Chapter 9

1380 Words
5 years later Pagkabukas ko pa lamang ng bintana ng aming bahay ay naamoy ko na kaagad ang sariwang hangin na nagmumula sa paligid.Langhap ko na din ang amoy ng tanim ni Papa na palay.Kaysarap panoodin ng maganda at tahimik na Lugar na ito.Hindi ako nahirapan na mamuhay dito sa loob ng limang taon. Pumunta na ako sa kusina at nagtimpla ng kape.Gising na din si Papa at Mama na nakaupo sa sofa kasama si Lola na nagkakape na din. "Anak nakapagluto na kami ng Lola mo. Maya -maya gisingin mo na ang anak mo at pakainin mo na para magayakan mo na.Excited pa naman yun sa first day of school niya ngayon."sambit ni Mama sa akin "Opo mama .Magkakape po lamang ako .Maaga pa naman."Tugon ko kay Mama. Pagkatapos ko magkape ay pinuntahan ko na sa kwarto ko si Ivan. "Honey wake up!First day of school.Hey!!Honey!!Wake up!!!"paggising ko sa anak ko.Kiniliti ko pa ito sa tagiliran at pinupog ng halik kaya naman nagising din ito. "Mama... Inaantok pa po ako."mumukat -mukat na sambit nito kaya naman kinandong ko ito. "Stand up na ikaw para magising ka na ng tuluyan.Sabi mo excited ka sa first day of school."Mabilis itong tumayo at tumalon talon pa mawala ang ang antok. "Di na po ako antok Mama.Yes po Mama excited na ako pumasok sa school."Napakabait at napakacute ng anak ko na si Ivan. Apat na taon na si Ivan at papasok na siya sa school.Akala ko hindi ko makakaya ang maging isang ina kay Ivan.Labing -walong taon pa lang ako nang mabuntis noon at sobrang depression din ang naranasan ko nang malaman Kong buntis ako. Hindi ko ginusto Ang mabuntis at naisip ko pang ipalaglag ang anak ko pero nung mailuwal ko na siya pinagsisihan ko ang naisip ko.Hanggang ngayon pinagsisihan ko na naisip ko na ipalaglag si Ivan.Kung tutuusin kung may isang bagay na hindi ko na pinagsisihan ay iyon ay ang pagkakaroon ng anak sa lalaking hindi ko kilala.Napakaswerte ko sa anak ko ngayon dahil makita ko pa lang siya nawawala na ang pagod ko at nagkaroon pa ako ng inspirasyon kaya natapos ko ang dalawang taon ko pa sa kolehiyo sa tulong ng aking mga magulang. Hinatid na namin ni Papa sa school si Ivan sakay sa kaniyang pampasaherong jeep. "Anak behave ka sa school.Makikinig ka sa teacher.",bilin ko sa anak ko "Yes po Mama.Big boy na ako don't worry." "Hmp!!ineenglish mo na si Mama ngayon huh." "Ay di ba po lagi niyo naman ako tinuturuan magbasa sa English tapos kinakausap niyo naman din ako ng English pati sina Tita at Tito kaya marunong na ako magenglish." "Wow Naman!!galing naman ng honey ko.Magiingat sa school .Babalikan kita later para sunduin ." "Yes Mama.Wait po kita.Makikipagfriends po ako sa mga classmate ko." "Yes anak ..Good thing yung marami Kang kaibigan." Pagkahatid namin kay Ivan ay sumama muna ako kay Papa na mamasada dahil dalawang oras lang naman ang klase ng anak ko.Mga dalawang ikot lang iyon ng pamamasada para deretso uwi na ulit kami. "Mama!!May three star ako!!!"tuwang sigaw sakin ni Ivan ng sunduin ko siya pagkatapos ng klase niya . "Wow naman!Very good talaga ang honey ko."papuri ko sa anak ko. "Thank you po Mama.Bukas po gagalingan ko ulit "Sambit nito sabay buhat ko sa kaniya para makasakay na kami sa unahan ng jeep. Hindi naman ganoong kainit pa ang byahe dahil malawak na bukirin din ang dinadaanan namin pauwi sa amin. Pagdating namin sa bahay sigaw din si Ivan sa Lola niya at tuwang -tuwa na ibinalita ang three star na nakuha niya. Tuwang -tuwa din naman si Mama sa apo niya .Mabilis din ang panahon dati ang liit liit pa ni Ivan pero ngayon kabilis bilis ng tumakbo. "Oh anak anong balak mo ?Malaki na si Ivan at nakatapos ka na din naman ng kolehiyo."Tanong sa akin ni Mama habang busy ito sa pagsasalang ng sinaing para sa tanghalian namin. "Nag-usap na po kami Ivan Mama payag naman siya na magwork ako sa malayo Basta lagi daw ako tatawag sa kaniya.Balak ko po magapply na sa Manila.Nakausap ko si Madelyn hiring daw sa fast food chain niya ng assistant manager.Pwede Kong subukan iyon."tugon ko kay Mama "Okey na ba sa iyo ang lumuwas ng Manila.Kaya mo na ba?"nag-aalalang tanong ni Mama. "Opo Naman Mama.Limang taon na din naman nag nakalipas.Nakamove-on na ako sa nangyari at masaya na ako ngayon.Hindi naman ako nag-aalala na maiiwan ko ang anak ko dahil hindi naman siya malulungkot.Sanay na sanay siya sa aruga ninyong lahat dito." "Abay oo naman anak .Spoiled na spoiled yan sa lahat ng tao dito palibhasa ay unang apo at pamangkin ng mga kapatid mo." Lumuwas ako ng Manila kinabukasan at nakipagkita ako kay Madelyn para masamahan ako mag-apply .Sa apartment niya na din ako tumuloy para naman may kahati ako sa mga gastos. Natanggap ako bilang assistant manager ni Madelyn.Hindi naman ako nahirapan dahil ito mismo ang nagtrain sa akin. Naging maayos naman ang trabaho ko dahil mababait lahat ng mga nakasama ko.Maayos din ang pamamalakad ni Madelyn bilang manager kaya naman smooth lang working environment namin.Walang gaanong stress.Pagod lamang dahil sa dami ng customers araw -araw na which is sobrang better para sa company. Palagi din ako tumatawag sa anak ko at walang araw na hindi kaya naman hindi gaanong nalulungkot ang kami pareho ng anak ko. Nakaisang buwan na din ako sa trabaho ko kaya naman humingi ako ng dalawang araw na off kay Madelyn para makauwi saglit sa probinsya.Pumayag naman ito basta babalik din daw ako kaagad dahil kailangan na kumpleto ang staff kapag nagvisit may -ari ng fast food chain. Sa loob ng isang buwan na hindi ko nakita ng personal ang anak malaki na agad ang inilaki nito.At mas lalo itong pumugi. Inenjoy ko ang dalawang araw na bakasyon ko kasama ang anak ko.Namasyal kami at sobrang nagalak ang anak ko sa paggala at paglalaro sa amusement park. Bagaman bitin ako sa bakasyon pagkatapos ng dalawang araw ay bumalik na akong muli sa Manila para sa trabaho ko. "Kamusta naman ang bakasyon mo sa probinsya?"Tanong sa akin ni Madelyn habang nirerebisa ang papel ng delivery. "Bitin kaibigan pero sulit naman.Nagenjoy naman ang anak ko."Tugon ko dito habang ako naman ay chenecheck ang mga stocks namin kung sasapat ba ito for a two days operation. "Excited na akong makita ko anak mo Sun." "Para namang makakasama ka sa akin sa probinsya .Hindi nga tayo pwede sabay mag off di ba." "Dalhin mo na lamang siya dito soon." ",Naku!Mas gusto ko ang buhay niya doon sa probinsya.Saka nag-aaral na iyon mahirap na madala ko siya dito." "Teka!Teka!anong oras na ba?"tila aligagang tanong ni Made. "Alas dyes na .Bakit?"tanong ko "Dadating na si boss ng eleven.Once a month dumadaan yun sa store niya para magvisit at magoffice ng isang araw.Kaya check your place Kasi baka mamaya may mapansin na di kanais nais ang boss natin naku lagot tayo."Medyo nakaramdam din ako ng kaba dahil first time ko din mamemeet ang ang may-ari ng pinagtatrabahuhan at hindi ko alam kung mabait ba ito o hindi. Napansin ko ang pagkabusy ng mga kasamahan ko kaya naman itinuon ko na din ang sarili ko sa maayos na pagtatrabaho ko.Dumadami na din ang customers kaya naman tumutulong na din ako sa mga crew sa pag-aassist. Mas lalo dumami ang customers ng sumapit ang alas -dose at hindi ko na din namalayan na dumating na daw pala si boss.Nakapagmasid na daw ito sa counter area at wala akong kaalam-alam dahil sobrang busy namin lahat. Ganoon naman daw iyon Basta na lamang na dumadating at umaalis.Hindi daw ito palabati sa mga tauhan niya pero mabait naman daw ito. "Made bakit Hindi mo naman ako sinabihan na andyan na Ang boss natin .Baka mamaya may pagkakamali pala ako." "Busy tayo kanina.Saka mas gusto ng boss na focus tayo sa work.Ayaw niyang focus lang tayo kapag andyan siya kaya mas gusto niya na di alam na andyan siya." ",So ano nakaalis na siya?" "Hindi pa.Nasa office niya pa.Tinatapos niya ang end of shift ng operation bago siya umalis.Actually ipapadala ko to sayong mga papel dahil palagi niya itong nirerebesa tuwing pumupunta siya dito." "Ah ganon ba?Saan ba office niya."Kinuha ko kay Made ang mga papel at itinuro naman nito kung saan ang office nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD