Rae’s POV
Naniniwala akong ang lahat nang bagay sa mundo ay hindi nagbabago, katulad na lang namin ni Dad dahil sa gitna ng hindi namin pagkakaunawaan ay nagawa pa rin naming magkapatawaran. Nagawa ko pa ring gawin sa sarili ko ang sinabi ni Kuya sa akin, the time na nag-usap kami sa café. I’m so happy dahil meron na akong matatawag na masayang pamilya.
The morning na sabay kaming lumabas sa pinto ay agad ko siyang nakita and that time nakita ko kung gaano siya kalungkot. I feel guilty sa lahat ng mga ginagawa ko sa kaniya because beyond of what he have done, tanging gusto niya lang naman ay gumaling ako at magpatuloy sa buhay. Hindi ko dapat siya ko sinisi sa pagkamatay ni Mom and the best I can do is to thank him but I chose to get mad at him. I feel sorry as well sa mga ‘yon kaya mabilis ko siyang tinakbo at niyakap. Umiiyak akong nagso-sorry sa kaniya sa lahat ng hindi naming pagkakaunawaan.
Sobrang saya rin dahil kasama ko na muli si Mikey and I’m greatful dahil meron akong siya at nagagawa ko lakas ang kaniyang katatagan. Mula pagkabata hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ako nabibigong mapangiti, kahit sa simpleng pagtawa niya lang ay nadadala ako nito. Ngayon masasabi ko na sa sarili kong tunay na akong masaya.
Two weeks have past simula noong makalabas ako sa ospital and now, I’m still doing right kahit hindi na ako pumapasok sa school. Dad decided na sa home school na lang ako mag-aral dahil masyado daw risky kapag lumabas-labas pa ako. Pagkatapos daw ng graduation ko ay lilipad na kami papuntang Italy at doon na maninirahan. Hindi ko pa ito nasasabi kay Mikey but I’m pretty sure na sasama siya sa amin.
It’s a new day to start na naman dahil dama ko na ang sikat nang araw na sumusulpot sa bintanan ng aking kwarto, rinig ko rin mula sa labas ang mga huni nang ibon habang nakapikit pa rin ang mga mata ko. Late morning na rin ‘ata dahil gabi na nang matulog kami ni Mikey dahil tinapos pa namin ‘yung mga school works ko for this week pero maganda naman at nakabawi kami ng tulog. Babangon na sana ako nang marinig ko ang mahihinang paghilik at ang mabigat na paang nakadantay sa mga hita ko.
Nang imulat ko ang aking mga mata ay bumulaga sa akin ang isang mukha kaya gano’n na lamang ako nagulat.
"Good morning, Rae ko!" Malambing na pagbati nito sa akin habang malawak ang ngiting nakatitig sa aking mukha. Papatayin ‘ata ako sa gulat nitong lalaking ito.
Napahimas na lang ako sa aking dibdib at napapikit. Jusko! Sira na baa ng araw ko? Sana naman ay hindi dahil siya ang nagpapasaya sa akin. Teka nga lang! Sa pagkakaalam ko ay wala naman akong kasamang natulog dito sa kama ko kagabi dahil sa lapag naman siya natutulog. May naaamoy kasi akong itim na balak kaya ayokong magtabi kami dahil siguradong maisasakatupara ‘yon, marupok pa naman ako.
Napasigaw na lang ako, na umalingawngaw sa loob ng kwarto. Mabuti na lang rin at soundproof ito kaya hindi maririnig sa labas, unless may taong nakadikit sa may pinto sa labas. Napatalon pa tuloy ako palayo sa kaniya. Kadiri! Ayokong ganyan ang mga ginagawa niya, para siyang nang-aakit na ewan. Hindi naman sa pagiging maarte pero hindi lang talaga ako ready sa mga advance na bagay tulad ng s*x.
"I-Ikaw!? Anong g-ginagawa mo?" Nanlalaki ang mga matang tanong ko sa kaniya. Pansinin ko namang wala itong pantaas na damit kaya napapikit na lang ako at nag-iwas ng tingin sa gawi niya. Pero hindi nakaligtas sa akin ang super hot niya katawan. Nag-init ‘ata bigla ang atmosphere dito.
"Oh, bakit ako? Ayaw mo bang nandito ako?" Pagbabalik niya ng tanong sa akin habang nagpu-puppy eyes ang mokong. Hindi nama siya nagmumukhang cute, para ngang si Momo lang, ‘yung multong pang manok ag paa.
Hindi lang naman ako sumagot at umupo na lamang sa gilid ng kama nang nakataas ang isang kilay. Hindi alam na ganyan pala siya matulog at ang malala pa ay naka-boxer lang siya. Ang init naman nang umagang ‘to. Kung sabagay ay alas diyes na pala at magtatanghali na.
"Rae ko, nalatulog lang ako sa tabi mo, okay? Hindi na ako nakapaglatag kagabi at nakalipat dahil nakatulog na tayo sa puyat." May lambing sa pagpapaliwag niya, ngunit hindi siya makakatakas sa akin.
"Paano ka naman nakapagtanggal ng damit kung hindi ka nagising? Multo ba? At saka sinong nagsabi sayo na pwede mong idantay ‘yang mga paa mo sa katawan ko habang tulog ako?" Diretsahan ko siyang tinanong nang nakakunot ang noo.
Hindi siya nakapagsalita dahil doon at kita kong napalunok siya nang dalawang beses. Maya-maya pa ay tumawa na lang ako sa itsura niya. Oh, ‘di ba? Kaligayahan ko na takaga ng lalaking ito.
"Sorry na…” Nakakalokong sagot niya habang napapakamot sa kaniyan g batok, na siyang bumasag sa namumuong katahimikan.
Bigla naman ako nitong hinila pabalik sa pagkakahiga sa kama, pero imbis na doon ay napasubsob ako sa matigas niyang dibdib. Aray ko! Parang nabungi ‘ata ako dahil tumama ‘yung ngipin ko sa kaniya. Minsan nakakainis rin ang isang ‘to eh, nasasaktan rin naman ako sa mga kalokohan niya pero I found it sweet naman. Haha!
Mula sa pagkakasubsob ko sa dibdib niya ay parang bumagal ang lahat ng nangyari. Kita ko kung gaano ka-broad ang chest niya an gang kilikili niyang may malagong buhok. Napapiki ako bigla at umiling-ilig pero hindi ko maiwasang maglaway sa katawan niya. Operation: seduce your love one ba ‘to?
I never thought na borta pala ang lalaking ito. Paano kasi eh, puro off ang mga shirts na sinusuot niya kagaya ko. Ewan ko ba. Gaya-gaya kasi siya nang style sa pananamit, kung ano anong kulay ng damit ko gano’n rin sa kaniya. Lagi niyang sinasabi na para daw couple shirt kami. Asus…ang luma nang style niya, bakit hindi na lang sabihin na gusto niyang manligaw, papaya naman ako agad eh. Char!
Dahil sa natuon ang paningin ko sa kaniyang maalapad na dibdib ay napansin siguro niyang titig na titig ako doon kaya nameke siya nang ubo, na siya naman nagpabalik sa sa realidad.
"Enjoying what you see?" Mapang-akit na bulong nito sa aking tenga na nagbigay ng kiliti.
Namula ako sa sinabi niya at namilog ang aking mga mata. Jusko, nakakahiya ako. Kung pwede lang sana akong tumalon sa bintana ay ginawa ko na para takasan lang siya, pero masyado ‘yong mataas at baka mamatay pa ako. Pipiliin ko na lang na lamunin nang kahihiyan. Dahil sa hindi ko naman alam ang gagawin ko ay inabot ang isang unan at malakas na inihampas ‘yon sa kaniya.
"B-Bumangon ka na d’yan, ang harot-harot mo!" Nauutal kong sambit sa kaniya pero nagawa ko pa ring bumangon at maglakad patungon sa banyo. Naiiling na lang ako at napahawak sa aking ulo nang maisara ko na ang pinto.
Tumingin naman ako sa salamin at nakita ko ang nakabandahe ko pang sugat. Nang tanggalin ko ang plaster ay bigla lumitaw sa isip ko ang itsura ng taong may gawa nito sa akin. Ilang sandali pa ay nakaramdam ako ng paninindig ng aking mga balahibo nang balikan ko sa aking isip ang nangyari. Hindi siya bagay sa kaniyang propesyon dahil is siyang kriminal at wala siyang maituturong maganda sa mga estudyante niya, lalo na sa kaniyang anak na si Zein.
Sa ngayon ay delikado pang lumabas para sa akin lalo na at wala pang balita ang mga pulis tungkol sa nangyari. I’m afraid hindi para sa sarili ko, kung hindi ay kay Dad dahil pwede siyang makulong sa ginawa niya. This time ako rin ang gagawa ng paraas upang hindi ‘yon manyari sa kaniya. Hindi ko rin alam kug anong balak nang Zach na ‘yon kung kaya’t hindi pa siya sumusuko sa awtoridad.
Habang abala ako sa paghihilamos ay napalundag pa ako sa gulat ng biglang may kumatok sa pinto. Minsan pa, hihimatayin na talaga ako o ‘di kaya ay aatakihin na ako sa puso.
"Rae bilisan mo d’yan, kakain na daw!" Marahas ang pagkatok ni Mikey sa pinto, ‘yung tipong sisirain na ito. Hindi ba niya alam kung paano magdahan? Tatamaan na talaga siya sa akin.
"Ito na! ‘Di makapaghintay?" Inis kong sagot bago lumabas ng banyo.
Mabilis naman siyang pumasok doon dahil sasabog na daw ang kaniyang pantog. Kaya pala minamadali niya akong palabasin kasi ihing-ihi na siya. See? Kay aga-agang lumalandi pero hindi pa pala nakakapag-freshen up.
Matapos ‘yon ay sabay na kaming bumaba sa kusina habang nakaakbay siya sa akin. Pagdating namin sa kusina ay naroon na si Kuya Raven, Ate Nica, nagulat rin ako dahil nandito rin ‘yung dalawa, sina Kim at Azi . Hindi na rin kasi sila natuloy sa pagsali sa event dahil sa nangyari. Na-mis ko rin sila dahil ilang linggo kaming hindi nagkita-kita, lalo na itong bruhang impaktang kapatid ng boylet ko. At sa kasama naman niyang papa ay ewan ko na lang kung magkasundo sila ni Mikey, lagi kasing sumasama ang mukha niya kapag nababanggit ko ang pangalan nito.
"Good morning baby Rae and Mikey!" Bati nila sa amin. Nagulat naman ako dahil sa tawag nila sa akin. Siguro ay pakana na naman ito ni Ate at ito namang mga uto-uto ay sumunod sa kaniya.
"Good morning too!" Pagbati namin sa kanila pabalik.
Nang makalapit na kami sa kanila ay ipinaghila pa ako ni Mikey ng upuan, hindi ko naman maiwasang mapangiti sa ginawa niya. Napake-gentleman naman masyado nang lalaking ito, kaya mahal na mahal ko eh. Kinilig naman ako sa kaniya. Jusko! Panty check!
'Yie… you treat me like a princess, ah?' Kinikilig ko pang isip-isip. HAHA!
Bigla naman akong napaigtad nang sundutin ni Ate Nica ang tagiliran ko. Napatingin naman sa akin si Mikey nang nagtataka pero umiling lang ako at tipid na ngumiti.
“Ang aga-aga landi agad,” bulong niya sa tenga ko pero palihim ko lang siyang tinaasan ng kilay.
“Inggit ka lang,” bulong ko rin sa kaniya. Tila nakuha namin n I Kim ang aming usapan kaya napangiti siya. Nang magkatinginan naman kaming tatlo ay bigla na lang kaming natawa. Palibhasa puro mga walang jowa ang mga ‘to eh. Pati na rin pala ako at hindi ako exemption dahil hindi ko pa naman siya boyfriend.
‘Yung tatlo naman ay nagtatanong ang mga mata pero hinayaan na lang namin at sinumulan na naming kumain.
"Wala! Girls talk, haha!" Tumatawag sambit ko na nagpangisi sa mga ito.
Napuno naman ng saya ang kusina habang kumakain kami at parang walang takot sa aming mga mukha. Sa kabila kasi ng bawat problema ay kailangan nating ngumiti at maging masaya kaysa manatili sa kalungkutan. Sino ba kasing tao ang gustong maging malungkot at miserable ang buhay sa loob ng pitong taon? Ako lang ‘ata? Pero hindi naman ngayon and nakapag-move on na rin ako at nakapagpatawad. Beyond those happenings sure naman akong mababago pa ang lahat dahil pagbabago lang ang permanente sa mundong ating ginagalawan.
Sayang lang at hindi namin makakasama ngayong araw si Dad dahil kinakailangan niyang pumunta nang maaga sa ospital dahil may emergency ang isang pasyente niya. Ngayon ko lang na-realize na sobrang hirap pala ang trabaho ng ama ko at ginawa ko pang dagdagan ang mga isipin niya dati. Hindi pa naman huli ang lahat upang bumawi ako sa kaniya and I know, one of these days, makakapagtapos rin ako at magiging proud siya sa akin. Kahit doon man lang ay mapangiti at mapawi ko ang mga paghihirap niya para masuportahan kaming magkakapatid, lalo na sa akin.
'Sana ganito na lang kasaya lagi,' saad ko sa isip ko habang unti-unting simisilay ang isang matamis na ngiti.
Habang abala ako sa pagkain ay bigla namang nagpaalam si Mikey dahil tapos na daw siya, gano’n rin naman si Kim at Azi, na agad namang umalis sa kusina. Hindi ko alam pero may nararamdaman akong kakaiba sa mga ikinikilos nila, lalo na itong dalawang lalaking leon at tigre. Nagagalit si Mikey kapag nababanggit ko ang isa pero ngayon, bkit close naman na sila? Himala!
Nagtaka pa ako kung saan pupunta ang tatlong ‘yon, ngunit hindi ko na lang pinansin pa dahil masarap ang pagkain with matching Chuckie pa para sa akin. Alam na alam talaga nila kung saan makukuha ang loob ko. Naku naman, nakakataba masyado sa puso pero ayokong masobrahan sa sweets at baka magka-diabetes pa ako.
Pansin ko namang pinagtitingin ako ng dalawa kong kapatid, dahilan para magtanong ako. Nakaka-distract kasi ‘yung paraan nang patingin nila sa akin eh, parang sinasaid ‘yung pagkatao ko. Char!
"Bakit? May problema ba kayo sa akin?" Tanong ko sa kanila nang may pagtataka.
"Nothing. Aside sa chukie na iniinom mo." Napapailing pang sagot ni ate Nica at natawa. Ang weird niya, sa totoo lang. Ano na naman kayang issue niya sa favorite kong chocolate drink? Hindi na lang sabihin na gusto niya dahil pwede ko naman siyang bigyan. Hahaha!
"Yeah! We're just happy na bumalik bumalik na ang baby Rae namin at mahahalat ‘yon sa pag-inom ko nang ganyan." S Kuya, sabay ng ulo ko at ginulo ang aking buhok. Napangiti na lang ako habang kagat-kagat ang straw ng aking iniinom.
Lumapit naman sila sa akin at saka ako niyakap ng mahigpit. I can feel the heat from their hug at kaakibat nito ang pagmamahal na walang katapusan. Salat dahil dahil may mga kapatid akong umuunawa sa akin. Sana ay hindi sila magbago para mahuthutan ko pa sila ng pera. Joke lang! Syempre, mahala na mahal ko rin sila.
Nang matapos na akong kumain ay nagpaalam na akong umakyat sa taas dahil maliligo pa ako. Hindi ko na rin naman mahanap kung nasaan ‘yung tatlo kaya hinayaan ko na lang. Baka nasa garden sila at nagpapahangin.
Pagpasok ko naman ng kwarto ay may isang bagay na nakakuha ng aking atensyon, nasa ibabaw ito ng kama ko. Sa hindi ko malamang dahilan ay napangiti ko habang hawak ko pa ang siradura nang pintuan.
Isa itong kumpol na piraso ng pink tulip flower at dalawang sobreng may puso na nakapatong sa kulay pink kong bedsheet. Alam na alam talaga ang paborito k,o ah? Pink is life nga naman kasi sa akin dahil lahat ng bagay na meron ako ay may shade pa rin ng color pink. Barbie na barbie.
Sumilay ang isang napakalaking ngiti sa aking labi. Lumapit ako sa mga ito upang makita at mahawakan ko sila. Napaka-precious nilang tingnan para sa akin, to the point na parang kumikintab-kintab na silang lahat. Ang ganda-ganda lang kagaya ko
Maingat kong kinuha ang bulaklak at inamoy ‘yon. Napakabango at mahalimuyak nitong amoy. Nakakatanggal ng stress. In love na in love tuloy ako.
Binuksan ko ang isa sa mga sobre, isang namang tula ang nakapaloob dito
I still admire you despite the fact,
That you won't love me back
I made this terrific kind of action
Just to catch your attention.
I wrote 'cause I'm fallen,
Catch my fragile heart
It might be broken,
I admire you since then.
Kumabog ng malakas ang puso ko dahil sa mga salitang nakapaloob dito. Naluluha ko namang ipinagpatuloy ang pagbabasa.
I wrote just to let you know
How much I want to show,
This feeling I hide inside
That explodes like a dynamite.
You walked like a precious queen
And I'm the royal king waiting for your coming.
Hoping you'll tell me the same thing,
That you love me, never ending.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil halo-halo ang mga ito. May kilig, saya at pagbugsok ng aking damdamin pagkatapos ko ‘yong mabasa. Mikey always make me feel like this and I couldb’t let myself this way dahil mas lalo niyang pinapalalim ang nararamfaman kong espesyal, para sa kaniya.
Agad ko ring isinauli sa sobre ang tulang naroroon bago ko marahang inabot ang pangalawang sobre.
Nang buksan ko ito at basahin ay isang pamilyar na boses ang sumabay sa aking likuran.
“Pwede na ba akong manligaw sayo?”