Chapter 11

1289 Words
DENZEL POV Pagpasok ko pa lang sa aking restaurant ay nabungaran ko na agad ang isang pamilyar na mukha na hindi ko makakalimutan.Bagaman limang taon na ang nakakalipas nasa ala-ala ko pa din ang hitsura ni Sunny. Nasa counter area ito at busy sa pag-aasist sa isang crew na kumukuha ng order sa customer.Hindi ko maiwasan ang mapatitig dito at bigyang papuri ang napakagandang mukha nito na mas lalong gumaganda kapag ngumingiti ito sa mga customers. Pagkatapos ng gabing may mangyari sa amin pinahanap ko siya kay Bartolome dahil ayaw Kong matapos lamang doon ang namamagitan sa Amin .Gusto ko siyang kilalanin at kung maaari sana ay wag matapos lamang sa isang gabing iyon ang namamagitan sa Amin pero sa kasamaang palad ay hindi ko na ito nakita .Kaya nagulat ako na after five years ay makikita ko muli siya at sa restaurant ko pa nagtatrabaho. Hindi ako marunong dumiskarte sa mga babae kaya nga si Bartolome ang malimit naghahanap ng babae para sa akin kung minsan kailangan ko ng mapapagparausan. Tinamaan ako kay Sunny at desperado na akong makasama siya kaya inalok ko siya ng pera para muling makipag one night stand sakin .Pero hindi ko akalain na tatanggihan niya ako.Mukhang mas napasama ako dahil sa pag-aalok ko dito. "Ms.Madelyn asan si Ms.Monroe.?"tanong ko sa manager ng aking restaurant pagkalabas ko ng aking opisina. "Masama po Sir ang pakiramdam pagkalabas ng opisina niyo.Bakit po may kailangan po ba kayo?"Balik na tanong sa akin ni Madelyn "A-Ah wala naman..Tell her to report to me at the main office once pumasok na siya."bilin ko dito. Hindi ako kumbinsido na sumama ang pakiramdam ni Sunny siguro ay sumama lamang ang loob niya dahil lang sa ginawa ko kaya ninais na niyang umuwi.At naiinis ako sa sarili dahil sa ginawa ko pero desperado na ako.Di ko alam kung paano ko siya iaapproach. "Bakit po Sir may nagawa po bang mali si Sunny para magreport siya sa inyo?"muling tanong sa akin ni Madelyn. "May mahalaga lamang ako sasabihin sa kaniya."matipid na sagot ko sa tanong niya. Pagkatapos ng paguusap namin ni Madelyn ay umalis na ako.Dumeretso na muna ako sa condo ko instead umuwi ng mansyon.Gusto ko munang mapag-isa at makapagpahinga ng tahimik. Pagkarating ko sa unit ay dumeretso na muna ako ng banyo para maligo.Hindi ko alam bakit hanggang sa paguwi ko ay nasa isip ko pa din Ang mukha ni Sunny.Alam ko nasaktan ko ito kanina dahil nakita ko kung paano mamuo ang mga luha sa mga mata niya at parang tinutusok din ang dibdib ko na makita siyang nasaktan ko. Wala naman ako magawa para makahingi ng sorry sa kaniya.Hindi din ako Ang tipo ng lalaki na manunuyo sa babae pero pagdating kay Sunny para gusto Kong lumapit sa kaniya at humingi ako ng tawad pero di ko lamang kayang gawin. Nakakaramdam ako ng hiya dito at natatakot din akong baliwalain niya. Ewan ko ba una ko pa lang Makita si Sunny mukhang tinamaan na yata ako sa kaniya lalo na nung maangkin ko siya ng buong -buo.Bagaman wala siyang ginawa nung gabing iyon ay nabaliw pa din ako sa kaniya.Nakikita ko sa kaniya ang pagiging inosente niya sa mga bagay at ang pagiging simpleng tao niya na gustong -gusto ko.Dagdagan pa ng napakagandang mukha ,napakasexy at hot na body figure na nakakaturn on sa aking p*********i. Hindi na muna ako muling bumalik sa store at hinintay ko na lang muna na makapagreport sa akin si Sunny para makausap ko ito at makahingi ako ng tawad sa kaniya.Iyon lamang Kasi ang naisip Kong paraan para makausap siya. Hinintay ko ang pagrereport niya sa akin pero nakailang araw na yata ang lumipas at hindi pa din ito nagpapakita sa opisina ko.Kaya naman naisipan ko pumunta ng store para alamin kay Madelyn ang dahilan.Nag-aalala ako para dito na baka talagang may iniindang sakit. Dumeretso na ako kaagad sa loob ng restaurant para hanapin si Madelyn at alamin ang nangyari.Ngunit ang kaagad kong nabungaran ay si Sunny na nakikipagtawanan sa isang lalaking crew na tila ba sayang -saya ito sa presensya nito.Nakaramdam ako ng inis dahil sa nakita ko ,Hindi ko alam kung dahil ba nagseselos ako o dahil dinadala pa nila sa trabaho ang pakikipagtsismisan. Natigilan lamang sila ng mapansin ako ng lalaking kausap nito at walang sabing bumalik ito sa area ng trabaho niya samantalang si Sunny ay napalingon pa kaya pinukulan ko siya ng masamang tingin.Mabilis din naman niyang iniiwas ang tingin sa akin at nagpunta na din sa kaniyang area of responsibility. "Ms.Monroe at my office now?"Seryosong sambit ko na ikinalingon at ikinagulat ni Madelyn at ng iba pang mga crew. Hindi siya lumingon sa akin pero alam Kong narinig niya iyon dahil hininto niya ang ginagawa niya. "Narinig mo ba ang sinabi ko Ms.Monroe?"Saka pa lamang ito lumingon sa akin. "Y-yes Sir." Tumalikod na ako at pumunta na ako ng opisina.Sumunod na din naman sa akin si Sunny.Pagkapasok niya pa lang ng pinto ay kaagad ko siyang kinabig sa kaniyang bewang at hinalikan sa labi. Nagulat siya sa ginawa ko kaya pilit niya ako itinutulak pero malakas ako at hindi ako nagpatinag sa kaniya.Namiss Kong halikan ang malambot niyang labi. Naubusan siya ng lakas sa pagtulak sa akin kaya naging banayad na ang naging paghalik ko sa kaniya kahit di niya ako tinutugunan.Pero naramdaman ko ang mga luhang umagos sa pisngi niya kaya natigil ako sa ginawa Kong paghalik sa kaniya.Nakaramdam ako ng konsensya dahil sinaktan ko na naman ang babaeng mahalaga sa akin. "S-sunny I'm sorry!Di ko sinasadya."Masamang tingin ang ipinukol niya sa akin at alam Kong galit ito sa akin. Lumapit ako sa kaniya para yakapin siya pero umiwas siya. "I'm sorry!Patawarin mo ako !Nadala lang ako ng emosyon ko.",Paghingi ko ng despensa sa ginawa ko. "Ito po ba ang ipinunta ko dito o may iba pa kayong sasabihin?"bakas sa tono ng boses nito ang galit. "G-gusto kong malaman kung bakit hindi ka nagreport sa akin?And ....gusto ko ding malaman mo na Hindi ko inaallow ang makipagtsismisan sa kapwa mo katrabaho sa oras ng trabaho."Medyo nauutal kong tugon dito. "Pasensya na kayo kung hindi Ako nakareport .To be honest with you po..Hindi ko po sana kayang humarap sa inyo.Lastly ,noted po di na po mauulit na maaabutan niyo na nakikipagtsismisan ako.Nandito na din naman po ako maari ko bang malaman kung bakit niyo ako pinagrereport?" "A-Ah gusto ko lang sana humingi ng pasensya sa huling encounter natin .Di ko sinasadya na magoffer....." "No need sir to apologize.Alam Kong bayadan na babae ang tingin niyo sa akin.At alam Kong yun ang nakatatak sa isip niyo at hindi yun Basta mawawala.Dahil kahit ako nangliliit din ako sa sarili dahil yun din ang nasa isip ko at hindi din yun mawala-wala sa isip isip ko.Akala ko nga nakamove on na ako pero nung makita ko kayo at nagawa niyo pa akong offeran muli bumalik na Naman sa akin ang mababang tingin ko sa sarili ko.Isa pa din akong bayadan na babae..Hindi na ako yung babaeng karespe-respeto sa iba.Kaya pasensya na po kayo kung umiwas ako at di nagreport sa inyo..Inform ko na lang din po kayo nasa table niyo na po ang resignation ko .Magrender lang po ako ng 15 days.Pasensya na po at hindi ko kayang magtagal sa restaurant niyo.Kailangan ko lang isalba yung sarili ko at lumayo sa inyo."humihikbing litanya nito. Nakaramdam ako ng awa sa kaniya at inis sa sarili ko.Hindi ko iniisip na bayadan siyang babae .Iyon lang talaga ang naisip Kong gawin para makasama siya. Wala na akong nagawa kundi hayaan itong umalis.Napayuko ako sa lamesa ko at nakita ko ang isang brown na envelope.Binuksan ko iyon at resignation iyon ni Sunny. Napasipa na lang ako sa table ko sa inis sa sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD