Chapter 8

1148 Words
Xavier's Pov Kinuha ko naman yung phone ko ng mag vibrate ito A text message Agad ko namang binuksan ' Babe it's me, let's talk please I miss you ' Agad ko namang pinatay yung phone ko at binalik ko sa table at kinuha ko yung baso na may lamang alak at agad itong ininom Tumunog ito yung phone ko kinuha ko naman ito agad at sinagot " What do you want?! " singhal ko " Whoo kuya relax it's just me " rinig kung sabi ng bunso kung kapatid na si Zac sa kabilang linya Napabuntong hininga naman ako " What do you want Zac? " malumanay kung tanong " Dad asking kung nagawa mo na ba daw yung blue print for the Hacienda " " I'm working on it I'll just send it to him kapag tapos na ako " sagot ko " Parang stress ka ata kuya? What happened? " takang tanong niya " Hindi lang maganda ang umaga ko ngayon Zac " seryuso kung sabi " O-ok " " Just tell dad na I'll just send the blue print kapag tapos ko na and please take care of momma and trixy habang wala ako " " Ok kuya " Pinatay ko naman yung tawag at inilapag ko yung cellphone sa table. Babalik na sana ako sa ginagawa ko ng matanaw ko si Lola at Nicole na nag uusap mula dito sa kina u-upuan ko sa veranda. Mukhang seryuso ang usapan nila Ano kayang pinag uusapan nila? Teka? Bakit ba ako interesado? Ano bang paki alam ko? Nakita ko naman na sabay silang napatigin sa dereksion ko kaya agad akong umiwas ng tigin at kinuha ko yung basong may lamang alak at ininom yun. " Apo " Napaligon naman ako sa nag salita Si Lolo lang pala Nag lakad siya papunta sa dereksion ko at huminto sa harapan ko " Pasensya ka na di na ako kumatok " " Ok lang po " sagot ko Napatigin naman siya sa ginagawa ko " Yan na ba yung kuwadra? " Tumango ako " Hindi pa yan tapos Lolo ipakita ko pa yan ki dad at kapag may approval na niya saka lang mag susukat at bibili ng materyales para magawa na " " Pasensya ka na apo hah, naabala ka pa namin im is na nasa iskwelahan ka ngayon, Nandito ka at inaasikaso yung kuwadra ng mga alagan natin dito sa hacienda " " It's ok Lolo, Training na din ito para saakin " sagot ko sabay ngiti at kinuha ko ulit yung basong may lamang alak at tumayo sa kinauupuan ko at tumanaw lola Lola at Nicole na nag uusap " May problema ba apo? " Hindi ako sumagot " Hmm pag - ibig ba yan? " Bumuntong hininga ako sabay inom ng alak " Lo, paano ninyo po nalaman na si Lola na yung babaeng para sainyo? " " Paano ko nalaman? Hindi ko alam apo " Napakunot naman yung noo ko " Hindi ninyo alam? " takang tanong ko " Oo pero isa lang ang na si-sigurado ko mahal na mahal ko ang Lola mo at siya lang ang babaeng mahalin ko habang na bubuhay ako " Pilit naman akong ngumiti at bumalik ang tigin ko kila Lola at Nicole " Bakit apo? Hindi ka ba sigurado sa girlfriend mo? " " Naguguluhan ako Lolo, Oo mahal ko siya pero parang nag iba siya, Parang hindi ko na siya kilala " " Paanong nag iba? At paanong hindi mo na siya kilala? " takang tanong ni Lolo " Naging demanding na siya, Na parang gusto niya kanya lang ako " Ngumiti naman si Lolo " Bakit po Lolo? " Takang tanong ko " Natatakot lang siyang mawala ka sa kanya lalo na't may itsura ka paniguradong madaming mag kakagusto sayo " Napailing naman ako sa sinabi ni Lolo " Walang perpektong relasion apo, kami nga ng Lola mo madami din kaming pinag daanan lalo na ang Momma at Daddy mo, Alam mo bang tutol pa kami noon sa relasion nilang dalawa kasi pinag kasundo na namon ang Momma mo sa anak ng mga Villanueva " " Pinag kasundo? Bakit parang walang na e kwento saakin sila Momma tungkol dito? " takang tanong ko " Matagal na kasi yun apo " Kahit na may karapatan naman siguro kaming malaman diba? " Ng mag layas ang Momma mo at tumira sa maynila kasama ang pinsan niyang si Eros nag aral siya sa iskwelahan kung saan ka nag aaral ngayon " " Sa Austen University " Tumango si Lolo " Duon niya nakilala ang Daddy mo malamig daw ang pakikitungo ng Daddy mo sa Momma mo noon dahil na din sa heartbroken ang Daddy mo sa first ex girlfriend niya " " Si Tita Alexa ang kapatid ni Momma " " Palagi daw sila ang nag lalaban sa mga academic ng Daddy mo kwento saakin ng Momma mo hindi daw niya maitatangi na napaka talino ng Daddy mo. Hindi nag tagal nag kasundo na din silang dalawa at na in love sa isa't isa " Hindi ko akalain na ganito ako ka excited sa love story nila Momma at Daddy " Tapos ano pang nang yari Lolo? " takang tanong ko " Bumalik yung mga dati nilang mga kasintahan " " Let me guess Lolo subukan nilang pag hiwalayan sila Momma at Daddy? " " Oo pero hindi sila nag patalo kasi mahal nila ang isa't isa. Ng mag punta dito ang Momma mo sinundan siya ng Daddy mo kasama ang mga kaibigan nito. Nuong umpisa hindi namin siya gusto para dahil may pagka-mayabang din ang Daddy mo " Tumawa naman ako Si Daddy? May pagka-mayabang din pala? " Pero ipinakita niya saamin ng Lola mo kung gaano niya kamahal ang Momma mo " Ngumiti naman ako " At sa huli sila Momma at Daddy din ang nag ka tuluyan " " Oo dahil nag paubaya si Alexa " " Kung nag paubaya si Tita Alexa anong ng yari sa ex boyfriend ni Momma? " takang tanong ko " Namatay siya " " Namatay?! Bakit naman po? Anong kinamatay niya? " " Saka ko na lang e ku-kuwento sayo apo " sagot ni Lolo sabay pilit na ngumiti Kung kelan naman na e kwento na saakin yung love story nila Momma at Daddy saka naman may skip part ang kwento ni Lolo. Bumalik naman ang tigin ko kila Lola at Nicole na nakatigin saamin " Pang ilang girlfriend mo na ba yung girlfriend mo ngayon apo? " Bakit parang interesadong malaman ni Lolo? " First girlfriend ko po Lolo " sagot ko " Baka naman hindi siya ang para sayo " Huh? Napatigin naman ako kay Lolo nakita ko naman na hindi siya nakatigin saakin kaya sinundan ko ng mga mata ko kung saan siya nakatigin Ki Nicole Ki Nicole siya nakatigin Teka? Anong meron ki Nicole?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD