IKADALAWAMPU'T TATLO

2501 Words

Ni isa sa kanila, hindi makapaniwala. Lahat sila ay natigilan na parang animo'y saglit na bumagal ang bawat galaw sa paligid. Saglit na binalot ng katahimikan ang kabuuan ng bulwagan. Para bang hindi kaagad pumasok sa isip ng mga manlalaro na tapos na ang Tumbang Preso; na sa wakas ay tapos na ang tila pinakamahabang laro ng buhay nila. Pare-parehong nakatulala ang mga ito sa hangin, nakatingin sa bumabagsak na mga bangkay. Ipinalabas ang mukha ni Pahimakas sa malahiganteng telebisyon sa pader. "Binabati namin kayo, mga mahal naming manlalaro. Ang Tumbang Preso ay opisyal nang natapos," anunsiyo nito. At kasunod niyon ay isang malakas na hiyawan. Napakalakas na hiyawan. Kung hindi pa nagsalita si Pahimakas upang kumpirmahin ang pagtatapos ng laro ay baka hindi pa sila pare-pareho natauh

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD