Tumambay pa si Sab sa bahay hanggang ala syete bago umuwi, siya ang unang gumamit ng laptop at cellphone ko na hindi ko pa nabubuksan o nagagamit. Kaya kanina siya na ang nagset up ng lahat. Inayos ko na ang mga ginulo ni Sab sa kwarto ko, nilagay ko na lang muna sa study table ko ang laptop at cellphone na parehong nakapatay. Bibuksan ko ang backpack ko para ilabas ang mga libro at notebook ko para sa assignements namin ng mapansin ang isang magandng maliit na box na kulay gold rose. Nakakunot naman ang noo kong kinuha ang pendant sa bag ko. Paanong may ganito sa bag ko? Sino kaya ang naglagay nito sa loob ng hindi ko napapansin? Binuksan ko na ang box at kinabigla ko ang nasa loob, isang white gold necklace at may may maliit doon na pendant. Tinitigan ko ang pendant, ito ay bilugan a

