PROLOGO

303 Words
“Tumakbo ka, Faizal. At huwag na huwag kang lilingon.”   Umiling-iling siya sa sinabing iyon ni Santiago. Pilit niyang pinipigilan ang nangingilid na luha sa kaniyang mga mata. Walang maitutulong ang pagluha. Walang halaga ang malilit na butil ng tubig na iyon sa larong ito. Kahit dugo pa ang ilabas ng kaniyang mga mata, wala pa ring magbabago. Ang mahalaga ngayon ay kung paano sila makararating sa pulang linya sa kabilang parte ng entablado. At hindi makatutulong kung mawawala ang kaniyang rasyonalidad sa simpleng pag-iyak.   Patuloy ang kaniyang pag-iling, kahit pa ang mga mata niya ay nakatuon sa pulang linya sa batu-batong sahig. “Hindi kita iiwan rito, Santiago,” matigas niyang sabi. Hinding-hindi niya gagawin iyon matapos ang lahat ng kanilang pinagdaanan sa larong iyon.   Marahas nitong hinatak ang braso niya. “Tingnan mo ako, Faizal. Hindi na ako makatatakbo.” Tuluyan nang tumulo ang mga luha niya nang makita ang pagbulwak ng dugo nito mula sa naputol na hita.   “Hindi… hindi.” Hindi niya matatanggap ang sinasabi nito. “Hahatakin kita. O papasanin. Kahit ano, Santiago. Pero hindi kita iiwan dito,” matigas niyang sabi habang naginginig ang labi. Ngayon lamang siya umiyak nang ganoon sa buong buhay niya. “Sabay tayong tatawid sa kabilang linya.”   “Faizal, tumingin ka sa akin.” Ngunit tila hindi na niya naririnig ang paligid: ang sigaw ng kamatayan, ang mga manlalarong isa-isang natatanggalan ng mga parte ng katawan, ang malakas na pagkalansing ng lata. “FAIZAL! TUMINGIN KA SA AKIN!”   Naramdaman niya ang marahas na pagsapo ng lalaking itinuring na niyang pangalawang ama sa halos magdadalawampung oras pa lamang nilang pagkakasama. Mariin siyang napapikit habang bumubuhos ang mga luha. Hindi niya gustong marinig ang mga susunod pa na salita ni Santiago.  “Faizal, dito na nagtatapos ang laro ko.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD