CHAPTER 20

1988 Words
CIRLYN SAKAY na ako ng sasakyan ni Chef Lorkan pauwi sa amin. Matapos naming kumain ay agad na rin kaming umuwi. Nagpresenta itong ihatid pa ako. No'ng una ay ayoko na sanang pumayag dahil balak kong mag-commute na lamang. Ayoko na rin kasing abalahin pa ito. Sobrang nakakahiya na. Nilibre na nga niya ako ng dinner tapos ihahatid pa. Ayoko namang maging abusada sana pero sadyang mapilit ito. Okay lang naman daw sa kanya. Nag-aalala din daw siya sa akin at baka kung ano pang mangyare sa akin pauwi. Konsensya niya pa raw. Kaya ang ending no choice na rin ako kundi ang pumayag.  Habang lulan kami ng sasakyan nito at binabaybay ang kalsada pauwi sa amin ay tahimik lang akong nakatingin sa mga nadadaanan namin. Samantalang si Chef Lorkan naman ay seryoso naman sa pagmamaneho. Pasado mag-aalas-nuebe na nang gabi ang oras. Tiyak kong nagtataka na rin si Nanay kung bakit wala pa ako hanggang ngayon. Nasanay kasi iyon maaga akong nakakauwi at natutulungan ko pa siya sa pagtitinda. Pero hindi ngayon. Wala rin kasi akong load para i-text or tawagan ito. Baka nag-aalala na iyon sa akin.  "Ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Chef Lorkan na pumutol sa katahimikan sa pagitan namin dalawa at sa iniisip ko.  Lumingon ako sa kanya. Nakita kong nakatingin ito sa akin.  "Ayos lang ako. May mga iniisip lang," sagot ko sa kanya.  "Ang tahimik mo kasi kaya naisip ko na baka may problema ka," aniya.  "Wala naman." "Nabusog ka ba sa dinner?" "Oo. Super. Salamat. Nag-enjoy ako sobra," nakangiti kong sabi.  "Mabuti naman kung gano'n." Ilang saglit pa ay tuluyan na rin kaming nakapasok sa may kanto papuntang looban kung saan kami nakatira. Napansin kong marami pa ring mga tao sa labas. May mga nakatambay at may nag-iinuman pa sa may unahan. May mga bata ring naglalaro at nagtatakbuhan pa kahit medyo late na. At may mga sasakyan din na paroon at parito. Squatters area kasi itong amin kaya medyo maingay at magulo talaga. Ganitong oras kasi ay masyado pang maaga para sa mga tao rito sa amin kaya kapansin-pansin na buhay na buhay pa ang mga kalye. At nasanay na rin naman ako, na ganito ang nakikita ko araw-araw. Eversince na pinanganak ako, lumaki at nagka-isip ay ito na talaga ang nakagisnan kong pamumuhay at hindi na nagbago pa. Mukhang tatanda at mamatay pa rin kaming mahirap.  Tuloy-tuloy lang si Chef Lorkan sa pagmamaneho nito hanggang sa tumigil kami mismo sa harap ng bahay namin. Nakita ko pang nasa labas pa si Nanay at mukhang kakatapos lang din nitong magtinda. Nagliligpit na kasi ito ng mga gamit. Napatigil pa ito sa ginagawa nang makita ang huminto na sinasakyan namin ni Chef Lorkan. Agad kong tinanggal ang seatbelt sa katawan ko saka ako tuluyan na bumaba. Hindi ko na hinintay na pagbuksan nito ako. Gano'n din si Chef Lorkan na bumaba rin mula sa driver seat.  "'Nay! Bitawan niyo na 'yan. Ako na pong magliligpit niyan mamaya," sabi ko sa kanya at inagaw ang hawak nito saka nagmano rito.  "Anak! Ikaw na pala iyan. Ba't ngayon ka lang?" nag-aalalang tanong ni Nanay. "Pasensya na po, 'Nay. Nag-aya kasi sina Mary Grace na pumuntang mall. Hindi ako makatanggi kaya napilitan akong sumama sa kanila," paliwanag ko.  "Gano'n ba? Nag-enjoy ka naman ba?" "Okay naman po. Pasensya na po kayo, ha? Hindi ko na kayo natulungan pa sa pagtitinda kanin." "Okay lang naman, anak. Tinulungan naman ako ni Tin-Tin, eh. Ay, teka! 'Di ba si Chef ito?" tanong pa nito nang mapansin nito si Chef Lorkan na nakatayo sa may harap ng sasakyan nito.  "Opo. Siya nga!" tugon ko at ipinatong muna saglit ang mga hawak ko.  "Hello po, Tita. Good evening po." Dinig ko pang bati ni Chef Lorkan kay Nanay.  "Good evening naman. Ba't pala magkasama kayo? At mukhang inihatid mo pa ang anak ko." "Nagkita kasi kami kanina 'don sa mall kaya nagkaroon kami ng pagkakataong makapag-usap," paliwanag ko kay Nanay. Ako na ang sumagot para kay Chef Lorkan.  "Ah, okay," nasabi na lamang ni Nanay. "Uuwi ka na ba, hijo? Pasok ka muna rito sa bahay," imbita pa ni Nanay sa kanya.  "Okay lang po ba?" ani Chef Lorkan. Tinignan niya rin ako.  "Oo, naman," sagot ni Nanay. "Welcome ka rito. Halika!" Agad na lumapit si Chef Lorkan sa amin.  "Gusto mo bang magkape muna bago ka umuwi?" alok ko naman sa kanya. "Para hindi ka antukin ka sa daan mamaya," dagdag ko pa.  "Sure!" sang-ayon nito.  "Tara na sa loob para makaupo ka muna," anang Nanay ko at hinila na nito si Chef Lorkan papasok. Sumunod na lang din ako sa kanila. "Sige, upo ka na muna diyan sa sofa. At ipagtitimpla kita ng kape. Feel at home," saad pa ng Nanay ko at iniwanan nito saglit para pumunta ng kusina. Agad kong inilapag sa may upuan ang bag at ang bitbit ko saka naupo rin sa isa pang bakanteng upuan. Bigla akong napatingin kay Chef Lorkan nang mapansin kong parang umiikot ang paningin nito sa kabuuan ng bahay namin. Halatang nagmamasid ito. Siguro ay first time niyang makapasok sa ganitong bahay kaya naman napapatingin ito. Malamang din ay hindi ito sanay sa ganitong kasikip at kagulong lugar dahil sa magara at malaking bahay ito nakatira. Malayong-malayo sa mundong ginagalawan at kinabibilangan nito. Bigla tuloy akong nahiya sa kanya. Hindi ko alam kung komportable ba ito o kung anong tumatakbo sa isip nito. Malamang ay napipilitan lang ito. Baka nga rin nadidiri rin ito. Nag-alala pa ako na baka may nakita pa itong mga alaga naming daga at mga ipis na pagapang-gapang sa ding-ding. Pero maya-maya rin ay tumigil din ito at tumingin sa akin.  "Pasensya ka na sa bahay namin, ha?" bigla kong nasabi sa kanya. "Maliit lang. 'Wag mo nang pansinin ang mga alaga namin kung may nakita ka man." "Ano ka ba?! Wala naman akong nakita. Okay nga ang bahay niyo, eh. Ang cute!" aniya.  "Huh?" bulalas ko bigla. "Cute? Saan banda? Paano naging cute?"  Hindi ko alam kung pinupuri niya ba ang bahay namin o ini-insulto nito. Baka nga sinasabi niya lang iyon para hindi ako ma-offend. Pero parang ganoon na nga.  "Itong bahay niyo mismo. Maliit lang pero mukhang malinis at organize," anito.  "Mukha lang pero ang totoo hindi talaga. Para na nga kaming sardinas dito na nagsisiksikan, eh. Ang sikip-sikip nga." "Grabe ka naman." "Eh, totoo naman. Ganito talaga kapag nakatira ka sa squatters area. Masikip, madumi, mabaho, maingay. Malamang siguro nga nagsisisi kang pumasok ka pa rito sa bahay namin." "Hindi, ah. Hindi naman ako maselan. Nakapunta naman na ako sa ganitong lugar pero mas malala pa nga rito. Saka wala naman akong karapatan na i-judge ka dahil lang dito ka nakatira." "Meron!" saad ko.  "Kasi ayoko lang? Gano'n ba?" anito na ginaya ang sinabi nito sa akin kanina noong nasa resto kami.  "Oo. Baliw!" nasabi ko na lang sa kanya na naging dahilan para matawa ito. Maging ako ay natawa na rin dahil do'n. Nagtawanan kaming dalawa.  Maya-maya pa ay dumating na rin si Nanay mula kusina dala ang kapeng tinimpla nito para kay Chef Lorkan.  "Ito na ang kape mo," anang nanay ko na inilapag ang tasa sa maliit na mesita.  "Salamat po," saad ni Chef Lorkan.  "Hindi ko alam kung okay ang timpla ko." "Ayos lang po. Salamat pa rin po rito." "Walang anuman. Oo, nga pala, Chef..." "Lorkan na lang po, Tita. Masyado namang pormal 'pag may Chef pa." "Gano'n ba? Nakakahiya naman sa 'yo." "Wala pong problema," ani Chef Lorkan.  "Ikaw ang bahala, hijo. Gusto ko lang din na samantalahin na magpasalamat kasi hindi ka nagsampa ng kaso sa ginawa ng anak kong si Conrad sa iyo. Pasensya ka na talaga dahil do'n," ani Nanay kay Chef.  "Wala na ho 'yon. Kalimutan niyo na po. Nagkapaliwanagan at nakapag-usap na rin naman kami ni Cirlyn kanina tungkol diyan, 'di ba?" anito at bumaling sa 'kin. "Opo, 'Nay," sang-ayon ko. "Nasabi ko na po sa kanya. Humingi na rin ako ng paumanhin," saad ko.  "Gano'n ba? Ang bait mo naman pala, hijo," puri pa ni Nanay kay Chef Lorkan. "Sana pagpalain ka pa ng Mahal na Diyos," dagdag pa niya.  Dahil do'n ay nakita kong napangiti si Chef Lorkan. Mukhang natuwa ito na pinuri ni Nanay.  "Oh, siya, sige. Maiwan ko na muna kayo at tatapusin ko lang 'yong mga liligpitin sa labas," paalam ni Nanay.  "Sige po. Salamat po uli sa kape." "'Nay! Magpahinga na po kayo. Ako na po ang bahala diyan sa mga liligpitin." "Hayaan mo na, anak. Istimahin mo lang diyan si Lorkan habang nagkakape para may kasama siya. Kaunti na lang naman ito. Sige na. Ituloy niyo nang pag-uusap niyo," ani Nanay at saka tuluyan itong lumabas. Hindi na ako kumontra pa.  "Sige na! Inumin mo na 'yang kape mo," sabi ko kay Chef Lorkan.  "Okay," aniya at dinampot ang tasa saka humigop doon.  MATAPOS nitong maubos ang kape ay nagpasya na ring umuwi si Chef Lorkan. Malayo-layo rin kasi ibabyahe nito pabalik. Saka anong oras na rin naman na. Late na rin masyado. Kaya inihatid ko na siya sa labas. Naglakad na kami papunta sa kotse nitong nakaparada.  "Uuwi ka na?" tanong ni Nanay kay Chef Lorkan na patapos na rin sa pagliligpit nito.  "Opo, Tita. Salamat po sa kape." "Sige, mag-iingat ka sa pagmamaneho mo. Welcome ka rito sa bahay anytime. Balik ka lang kapag gusto mo." "Okay po. Thank you po," magalang nitong tugon pa kay Nanay.  Pagkatapos niyon ay tuluyan na ring pumasok sa loob ng bahay si Nanay at iniwanan kaming dalawa. Lumapit na rin si Chef Lorkan sa tapat ng sasakyan nito. Pero hindi pa muna agad ito pumasok para sumakay. Humarap pa ito sa akin uli.  "Chef, salamat, ha? Thank you sa pa-dinner at sa paghatid sa akin. Saka pasensya ka na rin dahil kape lang ang nai-offer ko." "No worries. Walang problema iyon. Anyway, salamat din uli sa 'yo. Pasok ka na. Kaya ko na 'to," aniya.  "Sige lang. Hihintayin lang kitang makaalis saka ako papasok." "Okay," aniya. At tuluyan na nga nitong binuksan ang pinto ng sasakyan para sumakay na nang bigla itong napatigil saglit. Maging ako ay gano'n din. Kapwa kaming natigilan at nagulat nang bigla na lamang sumulpot si Conrad na susuray-suray. Halatang nakainom ito dahil na rin sa hindi nitong maayos na lakad. Halos gumegewang pa ito at namumungay ang mga mata dahil sa kalasingan. Agad pa itong huminto nang makita kami. Pero mas natuon ang tingin nito kay Chef Lorkan. Mukhang nakilala niya ito.  "Andito ka na naman!" medyo galit nitong saad bigla. "Conrad!" saway ko sa kanya para patigilin ito. "Pumasok ka na ro'n sa loob."  "Hina-harass mo na naman ba, ate ko, ha?" tanong pa nito at hindi man lang pinansin ang sinabi ko.  Pero bago pa makasagot si Chef Lorkan ay mabilis na nitong nilapitan ito para sumugod. Agad akong nataranta nang makita iyon. Nagmadali akong lumapit para awatin at pigilan ang kapatid ko sa binabalak nitong gawin. Pero bago pa nito magawang masaktan si Chef Lorkan ay nagulat ako nang bigla na lamang itong bumagsak sa lupa at hindi na nakagalaw pa. Ni hindi na rin nito nagawa pang bumangon. Mukhang hindi na nito kinaya pa dahil na rin sa sobrang kalasingan. Nagkatinginan na lamang kaming dalawa ni Chef Lorkan dahil do'n at saka nagtawanan na lang bigla. Pasaway talaga 'tong kapatid ko. Buti na lang talaga.  "Sige na! Uwi ka na at baka biglang magising pa 'yan. Ako na bahala diyan," sabi ko kay Chef Lorkan.  "Sure ka? Mabigat 'yan." "Oo. Yaka ko na 'yan." "Okay, sabi mo, eh," anito at pumasok na ito sa loob ng sasakyan nito.  "Ingat ka!" pahabol ko pa.  Kumaway pa ito sa akin saka nito minaniobra ang sasakyan para umalis. Pinanood ko muna ito hanggang sa tuluyang mawala saka ko muling hinarap ang kapatid kong nakatulog na at naghihilik pa. Sermon talaga 'to sa akin bukas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD