CHAPTER 17

2183 Words
CIRLYN SO nakabalik na pala siya?  Iyon agad ang naisip ko nang makita ko si Chef Lorkan. Wala na kasi akong naging balita pa sa kanya. Never na rin kasi itong tumawag pa noong sinabi kong tigilan na niya ako. At never na rin akong nakibalita pa tungkol dito. Kaya naman medyo nagulat pa ako at hindi ko ine-expect na makita ito rito. Pasimple ko itong pinanood habang tuloy pa rin ito sa ginagawang demo. Tuloy din ito sa pagsasalita nito. Kung titignan ang kabuuang itsura nito ay mukhang wala namang halos nagbago sa kanya maliban sa bagong gupit ang buhok nito. Mas umaliwalas ang mukha nito at very confident ang dating nito habang nasa stage.  Wala na rin ang bakas ng mga naging kontrobersya tungkol sa kanya kung saan nasangkot ito sa food poisoning sa event namin. Na kalaunan ay napag-alam din na hindi naman pala ito ang may kagagawan kung hindi ibang tao na nakapasok sa kusina nila. Sinabotahe pala ito ng dati nitong empleyado. Ayon na rin 'yan sa mga chika na kinuwento pa sa akin ni Mary Grace. Hanggang sa nalinis na nga ang pangalan nito. Pero after no'n ay umalis na ito ng bansa. Siguro ay nagpalipas at nagpalamig muna ito dahil sa mga nangyare. Nadungisan kasi ang pangalan nito at maging ang negosyo kaya gano'n. Kinailangan niya muna sigurong i-redeem ang sarili. Napaka-traumatic at masyadong hindi maganda ang nangyare sa kanya. Halos maghigit isang buwan na rin ang nakakalipas matapos na mangyare ang mga iyon. And finally he is back now.  "Oh, 'di ba? Sabi ko sa inyo ang pogi ng chef na nagluluto," kinikilig pang sabi ni Niña na tutok na tutok ang mata kay Chef Lorkan. Nakangiti pa ito. Halatang tuwang-tuwa sa pinapanood.  "Girl, hindi ba si Chef Lorkan 'yan?" bigla namang tanong sa akin ni Mary Grace. Mukhang nakilala niya rin ito pero parang may pag-aalinlangan ito.  "Oo. Siya nga!" kumpirma ko.  "Sabi ko na, eh. Sabi ko parang pamilyar talaga," ani Mary Grace.  "Bagong gupit lang siya pero siya nga iyan," wika ko.  "Infairness mas bumagay ang gupit niya sa kanya. Mas fresh at bata niyang tignan. Pogi pa rin talaga." "Kilala niyo?" tanong ni Niña na biglang lumingon sa amin ni Mary Grace. "Naman. Kilalang-kilala. Lalo na ni Cirlyn," sagot ni Mary Grace. "'Di ba, Girl?" Sabay tinignan at nginitian pa niya ako nang nakakaloko.  "Talaga, Sis?" ani Niña na parang nainggit bigla. "Oo. Ex lang naman siya ni Cirlyn!" sagot ni Mary Grace.  "Talaga?" reaksyon pa ni Niña na mas namangha sa narinig.  "Baliw! Anong ex ka diyan. Hindi totoo 'yan," kontra ko agad at baka kung ano pang isipin ni Niña. Maging ang mga makakarinig niyon na nasa palagid at mga katabi namin. "'Wag kang maniwala diyan kay Mary Grace. Nag-i-imbento lang 'yan ng kwento. Hindi ko siya ex. Hindi naging kami at lalong hindi kami nagkaroon ng relasyon, no?" pagtatama ko.  "Huh? Ano ba talaga ang totoo?" ani Niña na mukhang naguluhan na.  "Hindi nga naging sila pero may namagitan na nakaraan sa kanila. May something," muling saad ni Mary Grace.  Napanganga pa si Niña sabay napatakip ng bibig. Nakita ko pang nanlaki pa ang mga mata nito. "Oh my God! One night stand? Nagchukchakan kayo?" "Anong chukchakan? G*ga! Hindi, ah." "Eh, ano? Ano bang past ang meron sila na tinutukoy mo? "Past misunderstanding. Unfinished business. Walang closure. Hindi natapos. Nakaraan na dapat tapos na pero kasi nga nag-inarte at nagmaganda itong Sis natin." "Hoy!" singit ko agad sa kanila. "Sorry lang iyon na hindi ko tinanggap." "Kahit na. Sorry nga lang pero hindi mo talaga pinatawad at tinanggap," giit ni Mary Grace.  "Ay gano'n? Grabe ka naman pala, sis. Ganyan ka pogi ang humihingi sa 'yo ng sorry pero natiis mo na hindi patawarin? Ano bang kasalanan niya sa 'yo? Malaki ba?" tanong nito na iba ang nakarehistrong ekspresyon sa mukha nito.  "Oo. Malaki," sagot ko.  "Gaano kalaki?" interesadong tanong ni Niña.  "Sobrang laki." "Wala naman talaga siyang kasalanan, ah. Sinabi naman niya sa 'yo kung ano talaga ang nangyare," sabat ni Mary Grace.  "Oo nga, pero huli na," tugon ko.  "Ano ba 'yang kasalanan niya, sis? Baka gusto niyo namang i-chika sa akin. Ang hirap manghula, mga sis. Hindi ako si Madam Auring." Si Niña.  "Mamaya," ani Mary Grace.  "Buong chika ha?" "Oo nga, bakla!" Napasimangot na lang ako. Talagang ichi-chismis pa ako ni Mary Grace. Sarap talaga sabunutan 'tong babaeng 'to. Chuchu rin.  "Nacu-curious talaga ako. Pero kung ako siguro ang nasa kalagayan mo no'n, sis, at sa akin nanghingi ng sorry, malamang yes na agad ako. Parang ang hirap namang hindi patawarin ang katulad ni Chef. Tignan mo naman ang pogi at ang yummy kaya niya," ani Niña na ibinalik ang tingin kay Chef Lorkan na nasa stage.  "Ewan ko nga diyan. Masyadong nagmamaganda," ani Mary Grace na kumaway pa kay Chef Lorkan na patuloy pa rin sa ginagawa sa stage. Hindi na ako sumabat pa. Napaisip ako saglit. Siguro nga ay nag-inarte at nagmaganda ako. At kaya ko lang naman hindi tinanggap ang sorry at ang kapatawaran na hinihingi ni Chef Lorkan ay dahil noong mga oras na iyon na nagpunta ito sa bahay namin ay dahil hindi pa humuhupa ang nadarama ko. Naiinis pa rin ako sa kanya dahil sa kanya. Nabubuwesit din ako sa pangungulit nito. Ilang beses nitong tinawagan ako tapos no'ng sinagot ko ayaw naman nitong magsalita. Siya rin ang pinaka-hindi ko inaasahan na makikita na susulpot that time. At hangga't maari sana ay ayokong makausap. Nasuspende ako sa trabaho at muntikan pang nawalan ng trabaho dahil sa kanya.  Kahit pa na sinabi nito na wala naman itong kasalanan at wala itong kinalaman sa lahat ng kaguluhan ay para sa akin ay useless na rin ang paghingi nito ng tawad pa. Huli na ang lahat. Hindi naman agad ako makakabalik sa trabaho ko matapos nitong sabihin iyon. Hindi na rin mababago ang sitwasyon ko. Hindi ko rin sana kakailanganing sumideline pa para makaraos kami dahil sa kapabayaan nito. Maganda rin sana ang records ko sa trabaho ko pero nasira na iyon. Saka no'ng time na 'yon ay nakatatak na rin sa utak ko na wala na kaming dapat na pag-usapan pa. Hindi na nito kailangang mag-explain pa kung anong nangyare do'n sa event namin. Do'n pa lang ay tapos na ang napagkasunduan namin. Siya mismo ang tumapos no'n.  LORKAN HABANG nagde-demo ako ng ginagawa kong pagluluto ay napapatingin rin ako sa mga taong nasa harap ko na nanood sa akin. Gusto ko ring makita ang mga reaksyon nila. Kung interesado ba sila sa pinagsasabi at pinagagawa ko rito. Baka kasi nabo-boring na sila at bigla na lamang magsi-alisan. Kaya hangga't maari once in a while ay sinusulyapan ko rin sila. Nginingitian at kinakausap. I try to interact with them. Sinusubukan ko na kunin ang atensyon nila para naman mag-enjoy silang panoorin ako.  Almost a week pa lang nang dumating ako sa Pilipinas after ng two weeks vacation ko mula sa Japan. Masyado akong na-stress sa dami ng mga nangyare. Kaya naman kinailangan ko muna na mag-break para makapag-recharge, makapag-relax, makapag-isip at para makabawi pagkatapos ng lahat ng mga kaganapan. After ng bakasyon ko ay tuluyan na rin ako bumalik at nagpaka-busy bilang chef at may-ari ng mga restaurant na pinapatakbo ko.  As of now ay balik na talaga sa normal operation kami. Bukas na rin lahat ng resto ko. Tuluyan na ring nagsibalikan ang mga customers naming nawala noong nagka-isyu. Mas tinao na rin kami ngayon. Tumaas din ang sales. Minsan ay lagpas pa ang benta namin sa average sales per day. Sobrang nakabawi ako. At sobra akong natutuwa. Parang walang mga isyu na lumabas. And speaking of issue ay tuluyan na rin iyong nalusaw nang kumalat at lumabas ang totoong mga nangyare. And still, hindi pa rin nagsasalita si Ronel tungkol sa ginawa nito. Sa ngayon ay nanatili pa rin itong nakakakulong at pinagsisihan ang ginawa nito. Tapos ngayon ay naimbita naman akong maging guest speaker dito sa last day ng food bazaar. Kakilala ko kasi ang organizer nito kaya naman no'ng sinabihan niya ako ay hindi na ako nakatanggi pa. Isa rin kasi ito sa way ko para ipakita sa lahat na okay ako, pabanguhin muli ang imahe ko at para unti-unting i-angat muli ang kredibilidad ko bilang isang chef. Medyo kinakabahan pa nga ako kanina baka kako wala nang interesado pang manood at makinig sa akin. Pero nagkamali ako. So, happy na makita ang crowd na pinapanood at pinapakinggan ako. May palakpakan pa.  "So, pagkatapos nating ilagay ang lahat ng mga natitirang ingredients ay tatakpan muna natin muli para maluto silang lahat. Mga 2 minutes lang naman ito. Napakabilis at maya-maya ay ready to serve na rin ito," sabi ko sa kanilang lahat.  Pagkatapos niyon ay hinayaan ko nang magsalita ang emcee habang hinihintay na tuluyang maluto ang nakasalang ko. Nakatayo lang ako at binabantayan ang niluluto ko nang maagaw ang atensyon ko sa boses na tumatawag sa pangalan ko. Agad kong hinanap iyon. Hanggang sa nakita ko nga si Mary Grace na nasa may audience. Kumaway pa ito sa akin. Agad akong napangiti at tinanguan nang makita siya. Pero agad ring naglikot ang mga mata ko sa paligid para hanapin kung may kasama pa ito. May iba pa kasi akong hinahanap. Hindi kasi ako sigurado kung kasama nito ang hinahanap ko. Hanggang sa dumako ang paningin ko sa isang pamilyar na pigura na nasa likuran lang pala nito. Walang iba kundi si Cirlyn.  Mas lalong lumawak ang ngiti ko. At mas lalo akong natuwa na makita ito muli. Maganda pa rin ito at napaka-simple. It's been a month since I last saw her. After kong puntahan siya sa bahay nila para kausapin at humingi ng tawad, tapos masuntok pa ako ng kapatid nito ay hindi na ako nag-attempt pa na bumalik sa kanila. Hindi na rin ako sumubok na tumawag pa sa kanya dahil ang sabi nito ay magpapalit na raw ito ng number nito. Not sure kung tinotoo talaga nito iyon. Tiyak ko kasing hindi rin nito sasagutin kapag tumawag ako. Ayoko na rin kasing kulitin at abalahin pa ito. Baka kasi ay tuluyan na niya talaga akong hindi patawarin pa. Kaya naman bilang tulong ko sa kanya ay hindi ako tumigil na bumili at pakyawin ang paninda nitong ihaw-ihaw. May inutusan akong tao para gawin iyon araw-araw. At wala itong alam doon. Iyon na lang kasi ang naisip ko na paraan para makabawi man lang dito. Kahit paano ay may balita pa rin ako sa kanya kahit na hindi ko na ito nakikita.  Hindi ko inalis ang tingin ko kay Cirlyn. Natuon lang iyon sa kanya. Tinitigan ko siya hanggang sa napatingin din ito sa akin at nagtama ang paningin naming dalawa. Ngumiti ako. Ilang segundo kaming nagkatitigan. Ine-expect ko na sisimangot ito o 'di kaya ay iirapan niya ako at iiwasan ang tingin ko pero wala akong nakita na kahit anong masamang reaksyon mula rito. Sa halip ay sinalubong niya pa ang tingin ko at nakipagtitigan din. Pakiramdam ko tuloy ay dalawa lang kaming narito ngayon. At nawala lahat ng tao sa paligid namin. Hindi ko tuloy alam kung anong iisipin ko dahil do'n. But I'm hoping na good sign na iyon na hindi na ito galit sa akin at mapapatawad na niya ako. Sana! "Chef? Chef? Are you okay?" Tuluyan akong napabitaw sa tinginan namin ni Cirlyn nang marinig ko ang tawag na iyon ng kasama kong emcee. "Mukhang natulala bigla si Chef. Sino kayang nakita niya at nakalimutan niya ang niluluto niya, mga madlang pipol?" biro pa nito.  Napangiti na lamang ako dahil do'n.  "Sorry," nasabi ko at muling chineck ang niluluto ko. Medyo na-over cooked na ang ibang sangkap pero luto na rin naman. Ready to serve na rin. "Okay na!" sabi ko.  "Ayown, madlang pipol! Nadinig niyo? Luto na raw ang espesyal na niluto ni Chef. So, alam niyo na ang next na mangyayare. It's tikiman time! Sinong gustong makatikim ng luto ni Chef. Taas ang paa este kamay," anang emcee.  Nakita kong nagtaasan ng mga kamay ang halos karamihan ng nasa harap. Maging si Mary Grace ay gano'n din. Kanya-kanyang presenta. Halatang gusto nilang matikman ang niluto ko.  "Okay, dahil gusto niyo. Sige, pipili tayo ng isang maswerteng audience na makakatikim ng luto ni Chef. Taas ulit ng mga paa este kamay," sabi ulit ng emcee.  Muli kong ibinalik ang mata ko sa audience na nasa harap ko.  "Ako!" Dinig kong presenta ng isang lalaking audience.  "Ako rin!" saad din ng isang babae. "Gusto ko po!" anang isang dalagita naman.  Nadako muli ang tingin ko sa kinaroroonan nina Cirlyn. Nakita kong tinuturo ni Mary Grace ang kaibigan nito para sumali at piliin ng emcee. Nakikita ko pang pinipilit niya itong hilain para pumunta sa harap. Pero mukhang ayaw nito. Hanggang sa wala na itong nagawa pa ng tumulong na rin kay Mary Grace ang iba pa nilang mga kasamahan sa trabaho para hilahin ito at sabay na itinulak papunta sa harap ng stage. Muntikan pa itong masubsob dahil do'n.  "Okay! Mukhang meron na tayong volunteer!" deklara ng emcee. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD