CHAPTER 14

2214 Words
LORKAN "Hi!"  Nasabi ko nang makita ako ni Cirlyn. Nakita kong agad na rumehistro sa mukha nito ang pagkagulat. Halatang hindi niya inaasahan na susulpot ako sa harapan nito. At ang kaninang ngiti nito sa labi ay tuluyan na ring naglaho at agad na napalitan ng simangot. Looks like she didn't want to see me.  "Anong ginagawa mo rito? Bakit ka narito?" nasabi ni Cirlyn sa akin at tumigil sa ginagawa nitong pagliligpit.  "Nandito ako para makausap ka sana," nag-aalangan ko pang sabi.  "Wala na dapat tayong pag-usapan pa. Umalis ka na. Ayaw na rin kitang makausap at makita pa," medyo mataray nitong sabi at aakmang tatalikuran na ako para pumasok sa loob ng bahay nila.  "Ms. Ramos," pigil ko sa kanya.  Tumigil ito. "Ano?!"  "Pakinggan mo naman sana ang mga sasabihin ko," pakiusap ko.  "Ayoko!" mariing tanggi nito.  "Gusto ko lang naman magpaliwanag tungkol sa mga nangyare. Gusto ko lang din sabihin sa iyo na wala akong kasalanan kung bakit nagkagulo do'n sa event niyo. May sumabotahe sa akin kaya nangyare iyon," paliwanag ko pa rin sa kanya kahit na humakbang na ito papasok.  Napilitan itong tumigil para linguninin ako at saka sinalubong ang tingin ko.  "Wala na akong pake pa, Chef. Que may kasalanan ka o wala. Wala na rin namang magbabago pa dahil nasuspende na ako sa trabaho ko. Huli na para magpaliwanag ka pa." "Sorry," nasabi ko bigla.  "Sorry?" ulit niya sa sinabi ko. "Wala na nang magagawa 'yang sorry mo dahil tapos na. Nangyare na. Marami na ang nadamay. Pati na rin ako nasama. At lahat iyon kasalanan mo," sisi pa nito.  "Alam ko. Kasalanan ko ang lahat. Inaamin ko naman iyon. Naging pabaya ako. Pero sana mapatawad mo ako dahil do'n." "Bakit? 'Pag ba pinatawad kita magbabago pa ang lahat? Babalik pa ba sa dati ang lahat?" Napayuko ako. "Hindi." "Alam mo naman pala, eh. Kaya hindi na kailangan pa. Hindi mo na magbabago ang mga nangyare kaya useless na rin. Kaya umalis ka na. Huwag mo na akong guluhin pa. Tigilan mo na rin ang pagtawag mo. Tapos na ang kung ano mang naging transakyon natin. Hanggang doon na lamang iyon," ani Cirlyn at tinalikuran na ako.  Pero bago pa siya tuluyang makapasok sa loob ay nagmadali akong lumapit sa kanya para pigilan ito.  "Ms. Ramos, please? Pakinggan mo naman ako. Maniwala ka sa akin," makaawa ko.  "'Wag ka nang makulit," malakas nitong sabi.  "Ihaharap ko sa iyo mismo ang may kagagawan ng lahat kapag nahanap na siya. 'Wag ka nang magalit sa akin. Patawarin mo na ako." "Bahala ka! Pero wala na akong pakialam pa sa 'yo. Bahala ka na sa buhay mo. Umalis ka na at 'wag ka nang bumalik pa rito. Tigilan mo na ako. At 'wag na 'wag mo na akong tatawagan pa kasi magpapalit na ako ng number. Sige na umalis ka na kung ayaw mong ipadampot pa kita sa baranggay." Pero sa halip na sundin ang sinabi nito ay hindi man lang ako natinag sa kinatatayuan ko. Nanatili lang ako. "Ms. Ramos..." "Alis na sabi, eh!" pagtataboy nito.  Dahil sa lakas ng boses ni Cirlyn ay nakita kong may lumabas mula sa loob na isang lalaki. Wala itong pang-itaas na damit. Napatingin ito sa akin at bigla itong sumimangot. "Anong ginagawa mo sa ate ko, ha?" sabi nito at walang anu-anong sumugod ito sa amin.  Malakas nitong hinatak si Cirlyn para ilayo sa akin. Kasunod niyon ay agad itong nagpakawala ng isang malakas na suntok sa akin na tumama sa mukha ko. Dahil sa ginawa nito ay halos mawalan ako ng panimbang. Medyo nahilo pa ako ng konti dahil sa lakas niyon. Hindi ko inaasahan iyon. Nasapo ko ang nasaktang mukha ko. Ilang segundo pa bago ako nakabawi. Nakita kong poporma pa sana itong susugod muli sa akin pero pinigilan na ito ni Cirlyn. Humarang ito para patigilin at awatin ang lalaki. "Tama na, Conrad! Ano ba?!" pigil nito sa lalaki. "Chef, umalis ka na," baling rin ni Cirlyn sa akin.  Napapahid ako ng dugo sa may gilid ng labi ko sabay tingin sa kanila. Nakita kong may isang ginang rin ang lumabas mula sa loob dahil sa komosyon. Mukhang nanay yata iyon ni Cirlyn. Napansin ko rin na may biglang bulungan akong narinig sa paligid. Saka ko lang narealized na andami na pa lang mga dumaraan na mga tao ang napatigil at pinapanood kami. Nakagawa na kami ng eksena dahil sa nangyare. Medyo nahiya ako bigla.  "Siya ba 'yong chef na may kasalanan kaya nalason ang mga kasali sa event niyo at kung bakit ka nasuspende sa trabaho mo, ate?" Dinig kong tanong ng lalaki kay Cirlyn.  Hindi ko alam kung anong koneksyon nila sa isa't-isa pero sa pagtawag nito ng "ate" kay Cirlyn ay mukhang kapatid nito ang lalaki. Halos magtama pa ang paningin naming dalawa nang magkatitigan kami ulit. Kitang-kita ko sa mata nito ang galit. Sa sama ng tingin nito. Ang kagustuhan nitong sumugod at maka-isang sapak pa uli sa akin. At base sa tanong nito ay mukhang naikuwento na ni Cirlyn ang mga nangyare kaya naman may alam din ito.  "Oo, siya nga," sagot ni Cirlyn.  Dahil do'n ay mas lalo itong nagalit at nagpumiglas para muli akong sugurin pero hindi nito magawa dahil nakaharang si Cirlyn dito. Pinipigilan siya nito.  "Conrad! Tumigil ka na!" singit na rin ng ginang na nakiawat na rin.  "Chef, umalis ka na," pakiusap ni Cirlyn sa akin.  "Pero..."  "Please! Umalis ka na! Tama na!" "Bitawan niyo 'ko. Hayaan niyo 'kong patikimin uli ng sapak 'yan. Ang kapal pa ng mukhang magpunta rito. Ano ba?!" anang kapatid ni Cirlyn sa akin na galit pa rin at nagpupumilit na kumawala.  Ayoko sanang umalis dahil hindi pa ako pinapatawad ni Cirlyn pero mukhang malabo ko na iyon makuha pa. Dagdagan pa ng kapatid nitong galit na galit sa akin. Kaya wala akong choice kundi ang umalis na lang at sundin si Cirlyn. Baka kasi mas magkagulo pa. Masyado na rin kasi kaming nakakagawa ng eksena. Mas dumami na rin ang mga taong naki-usyuso sa paligid. Isa pa ay hindi ako pamilyar sa lugar nila. Hindi ako taga-rito. Dayo lang din ako at wala akong kilala maliban kay Cirlyn. Mahirap na at bigla na lamang akong sugurin o 'di kaya pag-tripan ng mga tambay.  Ang importante naman ay nasabi ko na rin kay Cirlyn ang sadya ko. Nakausap ko na rin siya at na-explain ko sa kanya ang side ko. Maging ang kung ano talaga ang totoong nangyare. Nakahingi na rin ako ng sorry. Pero 'yon nga lang hindi ko naman nakuha ang kapatawaran nito na hinihingi ko. Galit pa rin ito sa akin. At ayaw na rin nitong kausapin pa ako. Tama naman ito sa sinabi niya na wala na rin namang magagawa pa ang sorry ko dahil nasuspende na siya. Ilang araw siyang walang trabaho at sweldo dahil sa akin. Still, I feel guilty and sorry for her pero wala na akong magagawa.  Laglag ang mga balikat kong bumalik sa sasakyan kong nakaparada sa may unahan. Pagkasakay ko ay agad ko nang minaniobra iyon at mabilis na umalis sa lugar nila. Habang lulan na ako ay nasipat ko pa sa salamin ang nasaktan kong mukha. Nakita kong pumutok ang gilid ng labi ko at may dugo-dugo pa iyon. Pero hindi ko na rin inintindi at pinansin pa. Binalewala ko na lamang.  Naisip ko na kasalanan ko naman kaya natamo ko ito. Deserve ko ring makatanggap nito kasi nagpumilit pa ako. Hindi ko rin naman masisisi ang kapatid ni Cirlyn. He is just trying to protect her sister. Natural na reaksyon lang iyon na magalit ito at ipagtanggol nito ang ate niya. Kahit naman siguro ako ang nasa sitwasyon nito ay gano'n din naman ang gagawin ko. Kaya naiintindihan ko naman kung bakit nito nagawa iyon.  Tuloy lang ako sa pagda-drive ko nang mapansin kong tumutunog ang cellphone ko. May tumatawag at nakita kong si Evander iyon. Agad kong inabot iyon at kinonek sa airpod ko para kahit na nagda-drive ako ay makakapag-usap kami. Nang magawa iyon ay agad ko na ring sinagot ito.  "Oh, brad! Napatawag ka?" bungad ko sa kanya sa pinasiglang boses. "May problema ka ba?" "Wala naman," sagot ni Evander. "Andito ako sa resto mo." "As in ngayon?" gulat kong tanong.  "Yup! Nasaan ka ba? Ang sabi ng mga staff mo wala ka raw dito. Kanina ka pa raw umalis." "Oo, eh," sagot ko. "May pinuntahan lang ako." "Ah, ganon ba?" ani Evander.  "Yes. Pero pabalik na rin naman ako diyan. Kakain ka ba? Order ka na lang muna diyan. Sabihin mo sa akin." "Hindi na, brad," tanggi nito.  "Bakit?" pagtataka ko. "Wala lang ako diyan. Nagtampo ka kaagad," biro ko.  "Tarantado! Hindi ako nagtatampo. Kailangan ko na rin kasing bumalik ng Hotel Trevino ngayon." Bigla akong nag-alala. "Bakit? May nangyare ba ro'n?"  "Kakatawag lang din ng mga tao ko sa front desk. May problema raw, eh. At urgent daw kaya need ko nang bumalik para i-check," explain nito.  "Mukhang seryoso, ah," nasabi ko.  "Ewan ko nga, eh. Basta update kita kapag naayos ko na. Balik na lang ako dito next time." "Sige, brad. Welcome ka naman diyan anytime. Pasensya ka na rin at wrong timing ang punta mo kasi wala ako diyan. Hindi man lang kita napagluto." "Ayos lang. May next time pa naman." "Tawagan mo 'ko kapag pupunta ka. Para naman hindi sayang ang punta mo." "Okay, brad. Salamat. Bye!" pagtatapos ni Evander at tuluyan na itong nawala sa kabilang linya.  Agad kong tinanggal ang airpod sa tenga ko at ipinatong sa dashboard. Saka muling nag-concentrate sa pagmamaneho ko. Saktong patawid na ako ng intersection nang naging pula ang streetlight kaya napatigil ako. Binitawan ko muna saglit ang manibela at saka sumandal sa upuan. Naramdaman kong kumirot pa ang sugat sa labi ko kaya napangiwi ako. Kailangan ko nang makabalik sa resto para magamot ito bago pa lumala at maging pasa.  CIRLYN "Siraulo ka ba? Bakit mo sinuntok?"  Tanong ko kay Conrad nang makapasok kami sa loob ng bahay pagkaalis ni Chef Lorkan. Kung hindi pa kasi ako umawat dito kanina ay baka nakarami ito ng sapak sa huli. At baka hindi lang iyon ang inabot ni Chef Lorkan mula sa kanya. Masyado kasi itong protective pagdating sa amin. Lagi kami nitong pinagtatanggol kapag may mga nang-aaway. Ayaw na ayaw din kasi nitong nakikita kaming nasasaktan o inaapi. Kaya naman handa talaga itong makipagbugbugan para lang ipagtanggol kami. At sa totoo lang ay naa-appreciate ko naman iyon lahat. Pero sa nangyare kanina ay medyo sumobra ito sa ginawa nito. Kaya naman hindi ko mapigilan na pagsalitaan ito.  "Malamang, ate. Alangan namang pabayaan kita," sagot nito.  "Wala namang siyang ginagawa sa akin. Pinapaalis ko na nga siya, eh. Tapos umekstra ka pa talaga." "Dapat nga magpasalamat ka pa sa akin kasi pinagtatanggol kita sa kanya. Pero sa sinasabi mo ngayon parang naging kasalanan ko pa. Bakit parang ipinagtatanggol mo pa siya?" tanong ni Conrad na hindi na rin nakapagpigil ng emosyon nito.  "Hindi ko siya pinagtatanggol," depensa ko agad.  "Talaga lang, ha? Ate? Bakit parang sinisisi mo pa ako? Eh, siya nga ang dahilan kaya nasuspende ka sa trabaho mo." "Oo, nga, anak. Pinagtanggol ka lang naman ng kapatid mo. Natural lang iyon," singit na rin ng nanay ko na kumampi sa kapatid ko.  "'Nay, kasi nga wala naman ginagawang masama 'yong tao sa akin. Kinakausap niya lang ako. Nagmamakaawa at humihingi ng paumanhin kaya narito," paliwanag ko. "Hindi niya dapat sinugod basta-basta. Paano kung magreklamo iyon at magsampa ng kaso? Eh, 'di another problema na naman. Saan tayo kukuha ng perang pampiyansa sa kanya?" sabi ko rito.  Hindi naka-imik si Conrad. Maging si Nanay ay gano'n din. Siguro ay naisip at na-realized ng dalawa ang sinabi ko. Posibleng magsampa ng kaso si Chef Lorkan dahil sa natamo nito. At kapag nagkataon ay posible ring makulong ang kapatid ko dahil do'n sa ginawa nito.  "Naiintindihan mo ba, ha? Conrad?" tanong ko sa kapatid ko. "Oo, ate. Pasensya na. Nadala lang ako kaya ko nagawa iyon," ani Condrad na mukhang nagsisisi na sa nagawa.  "Maykaya ba iyon, anak?" tanong ng nanay ko.  "Hindi lang maykaya. May sinabi at may koneksyon pa. Kaya goodluck na lang kay Conrad." "Ah, gano'n ba?" "Oo." "Naku! Paano na 'yan? Ba't ka ba kasi nagpadalos-dalos ka kanina?" Dinig kong tanong ni Nanay kay Conrad na mukhang namoroblema bigla.  "Nadala lang po kasi ako. Akala ko kasi hina-harass niya si Ate kaya hindi na ako nakapagpigil pa," saad ni Conrad. "Next time kasi kumalma muna kung hindi sigurado. Ako mismo ang hihingi ng saklolo kapag hindi ko kaya." "Oo, ate. Pasensya na talaga. Hindi na mauulit." "Manalangin ka na lang na huwag magsampa ng kaso si Chef Lorkan kung hindi sa kulungan talaga ang bagsak mo," pagtatapos ko saka ako lumabas para ituloy ang pagliligpit ko. Hindi ko na kasi natapos pa iyon.  "Wow! Anong meron, ate?" anang boses na biglang nagsalita. Napalingon ako at nakita kong si Tin-Tin iyon na kadarating lang at naka-school uniform.  "Ba't ngayon ka lang? Anong oras na, ah?"  "School project lang, ate," sagot nito at tumuloy na sa loob.  "Siguraduhin mo lang kung hindi kalbo sa akin, " panakot ko pa sa kanya.  "Okay!" tugon pa nito sa loob.  Napa-iling na lamang ako. Saka ko tinuloy ang ginagawa ko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD