Chapter 10

1634 Words
Sa gawing likod daw ang maliit na office ni boss dito sa restaurant.Maliit lang daw ito dahil bihira lang naman siya magoffice dito. Kumatok ako ng tatlong beses saka ko binuksan ang pinto ng opisina nito.Pumasok ako kaagad pagkabukas nito at halos mailaglag ko ang mga dala Kong papel dahil sa gulat ko sa pamilyar na taong nasa harap ko.Halos mapako ako sa kinatatayuan dahil hindi ako maaring magkamali na ang boss ko ay ang lalaking nagbayad sa akin ng isang milyon kapalit ng katawan ko.Napalunok pa ako ng tatlong beses nang magkatitigan kami.Hindi ko alam kung natatandaan niya pa ba ako o hindi na . Ilang segundo din iyon bago pa ako nakabalik sa sarili Kong ulirat. "A-Ah Sir heto po yung papers na pinadala ni Ms.Madelyn."halos nauutal kong sambit sa boss namin.Tumalikod na ako kaagad at lalakad na sana palabas ng pinto ng magsalita ito. "Hindi mo man lang ba babatiin ang boss mo?" Bumaling akong muli sa kaniya at nakangiti itong nakatingin sa akin na tila ba pinapasadahan ng tingin ang buo Kong katawan kaya nakaramdam ako ng pagkailang. "Good afternoon po sir."matipid na bati ko sa kaniya pero nagiwas ako ng tingin sa kaniya dahil pakiramdam ko matutunaw ako sa mga titig nito. "Kamusta ka?"biglang tanong nito na ikinagulat ko kaya muling napatingin ako dito.Napakunot pa ng kaunti ang noo ko Dahil sa sinabi nito. "I mean kamusta ka sa trabaho mo?"paguulit nito. "M-mabuti Naman po Sir."matipid na sagot ko sa kaniya. "That's good.Kung may kailangan ka sabihin mo lang."Para bang naasiwa pa ako sa sinabi nito.Ewan ko lang pero kung may kailangan man ako di ako magsasabi dito unless tungkol sa trabaho yun. "S-s-ige po Sir .Pwede na po ba akong umalis?"nauutal ko pang tanong.Pakiramdam ko hindi ko kayang magtagal sa presensya nito. Tumango lang ito sakin pero ang buong atensyon niya ay nasa katawan ko na siyang ikinainis .Pakiramdam ko minamanyak na ako ng boss ko.Mabilis na akong lumabas ng kwartong iyon .Napasandal pa ako sa likod ng pinto at napabuga ng hangin Mula sa bibig ko.Sobrang bilis ng t***k ng puso.Hindi ko ineexpect na makikita ko at boss ko pa pala ang lalaking naka one night stand ko.Sigurado ako na tanda niya pa ako base sa mga tingin niya sa akin. Ikinakatakot ko pa hindi niya maaring malaman na nagbunga ang gabing ginamit niya ako.Puno ang utak ko ng mga isipin iyon at hindi ko namalayan na nakabalik na pala ako sa kitchen ng restaurant. "Sun kamusta ?Naibigay mo ba sa gwapong boss natin ang mga papers?"Tanong sakin ni Made "Huh!A-Ah oo ..Nabigay ko na."tugon ko dito. ",Oh Anong nangyari sayo?wag mong sabihin na nasstarstruck ka sa kagwapuhan ng boss natin.Hindi ka namin masisisi dahil sobrang gwapo naman niya talaga.Lahat kami dito pinagpapantasyahan ang boss natin pero wag Kang maingay..Atin-atin lang yun."Napakunot ang noo ko sa mga sinabi nito. "Gwapo????Hmmp!!!Parang hindi naman!!!Manyak nga!!!"Pabulong yung huli pero narinig pa din pala ni Made . "My God Sunny !!!Ikaw lang nagsabi na hindi gwapo ang boss natin.Saka bakit minanyak ka na ba niya para sabihin mong Manyak siya?" "Huh!!!ah!!Hi-hindi Naman pero kung makatingin siya feeling ko may something."mautal-utal Kong tugon kay Made. "Pero kung Ako ang Mamanyakin papayag na ako ."tila malanding sambit ni Made .Napailing na lang ako sa sinabi nito.Hindi ko na sinabi kay Made na Ang boss namin ay siya palang naka one night stand ko dahil nahihiya ako.Saka ayoko na muling maopen pa yung nakaraan ko dahil baka maissue pa ako at mabalita pa na nagpagamit ako dahil sa pera.Isang malaking kahihiyan yun para sa akin. Nagderetso na akong muli sa trabaho at pilit Kong iwinaksi sa isipan ko ang pagkikita naming muli.Akala ko Hindi ko na ito muling makikita pero nung kinagabihan na at iilan na lang ang customers napagawi ito sa loob ng restaurant.Nagmamasid ito sa counter area pati sa mga crew na nagseserve sa mga customers. Nagtama ang paningin namin sa isat isa kaya mabilis din akong nag-iwas .Pumasok na lang ako sa kitchen at doon naghanap ng maaring gawin kahit di ko naman talaga trabaho ang sa kitchen. "Ma'am ako na po dito.Di niyo po trabaho iyan ."Suway sa akin ni Tina na isang crew ",It's ok Tina.Wala na akong ginagawa kaya dito na ako.Madami ka pang gagawin kaya tulungan na kita."Nakangiting sambit ko dito.Napatingin akong muli sa kinaroroonan ng boss namin at andoon pa din ito at nakatingin pa din ito sa akin kaya mas lalo pa akong naasiwa dito. Akala ko makakahinga ako ng maluwag dahil sabi ni Madelyn ay isang beses lamang daw sa isang buwan pumupunta dito sa restaurant ang boss namin.Pero bakit halos sa loob ng isang linggo ay araw -araw itong dumadaan sa store. "Kaibigan akala ko ba isang beses lang sa isang buwan pumupunta dito si boss .Bakit parang araw -araw na yata?"Pabulong na tanong ko kay Made. Ibinulong ko lang iyon dahil baka marinig pa nang boss namin na nasa dining area at kausap ang customers. Bagaman Hindi naman ako nito pinapansin pero nakikita ko ang paminsan -minsang pagsulyap nito sa akin na siyang ikinaiiwas ko naman. "Hindi ko nga din alam Sun.Ngayon lang naman iyan nag araw -araw ng punta.Dati naman ay isang araw lang talaga." "Ms.Madelyn kamusta ang mga tao mo dito?"Boses ng boss namin na nasa likod ko lang pala.Biglang bumilis ang t***k ng puso ko at halos di na naman ako makagalaw nang malanghap ko ang pamango nito.Tila ba bumalik sa isip ko ang gabing magkaniig kami dahil sa pamangong gamit nito.Ganitong -ganito ang amoy nito ng gabing iyon. "Maayos Naman po Sir.Lahat naman sila ay masisipag at dedicated sa work nila."tugon ni Made. "Ang assistant mo kamusta ?Pwede na ba siya for promotion?"sunod na tanong nito na hindi ko masyado naintindihan dahil iba Ang nasa isip ko. "A-Ah excuse me po ...Mag CR lang po."pag-iwas ko sa pag-uusap ni Made at ni boss.Mabilis akong tumakbo papunta ng Cr at kamuntikan pa akong madapa dahil sa pagmamadali ko. Dito ako huminga ng malalim.Naginhale exhale pa ako. "Sunny...tapos na iyon...wag mo nang isipin !Move on!!Nakamove on ka na di ba???",pagkausap ko sa sarili ko. Napailing -iling pa ako dahil kahit anong gawin ko di ko pa din talaga makalimutan.Ilang minuto din ako sa Cr bago ko napagpasyahan na lumabas. Wala na doon si boss ng lumabas ako kaya naman nakahinga ako ng maluwag. "Sun bat ang tagal mo sa Cr.May good news at bad news pala ako sayo." "Anong good news at bad news Naman yan?" "Good news possible na mapromote ka na after three months."Masayang balita nito sa akin . Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi sa good news na iyon dahil di nga ako sigurado kung tatagal pa ba ako ng three months kung palaging andiyan ang boss namin. "Ay ano Naman ang bad news?" "Bakit parang hindi ka naman masaya sa good news?" "Masaya Naman ako kaya lamang baka di din ako abutin ng three months.Balak ko ding lumipat sa iba ."ikinagulat ni Made ang sinabi ko. "Huh!!mukhang yan ang bad news ah..Bakit naman?" "Di pa naman final yun ...Baka sakali lang pero hindi ako fully decide dun.Oh ano ba bad news?" "Kapag napromote ka ililipat ako ng ibang store kaya maghihiwalay din tayo."malungkot na balita niya sa akin. "Hmp !!mukhang mas matutuloy ang pagresign ko kapag ganoon.Pero anyway wala pa naman tayo sa mga oras na yoon kaya magwork na tayo ng makauwi na tayo."pagbabago ko na lang ng usapan. "Oo nga friend..Ay oo nga pala pakidala mo daw itong kape kay boss sa office niya."utos sa akin ni Made "Ako talaga daw magdadala?" "Oo bakit?ayaw mo ba?" "A-Ah Hi-hindi naman .Sabi ko nga ako magdadala."Kinuha ko na Ang kape at nagtungo na ako sa opisina ni Boss. Kumatok lang ako at pumasok na din kaagad pagkatapos. Sinalubong ako ng tingin ni boss pero di na ako tumingin sa kaniya.Inilapag ko na lang Ang kape niya sa table niya. "Sir kape niyo po." "Salamat." "M-may kailangan pa po ba kayo ,kung wala na po aalis na ako ." "Ahmm...May kailangan pa ako...Maupo ka muna."Itinuro niya ang upuan na nasa harap at kahit nagaalangan ako ay naupo ako doon. May kinuha itong kapirasong papel sa drawer niya at iniabot sa akin. Tiningnan ko iyon at isang cheke. "Sir anong gagawin ko po dito?"tanong ko sa kaniya. Hindi muna ito kaagad nakapagsalita.Nilaro -laro pa nito ang ballpen na hawak niya habang nakatitig sa akin. Makamaya-maya ay tumayo pa ito at pumunta sa likod ko.Naramdaman ko ang paghawak ng kamay niya sa balikat ko at bahagyang minasahe pa iyon kaya naman naramdaman ko ang pagtatayuan ng mga balahibo ko.Hindi na ako nakagalaw sa pwesto ko dahil sa ginawa niya. "Name your price.I want you to be with me tonight.I miss you!!",bulong nito sa Puno ng tenga ko.Hindi ko maipaliwanag ang halo-halong emosyon na nararamdaman ko.Namuo ang mga luha sa aking mga mata.Bumalik sa akin ang pakiramdam na sobrang baba ng tingin ko sa sarili dahil nagpagamit ako dahil sa pera. Halos manginig ang buong katawan ko sa bawat paghaplos niya sa balikat ko kaya di ko napigilan na tabigin ang mga kamay niya at pukulan ko siya ng masamang tingin.Napatayo ako at napalayo sa kaniya na tila ba isa siyang virus na nakakahawa. "Pasensya na po ...Hindi ko maiibigay ang kailangan niyo..Hindi ko din po kailangan ang pera niyo ."Mabilis na wika ko saka ako nagmadaling lumabas ng kwarto niya. Dumeretso ako ng Cr at doon ako napahagulhol ng iyak.Naaawa ako sa sarili ko dahil lang sa isang gabi na iyon pakiramdam ko pwede na akong bilihin ng kahit na sino.Pakiramdam ko iniisip nila na isa talaga akong bayadan na babae na pwedeng ulit -ulitin. Dahil sumama na ang pakiramdam nagundertime na lamang ako.Nagpaalam na ako kay Made na uuwi na ako dahil masakit ang ulo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD