"Ama?" Hindi makapaniwalang sabi ni Mayta. "Ama mo ang lalaking iyan?" Ngunit hindi na sumagot si Kapalaran sa tanong niya na iyon. Hindi nito inaalis ang tingin sa telebisyon; sa lalaking tinawag nitong "ama." "Sa inyong kaalaman, ang inyong gantimpala ay isa't kalahating oras na pahinga at isang piging. Bilang pagbabago, ang isa't kalahating oras ay magiging anim na oras." Halos mapatayo si Tatang mula sa sahig dahil sa narinig. Para bang hindi ito makapaniwala. "Anim na oras!?" Kulang na lamang ay himatayin ang matanda. "Mamamatay na lang ako lahat-lahat sa ilang ulit kong pagsali sa Palarong ito, pero ito ang kauna-unahang beses na nakarinig ako ng ganitong gantimpala." Napatayo na rin sina Santiago at Zita at tila pareho ring hindi makapaniwala. Muling nagsalita si Likha. "At ang

