IKALABINSIYAM

1500 Words

Lahat sila ay natigilan nang pumuwesto si Kapalaran sa gitna nila. May bahid pa rin ng dugo ang puting-puti nitong buhok, pati na rin ang pisngi, at ang puting puti nitong mga kamay na pinaglalaruan ang ilang pirasong putol na daliri. Kung kaninong mga daliri iyon? Hindi niya alam. Kung mahina lamang ang loob ni Faizal, malamang nasuka na siya sa mga daliring iyon na lawit pa ang mga laman sa dulo, at halatang pilit na binali mula sa mga kamay ng kung sino. Ngunit matapos lamang ang iilang oras na nasa loob sila ng Grandiosong Bulwagan, mas malala pa sa mga putol na daliri ang nakita niya. Mali, mula pa sa labas ng Siklo, mas malala na ang mga nakita niya. Kumpara sa bulwagang ito, mas malala ang kalagayan ng mga tao sa labas. Ang pagsusumikap na mabuhay ang unti-unting pumapatay sa la

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD