Chapter 8

1468 Words
SUNNY'S POV Isang buwan akong hindi umuwi ng bahay pagkatapos ng nangyari samin noong lalaki na hindi ko alam ang buong pangalan.Nakakausap ko naman ang pamilya ko at puro alibi lang ako sa kanila.Nagagalit sila sa Hindi ko paguwi pero di ko pa din sila sinunod dahil di ko pa kayang humarap sa kanila.Pakiramdam ko ang dumi -dumi ko ng babae pagkatapos ng gabing iyon.Kinupkop muna ako ni Madelyn at yung perang naipon ko ang aking ginastos pangbili ng pagkain ko. Nasa apartment lang ako nito at hindi lumalabas.Di na din ako pumasok dahil nawalan na ako ng gana at pakiramdam ko nangliliit na ako sa sarili ko. Nakalaya din naman si Papa noong gabing iyon na nakipag one night stand ako.Alam kong nag-aalala sila sa akin pero di ko mapilit ang sarili ko na umuwi ng bahay.Dumadaan ang araw noon na Basta na lang ako nakatulala at palaging malalim ang iniisip. Big deal sa akin ang ingatan ang p********e ko pero nawala yun sa isang iglap dahil sa halagang isang milyon.Hindi ko naman magawang mapagsisihan ang ginawa ko dahil kapalit niyon ay kalayaan ng Papa ko.. Napagdesisyunan Kong umuwi nang makaisang buwan na ako sa apartment ni Made dahil nahihiya na din naman ako sa kaniya.Hindi naman ako pinapaalis nito pero ayaw ko din naman maging pabigat dito. Ang daming tanong nina Mama at Papa nung Makita nila akong umuwi pero ginawan ko pa din ng paraan na Hindi nila malaman ang nangyari sa akin. Hanggang sa nakaisang linggo ako sa bahay.Napansin ni Mama na Hindi ako pumapasok sa school tapos palagi akong tamlayin. Hindi ko din inaasahan na may mararamdaman ako isang umaga.Bigla na lamang akong nagsuka sa hindi ko malamang dahilan.Nakaramdam din ako ng hilo at pakiramdam ko hinang -hina ako. "Sunny anak sabihin mo nga sa akin kung ano ba talaga nangyari sayo nung umalis ka.Napapansin ko sayo di ka na pumapasok ngayon tapos palagi ka tamlayin.Tapos ngayon para kang buntis na may morning sickness.May aaminin ka ba sa Amin ng Papa mo?"Tanong ni Mama sa akin. "Mama baka nalamigan lang po ako kaya ako nagsuka.Saka di na po muna ako papasok para di na makadagdag sa gastusin natin.Sa sunod na taon na lamang po ulit."Pinipilit ni Mama na alamin sa akin kung ano ba talaga ang nangyari sa akin.Di ko Kasi maiwasan ang maging tamlayin at di ko alam kung bakit.Pero kinakabahan ako na baka buntis ako delayed na ako isang linggo.Ayaw ko muna aminin iyon kina Mama dahil baka naman nalamigan lang nga talaga ako. Ngunit dumaan pa ang ilang araw at palaging ganon ako tuwing umaga.Feeling ko nga nabawasan na ako ng timbang dahil sa kakasuka ko.Napansin din ni mama na palagi akong naghahanap ng mangga at alamang. "Sunny halika nga dito."Tawag sa akin ni Mama saka iniabot ang isang kit.Pregnacy test. "Mama ano to?" "Pumasok ka sa Cr at Lagyan mo dito ng kaunting ng ihi mo."utos sa akin ni Mama "Pero Hindi naman po ako buntis .Masama lang siguro talaga ang pakiramdam ko." "Sunny ,sa dami niyo alam ko ang senyales ng buntis.Ayaw mong sabihin sa amin ang totoo ,Hala!pasok sa loob ng banyo at gamitin mo ito."Sumama pa talaga sa akin si Mama sa loob ng banyo para tulungan ako na gamitin ang kit. Si Papa ay nanonood lamang kanina sa amin at wari koy nakikiramdam din sa mga nangyayari sa akin.Pero hindi ko kinakitahan ng galit si Papa sa akin.Pilit niyang iniintindi ang hindi ko pagsasabi ng totoo at hindi ko alam kung ano ang nasa isip nito. Si mama na ang naglagay ng kaunting ihi ko sa kit.Sobrang bilis ng t***k ng puso at hindi ko maintindihan ang kabang nararamdaman ko.Gusto ko na lamang bumuka ang lupa at kainin na lamang ako nito para makawala ako ng oras na ito. Hindi ko maiwasan ang paglaglag ng aking mga luha habang hinihintay ang resulta.Tutuk na tutok ang aking mga mata sa pregnancy kit at napaiwas lamang ako ng tingin doon ng magsimula ng magdalawang guhit ito. Napahilamos pa ang aking mga kamay sa aking mukha at napahagulhol na lang ako ng iyak. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na magwala dahil sa pagiyak. "Ma!!!Ma!!!Hindi ko gusto ko!!!Ayaw ko na ito Ma!!"Hagulhol ko kay mama na napaupo pa ako sa sahig ng banyo namin. Nagulat na din siguro si Papa dahil sa lakas ng iyak ko kaya binuksan na din nito ang pinto ng banyo na hindi naman nakalock. "Sunny anak sabihin mo sa amin,sino ang nakabuntis sayo?"mahinahong tanong ni Mama. "Hindi ko kilala Ma! Tanggalin niyo na lang ito dito sa tiyan ko dahil ayaw ko nito.Parang awa niyo na!"Iyak na iyak pa din ako at alam ko na naaawa na sa akin si Mama at Papa dahil sa hitsura ko.Labing walong taon at halos ngayon ko pa nga lang naiintindihan ang mga bagay bagay tapos nabuntis kaagad ako at ni hindi ko nga alam kung anong pangalan ng tatay nito . "Sunny!!!Anong pinagsasabi mo??Buhay yang nasa tiyan mo.Hindi mo ipapatanggal iyan?Ngayon sabihin mo sa Amin sino nakabuntis sayo ?"Tanong ni Papa sa mahinahong salita. "Hindi ko nga siya kilala Papa! Magiging miserable ang buhay ko dahil sa batang ito Pa."Hagulhol ko pa din sa kanila. Tinulungan ako ni Papa na makatayo at dinala ako nito sa kwarto namin ni Rica. Pinaupo ako nito maayos ,saka ako kinausap ng masinsinan.Andoon din si Mama na nakaupo sa tabi ko "Sunny ,sabihin mo kay Papa ang totoo.Hindi ako magagalit dahil uunawain ko ang lahat ng nangyari sayo.Alam ko kung gaano ka kabuting bata.May kinalaman ba yan sa paglaya ko?"Napatingin ako kay Papa dahil sa sinabi nito kaya mas lalo ako napahagulhol ng iyak. "Pa!!!!Papa!!!I'm sorry!!!Hindi ko kayo kayang tiisin na nasa kulungan at hindi ko kayang makita na umiiyak si Mama.Inalok ako ng one night stand ng lalaking pinagkakautangan niyo sa halagang isang milyon kaya pumayag ako.Isang gabi lang yun Papa at hindi ko alam na mabubuntis ako.Sorry po Papa!Di ko gusto ito Pa!"Paghikbi ko kay Papa.Niyakap ako ng mahigpit ni Papa at alam ko na gusto niyang sisihin ang sarili niya. "No anak I'm sorry!Hindi ko alam na gagawin mo ang bagay na iyan.Kung alam ko lang hahayaan ko ng mabulok ako sa kulungan.Pero nandito na ito .Wag Kang mag-alala tutulungan ka namin ni Mama mo.Itutuloy mo ang pagbubuntis mo sa ayaw at sa gusto mo.Walang kasalanan ang batang andyan sa sinapupunan mo para hindi natin iparanas sa kaniya ang mabuhay sa mundo.Sige na anak mag-ayos ka ng sarili mo at magpahinga.Ipagluluto ka namin ni Mama mo."Alam ko at ramdam ko na gusto na ding maiyak ni Papa pero pinalalakas niya lang loob niya sa harap ko. Niyakap din ako ni Mama at alam Kong naaawa din ito sa kalagayan ko.Kilala nila ako na Hindi ako basta -basta sumasama sa mga lalaki at alam Kong napansin na kaagad nila na nagsisinungalin na ako nung una pa lang.Alam nilang marami akong pangarap sa buhay para sa pamilya namin kaya hindi ko magagawa magpabuntis sa kung sino lang.Kaya hindi sila nagagalit sa akin sa umpisa pa lang dahil may hinala na silang may kinalaman sa paglaya ni Papa ang pag-alis ko at ang mga nangyayari sa akin simula nung umuwi ako ng bahay. Dahil sa pangyayaring ito ,napagkasunduan nina Mama at Papa na ibenta na ang bahay at lupa namin at lumipat kami dito sa Siquijor sa probinsya nina Mama. Inilayo muna ako ng mga magulang ko sa mga kakilala ko sa Manila para hindi ako mastress sa pagbubuntis.Nagpasya sila na itigil ko muna ang pag-aaral ko at pagkapanganak ko na lang ituloy. Sa probinsya malayo ako sa tsismis.Hindi ako mapaguusapan dahil tanging Lola ko lang at iyong isang mag-anak ng kapatid ni Mama Ang nasa lugar na tinitirahan namin.Medyo malayo layo kami sa mga kabahayan at tanging pagsasaka ang ikinabubuhay ng mga tao dito. Malawak ang lupain ng Lola ko at kung magsisipag lamang kami ay tiyak na mabubuhay kami dito. Ibenenta din ni Papa ang tricycle niya sa Manila at ang lahat ng mga gamit namin doon at ibinili niya nang pangpasaherong jeep para may mapapagkitaan siya dito sa probinsya. Hindi kami nagpatayo ng bahay dito dahil malaki ang bahay ng Lola namin at nagiisa lamang ito doon.May sariling bahay ang mag-anak ng kapatid ni Mama kaya tuwang-tuwa si Lola dahil may makakasama na siya sa bahay niya lalo na at matanda na ito. Bagaman hindi kami sanay sa buhay probinsya ,masasabi Kong masarap nga pala tumira dito.Tahimik ,malayo sa gulo ,walang social media na kapupulutan mo lamang ng tsismis,sariwa ang hangin at para Kang nasa paraiso sa ganda ng paligid.Mapuno ,madaming prutas at libreng -libre pa. Kahit ang mga maliliit Kong kapatid ay nawiwili dahil wala silang ginawa kung hindi maghabulan sa takip-silim.Malayang-malaya sila makapaglaro sa labas dahil sa malawak na bakuran na mayroon kami dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD