IKADALAWAMPU'T DALAWA

1790 Words

"Pagtutulungan natin maibato ang isang bangkay sa lata. Kapag natumba na ang lata ay itutulak namin iyon palayo sa pulang bilog. Ako, si Drago, at si Mayta. Pagkatapos, itatayo namin iyon at pabibigatin gamit ang mga bangkay. Habang ginagawa namin iyon, kayong mga kaya pang tumakbo, kayo ang magliligtas ng mga preso." Tiningnan ni Faizal si Drago at tumango lamang ito sa kaniya tanda ng pagsang-ayon nito sa plano. "Magligtas kayo hangga't kaya ninyo. Mas marami, mas maganda. Kapag natapos kaming tatlo nina Mayta at Drago, tutulong din kami sa paglilitas ng mg preso. Sina Santiago at Zita ang magsisilbing lider ninyo. Kapag naghudyat na sila na maaari na kayong lumabas ng Manuhan, saka pa lang kayo lalabas. Sa ganoong paraan, lahat tayo pare-parehong malaki ang tyansa na matapos ang laro

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD