Chapter 7

1080 Words
Nicole's Pov " Nako umuulan na naman mabuti na lang at nakauwi na tayo " rinig kung sabi ni Lola Nakaupo ako ngayon sa upuan na gawa sa kawayan habang nakatanaw sa labas ng bintana " Mukhang masaya ngayon ang apo ko ah " sabi ni Lola sabay umupo sa tabi ko at hinimas yung buhok ko tumigin naman ako sa kanya at ngumiti " Masaya lang po ako Lola " sagot ko sabay ngiti " Siya ba ang reason ng mga ngiti mong yan apo? " tanong ni Lola " Hay nako inay kailagan bang may rason ang bawat ngiti ni Nicole? " sabat naman ni papa sabay tigin saakin " Sabihin mo saakin ang totoo Nicole saan ba kayo nang galing at halos inumaga na kayo ng uwi? " " Ano ka ba wala ka bang tiwala sa anak mo? " sabi naman ni Lola kay papa " Gusto ko lang manigurado Inay " sagot naman ni papa Napabuntong hininga naman ako " Gaya po ng sabi ko sinamahan ko po si Señiorito sa kuwadra ng mga kabayo. Kinuhanan niya ng pictures pagkakuha niya ng ilang pictures umuwi na kami kaya lang habang nasa daan kami inabutan na kami ng malakas na ulan kaya napag pasyahan namin na makisilong kila Manang Rusing " " At pagkatapos noon sa iisang kwarto lang ba kayo natulog? " tanong ulit ni Papa " Opo " " Ano! Sa iisang kwarto lang kayo natulog! Wag mong sabihin saakin na may nang yari sainyong dalawa! Nako kahit na apo pa yan ni Señiora hindi makakaligtas saakin anga lalaking yan! " " Ano ka ba naman Ernesto! Mag hulos dili ka nga at patapusin mo muna ang anak mo " saway ulit ni Lola kay Papa " Opo sa iisang kwarto lang kami natulog kasi dalawang kwarto lang ang meron sa bahay nila Manang Rusing. Isa para sa kanilang mag asawa at isa sa anak nila na nasa maynila. Sa kwarto na ng anak nila Manang Rusing kami pinatulog pero wag kang mag alala papa hindi kami mag katabi " sabay tigin ko kay papa " Ang ibig sabihin ng anak mo nag paubaya si Señiorito at sa kama na pinatulog si Nicole at sa lapag na siya " sabi ni Lola kay papa Umiwas naman ako ng tigin Buti kung ganon ang nang yari Kaso hindi " Tama ba ang Lola mo Nicole? " Tanong ni Papa Bumalik naman ang tigin ko kay papa " O-opo ga-ganon nga po " medyo na uutal kung sagot Hindi ko din puwedeng sabihin sa kanila ang totoo baka bigla na lang mag init ang dugo ni Papa kay Xavier dahil sa hindi nito pagiging gentleman. " Buti naman kung ganon ". Sabi ni papa " Papasok ka pa ba ngayon sa trabaho? " tanong ni Lola kay Papa " Kapag huminto ang ulan pero kung hindi, hindi na rin Inay " sagot naman ni Papa " Papasok lang po ako sa kwarto ko " paalam ko kila Papa at Lola " Sige apo mag gagayak na din ako mamaya para makapag luto " Sabi ni Lola " Nicole tulugan mo sa kusina ang Lola mo hah " sabi ni Papa " Baka naman mag aaral yang anak mo hayaan mo na " " Hay nako! Inay, wag ninyong kunsintihin yan dapat matuto yan sa gawaing bahay lalo na't babae siya " seryusong sabi ni Papa " Tutulong po ako mamaya Lola may gagawin lang po ako sandali " sabi ko sabay ngiti at tumayo sa kinauupuan ko at nag lakad papasok sa kwarto ko Pagkapasok ko sa kwarto ko nakita ko naman ang aso kung si Tere na halatang kakatapos lang kumain agad ko naman siyang kinuha at umupo sa kama at inilapag ko siya sa may hita ko at hinimas himas yung balahibo niya. " Naubos mo ba yung pasalubong ko sayo Tere? Panigurado akong naubos mo yun kasi masarap " sabi ko sa aso ko sabay ngiti Tumigin naman ako sa bandang kanan ko na mayroong maliit na lamesa at nakapatong duon yung picture ni Mama agad ko naman yung kinuha. " Ma, nandito na ulit siya si Xavier yung kababata ko " sabi ko habang hawak yung picture frame ni Mama at nakatigin duon " Binata na siya Ma, madami ng nag bago sa kanya hindi na siya yung dating batang palaging napapagalitan ng mga magulang niya at may pagka - mayabang na din siya pero Ma, mabait parin siya katulad noon. Pero hindi ko alam kung mag kaibigan parin kami. Panigurado kung nandito ka Ma makikilala mo siya " niyakap ko naman yung picture frame ni Mama " Miss na miss ka na po namin Mama, Miss na miss na po kita " seryuso kung sabi habang unti - unting tumulo yung luha ko " Arf! " Napatigin naman ako sa aso kung si Tere na nakatigin din saakin " Ano ka ba Tere ngayon lang ako nag da-drama sinisira mo pa " sabi ko sa kanya sabay pilit na ngumiti at pinahid ko yung luha sa mukha ko Ibinalik ko naman yung picture frame ni Mama kung saan ko ito kinuha at kinuha ko naman yung katabi nitong libro at nag basa Pero ng bubuklatin ko na ang libro may nakaipit na papel na nahulog sa libro agad ko naman itong kinuha at binuksan at binasa ang laman Nako pano ito? Malapit na naman pala yung exams namin paniguradong kulang na naman yung pera ko paano ako nito makakapag exam? Tumayo naman ako sa pag kakaupo sa kama at pumunta sa drawer ko at kumuha ng jacket at isinuot ko at kinuha yung payong sa ibabaw ng drawer at lumabas ng kwarto. " Oh Nicole saan ka pupunta? " tanong ni Lola " Sa school po Lola may importante lang po ako aasikasuhin uuwi din po ako agad pakisabi na lang po kay Papa " sabi ko sabay binuka ko na yung payong at nag lakad na paalis ng bahay. Ilang sigundo ako nag lakad hanggang sa makalabas na ako ng gate ng Hacienda Salvartes at nag abang ng masasakyan. " Kuya para! " sabi ko sa isang tricycle na na kita ko agad naman itong huminto sa tapat ko at sumakay na ako " Kuya sa University nga po " pagkasabi ko nuon agad na pinaandar ni kuya driver yung tricycle paalis. Sana naman papayag ko ulit yung sa accounting department na makapag exam ako kahit huli na ang bayad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD