Chapter 28

1985 Words
Rae’s POV Nagising ako sa mga mahihinang kaluskos mula dito sa kwarto ko. Napakaaga naman ‘ata para gumising sa ganitong oras dahil napakadilim pa. Bahagya ko namang iminulat ang aking mata, bigla naman akong nasilaw sa liwanag nang ilaw kaya napapikit agad ako at napakusot ng mata. Ilang saglit pa ay muli akong nagmulat ng mata at mula sa pagkakahiga ay kita ko si Mikey na nag-iimpake. Nangunot naman ang noo ko dahil sa aking nakita. Bakit naman kaya siya nagbabalot nang gamit? ‘Wag niyang sabihin na maglalayas na siya dito sa bahay? Pero kasama naman ang mga damit ko sa inilalagay niya sa bag? Baka naman kaya itatanan na niya ako pagkatapos ko siyang payagan na ligawa ako? Marami akong katanungan na deserve nang kasagutan, kaysa naman sa puso ako hinala dito. Palihim akong bumangon sa maingat na paraan upang hindi ako makagawa ng ingay. Dahan-dahan naman akong lumapit sa kaniya at saka ako nagsalita sa kaniyang likuran. “Pst… Anong ginagawa mo?” Mahina ang boses ko pero sakto lang upang marinig niya ito dahil nakatapat ako sa kaniyang tenga. Gulat naman siya napalayo sa akin, natawa na lang ako bigla kasi ang pangit nang reaksyon niya. Para lang siyang nakakita nang multo. Pero nakakainis lang dahil hindi naman nakakagulat ang mukha ko, bwiset ‘yang lalaki na ‘yan. Kung sabagay ay binalak ko namang gulatin pero naaasar ako dito, para na akong tanga sa mga kagagahang ginagawa ko. “Hoy! Ano ba naman ‘yan, Rae!” Gulat niyang sigaw at saka ako inakbayan bigla at lalo pang ginulo ang magulo ko ng buhok. Pinalala pa eh, hindi pa nga ako nakakapagsuklay. Ang gago rin talaga minsan nang isang ‘to, parang si Kim lang. Naisip ko rin minsan na parang tunay silang magkapatid dahil magkasing-ugali talaga sila eh. Ewan ko ba sa mga pinaggagagawa nila sa mga buhay nila. “Whahaha! Itsura mo, haha!” Tawa ko sa kaniya habang nakahawak sa tiyan ko. Bigla ‘ata na-stress ‘yung batang dinadala ko. Char! Kita ko naman siya nakanguso dahil doon. Hindi niya ba alam na ang cute niya kapag ganyan? Shet na malupet! Parang bumaba ‘ata ‘yung panty ko, char! Para lang siyang batang inagawan nang candy sa itsura niya. Haha! “Sige ganyan ka, Rae. Porket mahal kita ginaganyan mo na ako.” Matapuhing sabi niya na ikinatigil ko bigla. Masama ‘ata ang naging epekto sa kaniya, Ikaw ba naman kasi ang gulatin habang seryosa ka sa ginagawa mo. Hindi pa naman ako marunong manuyo. Napakagat ako sa labi ko at napayuko, parang nahiya ako bigla. Nagsisisi na ako sa ginawa ko, I feel guilty dahil sa panggugulat ko sa kaniya. Pinaglalaro ko na rin ang mga daliri ko dahil hindi ko alam ang gagawin. Magso-sorry ba ako? Kaso nahihiya ako eh. Kanina lang ang ingay-ingay ko sa kakatawa, tapos ngayon ay tatahimik ako bigla dahil may nainis akong tao at take note, mahal ko pa. “S-Sorry…” Pagkuwa’y hingi ko ng tawad habang nakatungo pa rin. Ayokong tumingin sa kaniya dahil maaawa lang ako pero ang nangyari ay kabaliktaran nang inaasahan ko. “Whahaha! Ang cute mo pa rin talaga kapag nagi-guilty ka, haha!” Malakas niyang tawa. Parang baliw na talaga kaming dalawa, puro kalokohan ang mga ginagawa namin. Umirap naman ako sa kaniya na napanguso rin. Ngayon totoong nakakainis na siya, nasira na ‘yung umaga ko. I crossed my arms at itinaas ang isangkilay ko sa kaniya. Sa totoo lang, ang sarap niyang sakalin hanggang sa mawalan siya nang hininga pero hindi ko magagawa ‘yon dahil sa lintek na puso ko. Mahal ko kasi ang gago eh. “Masaya ka na?” Mataray kong sambit. Lumapit naman siya sa akin at saka ako mahigpit na niyakap . Parang baliw ang gago, ang hilig kasing umeksena . “Sorry na. Joke lang ‘yon, mahal ko. Ang aga-aga ang sama nang mukha mo,” paghingi niya nang tawad pero may kasama pa ring biro kaya hinampas ko siya sa braso. “Aray naman mahal! Napakasadista mo talaga,” nagulat naman ako sa sinabi niya kaya inabot ko ‘yung walis sa may gilid. “Ah, sadista pala ako?” Saad ko at saka ko binanta na ipapalo ko sa kaniya ‘yung walis. “Masakit ‘yan, Rae, sorry na…” Pagmamakaawa niya at saka mabilis na tumakbo palabas. Takot rin pala ang lokong ‘yon. At dahil nga sa nangyari ay hindi ko na tuloy natanong ang sadya ko, bwiset kasing Mikey ‘yan, palayasin ko na dito eh. Dinampot ko na lang ‘yung selpon ko sa may bedside table at saka tiningnan ang oras. Nanlaki naman ang mga mata ko nang makitang alas tres pa lang nang madaling araw. Jusko! Napakaaga pa pala talaga para magharutan kaming dalawa pero, anong naman kayang meron at nag-aalsa balutan siya? Outing? Imposible. Bumaba ako nang kwarto, pagkarating ko naman sa baba ay nandoon si Ate, Kuya, Mikey at Dad na nag-uusap. Nakapagtataka talaga. Anong ginagawa nila sa ganito kaagang oras? Ngayon lang naman ‘to nangyari, lalo na itong si Ate Nica dahil tulog mantika ang babaeng ‘yan. “Anong ba kasing meron at ang gaga nang gising niyo? Naistorbo tuloy ako sa romantiv dream ko.” Bungad ko nang makalapit sa kanila. Kinindatan naman ako ni Mikey at saka ngumisi. “Ako ba ang kasama mo sa romantic dream na ‘yan?” Aniya sa mayabang na tono. Ang kapal talaga nang mukha nig ago, parang katawan lang ni Dumbo. “Ang dami mong alam,” pagsusungit ko at saka sumandal sa may pader nang nakatagilid upang makaharap ko sa kanila. “Ikaw? Anong meron at ang ingay-ingay niyong dalawa? At ano itong isinusumbong ni Mikey sa aming bakla ka?” Si Ate. Hindi ko alam kung bakit ang init nang dugo sa akin nang babaeng ‘to. Minsan natatanong ko na lang sa sarili ko kung kapait ko ba talaga siya? Ang suplada kasi eh, buti pa si Kuya at mahal na mahal ako. Walang silbi ang na ate ko siya. Pinaikot ko na lang ang mata ko at saka naglakad papunta sa banyo dito sa ibaba, naalala kong hindi pa pala ako nakakapaghilamos at wala rin akong mumog kaya hindi siguro ako fresh. Isa rin siguro ‘yon sa dahilan kanina upang magulat ang lalakig ‘yon. Tell me honestly nga, gano’n na ba talaga ako kapangit ngayong pangit na umaga? “Good morning, by the way!” Sigaw ko pa nang makapasok na ako sa loob nang banyo. Mabilis ko namang nagawa ang mahalang kong ritwal ngayong umaga, nagsuklay na ri ako ng buhok dahil mukha nga akong aswang sa gulo nito. Ngayon ay masasabi ko ng hate ko ang araw na ‘to. I never looked like this kapag gumigising, not only if may ginawa na namang kung ano sa akin ang gagaong lalaki na ‘yon. “We’re flying to Palawan secretly kaya maaga tayo,” bungad ni Dad pagkalabas ko. Literal na nagulat ako sa sinabi niya dahil napanganga ako. Palawan, maganda doon ah? “T-Talaga, Dad?” Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. Sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako makakapunta sa Palawan and It’s one of my dreams na makaputa doon kasama si Mikey. “Yes, kaya magpalit na kayo nang damit dahil aalis na tayo. Raven, make sure na walang makakakita sa paglabas natin dito sa bahay and Nica, tell the maids na off muna sila nang isang linggo.” Utos niya pa sa aming lahat. “Kayo namang dalawa, make sure rin na naka-disguise kayo, I mean tayong lahat upang hindi tayo makilala.” Dagdag pa niya bago kami ipagtulakan paakyat sa taas. “Sandali lang, Dad!” Pigil ko pa dahil hindi wala akong idea kung bakit ito nangyayari, biglaan naman ‘ata? “Anog rason?” Muling tanong ko. I thought siya ang sasagot pero hinila na ako ni Mikey and he take the action I needed. “Dahil birthday mo at gusto naming mag-enjoy ka.” Saad niya pero bukas pa naman ‘yon ah? Hindi na lang ako sumagot at hinayaan na lang siyang dalhin ako pabalik sa kwarto. Three days had passed mula noong mangyari ang napakaromantikong umaga ko, naming dalawa ni Mikey rather. At bukas na nga ang kaarawan ko. Ang bilis lang talaga lumipas nang araw pero ‘yung feelings ko sa taong ito ay hindi kailanman magbabago. Pati na rin sa pamilya ko, ang tanging hiling ko na lang ay ang kaligtasan naming lahat at ang aming kalusugan. I want to share happy memories with nang matagal pa. Mabilis na rin kaming nakapag-ayos ni Mikey at natatawa ako sa mga suot naming pang-disguise. Nakasulot lang naman kasi siya nang makapal na kulot na buhok habang naka-shades at may mustache. Nagmumukha tuloy siya old style man. Ang pangit talaga! Ako naman ay isang blonde curly na shoulder length wig, white shades na may isang malaking heart sa gilid,. Naglipstick rin ako ng pink para bumagay sa suot kong pink rin na dress , na may malaking laso sa gitna. Bakla na ng taon ang outfit ko! Nagtawanan pa kami ni Mikey at kumuha nang litrato. Para lang kaming mga prank man na pakalat-kalat sa daan. Ang saya-saya talaga kapag kasama ko siya, ‘yung simple bagay para sa akin ay nagiging espesyal dahil sa kaniya. Gusto ko ‘yung feeling na ‘yon dahil doon ko nare-realize na marami pala akong lessons na natututunan sa buhay, na hindi ko napapansin noon. Love is unconditional nga naman talaga dahil maraming tao ang nakakahanap ng pagmamahal sa mysterious na paraan. Wala ring pinipiling kasarian, edad at itsura ang pag-ibig dahil once na tumibok ang puso mo sa isang tao, kabahan ka na dahil hindi na ‘yan titigil hangga’t hindi mo sinasabi sa kaniya ang ‘yong nararamdaman. All in all, masaya ang magmahal lalo na kung nasa tamang tao ka, na mamahalin ka rin katulad ng pagmamahal mo sa kaniya. “I love you,” bulong niya sa akin habang magkaharap kami. Hahalikan naman na sana niya ako nang biglang bumukas ang pinto, panira naman eh. Sayang nakapikit naako at ready to savor his kisses eh! “Mamaya na ‘ayang tukaan niyo! Bumaba na daw at aalis na tayo!” Pang-aasar pa ni Ate Nica at nakangising nakasilip sa may pinto. Nakakahiya pala talag kapag nahuli ka ng kapatid mo sa kalandiang ginagawa mo. Napaiwas tuloy ako nang tingin. “Sige na nga, fifteen seconds lang .ah?” Dagdag pa niya. Bwiset talaga ‘yang babae na ‘yan, wala nang ginawang magandan kung hindi ang pag-trip-an kami. Mabilis ko namang inabot ‘yung unan at ibinato sa gawi niya, pasalamat siya at mabilis siyang kumilos kaya hindi natamaan. Matapos ‘yon ay nagkailangan na kami ni Mikey. Kinuha ko na lang rin ang ibang bag dito at saka bumaba nang nailing. Magandang magbyahe pero parang wala na akong gana, pagod na ako sa madilim pang umaga. Ilang minute pa ay umalis na rin kami. Nakapatay pa ang ilaw nang sasakyan namin upang hindi talaga kami pansin Ipinaayos pa talaga ni Dad ang kotse upang hindi ito malabas nang ingay, para lang siyang baril na nilagyan nang silencer. Bilib rin talaga ako sa pag-iisip ng ama ko, napaka-bright niya kung mag-isip nang paraan. Kug sabagay ay nagawa niya nga isalba ang buhay ko sa ilegal na paraan, sa ganito pa kayang sitwasyon ay hindi niya magagawa. Kay Mom man siguro nagmana ang physical appearance ko, per okay Dad naman ang internal katulad ng aking pag-iisip. Habang binabagtas naman namin ang daan ay saglit kaming huminto dahil may kikitain pa daw kaming tao. Napaisip naman tuloy ako ay kung sino pero wala akong idea kung sino nga ba? Sabi rin kanina ni Dad ay gagamitin daw namin ang private plane upang makapunta doon, delikado daw kasi kapag nagbyahe kami publily. One more thing, naka-disguise kaming lahat. Maya-maya pa ay may biglang sumakay sa sa aming dalawang tao. Isang naka-beard man at sopistokadang babaeng, nangunot naman ang noo ko dahil hindi ko sila makilala pero doon na lang ako nagulat nang bigla silang magsalita. “Good morning, Rae!” Bati nilang dalawa nang nakangiti. “Kim? Azi?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD