CHAPTER 23

2143 Words
LORKAN "Ate! Andiyan ka na pala. Kanina ka pa ba diyan?" nasaad ni Conrad nang makita nito ang ate niya na sumulpot.  Maging ako ay nagulat din nang makita si Cirlyn na dumating. Halatang huma-hangos pa ito at hindi ko alam kung bakit. Ngumiti ako sa kanya.  "Hi!" bati ko pa sa kanya.  Nakita kong tumango at ngumiti rin siya sa akin.  "Hindi. Kadarating ko lang," tugon nito sa kapatid niya saka bumalik muli ang tingin nito sa akin. "Oo, nga pala. Ba't andito ka, Chef? May kailangan ka ba?" "Wala naman. May pinuntahan lang ako malapit dito sa inyo kaya naisipan kong dumaan muna," sagot ko sa kanya. "Gano'n ba?" aniya at tumango-tango pa.  Tumango rin ako. "Gusto mo?" Inalok ko pa siya nang hawak kong isaw na kakaluto lang. Nagpa-ihaw kasi ako sa Nanay nito para kainin. Halos kaka-umpisa lang kasi nilang mag-set up nang dumating ako. Kaya ako ang buena mano nilang customer.  "Sige lang," sagot nito sa akin.  "Ano 'yang dala mo, anak?" pansin naman ng nanay nito sa paper bag na hawak niya. Kasalukuyang nag-iihaw ang ginang.  "Ah, ito po?" aniya at inangat pa ang paper bag.  "Oo." "Mga tirang pagkain po," sagot ni Cirlyn.  "Tira? Saan galing?" "Sa opisina po." "May handaan ba sa opisina niyo, ate? At may ti-nake out ka pa," singit naman ni Conrad na ngumunguya ng betamax.  "Walang handaan," tanggi nito. "May nagpadala lang sa akin ng pagkain kaso hindi namin naubos. Andami kasi, eh," ani Cirlyn na tumingin pa sa akin. Tingin na para bang may gusto itong ipahiwatig. Hindi ko alam kung bakit pero medyo kinabahan ako. Baka siguro naisip nito na sa akin nanggaling iyon. At kung iyon nga ang suspetsa nito ay hindi ito nagkakamali. Tama ito. Ako nga ang nagpadala niyon sa kanya kanina do'n sa opisina nila. Ako mismo ang nagluto niyon para sa kanya. At sinadya ko talaga iyong dinamihan para makatikim rin ang mga kasamahan niya. Ibig sabihin lang din ay natanggap nito ang pinadala ko at kinain nila iyon.  Kaya naman ay lihim akong natutuwa na malaman iyon at makita ang hawak nitong paper bag na inuwi pa nito. Makakatikim rin ang nanay at mga kapatid niya nang mga niluto ko. Pero sa halip na magpahalata ay nagkunwari na lamang akong walang alam. Pasimple akong umiwas nang tingin sa kanya at saka kinain ang natitirang isaw sa stick na hawak ko.  Binalewala at hindi ko inintindi iyon. Baka kasi makahalata ito at mabuking pa ako. Mapurnada pa lahat ng mga plano ko. Ayoko rin kasing malaman nito iyon dahil balak kong padalhan pa ito sa mga susunod na araw.  Nakita kong agad din nitong inalis ang tingin sa akin at bumaling sa nanay niya.  "Nagpadala?" anang nanay niya.  "Opo. Dineliver po sa opisina tapos sa akin po nakapangalan," sabi ni Cirlyn.  "At kanino naman galing?" curious na tanong ng nanay niya. "Hindi ko po alam. Nagtataka nga po ako, eh." "Huh? Bakit walang pangalan?" "Wala po, eh. Basta dineliver lang. Para sa akin daw po." "Naku, ate! Baka may secret admirer ka na 'di mo alam. O 'di kaya may jowa ka na at hindi mo lang sinasabi sa amin. Umamin ka na, ate!" Dinig ko pang tukso ni Conrad sa ate niya.  "Siraulo! Wala akong jowa!" mariing tanggi ni Cirlyn na mukhang napikon sa sinabi ng kapatid nito. Medyo natawa pa ako sa pagkakasupla nito sa nakakabatang kapatid.  "Alam ko. Joke lang naman 'yon, ate. Ito naman napaka-pikon lagi. Binibiro lang, eh," bawi ni Conrad sa sinabi nito.  "Pwes! Hindi nakakatuwa," aniya. Tuloy lang sa pagpapaypay ang nanay ni Cirlyn nang hindi sinasadyang napunta sa gawi ko ang usok mula sa iniihaw nito. Dahilan para malanghap ko iyon kaya bigla akong naubo nang wala sa oras. Pumasok din sa mata ko iyon kaya agad din akong napapikit nang maramdaman ang sakit niyon. Halos maluha rin ako at hindi ko maimulat dahil do'n.  "Hoy, Chef! Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Cirlyn sa 'kin at nilapitan ako. Agad niyang hinawakan ang braso ko saka hinila ako palayo roon. "'Nay, 'yong usok nang iniihaw niyo," aniya pa sa nanay nito.  "Naku, hijo. Pasensya ka na! Hindi ko sinasadya," hinging-paumanhin ng ginang sa akin at tinigil saglit ang ginagawa nito para lapitan din ako.  "Okay lang po ako," nauubong sabi ko sa mga ito. Hindi ko pa rin iminumulat ang mata ko dahil sa hapdi.  "Tubig, Chef? Gusto mo?" tanong muli ni Cirlyn sa akin.  "Hindi na," tanggi ko. "Ayos lang talaga ako." "Sure ka, kuya?" tanong naman ni Conrad sa akin.  Tumango lang ako. "Wala 'to."  Tumigil na rin ako sa pag-ubo. Unti-unti ko na ring iminulat ang mata kong medyo namasa nang maramdaman kong kaya ko na. Papahirin ko na sana iyon gamit ang suot kong long sleeves nang bigla namang may iniabot si Cirlyn na isang panyo. Agad ko iyong tinanggap at saka pinunasan ang mga mata ko.  "Salamat," nasabi ko kay Cirlyn saka ibinalik sa kanya ang panyo nito.  "Okay ka na?" tanong pa nito sa akin.  "I'm okay now," sagot ko sa kanya.  "Mabuti naman. Pasensya ka na. Nausukan ka pa tuloy. Mag-aamoy usok ka na." Ngumiti ako sa kanya. "Walang problema. I can change naman." "Wala ka na bang trabaho? Hindi ka na ba babalik do'n sa resto mo?" "Hindi na. Kaya na ng mga empleyado ko ang trabaho ro'n. Alam na nila ang gagawin. Saka tatawagan naman nila ako kapag may problema," sabi ko.  "Sure ka, ha? Na okay ka na?" Tumango ako bilang tugon at nginitian siya. "'Wag mo na akong intindihin pa. Nothing serious." "Okay, sige. Pasok na muna ako sa loob para makapag-palit. Tutulungan ko rin si Nanay sa pagtitinda," paalam ni Cirlyn at tuluyan na itong pumasok sa loob ng bahay nila.  Sakto namang naluto na rin ang iba pang pina-ihaw ko. Inabutan ako ni Conrad ng isang stick ng hotdog na agad ko namang tinanggap at kinagatan.  CIRLYN KAKALABAS ko lang mula sa loob ng bahay at nakapagbihis na ako ng pambahay na damit. Tutulungan ko na kasi si Nanay sa pagtitinda. Kanina pa kasi itong nag-iihaw kaya siguradong pagod na ito. Pero bago pa ako makalapit sa kinaroroonan ni Nanay ay nakita ko sina Chef Lorkan at Conrad na nagkukuwentuhan at nagtatawanan sa harap ng kotse nito. Bidang-bida ang kapatid ko sa pagkukuwento. Samantalang si Chef Lorkan naman ay tawa naman nang tawa habang nakikinig dito.  Simula kanina na dumating ako ay nagtataka talaga ako sa mga ito. Halos nagmadali pa ako na maglakad para lang makauwi dahil nag-aalala ako na baka magpang-abot na naman ang dalawa kapag nakita ni Conrad si Chef Lorkan na andito sa bahay. Baka bigla na naman nitong sugurin ang huli. Katulad na lamang nang dalawang beses nitong ginawa kung saan no'ng una ay sinuntok nito si Chef Lorkan at ang pangalawa ay noong isang gabi lang na dumating naman itong lasing at sinubukan muli nitong sugurin pero dahil sa kalasingan ay hindi na nito nagawa pa. Natumba na kasi ito at hindi na kinaya pang bumangon.  Pero mali ako sa naisip ko. Hindi sila nagsusuntukan. Ibang eksena ang nadatnan ko at hindi ko inaasahan na makita sa dalawa. Na para bang walang nangyare sa mga ito. Na parang ayos sila. Na para na silang magkaibigan na at matagal nang magkakilala kung pagbabasehan din ang nakikita ko ngayon. Hindi ko alam kung anong nangyare at kung paano nangyare na naging okay sila bigla. Kung nag-usap ba sila? O may ginawa ba ang kapatid? Pero ang makita sila ngayon na nag-uusap at masaya pang nagtatawanan ay nakakatuwa lang. Napapangiti na lamang ako. At sa totoo lang ay ay natutuwa talaga ako habang pinapanood silang dalawa.  Kung tutuusin ay mabait naman 'yang kapatid ko. Pasaway lang talaga minsan. Marunong naman itong humingi ng paumanhin at tumanggap ng kamalian nito. Sadyang masyadong protective lang ito pagdating sa amin kaya nagawa nito iyon. Ayaw kasi nitong nakikita kaming sinasaktan kaya gano'n.  Hinayaan ko na lamang ang dalawa. Tuluyan akong lumapit kay Nanay para tulungan ito. May ilan na kasing nabili at mukhang marami ang nakasalang sa ihawan. Kinuha ko na sa kanya ang pamaypay at ako na ang nagpatuloy niyon.  "Sige na, 'Nay! Pahinga ka na muna. Kaya ko na 'to," sabi ko sa kanya habang sinusuklian nito ang isang bumibili.  "Okay," aniya at matapos maibigay ang sukli ay pumasok na ito sa loob.  Nag-focus ako sa pag-iihaw. Binaliktad at pinahiran ko pa ng sauce ang mga nakasalang para mas manuot pa ang sarap. Habang hinihintay na maluto ang mga iyon ay naramdaman kong lumapit sa tabi ko si Chef Lorkan. Mukhang tapos na silang mag-usap ng kapatid ko. Bigla na kasing nawala si Conrad at hindi ko na napansin kung saan ito nagpunta.  "Need help?" tanong niya sa akin.  "Hindi na kaya ko na 'to. Doon ka na. Baka mausukan ka na naman at bigla kang ubuhin," sabi ko sa kanya. "Nasaan na si Conrad?" tanong ko pa sa kanya.  "Ah, bumili ng alak. Nag-ayang uminom kaya pinagbigyan ko na," aniya.  "Ba't ka pumayag?" Napatigil ako sa pagpaypay at tumingin sa kanya.  "Bakit? Bawal ba? Sabi ng kapatid mo, ayos lang daw. Siya pa nga ang nag-aya, eh." "Siya walang problema. Sanay 'yong uminom saka dito naman sa bahay. Ang inaalala ko ikaw. Magda-drive ka pa mamaya pauwi," sabi ko sa kanya.  "Ano ka ba?! Kaya kong mag-drive kahit naka-inom ako." "Pero..." "Don't worry. Hindi naman ako magpapakalasing ng sobra. Gusto ko lang pagbigyan ang kapatid mo." Muli kong binalikan ang mga nakasalang at nakita kong luto na rin ang mga iyon kaya agad ko na ring tinanggal iyon sa ihawan saka ako kumuha ng plastik para isupot iyon at iniabot sa mga naghihintay na customer. Pagkatapos niyon ay saka ko muli siya binalingan.  "Teka nga! Nakapag-usap na ba kayo ng kapatid ko kaya parang okay na kayo?" tanong ko kay Chef Lorkan.  "Yup," aniya. "Sakto pagdating ko kanina, andito rin siya. Medyo kinabahan pa ako kasi pagbaba ko ng sasakyan masama agad ang tingin niya sa akin at mukhang susugurin na naman niya ako. At hindi nga ako nagkamali sinugod nga niya ako," kwento nito.  "Ha?" bulalas ko agad nang marinig ang huling sinabi nito. "Sinugod ka na naman niya? Anong ginawa niya sa 'yo? Nasaan ang pasa mo?" nag-aalalang tanong ko sa kanya at saka walang anu-anong hinawakan ko ang mukha nito para hanapin kung may natamo ba itong pasa o sugat.  "Concern ka talaga sa akin, no?" nakangiting saad nito sa akin habang nakatingin ito sa kamay kong nasa pisngi nito at humahaplos niyon.  Pagkasabi nito ay agad akong napabitaw sa kanya. Bigla akong nahiya.  "Natural!" saad ko. "Nag-aalala ako para sa 'yo. Ayoko nang masaktan ka pa ng kapatid ko." "Hindi naman niya ako sinaktan, eh." "Eh, ano?" curious kong tanong.  "Lumuhod ito sa harap ko at nagmamakaawang patawarin ko siya. Umiyak pa nga, eh," anito.  "Talaga?" "Aha!" "Akala ko naman sinuntok ka na naman niya. Maswerte ka lang talaga noong isang gabi na lasing siya kung hindi baka nakadalawa ka na." "Buti na lang," aniya na tumawa pa. "Mabuti naman kung gano'n. Nagtataka lang kasi ako ba't bigla kayong nagkasundo." "Kaya okay lang na uminom kami 'di ba? May reason na para mag-celebrate," ani Chef Lorkan.  "Celebrate mo, mukha mo, Chef." Mas lalo itong natawa sa sinabi ko.  "Tawang-tawa, Chef?" "Masaya lang ako. Saka pwede ba 'wag mo na akong tawaging chef. Ang pormal naman masyado. Hindi naman kita empleyado. Lorkan na lang. Pwede ring Lor, pwede ring Kan kapag nahahabaan ka pa rin. Bahala ka na mamili kung sa'n ka komportable basta drop the Chef." "Oo, na! Ang dami mo namang sinabi. Madali naman akong kausap... Lorkan!" diin ko pa sa pangalan nito.  "Ayown! Mas okay pakinggan." "'Wag mo na ring akong tawaging Ms. Ramos. Cirlyn na lang din. You can call me "Shie" for short or bahala ka na kung anong gusto mong tawag sa akin," sabi ko rin sa kanya.  "Kung gano'n... pwede "Babe" na lang." "Ano?!" gulat kong reaksyon at tinitigan ko siya. Nakita kong parang seryoso talaga ito. "G*go!" mura ko pa sa kanya.  Pero sa halip na magalit ay bigla na lamang itong humagalpak nang malakas na tawa. Tuwang-tuwa talaga ang loko. Napasimangot ako.  "Joke lang," natatawang sabi pa rin nito.  "Siraulo!" At tinalikuran ko siya. May nabili na kasi ulit kaya itinuon ko na lamang ang atensyon ko roon. Hinayaang ko na siya at hindi na pinansin pa. Dinig ko pang tumatawa pa rin ito.  "Hoy! Biro lang 'yon, ha?" sabi pa nito sa akin.  "Ah! Leche! Lumayas ka sa tabi ko." "Binibiro lang kita," anito pero hindi na ako tumugon pa.  "Kuya, tara na!" Dinig ko pang tawag ni Conrad sa kanya na kakarating lang. Nakita kong may bitbit na itong bote ng alak at tumuloy na sa loob ng bahay namin. Napilitan na ring sumunod si Lorkan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD