Naalimpungatan ako at tumalikod ako ng higa ng marinig ko ang sarili kong alarm. Sakto ang gising ko, isang oras na pala akong natutulog. Parang nakabawi ako ng lakas ngayon kahit isang oras lang ang tulog ko. Nag-ingay ang kama na hinihigaan ko ngayon sa infirmary ng maupo ako, nasa gitna na ako ng paghihikab ng nanlaki ang mga mata ko dahil nasa harapoan ko si Mr. Alterio na nakatingin sa akin. Mabilis kong sinara ang bibig ko habang siya ay napangiti. "Sir?" patanong kong tawag sa kanya. "Andito ka lang pala kaya Cahya, maraming naghahanap sa'yo sa labas." Naupo si Mr Alterio sa isang upuan na kaharap ng higaan nito. May hawak-hawak siya medicine kit ngayon. Pinaikot ko ang mata ko sa sinabi niya, siguro hanggang mamaya na ako magtatago dito. Mas mabuti pang dito na lang ako kesa ku

