto kong itanggi pero kita na ng dalawa kong mga mata ang bunga nang pangyayaring ito.
Nagawa kong tumayo at sinubukang puntahan ang sasakyan. Nang makalapit ako ay doon ko nakita na basag ang salamin nito sa harapan at bumungad sa akin ang isang babae habang yakap-yakap nito ang maliit na batang lalaki. Pareho silag duguan at walang malay. My I widened at tuloy-tuloy an gang pagtulo ng luha ko sa mga oras na ito. Ican’t believe na nagawa ko ang bagay na patuloy kong iniiwasan kapag bumabyahe sa daan.
Kahit na masakit ang aking ulo ay agad kong tiningnan ang pulso nilang dalawa, ngunit ang babae na mukhang ina nang bata ay binawian na nang buhay. Samantala, ang bata naman ay may mahihina pang pagpitik sa kaniyang leeg. Hindi ko maisip na magiging isa ako sa dahilan upang mawala sa mundo ang isang tao. Pakiramdam ko ay wala na akong saysay pa bilang doctor. Wala na akong kwenta sa lahat nang bagay na aking gagawin.
Natagpuan ko na lang ang sarili kong isinasakay silang dalawa sa kotse ko at saka pinilit itong paandarin upang madala sila sa ospital. Baka mailigtas ko pa ang buhay nang babae. Ayokong isipin na isa na ako sa mga itinuturing na kriminal.
Nang makarating kami sa ospital ay siya namang pagdilim ng paningin ko habang buhat ko ang bata. Nawalan ako ng malay dahil sa maramingdugong nawala sa akin at sa pagod mentally and physically.
"Nic! Nic! Wake up!" Rinig ko pang tawag sa akin ng mga kasamahan ko dito sa ospital bago ako tuluyan sakupin nang kadiliman.
Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil nagising na lang ako kung saan ay puti ang lahat. Inilibot ko ang aking paningin at napagtanto kong nasa isa akong kwarto ng ospital. Doon ko naman nalaman na tatlong araw na pala akong natutulog. Pinilit kong bumangon para makita ang anak ko ngunit kailangan ko pa daw magpahinga at magpalakas, sabi nang nurse na nasa loob rin nang silid sa mga sandaling ito. Paano naman ako makakapagpahinga kung ang dami kong iniisip? Kailangan kong kumilos at mas lalo lang akong mai-stress kapag nanatili lang ako dito. Priority ko ang anak ko pero may dumagdag pang malaking problema. Sa huli ay wala rin akong nagawa kung hindi ang sundin sila at ang pamilya ko.
Lumipas ang ilang araw at totally recovered na ako. Bumalik ako sa trabaho, Pumasok ako sa Intensive Care Unit facility nang ospital, pero laking gulat ko nang makita kong hindi na ang anak ko ang narito. Nang mamukhaan ko naman ito ay parang nanghina ang mga tuhod ko dahil siya ‘yung batang kasama ko sa aksidente.
Dahil naman sa hindi ko siya kayang makita ay napagdesisyonan kong lumabas. Palabas naman na ako sa silid na ‘yon nang may isang lalaking biglang humawak sa aking mga braso at saka lumuhod at nagmakaawa sa akin. Kagaya ko, kita ko ang takot at pagdadalamhati sa kaniyang mga mata. Bumilis naman ang t***k ng puso ko dahil doon.
"Doc! Please, iligtas niyo po ang anak ko," pagmamakaawa nang lalaki habang umiiyak. Niyayakap nito ang aking mga paa. I just let him, gusto ko rin mailabas niya ang kaniyang nararamdaman.
Naawa ako sa kaniya at mabilis ko siyang hinila patayo. Ramdam ko ang sakit at takot na nararamdaman niya sapagkat parehas kami nang sitwasyon. Nasa bingit rin nang kamatayan ang mga anak namin pero ang masama ay ako ang dahilan nang pagkawala nang kaniyang asawa.
Inaatake ako ng konsensiya ko sa mga oras na ito. Parang sinasabi nito na kailangan kong sabihin sa kaniya ang nangyari pero pinapangunahan ako nang takot, na siyang dahilan upang hindi ko ito magawa. Iniisip ko kung anong maaring mamngyari kapag sinabi ko iyon sa kaniya. Maaaring mawala ko ang propesyon, anak at lahat-lahat na meron sa akin. Paano na lang ang pamilya ko kapag nangyari iyon? Baka layuan rin nila ako kapag nalaman nila na isa na rin akong kriminal.
"W-We'll do the best way we can," sagot ko dito nang nauutal pero nagawa kong hagurin nang marahan ang kaniyang likod.
Doon ay mas bumilis ang t***k nang puso ko sa tindin ng kabang aking nararamdaman. Hindi ko rin alam kung bakit bigla akong nangilabot nang hawakan ko siya. Nandoon ‘yung pinaghalong takot at konsensya. Hindi ko na rin maiwasang madala sa kaniyang emosyon.
Days past magmula nang manyari iyon at walang pagbabago sa lagay nang bata. Wala rin kaming mahanap na match sa puso ng anak ko sa lumalala na niyang kondisyon. Sinubukan ko na ring pumunta sa mga black market perosadyang malupit ang tadhana para sa amin. Hanggang sa isang araw, sinubukan kong itest’ yung bata na aksidente kong bata na under comatose pa rin. Noong una ay nag-alangan ako pero nagawa ko pa rin dahil inisip kong baka siya na ang solusyon sa lagay ni Rae.
Halos umaga naman na nag matapos ko ang test at hindi ko na talaga pang inabala ang sarili ko upang matulog. Kahit na inaantok na ay patuloy pa rin ako sa pag-aaral nang kaniyang puso. Inabot na ako nang umaga nang matapos ko ang lahat. Nakaramdam ako ng saya nang positive result ang nakuha ko. Match ang puso niya para sa anak ko pero illegal kung gagawin ko siya donor nang palihim. But I don’t have a choice, gagawin ko ito para sa anak ko.
'Finally, I found him a match!' Isip-isip ko pa habang tiningnan ang puso niya sa monitor.
The next day, Raven, Rae's elder brother and my wife Reichel decided to take a look for Rae dahil inaayos ko na ang lahat ng kailangan para sa operasyon. Ngunit nagimbal kaming lahat nang biglang tumigil ang heartbeat niya. Dumami na kasi ang blood clot sa paligid nito kaya ‘yon nangyari Mabilis akong tumakbo papunta sa kwarto niya at nang makarating ako doonay pinupump na siya ng mga kasamahan kong doktor.
Raven and Reichel are crying while watching Rae na nire-revive. Parang sinaksak ako nang napakaramig kutsilyo sa dibdib ko. Nawawal na rin ako ng pag-asa na mabuhay si Rae. But I couldn’t let that happen at matapang kong binuksan ang pinto at pumasok para tumulong.
"Rae, no! Please, anak! Lumaban ka, please…" Reichel shouted habang yakap si Raven at umiiyak outside the room.
Ang buong akala namin ay mawawala na siya sa mga oras na ‘yon but then, it was a miracle nang bigla ulit tumunog ang heartbeat machine sa tabi niya. I feel relieved at napaiyak ako habang yakap-yakap ko siya. Hindi ko hahayaang mawala ang anak ko.
“Thank you, Lord!” My wife said nang makalapit siya sa amin at lumuhod. I could also see our first child sobbing in tears at marahas itong pinupunas.
Maya-maya pa ay hinila ako nang isa aa mga kasamahan kong doktor palabas nang ospital bago magsalita. Isa siya sa mga pinagkakatiwalaan ko kaya sinabi ko sa kaniya ang plano kong gawin. Spaecifically, humingi rin ako ng tulong sa kaniya.
"Nic, we have no time! Kailangan na nating isagawa ang operasyon!" Ang nag-aalalang saad nito sa akin at mahigpit akong hinawakan sa kamay.
I heaved a deep sigh bago tumingin sa kaniya. Wala na nga kaming ibang way para magamot si Rae at kung ito man talaga ang magpapagaling sa kaniya ay mapipilitan akong gawin ito, kahit na ilegal.
"Okay! We have also no choice kung hindi gawing donor ang bata ‘yon." Diretsong sagot ko dito habang tinutukoy ang batang naaksidente.
Nang mga oras na yon wala akong ibang inisip kung hindi ang kapakanan lang ng anak ko. Wala na akong pakialam pa sa iba kung kaya't lihim naming isinagawa ang operasyon. Pinalabas naming may Diperensya sa puso ‘yung bata upang maidala namin siya sa operating room, kung saan limid sa kaalaman ng lahat na nandoon rin ang anak ko. Minabuti ko ring ilihim sa pamilya ko dahil alam kong hindi nila magugustuhan ito kung malalaman nila.
Nandito na kami sa operating room at kasalukuyang ginagawa ang operasyon. I was about to cut the heart of the kid nang biglang tumulo ang mga luha ko dahil sa gagawin ko. Not until pikit mata ko siya ginunting hanggang sa tuluyan na siyang bawian nang buhay. Parang nag-echo sa tenga ko ang tunog nang machine na tumitingil sa kaniyang pulso.
Dahil naman sa hindi na ako makapag-concentrate ay sila na ang nagpatuloy. Kitang kita ko kung paano nila pinagpalit ang puso nilang dalawa hanggang sa matagumpay na natapos ang operasyon. Nanginginig akong lumabas nang silid habang inaakay ako nang isa kong kasamahan. Pinapatatag pa nito ang loob ko pero wala pa ring nagawa.
Ipinadala naman namin agad ang bata sa morgue at doon ko nalaman ang pangalan nito. Zian Ashton Leondale, walong taong gulang at anak nang isang guro sa kilalang unibersidad. Meron rin siyang kambal na babae.