Nicole's Pov
Bumuntong hininga ako bago ako pumasok sa Mansion ng mga Salvartes
Hindi na ako pwede umatras
Nakita ko naman si Manang Lucy kaya agad ko naman siyang nilapitan
" Manang Lucy "
" Oh Nicole, nandito ka pala nag agahan ka na ba? Gusto mo bang kumain muna? " tanong niya saakin habang may hawak na isang tasa na may lamang kape
" Tapos na po " sagot ko " Nasaan po pala si Xavier? " tanong ko
" Ay nasa kuwarto niya hija hindi pa nga yun nag aagahan may importante daw kasing ginagawa sabi ng Señior, balak ko nga sanang dalhan ng kape sa kwarto niya "
" Ako na lang po "
" Sigurado ka ba hija? " takang tanong ni Manang Lucy
" Opo " sagot ko sabay ngiti
Agad namang ibinigay saakin ni Manang Lucy yung tasa na may lamang kape. Humarap naman ako sa hagdan at nag simulang mag lakad papunta sa kwarto niya.
Ilang hakbang lang at himinto na ako sa tapat ng kwarto niya sa may pintuan kung di ko pa na kakalimutan ito yung kwarto niya dito sa mansion. Huminga naman ako ng malalim at kumatok ng tatlong beses sa pinto.
" Señiorito, Si Nicole po ito pwede po ba akong pumasok sa kwarto ninyo? "
Walang sagot
" Señiorito, Si Nicole po ito pwede po ba akong pumasok sa kwarto ninyo? " ulit ko
Wala paring sagot
Nandito ba talaga siya sa kwarto?
Ayaw niya bang mag pa istorbo?
Napailing naman ako at hinawakan ko yung door knob at pinihit ko ito, bukas naman kaya pumasok na ako sa loob ng kwarto.
Pag pasok ko sa kwarto niya napansin ko na sobrang linis nito. Buti na lang at di siya burara na pakalat kalat ang gamit. Halos wala paring pinag bago ang kwarto niya, ito parin yung itsura ng kwarto niya ng mga bata pa lang kami. Nakita ko naman si Bambelbee ang isa sa mga character sa transformer na madalas niyang laruan noong mga bata pa lang kami na naka display pa.
" What are you doing here? " rinig kung sabi niya
Unti - unti naman akong humarap sa kanya
Naka topless siya. Kakatapos lang maligo at kakalabas lang ng cr.
" Ahh! s**t! " sabi ko
Ang tanga tanga mo talaga Nicole masyado ka kasing nakatitig ki Xavier yan tuloy natapon mo yung kape ang worst natapon sa kamay mo.
Agad naman akong lumalikod sa kanya sa sobrang hiya
" Aray " mahinang sabi ko
" Let me see it " rinig kung sabi niya
Nasa likod ko lang siya! Anong gagawin ko?
" Let me see it " ulit niyang sabi
Pumikit naman ako at unti unti humarap sa kanya habang hawak ko parin yung tasa na mabuti na lang at di ko nabitawan kanina. Kinuha naman niya yung tasa at di ko alam kung saan niya dinala. At naramdaman ko na hinawakan niya yung kamay ko yung kanang kamay ko mismo na natapunan ng mainit na kape.
" Mabuti na lang at di kumukulong tubig yung naibuhos mo sa kamay mo "
Mabuti pa ba yun?
" Come let's wash it para ma gamot na "
" A--Ano?! Hi--hindi kaya ko na " medyo utal kung sabi habang naka pikit parin
" Tss fine go to the bathroom and wash it with running water to cool the area for at least 20 minutes"
Galing makautos hah
Tumalikod naman ako sa kanya at humakbang
" Where are you going? " takang tanong niya
" Sa Cr "
" Tss buksan mo kasi Mata mo para malaman mo kung saan ka pupunta "
Unti unti ko namang binuksan yung mga Mata ko
Ay Mali pala hehe
Humarap naman ako sa kabila para di ko siya makita at nag lakad papunta ng cr at pinag lock ko yung pinto sabay hinga ng malalim at humarap sa lababo.
Relax Nicole nandito ka para sa gusto ni Señiora ok yun lang yun
Napailing naman ako at hinugasan ko yung kamay ko na medyo mapula dahil na din sa mainit na kape na tumapon sa kamay ko.
After 20 minutes natapos na din akong mag hugas ng kamay.
Bubuksan ko na sana yung pinto ng banyo ng makita kung di pa siya tapos mag bihis. Kaya naisara ko ulit yung pinto ng banyo.
" Ano dyan ka na lang ba? " rinig kung sabi niya
" Mag bihis ka muna! " sigaw ko
Narinig ko naman na tumawa siya
Anong nakakatawa duon?
Unti unti ko namang binuksan yung pintuan ng banyo at tinakpan ko yung mga mata ko gamit ang kanang kamay ko.
" Ano tapos ka na? " tanong ko
" 5 Minutes " hirit niya
" Dalian mo naman "
" 5 minutes " ulit niya
Grabe ka lalaking tao ang bagal mag bihis dinaig pa babae
" Ano tapos ka na? "
" Yes " sagot niya
" Seryuso? "
" Yes "
Unti unti ko namang tinanggal yung kaliwang kamay ko na nakatakip sa mga mata ko at totoo nga nakabihis na siya at may hawak na cellphone at naka upo sa kama.
" Come sit beside me " utos niya
" A--Ano? " gulat na tanong ko sabay hawak sa dibdib ko
" Ano bang iniisip mo? " takang tanong niya
" Wa--Wala "
" Tss dumi ng utak mo. Umupo ka na dito at gagamuti ko yang kanang kamay mo baka sisihin mo pa ako kung bakit tanga ka at naibuhos mo yung mainit na kape sa kamay mo "
" Grabe hah "
" Umupo ka na dito "
Nag lakad naman ako papunta sa kama at umupo. Tumayo naman siya at nag lakad papunta sa bag niya at may kinuha duon at bumalik at umupo sa tabi ko.
Hinawakan naman niya yung kanang kamay ko at may ipinahid duon na cream.
" Ano yan? " takang tanong ko
" Ointment para mas mapadali ang pag galing " seryuso niyang sabi at nilagyan naman niya ng manipis na tela yung kamay ko napatigin naman ako sa kanya na napaka seryusong ginagamot yung kanang kamay ko " Wag mo munang babasain yung kanang kamay mo and here use this " sabay bigay saakin ng mga ginamit niya " Use it "
" Salamat " sagot ko sabay kuha ng ibinigay niya ointment at bandage
" Be careful next time " seryuso niyang sabi sabay tayo sa pag kakaupo sa kama at tumalikod siya at nag lakad papunta sa veranda ng kwarto niya.