"Naku, maraming salamat sa mga regalo niyo sa kay Cahya. Bale ako na tatanggap sa mga ito." Mabilis na kinuha ni Sab ang mga regalo sa mga lalaki na nasa harapan namin. Bago pa ako makapagprotesta ay parehong nakangiti ang dalawang lalaki habang nakatingin kay Sab.
"Naku, Sab, maraming salamat. Buti naman ngayong taon ay tumatanggap ng regalo si Cahya," sabi ng isang lalaki na napakalaki pagkakangiti habang nakatingin sa akin at ganoon din ang isa niyang kasama na tumango-tango pa.
"A-aah e-eh.." Magsasalita pa sana si Sab na pabalik-balik ang tingin sa akin at sa dalawang lalaki na parang problemado kasi halata na sa mukha ko ang pagkabusangot.
"Naku, mauuna na kami sa inyo Cahya. Gagawin pa kasi namin iyong assignment namin. Talagang hinintay ka lang namin sa gate para kami ang unang magbigay ng gift sayo dito sa school." Paalam ng dalawang lalaki sa amin.
"Sandali --," hindi na natuloy ni Sab ang sasabihin dahil tumakbo na palayo ang dalawa habang ako ay naiwan na nakatingin kay Sab ngayon.
Napabuntong hininga ako. Parang lalo ata akong mastre-stress ngayong araw dahil sa mga susunod na mangyayari. Nararamdaman ko na talaga.
"Sorry, friend." Napakamot si Sab habang pilit na ngumisi sa akin.
"Sab, alam mo naman na hindi ako tumatanggap ng kung ano-ano lalo na regalo. Alam mo kung anong nangyayari sa akind iba?" Hindi ko mapigilang sabi kay Sab dahil naasar talaga ako lalo na ngayong wala akong tulog. Medyo mabigat ang pakiramdam ko.
"Sorry na, atin na lang ito kasi hindi na natin ito maisasauli," tingnan niya ang nasa loob.
"Hindi na talaga natin iyan maisasauli dahil hindi naman natin kilala kung sino nagbigay. Jusko, nakakahiya pang tumanggap ng ganyan, Sab naman." Nailing na lang ako kasi napawow pa siya habang tinitignan ang loob ng paper bag na puno ng chocoloates.
Iniwan ko na si Sab at nagsimula na akong maglakad dahil umiinit ang ulo ko. Dati pa man ay hindi na talaga ako tumatanggap ng regalo dahil kung ano-ano ang natatanggap ko, sobrang nahihiya ako tumanggap ng isang bagay lalo na't hindi ko pa kilala ang nagbigay.
"Andaming chocolates Cahya. Omg, may kakainin tayo. Hoy--." hindi ko siya pinansin pero hindi niya ako titigilan. "Promise, di na ako tatanggap ng ibang bigay at hindi naman siguro kakalat sa iba na tumanggap ka ng regalo." Siguradong-sigurado na sabi ni Sab sa akin.
"Hay naku, siguraduhin mo lang talaga na wala kundi lagot ka sa akin." Pagbabanta kong sabi pero bago pa kami lumiko sa pasilyo ay agad na may humarang sa dinadaanan namin, tatlo silang lalaki. Ang dalawa ay may hawak na paper bag na halatang pang regalo at ang isa ang isang bouquet ng bulaklak, sa edad namin ay hindi ko alam kung saan sila kumukuha ng pera nila.
"Cahya, Happy birthday." Sabay nilang bati sa akin na parang robot. Blangko ang mukha kong nakatingin sa kanila, naappreciate ko naman ang bati nila sa akin. Nararamdaman ko talagang masaya dila para sa birthday ko, they have a good aura.
"Thank you ha, pero hindi ko tatanggapin ang binibigay niyo sa akin. Sorry." Maliit ang ngiti kong sabi at sabay nilampasan sila.
"Sorry guys." Narinig kong sabi ni Sab sa kanila. Agad na sumunod sa akin si Sab. Mabilis ang lakad ko dahil malapit na magsimula ang klase namin.
Bago pa kami makapasok sa sa classroom ay nakita ko na ang tumpok ng tao na nakapaligid sa may upuan. Kumunot ang noo ko habang iniisip kung bakit sila nandyan.
"Iba talaga pag maganda," Narinig ko pang bulong ng isang kaklase ko na masama ang tingin sa akin na binalewala ko lang ng tingin.
Agad naman nagsialisan ang mga babae na nakikiusyuso sa upuan ko pero ang mga lalaki ay humarap lang sa akin at lahat sila ay purong nakangiti.
"Happy birthday, Cahya." Isa-isa nilang bati pero imbes na matuwa ako ay nag-init ata ang ulo ko dahil punong puno ng mga bulaklak at regalo ang upuan ko ngayon na parang may puon na binibigyan ng pugay.
"Mas madami ngayon ah kesa last year." Pagkomento pa ni Sab na kinasama ko ng tingin sa kanya. Nagkibit balikat lang ang gaga habang ako ay pinoproblema kung anong gagawin ko sa mga ito.
"Salamat sa mga bati niyo sa akin pero hindi ko tatanggapin ang mga ito. Please pakialis ito sa upuan ko." Ayokong magmukhang mataray at nag-iinarte.
"Pero Cahya, tumanggap ka ng regalo ng iba. Bakit iyong amin hindi mo tinatanggap?" Tanong pa ng isa kong kaklase na Jomar ata ang pangalan, nakanguso siya habang nakatingalang nakatingin sa akin, mas matangkad kasi ako sa kanya. Hindi ko siya masyadong nakakausap pero parati ko siyang nagiging kagrupo sa klase namin.
Napabuntong hininga ako dahil hindi ko alam ang isasagot. Si Sab naman kasi ang tumanggap sa mga regalo at hindi ako.
"Hindi ako tumanggap ng kahit na ano." Sambit ko.
"Good morning, what you doing guys?" Agad akong napalingon ng marinig ko ang pamilyar na boses ni Mr. Alterio.
Napatingin si Mr. Alterio sa mga bulaklak, chcolates at paper bags na nakasalansan sa upuan ko.
"Cahya, for sure hindi ka makakaupo sa upuan mo dahil mapipisat ang mga chocolates kaya lumipat ka na muna sa ibang upuan." Mabilis na sabi ni Mr. Alterio na kinahinga ko ng malalim. Umupo ako sa pinakalikuran, narinig ko ang mga murmur ng mga lalaking nagbigay ng chocolate sa akin pero hindi ko na pinansin.
Agad kong tinutok ang paningin ko sa klase ni Sir Alterio, mabuti na lang at kahit nasa likuran ako ay kitang kita ko siya dahil matangkad ako. Gumaan ang loob ko ngayong nakikita ko siya sa harapan ko.
Mabilis na lumipas ang oras kahit na maraming lumalapit sa akin ng mga nagbibigay ng regalo. May iba ding babaeng bumati sa akin na nagbigay ng regalo pero hindi ko tinatanggap. May ibang pinipilit talaga ako kaya lalong bumusangot ang mukha ko.
"Sab, kumain ka muna mag-isa ha. Alis lang ako," paalam ko kay Sab, alam naman niya kung saan ako pupunta. Parang dati lang, magtatago ako sa library o kaya kung saan hindi ako mahahanap.
Mabilis akong lumabas ng classroom namin habang dala-dala ang bag ko. Hindi ko kasi pwedeng iwan ang bag ko at baka mawala.
Tumakbo ako papunta sa kabilang building bago ako makarating sa library ay may nakita akong isang lalaki na nag-aantay sa may pintuan ng library at may lumabas naman sa library na may dala din katulad ng kasamahan nito.
Mabilis akong nagtago sa may mga tanim at nakinig sa usapan nila.
"Wala siya sa loob."
"Asan kaya si Cahya ngayon? Andito lang iyon parati sa library diba?"
Hindi ko na pinakinggan ang iba pa nilang pinag-usapan dahil sigurado naman akong ako ang hinahanap nila. Napalingon ako sa infirmary namin. Agad akong pumasok sa loob at agad na nagpaalam sa nurse.
Tutal medyo masama naman ang pakiramdam ko ay itutulog ko na lang ito ng isang oras. Paniguradong wala namang maghahanap sa akin rito.