Chapter 25

1767 Words
Mikey’s POV Because of Kim, nasira lahat ng gusto kong moment with my Rae. Kahit kailan talaga ay panira sa buhay ko ang isang ‘yon. Noong mga bata rin kami ay hindi kami nagkakasundo sa maraming bagay, katulad na lamang nang panonooring cartoons, pagkain at mga gamit sa bahay na karaniwan naming ginagamit. Pero kabila nang ‘yon ay kapatid pa rin naman ang turingan naming dalawa kahit na hindi kami magkadugo. Sa totoo lang ay mabait talaga ang babaeng ‘yon, may pagkasadista nga lang talaga at doon kami laging nagkakaalitan. Hindi naman sa malalang away, konting asaran lang at tampuhan na kaagad rin namang maaayos kapag niyakap ko na siya. Masaya rin akong kinupkop ako nila Dad dahil naranasan kong muli ang magkaroon ng magulang at may bonus pang supladang kapatid. Sila ang gumagabay sa akin hanggang ngayon at patuloy akong sinusuportahan sa mga ginagawa kong desisyon sa buhay. Masasabi kong mapalad ako dahil meron sila sa tabi ko at buong puso nila akong tinanggap ang aking pagkatao. Napakabait nila to the point na ramdam ko talaga sa kanila ang turingan nang isang matatag at may pundasyong pagmamahal na pamilya. “Bago pa mapanis ang mga pinamili mo ay kumain na tayo!” Wala talagang kasing kapal ang mukha niya at siya pa ang nanguna sa pagkaing binili ko. “Ayan…d’yan ka magaling! Palibhasa patay gutom ka!” Pang-aalaska ko pa sa kaniya bago ako gumanti ng kutos sa kaniyang ulo. Lintek lang ang walang ganti ‘no? Dahil sa mga pinaggagagawa namin ay tawa lang naman nang tawa si Rae habang napapahawak sa kaniya ulo. Stressed na ‘ata ang mahal ko sa amin kaya titigil na ako, sadyang may tama lang talaga sa utak ang kapatid kong kaibigan niya kaya kami ganito. Pero masaya na rin dahil parang bonding time na rin namin ito, sabihin na lang natin na sabit si Kim. “Syempre naman, Kuya, hindi lang naman si Rae ay may paborito nang Jollibe ‘no? Ako rin!” Dagdag pa niya at saka nagpaikot ng mata. Binantaan ko naman siyang babatuhin ng hawak ko kaya todo peace sign siya mula sa pagkakaupo. “Oh, sorry na!” Dumampot na rin ako ng isang chicken legs sa bucket at iniabot ‘yon kay Rae. Gusto ko pa sana siyang subuan pero sinabi niyang kaya naman daw niyang kumain kaya hinayaan ko na lang. Ayoko na rin kasing dagdagan pa ang pagka-stressed niya sa amin ni Kim kanina. Alam ko ring gutom na siya dahil kanina pa siya nakikitang lunok nang lunok habang panay kami sa sagutan, natawa na lan ako sa aking loob dahil doon. Mukhang matagal ngang hindi siya nakakain nang paborito niya. I just watched him bit the juicy chicken joy habang enjoy na enjoy niya itong nginunguya. Kita ko rin sa kaniyang mga mata ang saya dahil sinabi niya noong bata kami na bida daw ang saya kapag kumain ka sa Jollibe, na siya totoo nga naman. Hindi ko rin magawang kumain dahil sa kaniya pa lang ay busog na busog na ako. Makita ko lang siyang ganyan ay masaya at kompleto na ang mundo ko. Siya ang kulang na nagbibigay saya sa akin, na ngayon ay nahanap at nasa tabi ko nang muli. Natigilan namn ako sa kakangiti nang may sumulpot sa harapan kong kamay, na may hawak ring fried chicken. Dahil sa pagkaadik ko sa kaniya ay hindi ko na namamalayang tumitigil na ang aking oras at nagagawa ko ng mapatulala. Nang tingnan ko naman kung sino ito ay si Rae. “Kumain ka na. Ang dami mong binili tapos hindi ka kakain,” saad niya at saka ako sinubuan. Pikit mata ko naman ‘yong kinagat at ninamnam anga lasa nito, kaakibat nang kaniyang pagmamahal. “Ang oa mo namang kumaing unggoy ka!” Pag-aasar sa akin ni Kim na binelatan ko lang. Tingnan niyo kung sinong naiinggit dito, parang ampalaya ang bitter nang mukha. “Inggit na naman ang magandang kapatid ko…” Natatawang asar ko rin sa kaniya pero pasalamat na lang siya dahil may compliment kahit hindi naman totoo. Nagdalagang pilipina post naman siya at saka pabebe face bago ako hampasin sa braso. Look, how sadist this girl is!? Siya na nga itong pinuri, may gana pang humampas. Aba, mapanakit! Kaya walang nang tangkang manligaw sa kaniya dahil magiging kawawa sila. Sino ba naman kasi ang lalapit sa mukha boksingero? “Very good, Kuya! Kailan ka pa natutong gumanyan? In all fairness, totoo naman kasi ‘yung huling sinabi mo!” Namumula niyang sambit habang nakakupo sa maliit na couch diro sa silid ni Rae. Ngumiti lang naman ako sa kaniya para matigil na siya kakabunganga. Bumaling naman ako kay Rae at abala pa rin siya sa pagkain. Wala pala siyang pakialam sa amin dahol focus na focus siya sa kaniyag kinakain. Binuksan na rin pala niya ‘yung isang spaghetti, na ngayon ay nilalantakan na niya. Bigla ko tuloy naalala kung paano siya kumain ng ganyan noon. Ang kalat niyang kumain, as in, to the point na kailangan pa niyang magpalit nang damit. “Rae,” pagtawag ko sa kaniyang atensyon. Gano’n na lang kami napahagalpak sa tawa ni Kim nang humarap siya sa amin. Binalot na kasi nang sauce ang kaniya bibig at wala pa rin siya pakialam, abala pa siya sa pagkain. Hindi pa nga talaga nagbago ang mahal ko dahil katulad pa rin siya nang dati, nang batang Rae na makalat kumain at laging napapagalitan pagdating sa pagkain. Kaya mahal na mahal ko siya eh! Mabilis naman akong kinuha ‘yung tissue at ipinunas sa kaniyang bibig, Nakangiti lang naman ako habang ginagawa ko ‘yon sa kaniya. I love how he made mess with that food dahil binigyan na naman niya ako ng pagkakataon upang matitigan ko ang napakaamo niyang mukha. I always treasure his beautiful face at itatatak ko ‘yon sa isip at puso ko habang buhay. I was about to put the tissue sa basurahan nang mapansin kong may naiwan pang dumi sa gilid nang kaniyang bibig. Pinahid ko naman ‘yon gamit at daliri ko at saka ko ‘yon sinubo. Kita ko naman kung paano lumaki ang kaniyang mata at mamula ang kaniyang pisngi. Sinabayan pa ito nang malakas na pagtili ni Kim sa isang sulok habang kinikilig. “Uhm…so sweet.” LUMIPAS pa ang ilang araw at tuluyan na ngang nakalabas nang ospital si Rae. Mabuti na lang at hindi na niya kailangan pang tumagal ulit nang lang buwan doon kaya lubos akong nagpapasalamat sa dakilang diyos dahil sa kaniyang paggabay sa amin. Hindi niya pinabayaan ang mhala ko, gano’n rin ang kaniyang pamilya. Ipinapanalangin ko na lang na sana ay magkaroon na rin sila nang maayos na pag-uusap nang kaniyang ama upang magkaayos na ang lahat sa kanilang dalawa. Wala na rin akong ibang hihilingin pa kung hindi ang aming kaligtasan sa mga sususnod pang araw na aming tatahakin. Nagpasya rin akong lumiban muna sa klase hangga’t hindi ko nasisigurong maayos na ang kaniyang lagay at relasyon sa kaniyang pamilya. Mabuti rin at pinayagan ako ni Dad na dito muna kila Rae tumuloy but he said na kailangan daw naming mag-usap pakauwi ko sa bahay. I don’t know why but I bet it’s important na aming dalawa lang involve and kung ano naman ‘yon ay hindi ko pa alam. Nandito ako gayon sa bahay nila Rae habang naghahanda kami nila Ate Nica at Kuya Raven ng aming almusal. Maaga ri naming itong napagdesisyonan kagabi nang palihim dahil balak naming mapag-ayos sina Dad Nic at Rae. And speaking of my precious prince, mahimbing pa rin siya natutulog doon sa kwarto kaya bumamaba na rin ako dito sa kusina. Na-miss ko rin kasig makipag-bonding sa ate at kuya niya na matagal nang hindi naulit mula noong pumupunta pa ako dito, when we’re still kids. Masaya naman dahil ngayon ay magagawa na namin muling magkulitan dahil nandito na ako ulit sa bahay nila. Na-miss ko rin ‘yung kamalditahan ni Ate Nica, na siyang kinaiinisan lagi ni Rae at ‘yung mga kalokohan naming dalawa ni Kuya Raven. “Did he see you go here down stairs?” Paniniguro sa akin ni Ate Niva habang nangingiti. Kasalukuyan kasi siyang nag-aayos ng mga decorations dito sa kusina at alam ko naman kayang kaya na niya ‘yan kaya hindi ko na siya tutulungan. “Nope,” sagot ko at saka umiling-iling. Ginulo naman ni Kuya Raven ang buhok ko, na kasalukuyan namang tinutulungan ang mga kasambahay sa pagluluto. “Good boy!” Sambit niya sa akin kaya napangiti na lang rin ako. Tinulungan ko na lang rin sila sa paghahanda na mabilis ri namang natapos. Super enjoy rin dahil tahimik lang kaming kumikilos, baka daw kasi marinig ni Dad, katabi lang kasi nitong kusina ang kwarto niya. But I remember na soundproof pala ang lahat nang kwarto nila dito kaya nagsitawanan kaming lahat. See? Ganyan ko na sila kilala. Tito Nic or should I called Dad ay natutulog pa daw dahil late na rin siyang nakauwi kagabi. May mga tinapos pa daw siyang report sa ospital kaya siya natagalan doon. Marami rin siyang pasyente kaya hassle talaga pagdating sa oras. Hindi na nga rin namin siya nakasabay sa hapunan at nagpasyang mauna na lang daw kaming kumain. Kahapon kasi kami nakauwi dito nang tanghali at pinasundo na lang kami sa ospital papunta dito. Kagaya naman nang inaasahan ko ay hindi umiimik si Rae kapag kasama namin ang ama niya and what more worse ay napaka-cold looking siya. Hindi niya man sabihin sa akin pero alam kong may galit siya dito kaya nalulungkot rin ako para sa kanila. Beyond those effort of Dad ay kailangan rin maunawaan ni Rae kung bakit nangyari ang mga hindi inaasahan noon. The best way I think is to move on at tutulungan ko si Rae na magawa ‘yon dahil alam kong kaya niya. He may love his mother that much but I know na may natitira pa ring pagmamahal sa kaniyang puso, para sa kaniyang ama. Hindi ko rin naman siya masisisi doon but for the sake of their familya relation ay sususbukan ko siya kausapin. Gagawin ko ang lahat upang magbalik ang kaniyang loob sa akniyang ama at muling bumuo nang masasayang alaala nang sama-sama at syempre ay hindi rin ako mawawala doon. The time the door opened ay napasigaw na kami nang,”surprise” pero mukhang kami ang nagulat sa nakita namin. Parang nanlambot naman ang puso ko sa aking nakikita sa oras ‘to. It was Rae, who’s in tears while hugging his Dad, na tahimik ring umiiyak. At last ay natupad na naman ang isa sa mga kahilingan ko ngunit may hirit pa akong isa, ang maging kami ni Rae at magsama hanggang sa pagtanda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD